Huwebes, Setyembre 13, 2018

BANAL NA SANTALO TALONG PERSONA SA IISANG DIYOS. HOLY TRINITY



TATLONG PERSONA SA IISANG DIYOS


Ang isang katoliko nung araw na siya ay binyagan, siya ay binautismuhan sa ngalan   ng Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo. At kung susuriin maigi, ang ibig   sabihin ay tatlong Diyos ang sinasamba ng mga katoliko. Hindi po, iisa lang ang   Panginoon Diyos gaya ng sinamba ng mga ninuno. Ang Diyos ni Abraham ay siya   rin  Diyos ni Isaac, at ang Diyos ni Isaac ay siya rin Diyos ni Jacob. Iisa lang rin ang   Diyos  na sinamba ni Moises at ng mga Israelita at ganoon din ng mga Propeta. At   bilang isang katoliko ganoon din ang ating paniniwala, Iisa lamang ang Panginoon   ngunit ito ay may tatlong persona dahil ang bawat isa ay may kanya-kanyang   tungkulin. Tinatawag itong Banal na Santatlo o Holy Trinity, Tatlong persona sa   iisang Diyos.
 Mababasa sa ebangheliyo ni San Mateo, Mt. 3:16-17 Nang mabautismuhan si Jesus,   umahon siya sa tubig. Nabuksan ang langit at nakita niya ang Espiritu ng Diyos   bumaba sa kanya, gaya ng isang kalapati. At isang tinig mula sa langit ang nagsabi,  “Ito ang minamahal kong Anak na lubos kong kinalulugdan!” Sa bersikulo na iyon ni   San Mateo naroroon lahat ang  persona ng Holy Trinity.
 Ang tinig na narinig mula sa langit ay walang iba kundi ang Diyos Ama na   kumakatawan sa unang persona, si Jesus ang kumakatawan sa ikalawang persona   na bugtong na anak ng Diyos. At ang Espiritu Santo na bumaba na gaya ng isang   kalapati ang kumakatawan naman sa ikatlong persona. Para mas maunawaan   mabuti, ibibigay ko ang aking makakaya upang maipaliwanag ng maayos, Ang   Unang Persona, ang Diyos Ama, siya ang makapangyarihan sa lahat, ang may-akda   ng paglikha. Sumunod ang Ikalawang Persona, Ang Diyos Anak, siya ang bugtong   na anak na sinugo ng Diyos Ama at naparito upang ipahayag ang mabuting balita at   ipairal na may totoong Diyos. Siya ay walang iba kundi ang ating Panginoon Jesu-   Cristo. At ang huli ang Ikatlong Persona, ang Diyos Espiritu Santo, pagkatapos   mabuhay muli at bago umakyat sa langit si Jesus, ipinangako niya sa kanyang mga   Apostol ang pagbaba ng Espiritu Santo, siniguro sila ni Jesus na lagi pa rin siyang   nasa tabi nila kahit siya ay babalik na sa kinaroroonan ng Ama sa pamamagitan ng   patnubay ng Espiritu Santo. Sana ay naipaliwanag ko ito ng maayos.
 Bagamat may kanya-kanyang tungkulin, wala ni isa sa kanila ang lumamang o mas   nanaig, dahil sila ay pantay-pantay. Pinaparangalan nila ang bawat isa. Hindi sila   katulad ng 3-in-1 na kape, bagamat binubuo ng 3 particles, kape, krema at asukal sa   iisang sachet o lalagyan subalit pag nilagyan mo na ng mainit na tubig at ihalo,   hindi mo na matutukoy kung alin ang kape, krema o asukal.
Image
Ang Diyos Ama ay hindi Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo.
Ang Diyos Anak ay hindi Diyos Espiritu Santo at Diyos Ama.
Ang Diyos Espiritu Santo ay hindi Diyos Ama at Diyos Anak.
subalit sila ay iisa dahil sila ay nagkaka-isang pamilya.
Tayong mga Katoliko kapag tayo ay nagdadasal ang unang ginagawa natin ay nag aantanda o sign of the cross, binabanggit natin sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Kaya nabuo rin ang dasal na Credo o Sumasampalataya dahil tayo ay naniniwala na may tatlong persona sa Iisang Diyos.
PANALANGIN:
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa.
Sumasampalataya naman ako kay JesuCristo, iisang anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo; ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato; ipinako sa krus, namatay at inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumula ang paririto’t huhukom sa nangabuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga Banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan. Sa pagkabuhay na mag-uli ng mga nangamatay na tao. At   sa buhay na walang hanggan. Amen. Sa ngalan ng                                                          Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

Ayon sa mga Jehovah Witness: Sa sulat ng kanilang Magasin
SINASABI ng mga taong naniniwala sa turo ng Trinidad na ang Diyos ay binubuo ng tatlong persona​—ang Ama, ang Anak, at ang Banal na Espiritu. Sinasabing ang tatlong personang ito ay magkakapantay, makapangyarihan-sa-lahat, at walang pasimula. Kung gayon, ayon sa doktrina ng Trinidad, ang Ama ay Diyos, ang Anak ay Diyos, at ang Banal na Espiritu ay Diyos, ngunit iisa lamang ang Diyos.

Marami sa mga naniniwala sa Trinidad ang umaamin na hindi nila kayang ipaliwanag ang turong ito. Gayunman, baka inaakala nilang itinuturo ito ng Bibliya. Kapansin-pansin na ang salitang “Trinidad” ay hindi kailanman lumitaw sa Bibliya. Pero masusumpungan ba sa Bibliya ang ideya ng Trinidad? Upang masagot ang tanong na ito, tingnan natin ang isang kasulatan na madalas banggitin ng mga nagtataguyod ng Trinidad. 

Sagot: 

 Ang Diyos ay iisa lamang, at may tatlong persona: Ama, Anak at Espiritu Santo.  Alam kong magaling kayong magkwenta ng mga binabayad sa inyo at panukli ninyo sa iba, ang addition at subtraction ay talagang master na ninyo. Ano ang sagot sa simpleng 1 + 1 + 1 = ? Tatlo ba? Mali. Ang sagot ay isa (1).  Sa Misteryo ng Banal na Santatlo ang kalkulasyon sa 1 + 1 + 1 = ay  1 pa rin.  Sila ay talo ngunit iisa.  Magulo ba? Kung kayo ay naguguluhan na.  Kayo ay aking binabati, welcome po sa misteryo ng Banal na Santatlo. 


Ang Diyos Ama
Ang Diyos Ama ang tinatawg na unang Persona sa Banal na Santatlo. Siya ang Dakilang Manlilikha ng mundo. Atin Siyang mababasa sa Matandang Tipan na lumikha ng daigig at ng tao na kanilang kawangis at kalarawan.  Siya ang pinagbubukalan ng lahat ng bagay na umiiral. Ating mababasa ang kanyang kabutihan, kapangyarihan, katapatan at pagmamahal sa mga Israelita.  Siya ang Diyos nina Abraham, Moises, at Jacob. Siya ang Diyos ng pagkikipag tipan at pakikipag ugnayan.

Resulta ng larawan para sa jesus photoIkalawa, sa Kanyang mga gawain at misyon.  Pagpatawad ng mga kasalanan, pagpapagaling ng mga maysakit at pagbuhay sa mga patay ay ilan lamang sa Kanyang mga gawain at misyon.  Siya ay nabatikos ng mga Pariseo at Saduceo, kung bakit Siya nagpapagaling kahit Araw ng Pamamahinga (Sabbath Day).  Tayo man dito sa palengke, madalas na nakakaligtaan ang araw ng Lingo bilang araw ng pagsisimba.  Patuloy ang ating hanap buhay, kayod kalabaw ika nga.  Para kay Hesus hindi hadlang ang Araw ng Pamamahinga upang gumawa ng mauti sa kapwa.  Ngunit wag nawa natin gawing dahilan na makaligtaan ang magsimba. 


Ikatlo, ang pakikipagrelasyon niya sa kanyang Ama.  Isang espesyal na pagtatangi ng Anak sa kanyang Ama.  Si Hesus ay patuloy na nakikipag ugnayan sa Ama.  Sa Kanyang pag-iisa, sa Kanyang mga panalangin.  Ang masarap pa nito’y hindi Niya sinarili ang Kanyang Ama.  Ito’y kayang ibinahagi sa atin. Ama Niya – Ama Namin – Ama Natin.  Alam kong marami sa inyo dito ay patuloy na nagsusumikap, nagsisipag at nangangarap dahil sa mga anak.  Ang anak ang siyang natatanging inspirasyon at lakas.  Sa ngalan ng marangal na pagtitinda dito sa palengke ang siyang dudugtong sa gutom na mga anak.  Anong saya at sarap sa pakiramdam ng isang magulang ang umuwi mula sa maghapon o magdamag na pagtitinda, at ang sasalubong sa iyo ay haplos ng anak na naghihintay.

 Ang Espiritu Santo 

Ang Espiritu Santo ang ikatlong Persona sa Banal na Santalo.  Siya ang tinatawag na Mang aaliw (Paraclete).  Siya ang Espiritu ng Diyos Ama at Diyos Anak.  Mula pa nuong paglikha ng Ama sa sandaigidigan, Siya ay naruon na.  Siya ang nagpabanal ng lahat ng nilikha ng Diyos.  Sa buhay ni Hesus, Siya man ay kasa-kasama ng Anak: Una, sa pagkakatawang tao ng Anak.  Si Maria ay nagdalang tao lalang ng Espiritu Santo.  Ikalawa, si Hesus ay sinilang, lumago sa karunungan at nagsimulang magmisyon sa pamamagitan ng pagpapabinyag niya kay San Juan Bautista sa Ilog Jordan,  mula sa langit ang Espiritu Santo ay sumakanya.  Ikatlo, sa Misteryo Paskal ni Hesus: Paghihirap, Pagkamatay sa Krus at Pagkabuhay na mag-uli.  Ang Banal na Espiritu ay kasa-kasama niya. 

Kaya’t ating masasabi na ang Diyos ay Diyos ng pakikipag relasyon ay pakikipag ugnayan.  Dito lumalabas na ang Ama ay may relasyon sa Anak.  Gayundin ang Espiritu Santo sa Anak.  Si Hesus ay ay Panginoon, Anak ng Diyos na puspos ng Espiritu Santo. 
Advertisements

Walang komento:

BAKIT ANG MGA PARI HINDI MAG-AASAWA CELIBACY

HINDI PAGAASAWA NG KAPARIAN AT MADRE (CELIBACY) *** BATIKOS NG INC AT IBANG SEKTA.. PINAGBABAWALAN DAW NATIN ANG MGA TAO NA MAG ...