Lunes, Hunyo 22, 2020

BAKIT ANG MGA PARI HINDI MAG-AASAWA CELIBACY






HINDI PAGAASAWA NG KAPARIAN AT MADRE (CELIBACY)

***
BATIKOS NG INC AT IBANG SEKTA..
PINAGBABAWALAN DAW NATIN ANG MGA TAO NA MAG ASAWA, LABAG DAW ITO SA KUTUSAN NG DIYOS SA BIBLIYA..

SAGOT KO:

MAGKAIBA HO ANG WORD NA "PINIGILAN" SA WORD NA "PINILI"

MAY FREE WILL ANG BAWAT TAO..
ANG HINDI PAGAASAWA NG PARI AY HINDI DOKTRINA NG AMING SIMBAHAN.. KUNDI ISA ITONG DISCIPLINE SA MGA TAO NA GUSTONG PILIIN ANG GANITONG PAGUUGALI ALANG ALANG SA DIYOS..

MALI ANG PARATANG NILA.. NA PINAGBABAWALAN DAW NATIN ANG PARI NA MAGASAWA :)

PWEDE DIN TAYO MAGLINGKOD NG MAY ASAWA.. AT ANG PAGAASAWA HO AY HINDI TINUTUTULAN NG SIMBAHAN

SA KATUNAYAN.. MERON TAYONG FREE WILL KUNG ANONG GUSTO NATING BOKASYON SA BUHAY

IKA-NGA NI APOSTOL PABLO

1Corinthians 7:38:
"THE ONE WHO MARRIES HIS VIRGIN DOES WELL; the one who DOES NOT MARRY her will DO BETTER."

MAS BETTER DAW ANG WALANG ASAWA... SO BAKIT?? :) BASAHIN NATIN ANG NAUNANG KARUGTONG

(1 Corinthians 7:32-34)

 32 - But I want you to be free from concern. One who is UNMARRIED is CONCERNED ABOUT THE THINGS OF THE LORD, how he may please the Lord;

33 - but one who is married is concerned about the things of the world, how he may please his wife,

34 - and his interests are divided. The WOMAN WHO IS UNMERRIED, and the VIRGIN, CONCERNED ABOUT THE THINGS OF THE LORD, that she may be holy both in body and spirit; but one who is married is concerned about the things of the world, how she may please her husband.

KITAMS.. PINALIWANAG NI PABLO ANG KAIBAHAN NG MAY ASAWA.. SA KATULAD NIYANG WALANG ASAWA

DAHIL MAY MGA TAO.. NA MAS GUSTO PANGLINGKURAN ANG DIYOS NG HIGIT PA..

PARA SA MGA MAY KASINTAHAN DIYAN AT ASAWA..
 HINDI MASAMA ANG PAGAASAWA.. INUULIT KO.. "HINDI MASAMA".. SAPAGKAT ITO AY MABUTI SA PANINGIN NG DIYOS, :)

AT MAS LALONG HINDI MASAMA ANG "HINDI PAGAASAWA" NA BUONG BUHAY MO LANG PINAGLILINGKURAN ANG DIYOS.. KAHIT ILAGAY MO ANG SARILI MO SA KALAGAYAN NG DIYOS SIGURO SOBRANG GALAK ANG MAKUKUHA MO SA TAONG TINALIKURAN ANG LAHAT NG KASIYAHAN NIYA AT BUONG BUHAY KA LANG PINAGLILINGKURAN :)

KAYA ANG MGA KAPARIAN NAMIN AT MADRE AY "PINILI"
PINILI NILA MAGING "TANGING SENTRO" ANG DIYOS SA BUHAY NILA

HINDI PINILIT !! :) MAGKAIBA ANG PINILIT AT PINIGILAN SA WORD NA "GINUSTO" O' "PINILI"

DAHIL ANG WORD NA "GINUSTO AT PINILI" AY KAHULUGAN NG SALITANG "FREE WILL"

PINILI KASI NILANG SUNDIN ANG TAGUBILIN NG PANGINOONG HESUS SA (Matthew 22:37)

"LOVE THE LORD YOUR GOD
 with ALL YOUR HEART
with ALL YOUR SOUL
and with ALL YOUR MIND.'"

THINK ABOUT IT.. KAPAG SINABI BANG "WITH ALL" IBIGSABIHIN BA SA ASAWA MO YUNG KALAHATI ?? SASABIHIN MO BA SA ASAWA MO NA

"BUONG PUSO KITANG MAMAHALIN" ..

"TILL DEATH DO AS PART TAYO"

"IKAW LANG LAMAN NG PUSO AT ISIP KO WALA NG IBA"

AT ANG PABORITO.. AT SIKAT NA WORDS NGAYON SA KABATAAN NA

"IKAW LANG SAPAT NA"

HA HA HA!

PERO ANG MGA MADRE AT PRIEST NATIN KAHIT NA MAY FREE WILL SILANG MAG ASAWA..  TINALIKURAN NILA ANG MGA BAGAY NA IYON

MAS PINILI NILANG SA DIYOS NILA SABIHIN ANG MGA YAN..

PINILI NG MGA PRIEST AT NG MGA MADRE.. NA MAHALIN ANG DIYOS NG WALANG HINIHINGING KAPALIT NG BUONG PUSO, ISIP AT KALULUWA..

*******CELIBACY, BIBLICAL OR NOT*******

ALAM NG MG MINISTRO NG IBANG SEKTA NA SI HESUS AY WALANG ASAWA.. AT HINDI SIYA NAG ASAWA

 BAGKUS.. TINURUAN NIYA PA ANG MGA APOSTOL NA "TULARAN NIYO AKO"

KAYA NAMAN MODELO SI HESUS NG AMING KAPARIAN.. NA MAGING "TANGING DIYOS" ANG SENTRO NG BUHAY NILA

AT UTOS NI HESUS.. NA ANG GUSTONG SUMUNOD SA KANYA AY DAPAT "KALIMUTAN ANG SARILI AT PUMAPASAN NG KRUS AT SUMUNOD SA KANYA"

(MATTHEW 16:24)
 Kung ang sinomang tao'y ibig sumunod sa akin ay tumanggi sa kaniyang sarili, at pasanin ang kaniyang krus, at sumunod sa akin.

 IT MEANS.. TALIKURAN MO ANG LAHAT NG KASIYAHAN MO SA BUHAY O' YAMAN NG MUNDO..

 GIRLFRIEND O' ASAWA.. TRABAHAO.. LUHO... KAYAMANAN... ETC

AT SABI AY

"PUMASAN KA NG KRUS! AT SUMUNOD SA AKIN"

GAYA NG PAGPASAN NI HESUS SA PAGLILINGKOD SA KALOOBAN NG KANYANG AMA AT PARA SA TAO.. KINALIMUTAN NI HESUS ANG KANYANG SARILI BILANG ISANG HARI AT KAPANTAY NG DIYOS.. KINALIMUTAN NIYA IYON AT PUMASAN NG KRUS

SI HESUS LANG NA IYONG DIYOS ANG GAGAWIN MONG SENTRO O' MODELO NG IYONG BUHAY.. MAG FOFOCUS KA SA KANYANG KALOOBAN..

AT DIYAN ULIT PAPASOK ANG SALITANG
 "MAHALIN MO ANG DIYOS NG BUONG PUSO, ISIP AT KALULUWAN"

DAHIL SI HESUS, HINDI SIYA PUMARTIO SA MUNDO PARA MAGPAKASASA SA YAMAN NG MUNDO.. BAGKUS NANDITO SIYA DAHIL BUONG PUSO, ISIP AT KALULUWA SIYANG MAGLILINGKOD

KAYA NAMAN TINURUAN ANG APOSTOL NA TULARAN SIYA NA SUMUNDO SA KANYA.. KATULAD NI APOSTOL PEDRO

MATEO 19:27
“Narito! Iniwan na namin ang lahat ng mga bagay at sumunod sa iyo.”

AT GANUN DIN ANG IBANG APOSTOL.. PINANGARAL NILA ANG GANITONG PAGUUGALI..

1 Corinthians 7:34
"..ang walang asawa at ang dalaga, ay nagsusumakit sa mga bagay ng Panginoon, upang siya'y maging banal sa katawan at sa espiritu man"

SEE.. KAHIT DAW SA MGA BABAE.. ITO AY MAKAKABUTI SA KANYANG KABANALAN..

ITO ANG UTOS NI KRISTO..

(MATTHEW 19:12)
"For some are EUNUCHS (HINDI NAG-AASAWA) because they were born that way; others were made that way by men; and others have renounced marriage because of the kingdom of heaven. The one who can accept this should accept it."

PAKI PANSIN ANG SINABI NG PANGINOON SA BANDANG GITNA AT HULI NG TALATA

SABI NIYA..

, "AT MAYROONG ITINAKWIL ANG PAG-AASAWA  DAHIL SA KAHARIAN NG LANGIT. SIYA NA MAKATATANGGAP NITO AY  DAPAT TANGGAPIN IYON." mateo 19:12

IYAN PO ANG MGA PARI AT MGA MADRE:
 ITINAKWIL NILA ANG PAG-AASAWA PARA SA KAHARIAN NG LANGIT. PINILI NILA NA MAHALIN ang DIYOS NG BUO NIILANG PUSO, BUO NILANG KALULUWA, AT BUO NILANG ISIP. (MATEO 22:37)

BALIK ULET TAYO SA APOSTOL..
TINURUAN PA NGA NG APOSTOL ANG MGA TAGA CORINTO.. NA MABUTI ANG WALANG ASAWA "TULAD KO".. NA NAG FOCUS SA DIYOS NA NAGLILIGKOD LAMANG BUONG BUHAY!

1 Corinthians 7:8, "
Ngayon, sa mga WALANG ASAWA at sa mga biyuda, sinasabi ko: MABUTI para sa kanila na MANATILING WALANG ASAWA, tulad ko."

SEE..  KANINA AY NAPALIWANAG KO NA KUNG BAKIT NA MAS BETTER ANG WALANG ASAWA... MALINAW NA KAHIT ANG APOSTOL NA SI PABLO AY WALANG ASAWA.. SIYA AY NAGLILINGKOD BUONG BUHAY....

1 Corinto 11:1
Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Cristo.

NA DAPAT NATIN TULARAN.. DAHIL TINUTULARAN NIYA SI KRISTO :)

Martes, Setyembre 17, 2019

IDOLATRY

IDOLATRY 1/5
🔴 COMPARISON OF IDOLS AND SACRED IMAGES
.
✅ TALAGA PONG HANGGANG NGAYON HINDI NAUUNAWAAN NG ATING MGA KAPATID SA LABAS NA ANG GINAGAWA SA REBULTO O IMAHE,  DIUSDIOSAN MAN ITO O SACRED IMAGES AY MAGKAPAREHO LAMANG NA GAWA NG KAMAY NGUNIT MAGKAIBA ANG PAKAY.
.
✅ KAYA NGA HINDI MO PUWEDENG SABIHING DIUSDIOSAN ANG REBULTO NG PANGINOONG JESUS, NG INANG MARIA AT NG MGA MARTIR O SANTO.
.
➖➖➖
.
❌ BULAKLAK PARA SA DIUSDIOSAN
✝️ Mga Gawa 14
[13]Nasa bungad ng lunsod ang templo ni Zeus, at nang mabalitaan ng pari ni Zeus ang nangyari, nagdala siya ng mga TORONG MAY KUWINTAS NA BULAKLAK sa may pintuan ng lunsod upang ialay sa mga apostol bilang handog niya at ng bayan.
.
✅ BULAKLAK PARA SA SANTUWARYO
✝️ Exodo 25:33-34
[33]Bawat sanga'y lagyan mo ng TATLONG MAGAGANDANG BULAKLAK na parang almendra, may usbong at may talulot.
[34]Ang tangkay naman ay lagyan mo rin ng APAT NA BULAKLAK na tulad ng nasa sanga.
(1Hari 6:18; 6:29; Ex.25:31,34, 37:17,19,20; Bilang 8:4; 1Hari 6:18,29,32,35; 7:19,26,29,49; 2Cro 4:5,21
.
➖➖➖
.
❌ ALTAR PARA SA DIUSDIOSAN
✝️ 1 Mga Hari 11
[8]Ipinagpagawa niya ng kanya-kanyang mga ALTAR ANG MGA DIYUS-DIYOSAN ng lahat niyang mga asawang dayuhan, at ang mga ito'y nagsunog doon ng insenso at naghain ng mga handog.
(Lev. 26:30; Deut 7:5, 12:3; Hukom 17:5, 18:30; 1Hari 11:8; 2Hari 23: 9,13,20, 2Cro.14:3, 13:8; 33:15; 34:4; Isias 17:8; 27:9; 57:5; Jer.11:13; Ez.6:4,5, 8:5, Hos 12:11, 1Mac 2:15, 5:68.)
.
✅ ALTAR PARA SA SANTUWARYO
✝️ Mga Hebreo 9
[4]Naroon ang gintong ALTAR NA SUNUGAN NG INSENSO at ang Kaban ng Tipan, na nababalutan ng ginto. Nasa loob ng Kaban ang sisidlang-ginto na may lamang manna, ang tungkod ni Aaron na nagkaroon ng usbong, at ang mga tapyas ng bato na kinasusulatan ng Tipan.
(Ex.40:5; Lev16:20,33; 21:33; Bilang 3:31; 18:3; 1Cro.28:18; 2Mac 2:5; Isias 16:12; Judith 8:24; Lucas 1:11; Roma 11:3)
.
➖➖➖
.
❌ TEMPLO NG DIUSDIOSAN
IDOLATROUS
 • Of Dagon, at Ashdod
1 Samuel 5:2
 •  Of the calves, at Beth-el
1 Kings 12:31,33
 •  Of Rimmon, at Damascus
2 Kings 5:18
 •  Of Baal, at Samaria
2 Kings 10:21,27
 •  At Babylon
2 Chronicles 36:7; Daniel 1:2
 •  Of Diana (Artemis), at Ephesus
Acts 19:27
 •  Trophies stored in
1 Samuel 31:10; 1 Chronicles 10:9,10; Daniel 1:2
.
.
✅ TEMPLO NG DIYOS
SOLOMON'S
 • Also called TEMPLE OF THE LORD
2 Kings 11:10
 •  HOLY TEMPLE
Psalms 79:1
 •  HOLY HOUSE
1 Chronicles 29:3
 •  HOUSE OF GOD
1 Chronicles 29:2; 2 Chronicles 23:9
 •  HOUSE OF THE LORD
2 Chronicles 23:5,12; Jeremiah 28:5
 •  FATHER'S HOUSE
John 2:16
 •  HOUSE OF THE GOD OF JACOB
Isaiah 2:3
 •  HOUSE OF MY GLORY
Isaiah 60:7
 •  HOUSE OF PRAYER
Isaiah 56:7; Matthew 21:13
 •  HOUSE OF SACRIFICE
2 Chronicles 7:12
 •  HOUSE OF THEIR SANCTUARY
2 Chronicles 36:17
 •  HOLY AND BEAUTIFUL HOUSE
Isaiah 64:11
 •  HOLY MOUNT
Isaiah 27:13
 •  MOUNTAIN OF THE LORD'S HOUSE
Isaiah 2:2
 •  PALACE
1 Chronicles 29:1,19
 •  SANCTUARY
2 Chronicles 20:8
 •  TABERNACLE OF WITNESS
2 Chronicles 24:6
.
➖➖➖
.
❌ INSENSO SA DIUSDIOSAN
Offered in idolatrous worship
1 Mga Hari 11:8 Ipinagpagawa niya ng kanya-kanyang mga altar ang mga diyus-diyosan ng lahat niyang mga asawang dayuhan, at ang mga ito'y nagsunog doon ng insenso at naghain ng mga handog.
(cf. 2King 12:3, 14:4, 15:4, 35; 16:4, 23:35 2Cro.34:4; Isaias 17:8, 27:9, 66:3, Jeremiah 41:5; Ezekiel 8:11, 6:4.6; Lev 26:30; Hosea 2:13, 11:2)
.
.
✅ INSENSO SA SANTUWARYO
INCENSE
✝️ Exodus 30:34-35
[34]And the LORD said unto Moses, Take unto thee sweet spices, stacte, and onycha, and galbanum; these sweet spices with pure frankincense: of each shall there be a like weight:
[35]And thou shalt make it a perfume, a confection after the art of the apothecary, tempered together, pure and holy:
.
✅ INCENSE OF ALTAR
 • FIGURATIVE
 • Of prayer
Psalms 141:2
 •  Of praise
Malachi 1:11
 •  Of an acceptable sacrifice
Ephesians 5:2
.
Incense: Presented by the wise men to Jesus Mt 2:11
.
Incense: Offered morning and evening Ex 30:7,8; 2Ch 13:11
.
.
SEE❗️
KUNG ANO MERON ANG IDOLS GANUN DIN ANG MGA SACRED OR RELIGIOUS IMAGES, ICON.
.
✅ ANG KAILANGAN NATING ALAMIN AY KUNG SINO ANG NIREREPRESENT NG IMAHE O REBULTO❓
.
.
❌ ANG NANGYAYARI KASI NGAYON NA SINASABI NG ATING MGA KAPATID SA LABAS NG IGLESYA NA LAHAT LAHAT NA LANG NG GINAGAWA SA MGA SACRED IMAGES O REBULTO AY IPINAPALAGAY NILANG DIUS-DIOSAN.
.
✅ KAYA KAPAG NAGSALITA AT NAGTANONG SILA NAKAPALOOB NA KAAGAD SA ISIPAN NILA NA DIUS-DIOSAN ANG MGA REBULTO SA KATOLIKO. (CONCLUDED AGAD)
.
❌ KAYA KARANIWAN MONG MARIRINIG SA KANILA ❗️
"BAKIT KAYO SUMASAMBA SA DIUS-DIOSAN❓”
.
❌ YAN ANG ISANG NAPAKALAKING PAGKAKAMALI NA SABIHIN NATING IPINAGBABAWAL ANG PAGGAWA NG LAHAT NG REBULTO AT GAGAMITIN ANG EXODO 20:4 PATI NA ANG IBANG MGA TALATA SA BIBLIYA NA TUMUTUKOY SA MGA DIUSDIOSAN AT IKUKUMPARA SA MGA SAGRADONG IMAHE OR ICON
.
✅ DAHIL KUNG TUTUO NA BAWAL GUMAWA NG IMAHE SA LANGIT O SA LUPA BAKIT NAGPAGAWA ANG DIYOS NG IMAHE NG KERUBIN NA SIYANG BANTAY SA PARAISO SA LANGIT❓
.
✝️ "Lalagyan mo ng dalawang kerubing ginto ang dalawang  dulo nito." (Exodo 25:18)
.
✝️ Ezekiel 41:18-19 may mga nililok na kerubin at palma;  bawat kerubin ay may dalawang mukha 19 mukha ng
taong nakaharap sa palma sa isang panig at mukha ng leong nakaharap sa palma sa iba pang panig sa pali-
paligid ng Bahay.
.
✝️ Bilang 21:8 at sinabi sa kanya ni Yawe: "Gumawa ka nang isang ahas na apuy-apuyan' at ilagay sa isang
poste, at mabubuhay ang sinumang natuklaw ng ahas at  tumingin dito."
.
✅ So maliwanag na hindi bawal ang imahe at rebulto  dahil kung absolutong bawal bakit may mga imahe at  rebulto pa na ipinagawa ang Diyos. Ang may dipirensiya ay ang pang-unawa ng mga sulpot na sekta na against sa imahe o rebulto.

Huwebes, Setyembre 13, 2018

BANAL NA SANTALO TALONG PERSONA SA IISANG DIYOS. HOLY TRINITY



TATLONG PERSONA SA IISANG DIYOS


Ang isang katoliko nung araw na siya ay binyagan, siya ay binautismuhan sa ngalan   ng Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo. At kung susuriin maigi, ang ibig   sabihin ay tatlong Diyos ang sinasamba ng mga katoliko. Hindi po, iisa lang ang   Panginoon Diyos gaya ng sinamba ng mga ninuno. Ang Diyos ni Abraham ay siya   rin  Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Isaac ay siya rin Diyos ni Jacob. Iisa lang rin ang   Diyos  na sinamba ni Moises at ng mga Israelita at ganoon din ng mga Propeta. At   bilang isang katoliko ganoon din ang ating paniniwala, Iisa lamang ang Panginoon   ngunit ito ay may tatlong persona dahil ang bawat isa ay may kanya-kanyang   tungkulin. Tinatawag itong Banal na Santatlo o Holy Trinity, Tatlong persona sa   iisang Diyos.
 Mababasa sa ebangheliyo ni San Mateo, Mt. 3:16-17 Nang mabautismuhan si Jesus,   umahon siya sa tubig. Nabuksan ang langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos   bumaba sa kanya, gaya ng isang kalapati. At isang tinig mula sa langit ang nagsabi,  “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan!” Sa bersikulo na iyon ni   San Mateo naroroon lahat ang  persona ng Holy Trinity.
 Ang tinig na narinig mula sa langit ay walang iba kundi ang Diyos Ama na   kumakatawan sa unang persona, si Jesus ang kumakatawan sa ikalawang persona   na bugtong na anak ng Diyos. At ang Espiritu Santo na bumaba na gaya ng isang   kalapati ang kumakatawan naman sa ikatlong persona. Para mas maunawaan   mabuti, ibibigay ko ang aking makakaya upang maipaliwanag ng maayos, Ang   Unang Persona, ang Diyos Ama, siya ang makapangyarihan sa lahat, ang may-akda   ng paglikha. Sumunod ang Ikalawang Persona, Ang Diyos Anak, siya ang bugtong   na anak na sinugo ng Diyos Ama at naparito upang ipahayag ang mabuting balita at   ipairal na may totoong Diyos. Siya ay walang iba kundi ang ating Panginoon Jesu-   Cristo. At ang huli ang Ikatlong Persona, ang Diyos Espiritu Santo, pagkatapos   mabuhay muli at bago umakyat sa langit si Jesus, ipinangako niya sa kanyang mga   Apostol ang pagbaba ng Espiritu Santo, siniguro sila ni Jesus na lagi pa rin siyang   nasa tabi nila kahit siya ay babalik na sa kinaroroonan ng Ama sa pamamagitan ng   patnubay ng Espiritu Santo. Sana ay naipaliwanag ko ito ng maayos.
 Bagamat may kanya-kanyang tungkulin, wala ni isa sa kanila ang lumamang o mas   nanaig, dahil sila ay pantay-pantay. Pinaparangalan nila ang bawat isa. Hindi sila   katulad ng 3-in-1 na kape, bagamat binubuo ng 3 particles, kape, krema at asukal sa   iisang sachet o lalagyan subalit pag nilagyan mo na ng mainit na tubig at ihalo,   hindi mo na matutukoy kung alin ang kape, krema o asukal.
Image
Ang Diyos Ama ay hindi Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo.
Ang Diyos Anak ay hindi Diyos Espiritu Santo at Diyos Ama.
Ang Diyos Espiritu Santo ay hindi Diyos Ama at Diyos Anak.
subalit sila ay iisa dahil sila ay nagkaka-isang pamilya.
Tayong mga Katoliko kapag tayo ay nagdadasal ang unang ginagawa natin ay nag aantanda o sign of the cross, binabanggit natin sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Kaya nabuo rin ang dasal na Credo o Sumasampalataya dahil tayo ay naniniwala na may tatlong persona sa Iisang Diyos.
PANALANGIN:
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya naman ako kay JesuCristo, iisang anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo; ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato; ipinako sa krus, namatay at inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumula ang paririto’t huhukom sa nangabuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga Banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan. Sa pagkabuhay na mag-uli ng mga nangamatay na tao. At   sa buhay na walang hanggan. Amen. Sa ngalan ng                                                          Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

Ayon sa mga Jehovah Witness: Sa sulat ng kanilang Magasin
SINASABI ng mga taong naniniwala sa turo ng Trinidad na ang Diyos ay binubuo ng tatlong persona​—ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu. Sinasabing ang tatlong personang ito ay magkakapantay, makapangyarihan-sa-lahat, at walang pasimula. Kung gayon, ayon sa doktrina ng Trinidad, ang Ama ay Diyos, ang Anak ay Diyos, at ang Banal na Espiritu ay Diyos, ngunit iisa lamang ang Diyos.

Marami sa mga naniniwala sa Trinidad ang umaamin na hindi nila kayang ipaliwanag ang turong ito. Gayunman, baka inaakala nilang itinuturo ito ng Bibliya. Kapansin-pansin na ang salitang “Trinidad” ay hindi kailanman lumitaw sa Bibliya. Pero masusumpungan ba sa Bibliya ang ideya ng Trinidad? Upang masagot ang tanong na ito, tingnan natin ang isang kasulatan na madalas banggitin ng mga nagtataguyod ng Trinidad. 

Sagot: 

 Ang Diyos ay iisa lamang, at may tatlong persona: Ama, Anak at Espiritu Santo.  Alam kong magaling kayong magkwenta ng mga binabayad sa inyo at panukli ninyo sa iba, ang addition at subtraction ay talagang master na ninyo. Ano ang sagot sa simpleng 1 + 1 + 1 = ? Tatlo ba? Mali. Ang sagot ay isa (1).  Sa Misteryo ng Banal na Santatlo ang kalkulasyon sa 1 + 1 + 1 = ay  1 pa rin.  Sila ay talo ngunit iisa.  Magulo ba? Kung kayo ay naguguluhan na.  Kayo ay aking binabati, welcome po sa misteryo ng Banal na Santatlo. 


Ang Diyos Ama
Ang Diyos Ama ang tinatawg na unang Persona sa Banal na Santatlo. Siya ang Dakilang Manlilikha ng mundo. Atin Siyang mababasa sa Matandang Tipan na lumikha ng daigig at ng tao na kanilang kawangis at kalarawan.  Siya ang pinagbubukalan ng lahat ng bagay na umiiral. Ating mababasa ang kanyang kabutihan, kapangyarihan, katapatan at pagmamahal sa mga Israelita.  Siya ang Diyos nina Abraham, Moises, at Jacob. Siya ang Diyos ng pagkikipag tipan at pakikipag ugnayan.

Resulta ng larawan para sa jesus photoIkalawa, sa Kanyang mga gawain at misyon.  Pagpatawad ng mga kasalanan, pagpapagaling ng mga maysakit at pagbuhay sa mga patay ay ilan lamang sa Kanyang mga gawain at misyon.  Siya ay nabatikos ng mga Pariseo at Saduceo, kung bakit Siya nagpapagaling kahit Araw ng Pamamahinga (Sabbath Day).  Tayo man dito sa palengke, madalas na nakakaligtaan ang araw ng Lingo bilang araw ng pagsisimba.  Patuloy ang ating hanap buhay, kayod kalabaw ika nga.  Para kay Hesus hindi hadlang ang Araw ng Pamamahinga upang gumawa ng mauti sa kapwa.  Ngunit wag nawa natin gawing dahilan na makaligtaan ang magsimba. 


Ikatlo, ang pakikipagrelasyon niya sa kanyang Ama.  Isang espesyal na pagtatangi ng Anak sa kanyang Ama.  Si Hesus ay patuloy na nakikipag ugnayan sa Ama.  Sa Kanyang pag-iisa, sa Kanyang mga panalangin.  Ang masarap pa nito’y hindi Niya sinarili ang Kanyang Ama.  Ito’y kayang ibinahagi sa atin. Ama Niya – Ama Namin – Ama Natin.  Alam kong marami sa inyo dito ay patuloy na nagsusumikap, nagsisipag at nangangarap dahil sa mga anak.  Ang anak ang siyang natatanging inspirasyon at lakas.  Sa ngalan ng marangal na pagtitinda dito sa palengke ang siyang dudugtong sa gutom na mga anak.  Anong saya at sarap sa pakiramdam ng isang magulang ang umuwi mula sa maghapon o magdamag na pagtitinda, at ang sasalubong sa iyo ay haplos ng anak na naghihintay.

 Ang Espiritu Santo 

Ang Espiritu Santo ang ikatlong Persona sa Banal na Santalo.  Siya ang tinatawag na Mang aaliw (Paraclete).  Siya ang Espiritu ng Diyos Ama at Diyos Anak.  Mula pa nuong paglikha ng Ama sa sandaigidigan, Siya ay naruon na.  Siya ang nagpabanal ng lahat ng nilikha ng Diyos.  Sa buhay ni Hesus, Siya man ay kasa-kasama ng Anak: Una, sa pagkakatawang tao ng Anak.  Si Maria ay nagdalang tao lalang ng Espiritu Santo.  Ikalawa, si Hesus ay sinilang, lumago sa karunungan at nagsimulang magmisyon sa pamamagitan ng pagpapabinyag niya kay San Juan Bautista sa Ilog Jordan,  mula sa langit ang Espiritu Santo ay sumakanya.  Ikatlo, sa Misteryo Paskal ni Hesus: Paghihirap, Pagkamatay sa Krus at Pagkabuhay na mag-uli.  Ang Banal na Espiritu ay kasa-kasama niya. 

Kaya’t ating masasabi na ang Diyos ay Diyos ng pakikipag relasyon ay pakikipag ugnayan.  Dito lumalabas na ang Ama ay may relasyon sa Anak.  Gayundin ang Espiritu Santo sa Anak.  Si Hesus ay ay Panginoon, Anak ng Diyos na puspos ng Espiritu Santo. 
Advertisements

Miyerkules, Setyembre 12, 2018

BANAL NA HAPUNAN LAST SUPPER LITERAL NA SI KRISTO MISMO




Hulagway ni Katoliko vs Biblia

“ANO ANG KAUGNAYAN NG BANAL NA HAPUNAN SA PANAHON NATIN NGAYON?”
Ang tinutukoy sa tanong ay ang 'Last Supper' o 'Huling Hapunan' na mababasa natin sa Juan 6:22-59. Napaka-importante ng hapunang ito dahil dito ibinigay ng Panginoong Hesu-Kristo ang kanyang sarili (literally) sa anyo ng tinapay at alak upang makasama ng kanyang mga tagasunod sa lahat nang panahon - at sino mang tumanggap sa kanya (sa anyo ng ostiya sa panahon natin) ay may buhay na walang hanggan ayon mismo kay Hesus:

Resulta ng larawan para sa BANAL NA HAPUNAN PHOTOJuan 6:51, 53-54 
Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain ng tinapay na ito. At ang tinapay ay ang aking katawan na ibibigay ko upang mabuhay ang sangkatauhan....Sinabi ni Jesus, Pakatandaan ninyo: malibang kainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. 54 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw.  

Nang gabi ding yun naganap ang unang Misa sa kasaysayan ng Simbahan (Institution of the Eucharist). Ibinilin ni Hesus na gawin ito bilang pag-alala sa kanya hanggang sa kanyang pagbalik:

Resulta ng larawan para sa BANAL NA HAPUNAN KATOLIKO PHOTO1 Cor. 11:23-26
Ito ang katuruang tinanggap ko sa Panginoon at ibinigay ko naman sa inyo: noong gabing siya'y ipagkanulo, ang Panginoong Jesus ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat at pinagpira-piraso iyon, at sinabi, "Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin." Matapos maghapunan, dumampot din siya ng kopa at sinabi, "Ang kopang ito ay ang bagong tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin." Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kopang ito, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kanyang muling pagparito. 

Makikita rin natin sa mga susunod na sitas na hindi lang "symbols" ang paniniwala ng mga kristiyano sa tinapay at alak, kundi literal na si Kristo mismo:

Resulta ng larawan para sa BANAL NA HAPUNAN KATOLIKO PHOTO1 Cor. 11:27-29 
Ang sinumang kumakain ng tinapay at umiinom sa kopa ng Panginoon sa paraang di nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon. 28 Kaya't dapat siyasatin ng tao ang kanyang sarili bago siya kumain ng tinapay at uminom sa kopa. 29 Sapagkat ang sinumang kumakain at umiinom nang hindi kinikilala ang kahalagahan ng katawan ng Panginoon ay kumakain at umiinom ng kahatulan laban sa kanyang sarili.
Kung simbolo lang ang tinapay at alak, walang katuturan ang babala ni San Pablo na ang tatanggap ng katawan at dugo ni Hesus na ‘di nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ni Hesus bukod pa sa kumakain at umiinom siya ng kahatulan sa kanyang sarili.

Napaka-importante ng pagdiriwang ng huling hapunan (Holy Mass) sa lahat ng panahon, kaya pati rin ang Pari na kumakatawan kay Hesu-Kristo ay kumakain din ng Banal na Ostiya.


Juan 6: 48-51
Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay. Kumain ng manna ang inyong mga ninuno nang sila'y nasa ilang, ngunit sila'y namatay. Narito ang tinapay na bumaba mula sa langit upang ang sinumang kumain nito ay hindi na mamatay. Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain ng tinapay na ito. At ang tinapay ay ang aking katawan na ibibigay ko upang mabuhay ang sangkatauhan.


MGA KATANUNGAN:

Bakit ang Simbahang Katoliko ay naniniwalang si Kristo ay tunay na naroon sa Eukaristiya?
Kaugnay na larawanAng himala ng pisikal na presensya sa atin ng Diyos sa atin sa bawat Misa ang pinakatunay na katibayan ng pag-ibig ni Kristo sa atin at ng Kanyang pagnanais na ang bawat isa sa atin ay magkaroon ng personal na ugnayan sa Kanya. Iba pang mga Kasulatan tungkol sa Tunay na Presensya ni Kristo sa Eukaristiya:

• (Juan 6: 53-56 RSV) (53) Sinabi ni Jesus, Pakatandaan ninyo: malibang kanin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. (54) Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. (55) Sapagkat ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin. (56) Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at ako naman sa kanya.”

• Sa salitang Aramaik na wika ng Ating Panginoon, parang sumasagisag na “kanin ang laman” o “inumin ang dugo” ng iba sa pakahulugang sila’y usigin o lapastanganin, tingnan ang mga sumusunod… (Awit 27:2 KJV) “(2) Kung buhay ko’y pagtangkaan ng taong masasama, sila’y mga kalaban ko at mga kaaway nga, mabubuwal lamang sila at mapapariwara.”

• (Isaias 9:18-20 RSV) “(18) Ang kasamaan ay naglalagablab na parang apoy at sumusunog sa mga tinik at dawag; tutupukin nito ang masukal na gubat at papailanlang ang makapal na usok. (19) Dahil sa poot ng Panginoon na Makapangyarihan sa lahat, susunugin ang kalupaan, at ang mga tao’y parang mga panggatong sa apoy; walang pagpapatawad ang sinuman sa kanyang kapwa. (20) Susunggaban nila ang nasa kanan, gayunma’y patuloy ang kanilang kagutuman, at kakainin nila ang nasa kaliwa ngunit’s hindi pa rin sila nasisiyahan; bawa’t isa’y kinakain ang laman ng kanyang kapwa,

• (Isaiah 49:26) “(26) Gagawin ko na ang mga umaapi sa inyo ay kanin ang sarili nilang laman, at sila’y malalasing sa kanilang sariling dugo na parang alak. Sa gayon makikilala ng sangkatauhan na ako ang Panginoon ang inyong Tagapagligtas, ang inyong Manunubos, ang Makapangyarihang Diyos ni Hakob.”

• (Micah 3:3 RSV) “(3) Kinakain ninyo ang kanilang laman, binabakbak ang kanilang balat, binabali ang mga buto, at tinatadtad na parang karneng iluluto.”

• (2 Sam 23:17 RSV) “(17) Sinabi niya, “Hindi ko ito kayang inumin, O PANGINOON! Para ko na ring iinumin ang dugo ng mga nagtaya ng kanilang buhay upang makuha ito.” Minsan pang nakilala ang tapang ng tatlong magigiting na kawal na ito sa ginawa nilang iyon.

• (Pahayag 17:6 RSV) “(6) At nakita kong ang babaing ito’y lasing sa dugo ng mga hinirang at ng mga martir, ang mga pinatay dahil kay Jesus.”

• (Pahayag 17:16 NIV) “(16) Ang sampung sungay na nakita mo at ang halimaw ay mapopoot sa reyna ng kahalayan. Aagawin nila ang lahat ng ari-arian nito at iiwanan siyang hubad. Kakainin nila ang kanyang laman at susunugin ang matitira.”

Kaya, kung si Hesus ay nagsasalita nang makasagisag lamang tungkol sa pagkain ng Kanyang katawan at pag-inom ng Kanyang dugo, tulad ng sinasabi ng mga Protestante,ang Kanya talagang ibig sabihin ay “ang sinumang umuusig at lumalapastangan sa akin ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan”- na, mangyari pa, nawawalan ng katuturan ang pahayag.

Ang tinapay at ang alak ay hindi pangkaraniwan o natural na simbolo ng laman at dugo. Kung tatawagin ang isang tao na “alamid” ay mauunawaang simbolo para sa katalinuhan. Kung tatawagin ang isang tao na “tinapay” ay hindi mauunawaang simbolo, kung walang pagpapaliwanag. Alinman sa ang mga simbolo ay mas malinaw na naipaliwanag (na hindi naman nangyari) o naghayag si Hesus ayon sa salita (na siyang nangyari!)
Ang Katolikong doktrina ng Tunay na Presensya ay ang paniniwalang si Hesukristo ay ayon sa salita, hindi bilang sagisag, ay naroon sa Banal na Eukaristiya – katawan, dugo, kaluluwa at pagka-Diyos. Ang mga Katoliko ay naniniwala sa Tunay na Presensya ni Kristo sa Eukaristiya dahil si Hesus ang nagsabi sa atin na ito’y totoo sa Bibliya: “Ako ang Tinapay ng Buhay. Ang inyong mga ama ay kumain ng mana sa ilang at sila’y namatay. Ito ang tinapay na nagbubuhat mula sa langit, na maaaring kanin ng tao at hindi mamamatay. Ako ang buhay na tinapay na bumaba mula sa langit; ang sinumang kakain ng tinapay na ito, siya ay mabubuhay magpakailanman; at ang tinapay na aking ibibigay para sa buhay ng mundo ay ang aking laman.” Ang mga Hudyo ay nagtalo-talo, na nagwika, “Paano ibibigay ng taong ito sa atin ang kanyang laman para kanin?” Kaya’t sinabi ni Hesus sa kanila, “Tunay na tunay na sinasabi ko sa inyo, hanggat hindi ninyo kainin ang katawan ng Anak ng tao at inumin ang Kanyang dugo, wala kayong buhay sa inyo; ang sinumang kumain ng aking laman at uminom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan, at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw. Sapagka’t ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin. Ang sinumang kumain ng aking laman at uminom ng aking dugo ay nananatili sa akin, at Ako naman sa kanya.” (Juan 6:48-55). Bukod sa rito, ang unang mga Amang Simbahan ay sinasabing ang tinapay at alak na iniaalay sa pagdiriwang ng Hapunan ng Panginoon ay tunay na katawan at dugo ni Hesukristo. Sa ibang pananalita, ang doktrina ng Tunay na Presensya na pinaniniwalaan ng mga Katoliko ngayon ay siya ring paniniwala ng mga unang Kristiyano sa nakaraang 2,000 taon!


Bakit ang mga hindi Katoliko ay hindi maaaring tumanggap ng Banal na Komunyon sa Simbahang Katoliko?
Ang mga Katoliko ay naniniwala sa Tunay na Presensya ni Hesus sa Banal na Eukaristiya,na ang ibig sabihin ay ang nakikitang tinapay at alak ay tunay na Katawan at Dugo ni Hesus – hindi lamang isang sagisag ng Kanyang Katawan ang Dugo. Tuwing ang mga Katoliko ay tumatanggap ng Banal na Komunyon, ito ay pagpapahayag ng pagkaka-isa sa lahat ng naroon sa komunyon sa Simbahang Katoliko sa buong mundo, na patuloy sa paniniwala sa Tunay na Presensya ni Kristo sa Eukaristiya. Kayat ang mga mananampalataya lamang sa Tunay na Presensya ang maaaring makilahok sa sakramentong ito ng pakikiisa kay Kristo at ng Kanyang Simbahan. “Ang pagdiriwang ng sakripisyong Eukaristiya ay pawang nakatuon sa taimtim na kaisahan ng mga mananampalataya kay Kristo sa pamamagitan ng komunyon” (CCC 1382).

Ang Catholic Bishops of the Philippines (CBCP) ay naghahayag nang kanilang pagnanais para sa pagkakaisa:

“… Tayo ay mga taong pinagkaisa kay Kristo at sa bawa’t isa dahil sa Eukaristiya. Sa ganitong kadahilanan kaya itinuturo sa atin sa Katesismo na “ang Eukaristiya ang pinakamabisang sagisag at pinakadakilang dahilan ng pagkomunyon sa buhay na nauukol sa Diyos at ang pagkakaisa ng Bayan ng Diyos na nagpapanatili sa Simbahan” (CCC 1325).
Bakit ang mga Protestante ay hindi naniniwala sa Juan 6 na nagsasaad na ang Katawan ni Hesus ay tunay na pagkain at ang Kanyang Dugo ay tunay na inumin?
Sa Mateo 26, Markus 14, at Lukas 22, sinasabi ni Hesus ang tungkol sa tinapay, 
, “Ito ang Aking Katawan.” Sinasabi Niya ang tungko sa alak, “Ito ang Aking Dugo.” ” Hindi Niya sinabing “ito ay sagisag ng,” o “ito ay kumakatawan sa”. Sinasabi Niya, “ito AY.”  Sa Juan 6, inulit Niyang sinasabi, tulad ng ginagawa Niya sa iba pang bahagi ng Banal na Kasulatan,   upang bigyang diin ang pahayag na inaasahan Niya sa atin para kainin ang Kanyang Laman at inumin ang Kanyang Dugo  and ang Kanyang laman ay tunay na pagkain at ang Kanyang Dugo ay tunay na inumin. May iba pang mga pahayag na tumuturo sa kahulugang naaayon sa salita na ibig ipahiwatig ni Kristo dito.   

Pahayag #1: Ang mga Hudyo ay binigyang kahulugan na naaayon sa salita sa talata 52. Pahayag #2: Ang Kanyang mga disipulo ay binigyang kahulugan na naayon sa salita sa talata 60. Pahayag #3: Ang mga Apostoles ay pinakahulugan Siya ng naayon sa salita sa mga talata 67-69.  Kung bawat isa na nadinig Siyang magsalita noong panahong iyon ay pinagkahulugan Siya ng naayon sa salita, lahat tayo ngayon, 2000 mga taon na ang nakaraan, ay tinatawagan na pakahulugan Siya ng naayon sa salita, sangayon sa Banal na Kasulatan. Bukod doon, sa talata 51, ipinahahayag ni Hesus na ang tinapay na ibibigay Niya para sa buhay ng mundo ay ang Kanyang Laman. Kailan Niya ibinigay ang Kanyang Laman para sa buhay ng mundo? Sa Krus. Batid natin na si Hesus ay hindi nagsasalita ng ukol sa sagisag dito. Dahil sa pinaninindigan natin na si Hesus ay naghayag ng ayon sa salita tungkol sa kamatayan Niya sa Krus, pininindigan din natin na pinatotohanan Niya ang Kanyang sinabi tungkol sa pagkain ng Kanyang Laman at pag-inom ng Kanyang Dugo.

Kung naniniwala tayo na si Hesus ay nagsasalita bilang sagisag dito sa Juan 6, matatagpuan natin ang tunay na suliranin pagdating sa Juan 6:51. Ibinigay ba ni Hesus ang Kanyang tunay na laman at dugo para sa buhay ng mundo, o ang mga ito ay sagisag lamang ng Kanyang laman at dugo?
Ang Katolikong Misa ba ay tunay na pareho pareho sa buong mundo tuwing ito ay ipinagdiriwang?Kinaiinipan ko ang Misa. Paano ko magagawan ng paraan iyon?

Lunes, Setyembre 03, 2018

666 THE NUMBER OF THE BEAST: SA TINGIN NIYO SINO SIYA?




Resulta ng larawan para sa 666 photo




IS IT TRUE TOTOO BA ITO THAT THE POPE BEARS THE NAME OF THE BEAST THE TOTAL NUMBER OF 
Resulta ng larawan para sa 666 photo++++++++++++++++++++++++++
ANSWER: No,This is false and fabricated accusation.The text in the Bible that often used by the critics of the Catholic Church,particularly the Iglesia Ni Cristo(INC),Protestantism;SDA-adventist;and other non Catholic denominations.Who are accusing the Pope as beast. Now,before anything else,let us know that this blasphemous accusation was originally fabricated by SDA-adventist,and later rejected upon knowing that this attack has uneffective to destroy the credibility of the Pope.After being abandoned this fabricated accusation by SDA,it was then,grabbed,imitated and re-adopted by Iglesia Ni Cristo-Manalo,in the same purpose to ruin the Pope and the Catholic Church.But similarly,they are all failed to prove.
Now,let us read this text in the Bible that they have often to use.Here,"And no one would be able to buy or sell,unless he has that mark the NAME of the beast or number of his name."Here the wisdom,He who has understanding,let him calculate number of the beast for it is the number of MAN.His number is Six Hundred Sixty Six(666)." 

Resulta ng larawan para sa 666 PHOTO

I. Computation ng mga Sabadista
Si Ellen G. White na ISA SA MGA NAGTATAG NG
IGLESIA SABADISTA ay inimbento ang titulong
Vicarivs Filii Dei para sa Papa, nakasulat daw yun sa Tiara
Resulta ng larawan para sa 666 PHOTO
At pagkatapos ang ginawa ay kinompyut iyon gamit ang Roman numerals. Ang resulto 666 ang lumabas. Kaya nagkaroon siya ng konklusyon na ang tinutukoy
sa Rev. 13:18 na Halimaw na may name na ang bilang ay 666 ay ang Sto. Papa.
Narito ang ginawa niyang computation:
V = 5 I = 1 C = 100 A = 0 R = 0 I = 1 V = 5 S = 0___112
F = 0 I = 1 L = 50 I = 1 I = 1 ________53
D = 500 E = 0 I = 1 ________501
Ang totoong total niyan ay 664 ngunit dahil sa walang "U" sa Roman alphabet yung "V"
ay binabasa minsan as "U". Eh ang katumbas na number ng V ay 5 kaya ang naging total
ngayon ay 666.
Resulta ng larawan para sa ELLIEN NUMERAL 666 PHOTO
(Revelation 13:17-18)
It's better to bear in mind that the verse here,refers the NAME of man,which total of 666.
So,it is very clear that the text mentioned above refers to the NAME of man,and not the TITLE of man.The word"VICARIUS FILII DEI"is the title of the Pope and not the name of Pope.The VICARIUS FILII DEI is a latin words which means"VICAR" or representative of the Son of God.It doesn't mean that Pope is God.But only representative in the works of Christ for salvation here on earth in administering the believers as St.Peter who is the first chosen by the Lord to do the works for salvation after his ascension in heaven.Christ appointed Peter to feed His sheep. (John 21:15-17)



Ang KUWENTO tungkol sa sinasabing "Vicarius Filii Dei" sa "KORONA" o TIARA ng PAPA ay isang IMBENTO ng mga NANINIRA sa Katoliko.

Kahit hanapin mo, ay WALA KANG MAKIKITA kahit na LITRATO man lang ng sinasabing "KORONA" ng PAPA na doon ay nakalagay DAW ang "Vicarius Filii Dei."

INIMBENTO ng mga MALILIKOT ang ISIP ang KUWENTO na iyan para maidugtong nila PAPA sa sinasabi ng Revelation 13:16-18.

Kapag kinuwenta o binilang daw kasi ang mga numero na katumbas ng mga letra sa VICARIUS FILII DEI ay lalabas ang "666."

NAKAKAAWA nga ang mga NAG-IMBENTO ng KUWENTONG iyan dahil KITANG-KITA ang pagiging DESPERADO nila.

NAKAKAAWA rin ang mga NALOLOKO ng IMBENTONG KUWENTO na iyan dahil NAPAPANIWALA sila sa KASINUNGALINGAN.

Ngayon, sa sinasabi mo na"imbento" ng Catholic Church ang SIGN of the CROSS, HARAP-HARAPAN kang NALOLOKO ng NAGSABI sa iyo niyan.

WALA PA ang IGLESIA KATOLIKA ay MAY KRUS NA.

Sa katunayan, sa Mt 10:38 at 16:24 ay binanggit na ni Hesus ang KRUS. E nung panahon na iyon ay HINDI PA NATATATAG ang IGLESIA, na nangyari lang sa pagbaba ng ESPIRITU SANTO sa Acts 2.

So, paano sasabihin na "imbento" ng Iglesia Katolika ang TANDA ng KRUS?

Ang ginagawa lang ng mga Katoliko ay IGINUGUHIT ang TANDA ng KRUS sa kanilang katawan para ipakita na sila ay NANINIWALA at TUMATANGGAP sa PAGLILIGTAS ni HESUS na idinaan sa KRUS.

At iyon ang DAPAT na GINAGAWA ng BAWAT KRISTIYANO.

Ang kaso ay GALIT PA at SINISIRAAN pa ng ibang "kristiyano" raw ang KRUS.

Nagiging totoo tuloy sa kanila ang sinasabi ni Pablo sa Philippians 3:18 na sila ang mga "KAAWAY ng KRUS ni KRISTO.

u u u

"Hindi ba ang Vicarius Filii Dei o ang Vicar of the Son of God at ang Vicar of Christ ay magkasingkahulugan? May pagkakaiba ang dalawa? Salamat po."


MAGKASING KAHULUGAN ang "Vicarius Filii Dei" at ang "Vicar of Christ" pero HINDI iyon ang PUNTO ng mga NANINIRA sa PAPA.

Hindi mahalaga sa kanila kung magkasing kahulugan ang dalawang iyan. Ang mahalaga sa kanila ay ang mismong mga SALITA at LETRA sa VICARIUS FILII DEI.

Nilalagyan kasi nila ng mga katumbas na number ang bawat letra niyan at saka binibilang. Ang nagiging resulta raw ay "666" ang number ng mabangis na hayop sa Rev 13:16-18.

Pero dahil HINDI TITULO ng PAPA ang Vicarius Filii Dei ay NATITIGILAN sila. Samantala, AYAW nila ng VICAR of CHRIST o VICARIUS CHRISTI dahil kung lalagyan nila ng bilang ang mga letra niyan ay HINDI AABOT sa "666."

AYAW din nila sa IBA PANG OPISYAL na TITULO ng PAPA (lumabas noong April 25, 2005) dahil LAHAT iyon ay HINDI AABOT sa "666."

At para MASIRAAN ang PAPA ay NAG-IMBENTO na lang sila ng "titulo" o "tawag" kuno sa PAPA.

Halimbawa riyan ang REX LATINVS SACERDOS (King of the Roman priests), DVX CLERI (Captain of the Clergy), LVDOVICVS (Vicar of the Court), I Protera (tenth "first of two"), Lateinos (the Latin speaking man), HE LATINE BASILEIA (The Latin kingdom) at marami pang iba.

Diyan nakikita na DESPERADO talaga ang mga NANINIRA sa Pope, ang KATULONG ni HESUS na mismong ang Panginoon ang NAGTALAGA at NAGSUGO.

Wala silang maibanat sa Papa kaya panay ang IMBENTO nila ng PANIRA sa kanya.

MAG-INGAT po tayo sa mga tulad nila.




Hulagway ni Pag-aralan Natin ang Katoliko
MARK OF THE CROSS OR MARK OF THE BEAST, anong tatak mayroon ka?

Sa Bibliya, mayroon pong dalawang MARKA/TANDA/TATAK ang binabanggit: ang sa Diyos at ang sa Demonyo o Halimaw.

1. Para sa mga hinirang at maliligtas, ang Marka ng Diyos na buhay ang ibinigay sa kanila:

Ezekiel 9:4-6 [Biblia ng Sambayanang Pilipino; may pagdiriin]
At sinabi niya rito: "Libutin mo ang Jerusalem at TATAKAN NG KRUS SA NOO ang mga nagdadalamhati at umiiyak dahil sa mga kasuklamsuklamna nagaganap doon. Narinig kong sinabi niya sa iba pa: "Sundan ninyo siya sa palibot sa lunsod. Huwag kayong magpakita ng habag. Patayin ninyong silang lahat-matatanda't kabataang lalaki, mga dalaga, mga bata at mga babae-ngunit huwag ninyong laitan ang sinumang may TATAK NG KRUS."

(tingnan din ang Ang Banal na Bibliya-Abriol, Knox Bible, Douay-Rheims Version, New American Bible)

Pahayag 7:2-4 --pantatak ng Dios; tatak sa noo ng mga lingkod ng Dios
Pahayag 9:4
Pahayag 14:1 --pangalan ng kordero at ama sa noo
Pahayag 22:4 --pangalan sa noo
Pahayag 22:3 --pangalan ng Dios at kordero
Efeso 1:13 --tatak ng Espiritu Santo
Efeso 4:30 --Espiritu Santo...tatak ng Dios
Mateo 28:19 --ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo

2. Subalit para naman sa iba na sumuway at palalo, Marka ng Halimaw ang nasa kanila (ang nasa larawan ay artistikong pagsasalarawan lamang):

Pahayag 13:16-18 --pagtatak ng halimaw sa kanang kamay o noo

Pahayag 14:9-11 [may pagdiriin]
At ang ibang anghel, ang pangatlo, ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng malakas na tinig, Kung ang sinoman ay sumasamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at TUMATANGGAP NG TANDA SA KANYANG NOO, O SA KANYANG KAMAY ay iinom din naman siya ng alak ng kagalitan ng Dios, na nahahandang walang halo sa inuman ng kaniyang kagalitan; at siya'y pahihirapan ng apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Cordero: At ang usok ng hirap nila ay napaiilanglang magpakailan kailan man; at sila'y walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa hayop at sa kaniyang larawan, at SINOMANG TUMATANGGAP NG TANDA NG KANIYANG PANGALAN.

Ikaw, anong tatak mayroon ka?




And in the (Revelation 13:6) St.John described the characterestics of the beast,here let us read,"He opened his mouth for blasphemy against God,to blaspheme his name,and his dwelling,and those who dwell in heaven."
So,what does it say?to blaspheme God,to blaspheme his name(divinity of Christ);to blaspheme his dwelling(Church) and to blaspheme those dwelt in heaven(saints/angels).



So again,it is very clear that their accusation does not conform to the characterestics of the Pope.Since the Pope is a man preached and praised the name of Jesus."In the decree of the Pope about the Liturgy,he said,"Through service in the Church,which continuously praising the Lord."
Resulta ng larawan para sa ELLIEN NUMERAL 666 PHOTO(Liturgy-Chapter IV,Art.8)
Likewise,the Pope encouraged to honor and follow the life of the saints who are now dwell in heaven,here he states,"We hymned and praised for the glory of the Lord with his heavenly soldiers.To honor in commemoration of sainthood.We hope to become a part of their communion."
(Liturgy-Chapter 1,Art.8)
A Protestant bible scholar William Barclav in his commentary,he said,this really corresponds the prophesy in relation to Nero.Whose name was Ceasar Nero,in hebrew,Kesar Neron.And his name is fit in total of 666.This was affirmed by all bible scholars commentators adheres that it was Ceasar Nero.
Ceasar Nero was the emperor of Rome 68 AD,who has persecuted the christians during his leadership.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Now,in the Philippines,Who is the name and characterestic conforms as the beast and bears the number total of 666?
What religion strongly criticized and condemned the teaching of the Catholic Church? Who are these hard-spoken ministers strongly opposed and blasphemed the Pope,blasphemed the name and divinity of Jesus, and criticized the teaching of the Catholic Church?
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Guess it?Sorry I do not divulge here,as matter of respect to my friends in other religions.

********************************

Hulagway ni Wendell P. Talibong Ssvp




BAKIT ANG MGA PARI HINDI MAG-AASAWA CELIBACY

HINDI PAGAASAWA NG KAPARIAN AT MADRE (CELIBACY) *** BATIKOS NG INC AT IBANG SEKTA.. PINAGBABAWALAN DAW NATIN ANG MGA TAO NA MAG ...