If You have question about a particular topic regarding the Catholic Church, such as the Eucharist, or Mary and the saint. Let me know. I will try to answer your question as best i can. Bro. Adonis V. Tungcab CFD Cebu
Huwebes, Abril 30, 2015
MARIA INA NG DIYOS
Ang mga “christians” naniniwala sa pagka-Diyos ng Panginoong Jesus…pero hindi sila naniniwala na “Ina ng Diyos” ang Birheng Maria.
Ang Panginoong Jesus ay isang persona na may dalawang kalikasan.
Ang kalikasang ito ay:
Kalikasan ng Diyos (Divine Nature)
In the beginning was the Word, and the Word was with God, and the Word was God. (John1:1)
Who being in the form of God, thought it not robbery to be equal with God. (Phil. 2:6)
For in him dwelleth all the fulness of the Godhead corporeally…(Col. 2:9)
But to the Son: Thy throne, O God, is for ever and ever: a sceptre of justice is the sceptre of thy kingdom. Thou hast loved justice, and hated iniquity: therefore God, thy God, hath anointed thee with the oil of gladness above thy fellows. And thou in the beginning, O Lord, didst found the earth: and the works of thy hands are the heavens. (Heb. 1:8-10)
Kalikasan ng Tao (Human Nature)
But all things whatsoever John said of this man, were true. And many believed in him. (John 10:41)
For ther is one God, and one mediator of God and men, the man Christ Jesus. (1 Tim. 2:5)
Every spirit which confesseth that Jesus Christ is come in the flesh, is of God. (1John 4:2)
Ang isinilang ng Mahal na Birhen ay persona, hindi kalikasan. Nang isilang niya ang Panginoong Jesus, isinilang niya ang Persona ng Panginoong Jesus na may dalawang kalikasan, Diyos at Tao.
Bilang paghahalintulad, ang tao ay binubuo ng kaluluwa at katawan. Ang isang tao ay isang persona. Kapag isinisilang ang isang tao ng kanyang ina, isinisilang siya bilang persona, binubuo ng kaluluwa at katawan.
Nagmumula ang kaluluwa sa Diyos. Nagmumula naman ang katawan sa mga magulang. Pero iisang persona ang isinisilang.
Ang Panginoong Jesus ay Ikalawang Persona ng Diyos (Santisima Trinidad), at nagmula sa Mahal na Birhen ang kanyang katawan…sa Mahal na Birhen lang.
Tinatawag ng mga “christians” ang Birheng Maria na “earthly mother” o “biological mother” ng Panginoong Jesus…kahit wala namang nakasulat na “earthly mother” at mas lalong walang nakasulat na “biological mother” sa Biblia. (Tandaan na isa sila sa mga nagsasabing wag daw magdadagdag ng hindi naman nakasulat sa Biblia)
Iisang (Panginoong) Jesus lang ang isinilang ng Birheng Maria, ang Jesus na Diyos at Tao.
“Earthly mother” ang terminolohiya na ginagamit ng mga “christians” para sabihing ang Birheng Maria ay ina ng (Panginoong) Jesus sa kanyang pagiging tao. Ang kaso, wala namang “heavenly mother” ang Panginoon para kilalanin bilang kanyang ina sa kanyang pagka-Diyos.
Ina ng Diyos.
Ina, dahil sa kanyang pagkakatawang Tao kinailangan (o mas magandang sabihin na pinili ng Diyos na kailanganin) niya ng isang ina na magbibigay sa kanya ng kalikasan ng tao.
ng Diyos, dahil nanatili siyang Diyos kahit siya ay nasa pagkakatawang tao.
Maraming tumutuligsa sa titulong “Ina ng Diyos” ng Birheng Maria dahil daw lalabas na nauna pang nag-exist ang Mahal na Birhen bago ang Diyos.
Pero kung papansining mabuti, sino bang nagpipilit na “naunang nag-exist ang Mahal na Birhen kaysa sa Diyos” ang kahulugan ng “Ina ng Diyos”? Ang mga “christians” at ang mga kaisa nila sa pagtuligsa sa Simbahang Katoliko.
Walang ganung turo ang Simbahan. Ipinipilit lang iyon ng mga tumutuligsa.
Malinaw na ang itinuturo ng Simbahang Katoliko (at ng Biblia) ay ang Incarnation o Pagkakatawang Tao ng Ikalawang Persona ng Diyos.
I believe…in Jesus Christ, His (the Father’s) only Son, Our Lord; who was conceived by the Holy Ghost, born of the Virgin Mary… (Apostles’ Creed)
We believe in one Lord, Jesus Christ, the only Son of God, eternally begotten of the Father, God from God, light from light, true God from true God, begotten, not made, of one Being with the Father; through him all things were made. For us and for our salvation he came down from heaven, was incarnate of the Holy Spirit and the Virgin Mary and became truly human. For our sake he was crucified under Pontius Pilate; he suffered death and was buried. On the third day he rose again in accordance with the Scriptures; he ascended into heaven and is seated at the right hand of the Father. He will come again in glory to judge the living and the dead, and his kingdom will have no end. (Nicene Creed)
Hindi naunang nag-exist ang Mahal na Birhen sa Diyos….nagkatawang tao ang Diyos. Yan ang itinuturo ng Simbahan.
Ang pagkakilanlan ng mga Kristiyano sa Mahal na Birheng Maria na “Ina ng Diyos” ay nakabatay sa pagkakakilanlan kay Kristo bilang Diyos na nagkatawang Tao.
Ang katuruan ng Simbahan tungkol sa Birheng Maria bilang “Mother of God” ay nakabatay sa turo ng Simbahan na “Incarnation”.
Ito ay katulad ng pagkakakilanlan sa mga Kristiyano bilang mga “Kristiyano” (mga taga-sunod ni Kristo)…nakabatay sa pagiging Kristo ng Panginoong Jesus.
Tulad sa pagiging “Templo ng Diyos” ng mga Kristiyano, nakabatay sa pagiging Diyos ng Espiritu Santo.
Ang identity ng Birheng Maria at ng mga Kristiyano ay nakabatay sa identity ni Kristo.
What the Catholic faith believes about Mary is based on what it believes about Christ, and what it teaches about Mary illumines in turn its faith in Christ. (Catechism of the Catholic Church #487)
Kung ihihiwalay ang Birheng Maria sa Panginoong Jesus, ang Diyos na nagkatawang tao, mawawala sa kanya ang pagiging “Ina ng Diyos”.
Kung ihihiwalay ang isang Kristiyano sa Panginoong Jesus, mawawala ang kanyang pagiging Kristiyano.
Maraming “christians” ang naniniwala sa Pagka-Diyos ni Cristo ayon sa Biblia, pero hindi sa pagiging “Ina ng Diyos” ni Maria kahit na nakasulat ito ng malinaw sa Biblia…
And whence is this to me, that the mother of my Lord should come to me? (Luke 1:43)
For who is God but the Lord? Or who is God but our God? (Psalm 17:32)
One Lord, one faith, one baptism. (Ephesians 4:5)
Kung hirap maniwala sa nakasulat sa Biblia, samahan natin ng logic…
If Mary is the Mother of Jesus (Luke 1:31, Mat. 1:18,21)
And Jesus is God (Col. 2:10, Heb. 1:8-10, Phil. 2:5-6, John 1:1)
Therefore, Mary is the Mother of God. (Luke 1:43, Psalm 17:32, Eph.s 4:5)
Maraming “christians” ang nagsasabi na ang Birheng Maria ay isa lamang nilalang, at hindi kailanman ang Diyos (remember, naniniwala ang mga “christians” sa Divinity of Christ) mapapasailalim sa isang nilalang.
Naniniwala sila sa Divinity of Christ at Incarnation pero stumbling block para sa kanila ang Mother of God.
Pero Biblia na (Biblia na pilit ipanagduduldulan sa mga Katoliko na sila lang ang marunong bumasa) ang nagpapakita na ginawa ng Diyos sa magpasailalim sa kanyang nilalang na si Maria….
And he went down with them, and came to Nazareth, and was subject to them. And his mother kept all these words in her heart. (Luke 2:51)
Stumbling block para sa mga “christian” ang Diyos na nagpasakop sa kanyang taong Ina (at ama)…kahit sila pa mismo ang nangangaral ng tungkol sa Pagkakatawang Tao ng Panginoong Jesus.
Ibig sabihin hindi lang Crucifixion ang stumbling block (at foolishness ayon sa 1Corinthians 1:18,21-25), pati Incarnation. At ang masaklap, stumbling block at foolishness ito sa mismong mga taong nangangaral nito…mga “christians”.
Minsan, gusto pang palabasin ng mga “christians” (kaisa nila ang mga sektang mapantuligsa) na hindi kinilala ng Panginoong Jesus bilang Ina ang Birheng Maria dahil sa pagtawag niya ng “Babae” dito at hindi “Ina”…
And Jesus said to her: Woman, what is that to me and to thee? My hour is not yet come. (John 2:4)
…at dahil sa pagsasabi ng Panginoon na…
Who is my mother and my brethren? And looking round about on them who sat about him, he saith: Behold my mother and my brethren. For whosoever shall do the will of God, he is my brother, and my sister, and mother. (Mark 3:33-35)
Ibig sabihin, nagkaroon nang di-pagkilala (disown) ang Panginoong Jesus sa kanyang Ina.
Sabi nila yun.
Palalabasin nilang bastos na Anak ang Panginoong Jesus mapabulaanan lang nila na ang Birheng Maria ay “Ina ng Diyos”. Ang Panginoong Jesus ay naparito upang ganapin ang kautusan (Mat. 5:17). At isa sa mga Utos ng Diyos ang “Igalang mo ang iyong ama at ina”. Ang di pagkilala sa iyong mga magulang sa publiko ay isang kabastusan…isang bagay na hindi gagawin ng Panginoon.
Hindi na nakapagtataka kapag ganoon na lang bastusin ng mga “christians” ang Birheng Maria sa harap ng mga Katoliko dahil ang kilala nilang “Jesus” ay isang bastos na anak….tulad nila.
Kaya yung mga dating Katoliko na ang tawag sa Birheng Maria ay Mama Mary, nung naging “christian” Maria na lang ang tawag (at kung anu-ano pang kalapastanganan ang sinasabi tungkol sa Birheng Maria). Nakakilala kasi kay “Jesus Christ”, tinanggap as Lord and Savior. Yun nga lang yung nakilala at tinanggap niyang “Jesus Christ” e yung bastos na anak na “Jesus Christ”. Kung bastos sa sariling Ina ang “Panginoon” tutularan siya ng kanyang mga taga-sunod at babastusin din ang kanyang Ina.
Ang Ina ay ina. Tawagin man siyang nanay o hindi na kanyang anak, hindi maiaalis ang katotohanang ang babaeng nagsilang ay ina.
Dahil ang Mahal na Birhen ang nagsilang sa Panginoong Jesus, hindi maiaalis ang katotohanang siya ay Ina. At dahil siya ay sumunod sa kalooban ng Diyos, lalong pinagtibay ng Panginoong Jesus na si Maria ang kanyang Ina. Na si Maria ay karapat-dapat na kilalanin niyang Ina.
“And Mary said: Behold the handmaid of the Lord; be it done to me according to thy word.” (Luke 1:38)
Hindi kailanman binastos o nilapastangan ng Panginoong Jesus…ng tunay na Jesus, ang kanyang Ina. Hindi siya nagkasala kailanman, kahit ng paglapastangan sa sariling Ina.
For we have not a high priest, who can not have compassion on our infirmities: but one tempted in all things like as we are, without sin. (Hebrews 4:15)
Ang pagiging “Ina ng Diyos” ng Mahal na Birheng Maria ay hindi paglalagay sa kanya sa pedestal kapantay ng Diyos, tulad ng sinasabi ng mga “christian”. Ito ay fullness of grace. Biyaya sa kanya ng Diyos ang karangalang maging Ina ng Ikalawang Persona ng Santisima Trinidad.
Pinarangalan siya ng Diyos, hindi masamang parangalan siya ng mga Kristiyano.
“He that honoureth his mother is as one that layeth up a treasure.” (Ecclesiasticus 3:5)
_____________________________________________________________MARIA INA NG DIOS
Ika-8 Setyembre, ang kaarawan ni Maria na ating ina. Bilang paggunita sa minamahal nating "Mama," isang pagpapaliwanag ang ililimbag ng Pinoy Katoliko ukol sa titulo o katawagan kay Maria ng mga Katoliko na "Ina ng Diyos."
Hindi iba na magulat at kung minsan pa nga ay mangilabot ang ibang pananampalatayang Kristiyano sa pagtawag ng mga Katoliko kay Maria ng Ina ng Diyos. Tulad ng akdang ito ng isa pang Pinoy na blogger na nagsabing "God has not beginning nor end, therefore, He DOES NOT HAVE A MOTHER!" (Ang Diyos ay walang simula at hangganan, sumakatuwid WALA SIYANG INA!).
Ang ganitong mga reaksiyon ay nanggagaling sa hindi tamang pagkakaintindi ng ibang pananampalataya sa pundasyon ng gawaing Katoliko na ito. Inaakala ng iba na ating inilalagay si Maria bilang mas mataas sa Diyos--- ito ay malayo sa pananampalatayang Katoliko. Makakatulong kung tayo mismong mga Katoliko ay may malalim na pag-unawa sa ating pagmamahal kay Maria, upang mas mahusay natin itong maipaliwanag sa iba.
Ang Diyos ay Nagkatawang-tao
Tandaan ng ang mga Katoliko ay naniniwala sa inkarnasyon, o ang pagkakatawang-tao ng Diyos kay Hesus. Paano nasabi ng mga Katoliko na ang Panginoon ay nagkatawang-tao? Ilang bahagi ng Biblia ang nagpapatunay nito. Halimbawa, ninais ng mga Hudyo na patayin si Hesus dahil naiintindihan nila ang implikasyon ng Kanyang mga winiwika. "Dahil dito ay lalo ngang naghanap ng pagkakataon ang mga Judio na patayin siya. Ito ay sapagkat hindi lamang niya nilabag ang araw ng Sabat kundi tinawag pa niyang sariling Ama ang Diyos, na ipinapantay ang kaniyang sarili sa Diyos." Juan 5:18
Si San Tomas, matapos ang muling pagkabuhay, ay lubos na naunawaan ang implikasyon nito. "Sumagot si Tomas at sinabi sa kaniya: Aking Panginoon at aking Diyos." Juan 20:28.
Ito rin ay isang bagay na ipinaliwanag ni San Pablo sa unang mga Kristiyano. "Bagaman siya [Hesus] ay nasa anyong Diyos, hindi niya itinuring na kailangang pakahawakan ang kaniyang pagiging kapantay ng Diyos." Mga Taga-Filipos 2:6
Sapagkat iisa lamang ang Diyos, isang malaking kahangalan na tawagin ni Hesus ang Kanyang sarili bilang Diyos, o kaya ay kapantay ng Diyos. Ang tangi lamang paliwanag na hindi nag-sisinungaling si Hesus sa kanyang winika (at hindi niya nilinaw ang pananaw ng mga Hudyo, ni San Tomas o ni San Pablo) ay ang pagiging Diyos ni Hesus. Bagamat ito ay isang bagay na mahirap lubos na maunawaan ng isip ng tao, ito ay misteryong di imposible para sa Diyos---na ang Anak at Ama ay iisa.
Ang misteryo ng inkarnasyon ay nagsasabi sa atin ng isang mahalagang bagay: na si Hesus ay(1)totoong Diyos at (2)totoong tao.
Bakit ito kinailangan pang gawin ng Panginoon? Ang misteryong ito ay bukal ng ating pag-asa. Ang inkarnasyon ay isang larawan ng pag-ibig ng Diyos sa atin. Ang ating kasaysayan ng kaligtasan ay umiikot sa katotohanan na sa pagmamahal sa atin ng Diyos, inihandog Niya ang Kanyang nag-iisang Anak, upang iligtas ang sanlibutan. Sa katawan ng isang tao na nasasaktan at napapagod, dinala ng Panginoon ang kabayaran para sa lahat ng ating mga kasalanan. Minodelo ng Diyos mismo na Siya ay ang pinakadakilang pag-ibig. Isang pag-ibig na "Wala nang hihigit pa....na mag-alay ng kaniyang buhay para sa kaniyang mga kaibigan." Juan 15:13 (Maaaring basahin din ang akdang ito ng Pinoy Katoliko ukol sa pag-ibig ng Diyos.
Ang Pagiging Ina ni Hesus ni Maria
Kung si Hesus at totoong Diyos at totoong tao, saan nagmula ang Kanyang pagka-Diyos at pagka-tao?
Ang pagka-Diyos ni Hesus ay galing lamang sa Diyos Ama. Si Maria, tulad nating lahat ay isa lamang nilikha ng Panginoon, at alinsunod sa kagustuhan ng Ama. Tandaan na hinding-hindi sinasabi ng Katoliko na kay Maria nagmula ang pagiging Diyos! Hindi mas mataas si Maria sa Diyos, at kung mababasa ninyo ang Magnificat ni Maria (Lucas 1:46-55), malinaw na si Maria mismo ang nagsabi na siya'y isa lamang "alipin na nilingap ng Panginoon."
Ngunit ang pagkatao ni Hesus ay galing kay Maria. Siya ang nagsilang sa Kanya kasama ng Espiritu Santo. Bakit kailangan na dumaan pa sa isang tao si Hesus, bakit di na lang Siya basta isinugo? Sapagkat ang Panginoon ay nagnais magkatawang-tao, at si Maria ang nagbigay sa Kanya ng Kanyang laman.
Hindi lang biolohikal ang pagka-ina ni Maria kay Hesus kung hindi sa puso na rin. Hindi ba't si Maria ang nagpalaki kay Hesus kasama si San Jose, ang nagturo kay Hesus magsalita at lumakad, ang umiyak kasama Niya sa kapalaran ni Hesus?
Kung Si Hesus ay totoong Diyos at si Maria ay totoong ina ni Hesus, hindi ba marapat lamang na tawagin si Maria na Ina ng Diyos?
May ibang nagsasabi na bakit hindi na lang linawin na si Maria ay ina lamng ng tao na Hesus at di ng Hesus na Diyos? Maganda ang kasagutan ni James Cardinal Gibbons, dating Arsobispo ng Baltimore, sa kanyang aklat na "The Faith of Our Fathers" (Ang Pananampalataya ng ating mga Ama). Ginamit ni Arsobispo Gibbons ang ating relasyon sa ating sariling ina upang linawin ang konsepto na pagkaganap ng pagiging isang ina. Sinabi niya na na hindi naman natural na ipinaghihiwalay ang ina ng ating katawan at ng ating kaluluwa. Bagamat ang ating kaluluwa ay galing sa Diyos---at ang ating katawan lamang ang mula sa ating mga ina, hindi natin ipinagkakait sa ating ina ang kaganapan ng kanyang pagka-ina. Kung gayon, bakit natin ipagkakait kay Maria ang kanyang pagka-ina ni Hesus?
Tamang Pagka-unawa
Hinihikayat ang lahat sa tamang pag-unawa ng turo at gawi na ito ng Iglesia Katolika. Sabi nga ng Katesismo para sa mga Pilipinong Katoliko ang "Santa Maria, Ina ng Diyos" sa Aba Ginoong Maria ay nagpapatunay "na hindi isang "diyos" si Maria, kung hindi ang kanyang Anak ay Tunay na Diyos."(CBCP 2000,520),
_________________________________________________________________
Jesus Christ is the mother of Mary in spirit and in truth. I do not speak like a mad or wise person of this world, but I speak like a mad and wise person of God.
In fact, we (messenger of the Lord Jesus) have not received the spirit that comes from the world, but we have received the spirit that comes from God and we speak in words not thought by human wisdom, but taught by the spirit, interpreting spiritual truths to those who are spiritual (1 Corinthians 2/12-13). Only the blind and deaf know according to the flesh and blood that Mary is the mother of Jesus in life. Meanwhile, Hebrews 1/2 says: “but in these last days he has spoken to us by his Son, whom he appointed the heir of all things, through whom also he created the world”. Therefore, you should know that Jesus Christ is the creator of Mary. It is thus good for the blind and deaf to stop confusing the flesh and the spirit or death and life.
Jesus Christ who is the creator has come in this world to save the people through the preaching of the gospel which is his life. In order to preach his life to the people, Philippians 2/7 says: “but emptied himself, by taking the form of a servant being born in the likeness of men”. It is said in 1 Peter 3/18-19: “For Christ also suffered once for sins, the righteous for the unrighteous, that he might bring us to God, being put to death in the flesh but made alive in the spirit, in which he went and proclaimed to the spirits in prison”.
Because he who lives in the thinking of the flesh will consider Jesus to be of the flesh and the one who lives in the thinking of God will know that Jesus Christ is spirit; that is why 1 Corinthians 2/16 says: “…But we have the mind of Christ”. I will like to make you understand that Jesus Christ has never been and will never be white or black, but he is and will always be a spirit of truth and of love; that is why I announce you that if Mary was not born of Jesus, she would have died, that is to say; her soul would have known the second death (Revelations 22/8; Revelations 20/14-15). It is therefore by Jesus Christ (his feeling) that we are known by God the Father; that is why he who does not gather with him in spirit and in truth is against him (Luke 11/23) (Philippians 2/5).
The Lord Jesus Christ in his teachings had made the people to know who were his brothers and mother (Mark 3/35). This teaching is to say that only those who are with him in spirit and in truth are in his house where he is found. Therefore he does not know those who are outside because those who are out live according to the flesh (the death) consequently, they cannot be his true brothers, and they cannot be happy. Meanwhile, those who are happy are those ones who listen and practice his gospel; that is why Luke 11/27-28 says: “As he said these things, a woman in the crowd raised her voice and said to him, “Blessed is the womb that bore you, and the breasts at which you nursed!” But he said, “Blessed rather are those who hear the word of God and keep it!”.
The ignorance that acted yesterday in that woman is the same which still continues to act today because people think that in order to arrive to Jesus, Mary must intercede. Meanwhile, Jesus says: no one comes to the Father except through me (only through my life) (John 14/6). Therefore, it is by Jesus Christ that we pray God, and he is the one (Jesus Christ) who intercedes; that is why the word says to us: “For through him we both have access in one Spirit to the Father” (Ephesians 2/18). It is difficult for man to understand the spiritual language (the language of God) because this one (the language of God) is listened by the men, but it is neither heard nor understood (John 8/43).
When the Lord Jesus says: Truly, truly, I say to you, before Abraham was, I am (John 8/58-59). The wise and mad people did not understand the language of the Living Spirit; that is why they rushed to throw him stones. I know that that these wise and mad people will pick up stones to throw to the same who speaks in me, but only Jesus died (in the flesh) in order to operate and to save the souls, and I am not afraid to speak for the Glory of the Most High. Therefore, I prefer to die in the flesh by the sword while revealing the life (the truth) than to die in the spirit because I have not revealed the truth for which I am sent, for the language of God (the thought of God) is badly interpreted and misunderstood by the people of this world (2 Peter 3/16).
God is his life and this life is a cross that we must live (carry) (Matthew 16/24) and it is in the spirit and not in the physic (Acts 15/10). What I have found piteous in this world is that; on one part, there are people who only look for those who will impose their hands on them, and on the other part, they like those who make divinations on their life (life of dead); and this divination is also called revelation or prophecy.
Only the one who dies for the elevation of the truth in the hearts of the people in this world will be glorified by the veritable and the veracious. I greet and congratulate all those who despise everything because of the Kingdom of heaven.
Apostle not behalf of man, nor by a man but by Jesus Christ and God the Father. God’s power is the knowledge. To know, avoid sin and to be free from the eternal death. (John 8/32)
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
BAKIT ANG MGA PARI HINDI MAG-AASAWA CELIBACY
HINDI PAGAASAWA NG KAPARIAN AT MADRE (CELIBACY) *** BATIKOS NG INC AT IBANG SEKTA.. PINAGBABAWALAN DAW NATIN ANG MGA TAO NA MAG ...
-
Icon of the Annunciation wherein the Angel Gabriel greeted the Virgin Mary, "Hail, Full of Grace" ABA, “GINOONG” MARIA! ...
-
TATLONG PERSONA SA IISANG DIYOS A ng Banal na Santatlo ang pangunahin at pinaka- dakilang misteryo ng ating pananampalataya. Sumasamp...
-
UTOS DAW NG PARI NA SAMBAHIN ANG MGA LARAWAN “ PAGBANGON MO SA BANIG AY AGAD KANG MANIKLUHOD SA HARAP NG ISANG KRUS O ISANG MA...
-
Ang "U" ginawa pang equevalent sa 5. may Roman numiral bang U? Minsan mga Mang-mang talaga. Hindi po VICARIVS...
-
Papa Benedicto IX Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Benedict IX Nagsimula an...
-
Junior Esteban Tama po ang talata kapatid, tama din po ang turo ni Cristo. ano po ang tinututolan namin diyan? ang pagka...
-
Ano ang naiambag ng Iglesia ni Cristo (Manalo) sa lipunan at sa mundo? Para sa Iglesia ni Cristo na tatag ni Fe...
-
Bigfour Angil Roxas ATTENTION TO ADONIS TUNGCAB BASAHIN MONG MULI ANG MGA TOPIC KO NA POST KO AT SAGUTIN MO ANG MGA YAN AT IPAL...
-
THE ANSWER IS A BIG “NO”! The concept of Karma is essentially different from our Christian Faith which proclaims the JUSTICE of God r...
-
(PHOTO: YOUTUBE/RABBONI CENTRE MINISTRIES) South African Pastor, Lesego Daniel, made his...