“ANO ANG KAUGNAYAN NG BANAL NA HAPUNAN SA PANAHON NATIN NGAYON?”
Ang tinutukoy sa tanong ay ang 'Last Supper' o 'Huling Hapunan' na mababasa natin sa Juan 6:22-59. Napaka-importante ng hapunang ito dahil dito ibinigay ng Panginoong Hesu-Kristo ang kanyang sarili (literally) sa anyo ng tinapay at alak upang makasama ng kanyang mga tagasunod sa lahat nang panahon - at sino mang tumanggap sa kanya (sa anyo ng ostiya sa panahon natin) ay may buhay na walang hanggan ayon mismo kay Hesus:
Juan 6:51, 53-54
Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain ng tinapay na ito. At ang tinapay ay ang aking katawan na ibibigay ko upang mabuhay ang sangkatauhan....Sinabi ni Jesus, Pakatandaan ninyo: malibang kainin ninyo ang laman ng Anak ng Tao at inumin ang kanyang dugo, hindi kayo magkakaroon ng buhay. 54 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan at muli ko siyang bubuhayin sa huling araw.

Nang gabi ding yun naganap ang unang Misa sa kasaysayan ng Simbahan (Institution of the Eucharist). Ibinilin ni Hesus na gawin ito bilang pag-alala sa kanya hanggang sa kanyang pagbalik:
1 Cor. 11:23-26
Ito ang katuruang tinanggap ko sa Panginoon at ibinigay ko naman sa inyo: noong gabing siya'y ipagkanulo, ang Panginoong Jesus ay dumampot ng tinapay, nagpasalamat at pinagpira-piraso iyon, at sinabi, "Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-aalaala sa akin." Matapos maghapunan, dumampot din siya ng kopa at sinabi, "Ang kopang ito ay ang bagong tipan ng Diyos na pinagtibay ng aking dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo bilang pag-aalaala sa akin." Sapagkat tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kopang ito, ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon hanggang sa kanyang muling pagparito.

Makikita rin natin sa mga susunod na sitas na hindi lang "symbols" ang paniniwala ng mga kristiyano sa tinapay at alak, kundi literal na si Kristo mismo:
1 Cor. 11:27-29
Ang sinumang kumakain ng tinapay at umiinom sa kopa ng Panginoon sa paraang di nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon. 28 Kaya't dapat siyasatin ng tao ang kanyang sarili bago siya kumain ng tinapay at uminom sa kopa. 29 Sapagkat ang sinumang kumakain at umiinom nang hindi kinikilala ang kahalagahan ng katawan ng Panginoon ay kumakain at umiinom ng kahatulan laban sa kanyang sarili.

Kung simbolo lang ang tinapay at alak, walang katuturan ang babala ni San Pablo na ang tatanggap ng katawan at dugo ni Hesus na ‘di nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ni Hesus bukod pa sa kumakain at umiinom siya ng kahatulan sa kanyang sarili.
Napaka-importante ng pagdiriwang ng huling hapunan (Holy Mass) sa lahat ng panahon, kaya pati rin ang Pari na kumakatawan kay Hesu-Kristo ay kumakain din ng Banal na Ostiya.
Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay. Kumain ng manna ang inyong mga ninuno nang sila'y nasa ilang, ngunit sila'y namatay. Narito ang tinapay na bumaba mula sa langit upang ang sinumang kumain nito ay hindi na mamatay. Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay na bumaba mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain ng tinapay na ito. At ang tinapay ay ang aking katawan na ibibigay ko upang mabuhay ang sangkatauhan.
MGA KATANUNGAN:
Ang mga Katoliko ay naniniwala sa Tunay na Presensya ni Hesus sa Banal na Eukaristiya,na ang ibig sabihin ay ang nakikitang tinapay at alak ay tunay na Katawan at Dugo ni Hesus – hindi lamang isang sagisag ng Kanyang Katawan ang Dugo. Tuwing ang mga Katoliko ay tumatanggap ng Banal na Komunyon, ito ay pagpapahayag ng pagkaka-isa sa lahat ng naroon sa komunyon sa Simbahang Katoliko sa buong mundo, na patuloy sa paniniwala sa Tunay na Presensya ni Kristo sa Eukaristiya. Kayat ang mga mananampalataya lamang sa Tunay na Presensya ang maaaring makilahok sa sakramentong ito ng pakikiisa kay Kristo at ng Kanyang Simbahan. “Ang pagdiriwang ng sakripisyong Eukaristiya ay pawang nakatuon sa taimtim na kaisahan ng mga mananampalataya kay Kristo sa pamamagitan ng komunyon” (CCC 1382).
Ang Catholic Bishops of the Philippines (CBCP) ay naghahayag nang kanilang pagnanais para sa pagkakaisa:
“… Tayo ay mga taong pinagkaisa kay Kristo at sa bawa’t isa dahil sa Eukaristiya. Sa ganitong kadahilanan kaya itinuturo sa atin sa Katesismo na “ang Eukaristiya ang pinakamabisang sagisag at pinakadakilang dahilan ng pagkomunyon sa buhay na nauukol sa Diyos at ang pagkakaisa ng Bayan ng Diyos na nagpapanatili sa Simbahan” (CCC 1325).

, “Ito ang Aking Katawan.” Sinasabi Niya ang tungko sa alak, “Ito ang Aking Dugo.” ” Hindi Niya sinabing “ito ay sagisag ng,” o “ito ay kumakatawan sa”. Sinasabi Niya, “ito AY.” Sa Juan 6, inulit Niyang sinasabi, tulad ng ginagawa Niya sa iba pang bahagi ng Banal na Kasulatan, upang bigyang diin ang pahayag na inaasahan Niya sa atin para kainin ang Kanyang Laman at inumin ang Kanyang Dugo and ang Kanyang laman ay tunay na pagkain at ang Kanyang Dugo ay tunay na inumin. May iba pang mga pahayag na tumuturo sa kahulugang naaayon sa salita na ibig ipahiwatig ni Kristo dito.
Pahayag #1: Ang mga Hudyo ay binigyang kahulugan na naaayon sa salita sa talata 52. Pahayag #2: Ang Kanyang mga disipulo ay binigyang kahulugan na naayon sa salita sa talata 60. Pahayag #3: Ang mga Apostoles ay pinakahulugan Siya ng naayon sa salita sa mga talata 67-69. Kung bawat isa na nadinig Siyang magsalita noong panahong iyon ay pinagkahulugan Siya ng naayon sa salita, lahat tayo ngayon, 2000 mga taon na ang nakaraan, ay tinatawagan na pakahulugan Siya ng naayon sa salita, sangayon sa Banal na Kasulatan. Bukod doon, sa talata 51, ipinahahayag ni Hesus na ang tinapay na ibibigay Niya para sa buhay ng mundo ay ang Kanyang Laman. Kailan Niya ibinigay ang Kanyang Laman para sa buhay ng mundo? Sa Krus. Batid natin na si Hesus ay hindi nagsasalita ng ukol sa sagisag dito. Dahil sa pinaninindigan natin na si Hesus ay naghayag ng ayon sa salita tungkol sa kamatayan Niya sa Krus, pininindigan din natin na pinatotohanan Niya ang Kanyang sinabi tungkol sa pagkain ng Kanyang Laman at pag-inom ng Kanyang Dugo.
Kung naniniwala tayo na si Hesus ay nagsasalita bilang sagisag dito sa Juan 6, matatagpuan natin ang tunay na suliranin pagdating sa Juan 6:51. Ibinigay ba ni Hesus ang Kanyang tunay na laman at dugo para sa buhay ng mundo, o ang mga ito ay sagisag lamang ng Kanyang laman at dugo?