Miyerkules, Agosto 19, 2015

SA MGA JEHOVAH WITNESS NA HINDI NANINIWALA NA MAY IMPERNO



Litrato ni Marlon M. Sering Sr.


SAGOT: 

Hindi daw parusahan si Satanas ng forever.  Ano ang sinasabi  ng Biblya Tungkol sa Escathology? Ito ay sangay o bahagi ng Theolohiya o "Theology" na nagbibigay ng kapalinawagan o kaganapan ng mga Propesiya o nasa Bibliya tungkol sa mga  huling araw gaya ng kamatayan huling paghuhukom Langit at Imperno.

Mayroon ba talagang Langit at Imperno? Ang pangitain ni Apostol Juan sa  aklat ng Revelation o Apocalypse ay nagsasalaysay at naghahalintulad sa isang lungsod o city na punongpuno ng makislap makinang at mamahaling bato at maliwanag na mga krystal na jasper. 

Ang langit ay sinasabing mayroong labing dalawa o 12 gates o malalaking pintoan na mayroong labing dalawa ring pundasyon. Ang paraiso ng halaman ng Edin ay muling nabuhay, Ang ilog ng tubig ng buhay ay muling umaagos ng walang hadlang, at ang puno ng buhay ay makakamtan na namang muli, namumunga ng masagana at ang mga dahon nito ay nagagamot ng mga_____(sory diko narinig ng maayos). Kahit na napakaganda ng pagkasalaysay sa description ni Juan ng langit, Ang katotohanan o realidad ng kalangitan ay hindi kaya ng kakayahan o abilidad ng tao na totoong may tiwala o masabi ang buong kagandahan ng langit sa 1 Corinto 2:9. Kaya sa maiksing explanation ang langit ay isang lugar na di kayang maipaliwanag ang kagandahan at kakayahan nito. Ang langit ay lugar na parang nagsasabing wala na. Wala ng mga luha pait o sakit, wala ng kalungkutan, wala ng paghihiwalay dahil ang kamatayan ay nasupil o natalo na. 

Subalit katulad din ng langit ang imperno ay mayroon ding batayan o description ng anung mga kaganapan o mga bagay ang makikita roon. Ang mga aklat ng Bibliya ay nagbibigay ng mga nakakakingilabot ng anyo o itsura ng imperno. Sa mateo 22:13 sinasabing maraming bahagi sa imperno daw ay lubhang napakadilim. Sa Luke 16;23-24 Ang imperno ay lugar ng pagpapahirap kawalan ng pag-asa at hindi makuhang pagnanasa. Sa 2 Thessalonians 1:9 Ang imperno daw ay pook ng walang katapusang pagkawasak. Ang pasrusa sa kanila ay walang hanggang kapahamakan at mahihiwalay sila sa Panginoon at sa dakila niyang kapangyarihan. Sa Revalation 21:8 Ito daw ay makikitang lugar na ang mga nandoon ay mga taong nasussunog sa pamamagitan ng malakas na apoy o mga nagliliyab na mga bato.

Ngayong atin ng napag-aralang mabuti ang posebling ating pupuntahan pagkamatay natin. Ano naman ang sinasabi ng Bibliya sa muling pagbabalik ni JesuCristo. Atin na ngayon nararamdaman ang mga kaganapan ng mga prediksiyon na mangyayari, batay sa Old Testament na nagsasabing pagdating ng Panginoong JesuCristo. GENESIS 3;15 na may pagpapatuloy at kaganapan sa GALATIANS 4;4. Sa aklat ng ZECHARIAH 12;10 ay naganap din kay JOHN 19;34 at sa PSALM 22;11-18 muli sa aklat ni JOHN 19;23-24. Ang lahat ng pagkatotoo na mga binanggit na mangyayari tungkol sa pagdating ng ating Panginoong Jesus ay dapat ikagalak ng mga mananampalataya dahil ang pangako ng Diyos natupad na.

Ang Second Coming o ikalawang pagbabalik ng Panginoong Jesus ay pagtatapos din ng Mortal na Mundo. Ang Bible ay walang ibinigay na hudyat o palatandaan kung kailan ito magaganap. Subalit mayroong tatlong bagay na magaganap muna at ang mga ito ay RAPTURE o pagkuha ng mga ligtas na upang sumama na kay Jesus sa itaas ng alapaap o sa ulap. Ang ikalawa ay ang TRIBULATION o matinding pagsubok. At ang ikatlo (The Second Comming) ay ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus. Subalit ano ba talaga ang Rapture? Ito ay ang sa isang kisap mata o pagpikit ay i-snatch o dadagitin lahat ng mananampalataya ng mga members o kaanib na tunay na church of Jesus Christ at tunay na tumanggap kay Jesus upang umakyak na sa langit na kasama ang Panginoon.

Ito ay masusumpongan sa first Tessalonians 4;17. Sa Matthew 24:40-41 ang Rapture daw ay may dalawang nasa parang o bukid. Ang isa ay kukunin ang isa ay maiiwan. Dalawang babae ay naggigiling ang isa ay kukunin at ang isa ay maiiwan. Ang lahat ng maiiwan ay daranas ng matinding pagsubok at pagpapahirap. Ang Tribulation ayon sa aklat ni Mathtew 24;4-14 ay ang pagpapahirap sa mga kristiano at hindi nakasama sa rapture o salubong ng Panginoong Diyos sa itaas ng alapaap o ulap at mga tagasunod ng Panginoon pagkatapos ng rapture.  At ang mga kaaway o ang hindi ligtas ay makakaranas ng matinding hirap.  Ang mga sunodsunod na nabanggit na mga pangyayari ay naghuhudyat na muling pagdating ng ating Panginoong JesuCristo at ang Armageddon ang huling laban ng Diyos at ni Satanas ay magaganap na. Dito sa labang ito si Satanas ay tuluyang ng matatalo at si Jesus Christ ay babalik na matagumpay sa Mundo. Ang mga naging martyr ng tribulation ay mabubuhay muli Kapiling si Jesus Christ. 

Bro. Adonis V. Tungcab













BAKIT ANG MGA PARI HINDI MAG-AASAWA CELIBACY

HINDI PAGAASAWA NG KAPARIAN AT MADRE (CELIBACY) *** BATIKOS NG INC AT IBANG SEKTA.. PINAGBABAWALAN DAW NATIN ANG MGA TAO NA MAG ...