Lunes, Hunyo 03, 2013

PAGLUHOD


Ang Pagluhod ba sa Isang Imahen 0 Larawan ay  ang Marapat na Pagsamba sa Diyos? Basahin nating maigi ang mga ataki sa mga kapatid nating hindi katoliko.



Ang Pagsamba sa larawan na isinasagawa ng relihiyong Hinduismo

Ganito ang kanilang mga pagtotol at premisses:

Pangkaraniwan na nating napupuna ang paggamit ng mga larawan o mga imahen ng mga relihiyong hindi Cristiano sa kanilang mga pagsamba, gaya halimbawa ng Hinduismo atBudismo. At ang isang Cristiano na nakababasa ng Biblia ay batid na ang gawaing pagsamba sa mga rebulto at mga larawan ay isang napakasamang gawain sa harapan ng Diyos dahil maliwanag itong mababasa sa Biblia:

Exodo 20:3-5  “Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.  Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:  Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;”


Subalit ang nakapagtataka, kapag ang nasabing talata ay ating binasa sa isang Katoliko at aming sinabi sa kanila na sila man ay nagsasagawa ng ganitong gawain, ang agad nilang sinasabi ay ganito:

“Hindi naman namin sinasamba ang mga imahen o rebulto na nasa aming mga simbahan, ang mga iyon ay amin lamang iginagalang. Ang turo sa amin ng mga Pari ay ang Diyos ang aming dapat na sambahin.  May mga larawan kami sa aming mga simbahan ng mga Santo at Apostoles hindi upang  sambahin kundi sila ay amin lamang ginugunita sa pamamagitan ng mga larawang iyon.”


Ang mga larawan at mga imahen, na niluluhuran at pinaglilingkuran sa Iglesia Katolika

At dahil ganito ang kanilang nasa isipan, kung kaya madalas ay nagdaramdam sila at nagagalit  sila sa mga ministro at  maging sa mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo kapag sila ay napupuna.  May nagsasabing bakit daw hindi na lang ang ituro ng mga ministro namin ay ang aming sariling aral, matuto raw kaming gumalang sa pinaniniwalaan ng iba.

Subalit ang sinusunod namin ay ang sinasabi ng Biblia.  Dapat bang isawalang-kibo ng isang tao kung may nakikita siyang maling ginagawa ng kaniyang kapuwa na ikapapahamak niya? Wala ba siyang gagawin kung alam niya naman ang tama at hindi niya ipagmamalasakit ang kaniyang kapuwa? Ganito ang sabi ng Biblia:

Judas 1:23  “At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy; at ang iba'y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman.”

Ang isang tao na nasa katotohanan ay may pananagutan na dapat gawin, kailangan niyang iligtas ang kaniyang kapuwa at agawin sa apoy, ang apoy na tinutukoy ay ang kaparusahang walang hanggan na ito ay ang dagatdagatang apoy na siyang ikalawang kamatayan:

Apocalypsis 20:14  “At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy.”

Dahil ang gawang pagluhod at pagsamba sa isang larawan ay isang gawaing magdadala sa tao sa kapahamakang walang hanggan:

Apocalypsis 21:8  “Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.”

Ang tinatawag na “diosdiosan” ay yung mga larawan na sinasamba na tulad sa Diyos, kaya tinawag na “diosdiosan” ay sapagkat hindi ito tunay na Diyos. Tulad ng salitang “kotse-kotsehan” hindi tunay na kotse, “bahay-bahayan” hindi tunay na bahay.  Maliwanag na sinabi sa atin ng Biblia na ang mga gumagawa ng pagsamba, pagluhod, at paglilingkod sa mga larawan, imahen, o mga rebulto ay isang gawaing kasuklamsuklam sa paningin ng Diyos at ito ay kanilang ikapapahamak sa dagatdagatang apoy na kilala sa tawag naimpierno.

Subalit, sinasabi nga ng mga Katoliko na hindi sila sumasamba sa larawan, ang kanilang ginagagawa bagamat nakaharap sa isang rebulto o imahen ay patungkol daw sa Diyos.  Kaya hindi daw maaari na mapahamak sila, dahil ang paparusahan daw sa Biblia ay iyong mga sumasamba sa mga larawan, at hindi naman daw ganun ang kanilang ginagawa kaya huwag daw silang paratangan ng hindi nila gawain.

Totoo nga kaya ang kanilang pangangatwirang ito? Hindi nga kaya talaga sila sumasamba sa mga larawan o imahen, at mga rebulto?  Atin tunghayan ang pag-amin ng kanilang mga Pari.


Ang Pag-amin ng Simbahang Katoliko

Ang mga awtoridad Katoliko, mga Pari, ay karaniwan ng gumagawa at naglalathala ng mga Aklat na siyang ginagamit nila sa kanilang pagtuturo.  Marahil ay ikagugulat ng isang Katoliko na nagsasabi na siya’y hindi sumasamba sa larawan kung kaniyang makikita at mababasa na ang kanilang mga aklat mismo na sinulat ng kanilang mga Pari ay umaaamin na sila nga ay sumasamba sa larawan.

Narito ang katibayan, sa isang aklat Katoliko na may pamagat na “Siya ang Inyong Pakinggan:  Ang Aral na Katoliko, na sinulat ng isang pari na si Enrique Demond, ay ganito ang ating mababasa:

“Kung ating sinasamba ang larawan ni Kristong napapako sa Krus, dinadasal natin: ‘Sinasamba kita at pinupuri, Panginoon kong JesuCristo,…”    [Siya ang Inyong Pakinggan: Ang Aral na Katoliko, sinulat ni Padre Enrique Demond, inilathala ng Catholic Trade School, may imprimatur ni Jose Bustamante, pahina 12 ]

Kitang-kita sa aklat na ito ang pag-amin ng Pari na ang mga Katoliko’y sumasamba sa larawan, sa pagsasabing sinasamba nila ang larawan ni Cristo.  Pero kahit na sabihin pa nila na ang sinasamba nila ay ang larawan ni Cristo, ay wala naman po tayong mababasa kailan man sa mga pahina ng Biblia na ipinag-utos na sambahin ang larawan ni Cristo, kaya maliwanag kung gayon na talagang sumasamba sila sa larawan.

Hindi lamang iyon, narito pa ang isa, Isang munting aklat Katoliko na may pamagat na“Catesismo”  na tinagalog ng Pari na si Luis de Amezquita , ganito naman ang ating mababasa:

“ Pagbangon mo sa banig ay agad kang manikluhod sa harap ng isang Krus o isang mahal na larawan. Kung maninikluhod ka sa tapat ng Altar magwika ka ng ganito:  Sinasamba kita,”  [Catesismo, ni Padre Luis de Amezquita, pahina 79 at 82].

Dito naman sa aklat na ito ay maliwanag na inuutusan ang isang Katoliko na agad na manikluhod o lumuhod pagkagising sa harap ng isang Krus o isang mahal na larawan, at pagkatapos ay sasabihin sa harapan nito ang mga katagang: “Sinasamba Kita”.  Hindi ba iyan maliwanag na pag-uutos sa isang Katoliko na lumuhod at sumamba sa isang Larawan?
Kaya nga sabihin man nila na hindi sila sumasamba kung ang nakikita naman natin ay ang kanilang ginagawa: sila ay lulumuluhod at nananalangin sa harapan ng mga larawan ng mga tinatawag nilang mga Santo, hindi ba iyon ang nagpapatunay na sila ay sumasamba dito?  Dahil sa Biblia ang katumbas ng gawang pagyukod o pagluhod ay pagsamba, basahin natin:

Awit 95:6  “Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod; tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.”

At maliwanag namang sinabi ng Diyos na ang pagyukod o pagluhod sa mga ito ang kaniyang ipinagbabawal hindi po ba? Balikan po natin ang sinasabi ng Diyos sa aklat ng Exodo:

Exodo 20:3-5  “Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko.  Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:  Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;”

Kaya ang mismong pagluhod na ginagawa ng mga tao sa mga larawang ito, ay ang mismong ipinagbabawal ng Panginoong Diyos.  Aminin man nila o hindi, ang ginagawa nilang ito ay maliwanag na pagsamba at pagluhod sa mga larawan na kasuklam-suklam sa Panginoong Diyos. Binanggit din ng Diyos na hindi natin dapat paglingkuran ang mga larawang ito.  Hindi ba’t nakikita nating kanilang pinapasan, binibihisan, sinasabitan ng mga bulaklak, ipinagpuprusisyon, pinapahiran ng panyo, ipinagpipiyesta at kung anu-ano pa na ito’y maliwanag na pagsisilbi o paglilingkod sa larawan na hindi rin po dapat na gawin.

Kumuha pa tayo ng dagdag na katibiyan ng kanilang pag-amin sa gawaing ito, sa isa pang aklat Katoliko:

“13. Ang pagsamba ba sa mga santo ay ukol lamang sa kanilang katauhan?
             
Hindi, sumasaklaw din ito sa kanilang mga relikya at mga larawan.”

“14. Ano ang tinatawag nating mga relikya?

       Tinatawag nating mga Relikya:
1.            Ang mga labi ng katawan ng isang santo na pinapaging-binal o inihanda sa pagiging banal ng Iglesia [Katolika];”

2.                Ang mga bagay na naging pag-aari ng mga santo, o yaong napadaiti sa kanilang mga katawan: tulad ng kanilang kasuotan, mga ataol, at iba pa

“15. Dapat ba nating sambahin ang mga banal na larawan?
        
            Dapat tayong magkaroon lalo na sa ating mga simbahan, ang mga larawan ng ating Panginoong, tulad ng sa pinagpalang Birhen at mga santo, at dapat natin silang bigyan ng kaukulang paggalang at pagsamba”.  [Salin sa Filipino mula sa Cathecism of Christian Doctrine, inilathala ng De La Salle College, pahina 95]

Maliwanag na ipinakita sa atin ng aklat Katolikong ito na ang sinasamba nila sa isang kinikilala nilang santo ay ang kaniyang katauhanlarawan, at relikya. Hindi po ba ang mga santo ay mga tao lamang? Sinasabi po ng aklat na ito na ang mga larawan ng mga santo ay dapat nating sambahin. Dapat po ba tayong lumuhod sa harapan ng mga tinatawag na santo o iyong mga taong banal?

Si Apostol Pedro ay kinikilalang santo sa Iglesia Katolika na tinatawag nilang San Pedro  na nakikita rin natin na kanilang niluluhuran.  Pumapayag ba si Apostol Pedro na siya ay luhuran?  Basahin natin?

Mga Gawa 10:25-26  “At nangyari, na pagpasok ni Pedro, ay sinalubong siya ni Cornelio, at nagpatirapa sa kaniyang paanan, at siya'y sinamba. Datapuwa't itinindig siya ni Pedro, na sinasabi, Magtindig ka; ako man ay tao rin.”

Kita ninyo nang magpatirapa o lumuhod si Cornelio sa harap ni Apostol Pedro ay hindi siya pumayag sa ginawa niyang ito?  Kung mismo noon ay hindi pumapayag ang mga Apostol na sila yukuran at sambahin, sa palagay po ba natin ay papayag sila na sambahin at luhuran ang kanilang mga larawan?

Sana po imbes na ipagdamdam ninyo ang aming paglalahad na ito ay inyong ituring na isang pagmamalasakit sa inyo, dahil hindi po talaga pumapayag ang Panginoong Diyos sa ganitong gawain. Kami po ay nagsasabi ng katotohanang ito batay sa mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia na sana po’y siyang ating tanggapin, paniwalaan, at higit po sa lahat ay ating sundin.


Hindi Maigagawa ng Larawan ang Diyos

Marami ang nag-aakala na ang Diyos ay may larawan, na ito nga ay ang nakikita nating isang anyo ng isang magandang lalake na may mahabang buhok at may balbas.  Subalit sa katotohanan, ang Diyos po ba ay may anyo?  Atin pong basahin ang paghahayag ng Diyos mismo:

Deuteronomio 4:15  “Ingatan nga ninyong mabuti ang inyong sarili; sapagka't wala kayong nakitang anomang anyo nang araw na magsalita ang Panginoon sa inyo sa Horeb mula sa gitna ng apoy:”

Maliwanag ang pahayag ng Diyos na siya ay walang anomang anyo. Bakit? Ano ba ang kalagayan ng Diyos?

Juan 4:24  “Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.”

Maliwanag ang sagot ng Panginoong Jesus, ang Diyos ay Espiritu, ano ba ang isang espiritu?

Lucas 24:39  “Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”

Ang isang Espiritu ay walang laman at mga buto, samakatuwid ang Diyos ay walang laman at mga buto kaya wala siyang anomang anyo. Eh maigagawa ba siya ng larawan?

Isaias 46:5  “Kanino ninyo ako itutulad, at ipaparis, at iwawangis ako, upang kami ay magkagaya?”

Maliwanag ang pahayag ng Diyos, wala siyang kagaya, kawangis o kamukha, kaya imposible na maigawa ng tao ang Diyos ng larawan, dahil hindi nakikita ang Panginoong Diyos:

1 Timote 1:17  “Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikitasa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.”

Kaya po kung may magsasabi sa atin na ang isang larawan ay iyon ay mukha ng Diyos, tiyak na tiyak na natin na hindi totoo ang kaniyang sinasabi, dahil hindi kailanman maaaring maigawa ng larawan ang Diyos. At kailanman ay hindi niya ibibigay ang kaniyang kaluwalhatian at kapurihan sa mga larawang inanyuan lamang ng tao:

Isaias 42:8  “Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.”


Ang Marapat na Pagsamba

Paano ba natin magagawa ang marapat na pagsamba sa Diyos? Atin na pong nalaman na hindi sa pamamagitan ng paggamit ng mga larawan. Atin pong tunghayan ang pahayag ng Panginoong Jesus:

Juan 4:23  “Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.” 

Sabi ng Panginoong Jesus ang mga tunay na mananamba sa Diyos ay sinasamba siya saEspiritu at Katotohanan,  ito ang marapat na paraan na pagsamba sa Diyos na dapat nating gawin dahil ito ang hinahanp ng Diyos na maging mananamba sa kaniya.

Paano ang pagsamba sa Ama sa espiritu?

Mateo 6:9  “Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka,Sambahin nawa ang pangalan mo.”

Ang pagsamba sa Ama sa Espiritu ay ang pagsamba sa kaniyang pangalan at hindi sa kaniyang larawan?  Maliwanag po iyan.  Paano ba ang pagsamba sa pangalan ng Diyos, isusulat ba natin ang kaniyang pangalan sa isang papel pagkatapos ay ididikit sa pader at ating luluhuran? Ganun po ba?  Hindi po ganun, narito po ang sagot:

Hebreo 13:15  “Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan.”

Kapag ating pinupuri at binibigkas o sinasabi ang pangalang ipinantatawag natin sa kaniya, ito ang pagsamba sa kaniya sa espiritu.  Ano ang pangalang iyon?

Juan 20:17  “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.”

“Ama” ang ating dapat itawag sa nagiisa at tunay na Diyos, na Diyos din ng Panginoong Jesus.

Paano naman ang pagsamba sa Ama sa katotohanan?

Mateo 6:10  “Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.”

Ang pagsamba sa kaniya sa katotohanan ay ang pagsunod na dapat nating gawin sa kaniyang mga kalooban o mga kautusan, dahil ito ang buong katungkulan ng tao.

Ecclesiastes 12:13  “Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.”


NARITO ANG MGA KASAGUTAN:

 Tayo na't lumapit, sa kanya'y sumamba at magbigay-galang, lumuhod sa harap ni Yahweh na siyang sa ati'y may lalang.(Awit (95:6)

BAKIT ANG MGA PARI HINDI MAG-AASAWA CELIBACY

HINDI PAGAASAWA NG KAPARIAN AT MADRE (CELIBACY) *** BATIKOS NG INC AT IBANG SEKTA.. PINAGBABAWALAN DAW NATIN ANG MGA TAO NA MAG ...