Sabado, Hulyo 25, 2015

CBCP NANAWAGANG IPAGDASAL ANG MGA I.N.C. AT ANG KALIGTASAN NI KA TENNY AT MGA ANAK






553,953 (na) Panonood
WATCH: Sa unang pagkakataon matapos pumutok ang isyu kaugnay sa Iglesia ni Cristo, lumantad si Ka Angel Manalo upang magbigay ng kanyang pahayag.
Basahin ang buong detalye rito: gmane.ws/1OBiOgY


Archbishop Socrates Villegas, CBCP President
Archbishop Socrates Villegas, CBCP President

CBCP: Ipagdasal natin ang INC

By dzmm.com.ph | 06:54 PM 07/24/2015
Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na ipagdasal ang Iglesia ni Cristo (INC).
Ito’y matapos magkaroon ng kaguluhan bunsod ng paglabas ng video ng mag-inang Ka Tenny at Ka Angel Manalo sa social media na nagsasabing nanganganib ang buhay nila at may mga dinakip na ministro dahil sa katiwalian sa kapatiran.
Ayon kay CBCP President Dagupan Archbishop Socrates Villegas, ipagpanalangin na malagpasan ng INC ang kanilang pinagdadaanan para manumbalik ang matatag na samahan nito.
Aniya pa, ipinapagpapanalangin nito na mailigtas ang buhay ng mga sinasabing nasa panganib ang buhay nila.
“Pangalawa, nanawagan sila na ang kanilang buhay ay nasa panganib… Ano mang buhay, regardless of religion, regardless of nationality, kailangan nating iligtas. Sana ‘yung may kakayanan na ibalik sila sa kaligtasan ay gawin ang lahat para maging mapayapa ulit ang kanilang buhay,” sambit nito.
Ipinanawagan din ni Villegas sa awtoridad na tumulong para sa kaligtasan ng mga apektadong miyembro. — ulat ni Aldrin Soriano, ABS-CBN News Dagupan
SOURCE:

http://dzmm.abs-cbnnews.com/news/Region/CBCP%3A_Ipagdasal_natin_ang_INC.html

BAKIT ANG MGA PARI HINDI MAG-AASAWA CELIBACY

HINDI PAGAASAWA NG KAPARIAN AT MADRE (CELIBACY) *** BATIKOS NG INC AT IBANG SEKTA.. PINAGBABAWALAN DAW NATIN ANG MGA TAO NA MAG ...