Huwebes, Mayo 21, 2015

LARAWAN

CATHOLIC APOLOGETICS

PAGLILINAW SA PANINIWALANG KATOLIKO AT APOLOHETIKO PATUNGKOL SA LARAWAN AT ANG IDOLATRIA NI: Adonis V. Tungcab

LAHAT BA NG IMAHE AY BAWAL?

HINDI PO. Ang Exodo 20:4-5, Deuteronomio 5:8-9 ay tumutukoy sa diyos-diyosan. Ngunit hindi lahat ng larawan ay “idol o diyos-diyosan”. Kasi ang Diyos mismo ay nagpagawa rin ng imahe o larawang inanyuan. Kung lahat ng larawan ay bawal ano pang dahilan bakit nag-utos pa ang Panginoong Diyos ng mga larawan:
Sacred Images in the Temple of God in Jerusalem
Sacred Images in the Temple of God in Jerusalem

ADORNO SA KABAN NG TIPAN:
Exodo 25:18 At gagawa ka ng dalawang QUERUBING GINTO; na yari sa pamukpok iyong gagawin, sa dalawang dulo ng luklukan ng awa. 19 At gawin mo ang isang querubin sa isang dulo, at ang isang querubin sa kabilang dulo: kaputol ng luklukan ng awa, gagawin mo ang mga querubin sa dalawang dulo niyaon.
AHAS NA TANSO:
Mga Bilang 21:9 At si Moises ay gumawa ng isang AHAS NA TANSO at ipinatong sa isang tikin: at nangyari, na pag may nakagat ng ahas ay nabubuhay pagtingin sa ahas na tanso,
MGA REBULTO AT LARAWANG INUKIT SA LOOB NG TEMPLO NG JERUSALEM:
1 Kings 6:23 [Magandang Balita] “Sa loob ng Dakong Kabanal-banalan, nagpalagay siya ng dalawang kerubin, IMAHENG NILILOK SA KAHOY na olibo. Labinlimang talampakan ang taas ng bawat isa.”
1 Kings 6:29
AT KANIYANG INUKITAN ANG LAHAT NG PANIG NG BAHAY NG MGA UKIT NA LARAWAN NG QUERUBIN, AT NG MGA PUNO NG PALMA, AT NG MGA BUKANG BULAKLAK, SA LOOB AT LABAS.
1 Kings 6:32 [Magandang Balita] “Tablang olibo rin ang dalawang panara, at MAY UKIT ITONG IMAHEN ng mga kerubin, punong palma at mga bulaklak. Ang mga panara’y may kalupkop na gintong kapit na kapit sa MGA NAKAUKIT NA LARAWAN.”
1 Kings 7:29
AT SA GILID NA TAKIP NA NASA PAGITAN NG MGA SUGPONG AY MAY MGA LEON, MGA BAKA, AT MGA QUERUBIN; at sa itaas ng mga sugpong ay may tungtungan sa ibabaw; at sa ibaba ng mga leon, at mga baka, ay may mga tirintas na nangagbitin.
Ezekiel 41:19
NA ANOPA’T MAY MUKHA NG ISANG TAO SA DAKO NG PUNO NG PALMA SA ISANG DAKO, at mukha ng batang leon sa dako ng puno ng palma sa kabilang dako. Ganito ang pagkayari sa buong bahay sa palibot:
Ezekiel 41:20
MULA SA LAPAG HANGGANG SA ITAAS NG PINTUAN AY MAY MGA KERUBIN AT MGA PUNO NG PALMA NA YARI; ganito ang pader ng templo.
Ang mga ito ay hindi natin maituturing na diyos-diyosan katulad ng paratang ng iba nating mga kapatid. Dahil ito ay “sagradong imahe” na pumupukaw sa ating damdamin upang tayo ay lalo pang mailapit sa Diyos.
Pagan Idols

Pagan Idols

                                                                              Pagan Idols

 ANO PO BA ANG KAHULUGAN NG IDOLATRIA o IDOLATRY?
Ito ang madalas na paratang ng iba nating mga kapatid sa labas ng bakod o maging sa mga katolikong kulang ang pang-unawa. Alamin natin ang kahulugan nito:
Ang “etymology” o pag-aaral ng kasaysayan ng pagkakalago ng salita ay nanggaling latin na ‘Idol’ at ‘Latria’.
Idol o mas kilalang diyos-diyosan at latria na nangangahulugan ng pagsamba = Pagsamba sa diyos-diyosan.
Ayon sa Webster Dictionary ang ‘idol’ ay may ganitong pakahulugan:
3: a form or appearance visible but [[[without substance]]]
http://www.merriam-webster.com/dictionary/idol
Ayon naman sa biblia ito ang kahulugan ng diyos-diyosan:
1 Corinto 8:4 Mabuting Balita Biblia
Kaya nga, tungkol sa pagkaing inihandog sa diyus-diyosan, alam nating ang mga diyus-diyosan ay [[[larawan ng mga bagay na di-totoo]]], at alam nating iisa lamang ang Diyos.
1 Corinthians 8:4 English Standard Version (©2001)
Therefore, as to the eating of food offered to idols, we know that “an idol has no real existence,” and that “there is no God but one.”
Maliwanag na ang tinutukoy na kahulugan ng idol o diyos-diyosan ay ang mga larawan ngunit hindi umiral sa mundong ito na ipinagbawal ng Panginoong Diyos ng tanggapin ni Moises ang sampung utos:
Exodo 20 Mabuting Balita Biblia:
3 “Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin.
4 “Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin. 5 Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi. 6 Ngunit ipinadarama ko ang aking pag-ibig sa libu-libong salinlahi ng mga umiibig sa akin at tumutupad sa aking mga kautusan.
Inulit ito sa Deuteronomio 5:7-9:
7 ” ‘Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin.
8 ” ‘Huwag kang gagawa ng [[[diyus-diyosang imahen]]] ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa, o nasa tubig upang sambahin. 9 Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi. 
Nilinaw na ang imahe na walang pag-iral, diyos-diyosan o idol na ipapalit sa tunay ng Diyos ang ipinahahayag sa mga talatang ito. At kung ito ay tatanggapin natin ng LITERAL, LAHAT ng imahe o larawan ay bawal. Maging ang pagkuha ng litrato sa kamera, pinta o anomang may pigura ay labag. Ngunit dapat nating itanim sa ating isipan na ang Diyos ay nag-utos rin na gumawin ng mga larawang inanyuan.
Kaya hindi maaring tawaging diyos-diyosan ang larawan ng ating Panginoong Hesukristo tulad ng imahe ng Jesus Nazareno ng Quiapo, Sto. NiƱo ng Cebu, Mahal na Birhen ng Antipolo, San Lorenzo Ruiz, San Pedro Calungsod, San Miguel Arkanghel at iba pa. Dahil ito ay “banal na larawan o sacred images” sapagkat sila ay umiral at totoo HINDI KATHANG-ISIP LAMANG katulad ni Zeus, Hera, Poseidon, Athena, Shiva, Picachu, Doraemon at iba pa.
Kaya ang basehan ng biblia maging sa kahulugan ng diksyonaryo upang masabi nating “idol o diyos-diyosan” ay WALANG PAG-IRAL at IPINAGPAPALIT ANG PAGKAKILALA SA TUNAY NA DIYOS SA ISANG LARAWANG INANYUAN.
At wala sa aral ng Santa Iglesia Katolika ang pagsamba sa larawang inanyuan at hindi itinuturo sa mga mananampalataya ang idolatria na malaking kasalanan sa Diyos na may likha ng lahat. Tayong tumanggap ng aral ay may sariling pag-iisip upang gamit at magbigay ng tamang pagtitimbang upang ang isang gawain ay masabi natin masama o mabuti.
“Hindi lahat ng imahe ay diyos-diyosan at hindi lahat ng diyos-diyosan ay imahe.”

BAKIT ANG MGA PARI HINDI MAG-AASAWA CELIBACY

HINDI PAGAASAWA NG KAPARIAN AT MADRE (CELIBACY) *** BATIKOS NG INC AT IBANG SEKTA.. PINAGBABAWALAN DAW NATIN ANG MGA TAO NA MAG ...