Lunes, Marso 19, 2018

ANG IKAPU 10% NG KATOLIKO

Anu-ano ang mga hindi na dapat paniwalaan ng mga Katoliko tungkol sa ikapu?
Resulta ng larawan para sa ikapo photoPag-aari ni Lord ang 10% ng iyong kita. 
At lahat na ikasangpung bahagi ng lupain, maging sa binhi ng lupain, o sa bunga ng punong kahoy ay sa Panginoon: magiging banal sa Panginoon. (Levitic0 27:30 TAB)
Resulta ng larawan para sa ikapo photo
Madalas na sinasabi ng mga Born Again Christian na pag-aari ng Diyos ang 10% ng kita ng mga Kristiyano na para bang wala na Siyang pakialam sa 90% na natira. Yun ay ibinase sa Levitico 27:30. Dahil ang mga Kristiyano ay nasa ilalim na ng Bago at Walang Hanggang Tipan, hindi na tayo naiilalim sa mga batas ng lumang tipan. Ang buong pagkatao natin ang pag-aari ng Diyos, 100% lahat ng aspeto. 
Sapagka’t kayo’y binili sa halaga…(1Corinto 6:20 TAB)
Pinagnanakawan natin si Lord kapag hindi tayo nagbibigay ng ikapu.
Nanakawan baga ng tao ang Dios? gayon ma’y ninanakaw ninyo ako. Nguni’t inyong sinasabi, Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog.  Kayo’y nangagsumpa ng sumpa sapagka’t inyo akong ninakawan, samakatuwid baga’y nitong buong bansa. (Malakias 3:8-9)
Wala itong bearing sa mga Kristiyano dahil ang bansang Israel ang kausap ng Diyos sa nasabing talata. Dapat nating unawain ang talata ayon sa konteksto ng bansang Israel. Nang pumasok ang mga Israelita sa Lupang Pangako, pinaghati-hati ang mga teritoryo sa labing-isang tribo. Walang sariling lupa ang mag Levita kaya hindi sila makakapag-ani. Kaya ang ikasampung bahagi ng ani ng labing isang tribo ay ibibigay sa mga Levita.
Sapagka’t ang ikasangpung bahagi ng tinatangkilik ng mga anak ni Israel na kanilang ihahandog na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, ay aking ibinigay sa mga Levita na pinakamana: kaya’t aking sinabi sa kanila, Sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana. (Bilang 18:24)
Kung hindi ibibigay ng mga Israelita ang kanilang ikapu, walang pagkain ang mga Levita. Ang mga Levita ang naglilikod sa Templo, kaya kapag walang makain ang naglilingkod sa Templo para na ring pinagnanakawan ang Diyos na pinaglilingkuran. Dahil wala nang mga Levita sa panahon ng Bagong Tipan, hindi na ito applicable sa mga Kristiyano.
Hindi lang sa ikapu nagnanakaw ang mga Israelita, kundi sa mga handog. Pero hindi na rin ito applicable sa mga Kristiyano dahil hindi na tayo nag-aalay ng mga hayop, kundi inialay na ng Panginoong Jesus ang kanyang sarili bilang handog minsan at magpakailanman
 (tingnan Hebreo 10:10).
God loves a cheerful giver pero sa siyamnapung porsyentong natira ka pa lang magsisimulang maging cheerful giver. 
Resulta ng larawan para sa Born again photoSa chapter 8 hanggang 9 ng 2Corinto, ipinaliwanag ni San Pablo kung paano dapat magbigay ang mga Kristiyano at kung ano ang nagiging epekto ito. Isa sa pinakasikat na talata sa mga nasabing kabanata ay 2 Corinto 9:7, “God loves a cheerful giver”. Kaya lang, sa tuwing ipinapaliwanag ng mga Born Again Christian  ang 2 Corinto 8-9, lagi nilang sinasabi na dapat kapag susweldo ka, ibawas mo muna yung 10% at sa 90% na natitira dun ka pa lang magsisimulang magbigay cheerfully.
Pero, kung babasahing mabuti ang chapter 8 & 9 ng 2 Corinto, wala tayong makikitang sinasabi si San Pablo na dapat ibawas muna ng mga Macedonian yung ikapu bago sila magbigay sa mga taga-Corinto. Hindi natin mababasa sa chapter 8 & 9 yung mga sinasabi ng mga Born Again. Si San Pablo mismo ang nagsasabi na magbigay ng naaayon sa kalooban, ng ayon sa kung ano ang kaya.
Yung interpretasyon na dapat ibawas mo muna yung 10% tapos sa 90% ka pa lang magiging cheerful giver ay isang pagtatangka na ireconcile yung Malachi 3:8-10 sa 2Corinthians 8 & 9. Tinangkang ireconcile kaso pilit.
Ngayon, balikan natin yung tanong. Dapat bang magbigay ng ikapu ang mga Katoliko? Kung oo, paano dapat tingnan ng mga Katoliko ang ikapu? Anu-ano ang mga bagay na dapat paniwalaan ng mga Katoliko tungkol sa ikapu? 
Isa-isahin natin…
Pagtanaw sa Panahon Bago ang Kautusan
Ang idea ng ikapu ay hindi nagsimula sa Mosaic Law. Bago pa magkaroon ng Kautusan ni Moises may pag-iikapu na. At dun natin ibabatay ang pag-iikapu nating mga Kristiyano lalo na tayong mga Katoliko.
At si Melquisedec, na hari sa Salem, ay naglabas ng tinapay at alak; at siya’y saserdote ng Kataastaasang Dios.  At binasbasan niya siya na sinabi, Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios, na may-ari ng langit at ng lupa:  At purihin ang Kataastaasang Dios, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay. At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam. (Genesis 14:18-20 TAB)
Kaugnay na larawanAng Genesis 14:18-20 ay isang anino ng magaganap sa hinaharap, sa Bagong Tipan. Si Jesus ay may saserdote (pari) ayon sa pagkasaserdote (pagkapari) ni Melquisedec (Heb. 5:6,10). Si Melquisedec ay nagbigay ng tinapay at alak, at binasbasan si Abram, si Jesus ay nagbigay ng katawan at dugo at iniligtas mga Kristiyano. Binigyan ni Abram ng ikapu si Melquisedec, ano dapat ang gawin ng mga Kristiyano kung higit pa sa tinapay at alak, at pagbabasbas ang tinanggap natin? 
Walang batas na umiiral noong panahon na iyon para ma-obliga si Abram na magbigay ng ikapu kay Melquisedec. Ibig sabihin kusang loob siyang nagbigay kapalit ng tinapay at alak, at pagbabasbas.

Ang pagbibigay ng ikapu ng mga Kristiyano ay pagbibigay pasasalamat sa ginawa ng Panginoong Jesus para sa ating kaligtasan. Naniniwala tayo bilang mga Katoliko na ang tinapay at alak  

Kaugnay na larawanay nagiging katawan at dugo ng Panginoong Jesus tuwing Banal na Misa pero barya-barya lang ang kaloob natin. Totoo, na hindi mababayaran ng anumang halaga ang katawan at dugo ng Panginoon, pero kung mauunawaan lang natin na higit pa sa tinapay at alak ang tinatanggap natin, na sobrang pagmamahal ng Panginoon sa atin gusto niya tayong makasama sa pamamagitan ng sakramento baka kulangin pa yung 10% na handog bilang pagpapasalamat.
Resulta ng larawan para sa in love  cartoon photoIn Love  
Kaugnay na larawanNaranasan mo na ba ma-in love? Sa isang taong nagmamahal, ang paggastos ay opportunity para maipakita kung gaano mo kamahal ang isang tao, kung gaano siya kahalaga para sa iyo na tipong kahit maubusan ka ng pera sa bulsa basta alam mong napapasaya mo siya ok lang. Alam yan ng mga lalakeng seryosong nanliligaw at ng mga babaeng mahal na mahal ang boyfriend nila.
Si Jesus kaya paano ma-in love? Namatay siya para sa atin. Buhay ang katumbas ng pag-ibig. Hindi pera.

Na inyong nalalamang kayo’y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang; Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga’y ang dugo ni Cristo…(1Pedro 1:18,19 TAB)
Anong kinalaman ng ikapu? Again, sa taong nagmamahal ang paggastos ay opportunity para maipakita kung gaano mo siya kamahal. Sa Lumang Tipan ang tawag sa mga handog ay sacrifice. Sa Bagong Tipan, ang nag-sacrifice ang Panginoong Jesus, so anong sacrifice natin bilang mga nagmamahal sa kanya? 10% ng ating kita.
Isang dahilan kung bakit ayaw natin magbigay ng ikapu e kasi masakit sa budget, umaaray ang ating bulsa. Pero may sacrifice bang hindi masakit?
Syempre, buong buhay natin dapat mahalin ang Diyos, hindi lang 10% ng kita natin. Pero sa finances paano natin siya mamahalin? Ikapu. At kung kaya mo pa, lagpasan mo pa yung10%.
Consecration of 100%
At lahat na ikasangpung bahagi ng lupain, maging sa binhi ng lupain, o sa bunga ng punong kahoy ay sa Panginoon: magiging banal sa Panginoon. (Levitico 27:30 TAB)
Hep! Teka muna, akala ko ba Lumang Tipan na yan at wala nang bearing sa ating mga Kristiyano. Basahin mo ulit yung isinulat ko sa itaas. Wala naman akong sinabing hindi na dapat paniwalaan ang Levitico 27:30. Ang sinabi ko, hindi na tayo nasasakop ng Lumang Tipan, ng Kautusan. Totoo na 100% ng buong pagkatao natin ay pag-aari ng Diyos pero sa nakikita ko pagdating sa ikabubuhay natin when we consecrate 10% we consecrate the remaining 90%.
Pagdating sa finances, 100% ng sweldo natin ay pag-aari niya. Since God is our provider, siya ang nagprovide sa atin ng kita natin therefore 100% kanya iyon. Ang kailangan lang natin ibalik bilang pasasalamat ay 10% and by doing so we are consecrating 100% of our income. Hindi lang naman sa 10% concern ang Diyos, concern din siya kung paano mo bina-budget ang 90% na natitira. We have to glorify God in our budgeting dun sa 90% na natitira.
Whoever sows sparingly will also reap sparingly
Ngayon, i-try naman nating i-reconcile ang Malachi 3:10 at 2Corinthians 9:6-8.
Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan. (Malakias 3:10 TAB)
Datapuwa’t sinasabi ko, Ang naghahasik ng bahagya na ay magaani namang bahagya na; at ang naghahasik na sagana ay magaani namang sagana. Magbigay ang bawa’t isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka’t iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya. At maaaring gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo; upang kayo, na mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawa’t mabuting gawa. (2Corinto 9:6-8 TAB)
Sa Malachi 3:10, naghahamon ang Diyos. Ibigay daw ang ikapu faithfully, bubuksan niya ang dungawan ng langit at maghuhulog Siya ng pagpapala na walang sapat na silid na kalalagyan. Ibig sabihin, umaapaw. Sa umpisa, duda ka pa tapos dahil naghamon ang Diyos susubukan mo. Syempre, Diyos ang nangako for sure matutupad yan.
Matutuwa ka dahil natutupad ang pangako ng Diyos, masaya ka nang magbibigay ng ikapu. Hindi na duty. At maiisip mo, kung 10% lang ang hinihingi ng Diyos pero kapalit nun ay pagpapala na walang sapat na silid na kalagyan paano pa kaya kung gawin nating 15%, 20%, 30% o 50%? Ang naghahasik ng bahagya ay mag-aani ng bahagya. Kung sa 10% pa lang bumaha na ng pagpapala, paano pa kaya kung higit pa roon ang ibigay natin?
Sinabi ng Panginoong Jesus na huwag mong susubukin ang Panginoong Diyos (Mat. 4:7), sa Malakias 3:10 lang nag-hamon ang Diyos. Minsan lang yun, patulan mo na. 
Masakit talaga sa bulsa ang 10%, pero kapag nagbigay ka ng ikapu, you are acknowledging God as your provider.  Huwag ka mag-alala, siya ang bahala sa iyo.
Currency ang ibang tawag natin sa pera kasi ganun talaga ang pera, may current, may pagdaloy. Parang law of gravity, pag naghagis ka ng anumang bagay paitaas babagsak. Hindi mo dapat hawakan ng mahigpit ang pera, subukan mong pakawalan sa tamang paraan sigurado babalik iyan sa iyo.
Pag nagbigay ka sa Panginoon siguradong ibabalik niya sa iyo siksik, liglig at umaapaw.


BAKIT ANG MGA PARI HINDI MAG-AASAWA CELIBACY

HINDI PAGAASAWA NG KAPARIAN AT MADRE (CELIBACY) *** BATIKOS NG INC AT IBANG SEKTA.. PINAGBABAWALAN DAW NATIN ANG MGA TAO NA MAG ...