Martes, Disyembre 30, 2014

WALA PA RAW'NG TAO SA LANGIT

John Sapiera 
walang naka akyat sa langit... kundi yung nanggaling sa langit lang..

Adonis Tungcab
Sige Dante ipakita ang verse na wala pang tao sa langit?

John Sapiera walang naka akyat sa langit... kundi yung nanggaling sa langit lang..

Adonis Tungcab
2 Kings 2:11 

11 Then it happened, as they continued on and talked, that suddenly a chariot of fire appeared with horses of fire, and separated the two of them; and Elijah went up by a whirlwind into heaven.

Dante Gulle Bañez Jr. Mali ang pagkaintindi mo dyan Adonis Tungcab

Ito ang sabi ni Cristo

Juan 3:13 
At walang umakyat sa langit, kundi ang nanggaling sa langit, sa makatuwid baga'y ang Anak ng tao, na nasa langit.


Adonis Tungcab
Mark 9:4-6
4 Then Elijah and Moses appeared and began talking with Jesus.
5 Peter exclaimed, “Rabbi, it’s wonderful for us to be here! Let’s make three shelters as memorials[a]—one for you, one for Moses, and one for Elijah.” 6 He said this because he didn’t really know what else to say, for they were all terrified.
Tanong ko anong kalagayan nila Elijah at Moses sa panahon na yan???


Dante Gulle Bañez Jr. Adonis Tungcab
Yung nangyari kay Elijah kapareho lang yon sa nangyari kay Enoc pero hindi ibig sabihin nandoon na sila sa langit, mali ang pagkaintindi mo.

Basahin mo ito

Hebreo 11:13 Ayon sa pananampalataya ay nangamatay ang lahat ng mga ito, na hindi kinamtan ang mga pangako, nguni't kanilang nangakita na natanaw mula sa malayo, at kanilang ipinahayag na sila'y pawang taga ibang bayan at manglalakbay sa ibabaw ng lupa.


Adonis Tungcab
John 3:10-15
10 Jesus replied, “You are a respected Jewish teacher, and yet you don’t understand these things? 11 I assure you, we tell you what we know and have seen, and yet you won’t believe our testimony. 12 But if you don’t believe me when I tell you about earthly things, how can you possibly believe if I tell you about heavenly things? 13 No one has ever gone to heaven and returned. But the Son of Man[a] has come down from heaven. 14 And as Moses lifted up the bronze snake on a pole in the wilderness, so the Son of Man must be lifted up,15 so that everyone who believes in him will have eternal life.[b] Dante Gulle Bañez Jr. ,,, post mo yung buo kaibigan ,,, intindihin mo,,

MAGBASA AT UMUNAWA SALAMAT 
Dante Gulle Bañez Jr.
Yung nangyari kay Elijah kapareho lang yon sa nangyari kay Enoc pero hindi ibig sabihin nandoon na sila sa langit, mali ang pagkaintindi mo.

BASA 

2 Kings 2:11
11 Then it happened, as they continued on and talked, that suddenly a chariot of fire appeared with horses of fire, and separated the two of them; and Elijah went up by a whirlwind into HEAVEN 


Luke 23:43
43 And Jesus replied, “I assure you, today you will be with me in paradise.”

haisst ,, yan yung problema satin kung kulang tayo sa kaalaman.


Dante Gulle Bañez Jr. Hinid mo pa rin naintindihan yan Jason Napz inilibing pa nga si Cristo non tapos nabuhay at nag
stay pa ng ilang araw sa lupa. Kinokontra mo ba ang sabi ni Cristo sa John 3:13? Yan ang hirap sa mga hindi nakakaintindi ng Biblia. Basahin mo rin itong sulat ni Pablo

Hebreo 11:39-40 
At ang lahat ng mga ito, nang sila'y mapatotohanan na dahil sa kanilang pananampalataya, ay hindi kinamtan ang pangako,  Na ipinaghanda ng Dios ng lalong mabuting bagay tungkol sa atin, upang sila'y huwag maging sakdal ng bukod sa atin. Hindi mo ba ito naiintindihan? Sabi ito ni Cristo at hindi Siya nagsisinungaling 

Juan 3:13 
At walang umakyat sa langit, kundi ang nanggaling sa langit, sa makatuwid baga'y ang Anak ng tao, na nasa langit.

Hayag ang pagka anti-Kristo mo  dahil kinokontra mo ang sinabi ni Cristo.
Nagmamagaling ka kasi kahit hindi mo pa nauunawaan. Pagsinabi sa Bibliya na langit ibig ipakahulugan mo langit na na kinaroroonan ng Ama. Tandaan mo hindi lang isa ang langit.

Adonis Tungcab
Only the true church founded by Christ has the authority to proclaim who are those already in heaven (Mat 16:19) at marami ng mga namamatay na ang kanilang kaluluwa ay nandoon na (Rev 6:9-10, 11:10-11, 20:4) basahin mo mabuti dante para maunawaan mo ang katotohanan.

Dante Gulle Bañez Jr. Adonis Tungcab
Nangyayari na ba yang revelation? Isa ka pa nangmamagaling ka rin.  
Totolan mo ang sinabi ni Cristo

Juan 3:13 
At walang umakyat sa langit, kundi ang nanggaling sa langit, sa makatuwid baga'y ang Anak ng tao, na nasa langit.
Paano naging totoo yang relihiyon nyo Adonis Tungcab aral sa inyo kontra kay Cristo at sasabihin nyo pa na founded ni Cristo eh labag nga kay Cristo yang mga aral nyo.

Adonis Tungcab
Mayroon bang totoo na labag sa aral ni Cristo? Ang totoong Iglesya as syang depositoryo ng katotohanan (1Tim 3:15)...To tell you bro there is no such thing as dogma and doctrine of the catholic church na labag sa aral ni Cristo dahil ang aral ni Cristo ay nandiyan sa Catholic Church and no other...

Tama yan ang Jn 3:13, Bakit ko totolan yan, kaya nga kasali yan sa bibliya namin, kayo wala namang bibliya, heheh...Wala ngang umakyat sa langit kundi yong nanggaling sa langit at ng umakyat na si Cristo sa langit daladala niya ang maraming kaluluwa, kaya nakikita don sa langit (Rev 6:9-10, 11:10-11, 20:4).

Dante Gulle Bañez Jr. Nangyari na ba yang revelation? Nakakatawa ka naman
Wala naman nakalagay dyan sa revelation na ng umakyat na sa langit si Cristo marami Siyang dala dalang mga kaluluwa. Hayag ang kasinungalingan mo.

Adonis Tungcab
O tingnan mo nga namang taong ito. Kaya nga revelation ini reveal ang katotohanan...anu ba yan 

Biyernes, Disyembre 26, 2014




http://youtu.be/dcpVrtv2t-M

This post is just BS. Nowhere did Pope Francis declare Lucifer as God. This is the translation of what they were singing:

May the Morning Star which never sets find this flame still burning: Christ, that Morning Star, who came back from the dead, and shed his peaceful light on all mankind, your Son, who lives and reigns for ever and ever.

The word Lucifer is a Latin word and is being carried over from the Latin Vulgate to the King James Version in Isaiah 14:12. This became a Protestant proof text for the fall of Satan.

King James Version: Isaiah 14:12: 12 How art thou fallen from heaven, O Lucifer, son of the morning! how art thou cut down to the ground, which didst weaken the
nations!

SINASABI NILA NA SUMASAMBA DAW SA DEMONYO TAYONG MGA KATOLIKO.
ANG VIDEO AY NAGING VIRAL SA MGA IBANG SEKTA,, KATULAD NG MGA INC, ADD, AT MGA BORN AGAIN..
KAYA NAMAN,. KANILANG INEDIT ANG VIDEO AT HINALAUN NG PANLILINLANG NA CAPTION...
LINK NG VIDEO:
https://www.youtube.com/watch?v=_yT9vWRB7cw

KUNG MAPAPANSIN NATIN DIYAN SA VIDEO.. SALITANG "LATIN" ANG GINAGAMIT NA LENGWAHE DIYAN SA EASTER VIGIL MASS..
NGUNIT ANO ANG KATOTOHANAN SA LIKOD NG SALITANG "LUCIFER" ?? ANO IBIG SABIHIN NITO?
ORIHINAL NA NAG MULA ANG SALITANG "LUCIFER" SA WIKANG "LATIN" NA ANG IBIG SABIHIN AY "shining One" "Light Bearer" O' "Morning Star" SA TAGALOG... ITO AY MAKINANG, NAGNININGNING. NAGLILIWANAG NA BAGAY O' "Tala sa Umaga".

PAGLILINAW:
ORIGINALLY ANG "Lucifer" AY HINDI PROPER NOUN O' PROPER NAME NG DEMONYO. GINAMIT LANG ANG "Lucifer" PARA IPAHIWATIG SA DEMONYO O' KAY SATAN.. BAKIT IPINAHIWATIG ?? MAMAYA PO MALALAMAN NATIN KUNG BAKIT IPINAHIWATIG KAY SATAN ↓↓ KAYA KAPAG TINANONG MO WHAT IS THE MEANING OF "lucifer" ?? SA MGA LATIN SPEAKERS.. PARA SA KANILA ITO AY "shinging" O "Light Bearer"
THE WORD "Lucifer" IT ALSO DENOTES TO PLANET VENUS, DAHIL ANG VENUS AY MAKINANG NA PLANETA AT ITO AY KILALA BILANG "MORNING STAR"...
SA WIKANG HEBREO NAMAN.. ANG SALITANG "LUCIFER" AY הֵילֵל (Helel) SAME MEANING NA ANG IBIG SABIHIN AY "Shining One" .. ISANG NAGNININGNING NA BAGAY.. O' "Morning Star" (Tala sa umaga)
GANUN DIN SA GREEK.. ITO AY "HEOSPHOROS" SAME MEANING..
KAYA ANG "LUCIFER" AY TUMUTUKOY SA DIYOS, KAY KRISTO NA MAKAPANGYARIHAN.. DAHIL SIYA AY NAGLILIWANAG AT NAGNININGNING AT KINIKILALA NATIN SIYA BILANG ILAW NG SANLIBUTAN.. NA PINAGMUMULAN NG LIWANAG. PERO SA CHRISTIAN TRADISYON.. ANG LUCIFER AY MALIMIT NATIN PINAPATUNGKULAN KAY SATAN... BAKIT NGA BA ??
THE BIG QUESTION IS BAKIT TINAWAG NA LUCIFER SI SATAN ?
NGAYON TATALAKAYIN NA NATIN KUNG BAKIT..
 

TANONG:
Bakit Nga ba tinatawag si Satan na "Lucifer" ?? at bakit ipinahiwatig kay satan ang salitang "Lucifer"

ITO'Y NAGSIMULA SA MGA PROTESTANTE, O' SA MGA KAMPON NI MARTIN LUTHER.. NG DAHIL SA KANILANG MALING INTERPRETATION DITO SA TALATANG ITO...
ATING BASAHING MAIGI  ISAIAH 14:12-15
12 - Ano't NAHULOG KA mula sa langit, OH TALA SA UMAGA, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa!
13 - At sinabi mo sa iyong sarili, AKOY SASAMPA SA LANGIT, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan:
14 - Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; AKO'Y MAGIGING GAYA NG KATAAS-TAASAN.
15 - Gayon ma'y mabababa ka sa Sheol, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hukay."
 

KUNG MAPAPANSIN NATIN DIYAN SA TALATA.. MAY TINUTUKOY NA ISANG TAO, NA TINATAWAG NA "Tala sa Umaga" NA KUNG SAAN AY GUSTONG MAGING ISANG DAKILA AT HIGIT SA LAHAT ..
.
ANG INTERPRETATION NG MGA PROTESTANTE DITO SA TALATANG ITO.. ANG TINUTUKOY SA TALATA AY ANG FALLEN ANGEL NA SI "SATAN" KASI KUNG MAKIKITA NATIN DIYAN SA TALATA MAY PAGKAKAHAWIG SA FALL OF SATAN.. SINCE SI SATAN AY GUSTONG MAGING KATULAD NG DIYOS..
YUNG WORD KASI NA: "Tala sa Umaga" O "Morning Star" DIYAN SA TALATA.. ANG TRANSLATION NIYAN SA WIKANG LATIN AY "Lucifer" GANITO PO IYAN SA LATIN
ISAIAH 14:12 (Latin Vulgate)
"quomodo cecidisti de caelo LUCIFER qui mane oriebaris corruisti in terram qui vulnerabas gentes"
PERO ANG KATOTOHANAN YUNG "Lucifer" O "Tala sa Umaga" NA TINUTUKOY DIYAN SA TALATA AY HINDI PO SI SATAN ANG TINUTUKOY PO AY ANG ISANG BABLONIAN KING NA PRE-EMINENT NOONG KANYANG PANAHON, NA AYON SA HISTORIAN AY SI KING NEBUCHADNEZZAR II. NA HARI NG BABYLONIA. ITO'Y AYON DIN SA MGA SCHOLAR AT DALUBHASA .. KUNG MAPAPANSIN NATIN SA KARUGTONG.. ITO ANG ATING MABABASA ISAIAH 14:4
"Na iyong gagamitin ang talinghagang ito LABAN SA HARI BABILONIA, at iyong sasabihin, Kung paano ang mamimighati ay naglikat! ang bayang ginto ay naglikat!"
KITANG KITA.. NA SI ISAIAH AY SUMUSULAT LABAN SA HARI NG BABILONIA.. KAYA HINDI PO NIYA PINAPATUNGKULAN SI SATAN,, NAPAKA LAYO PO KUNG BABASAHIN NATIN NG BUO ANG TALATA.. ETO PA PO
ISAIAH 14:18-20
18 - Lahat ng MGA HARI ng mga bansa, silang lahat, nangatutulog sa kaluwalhatian, bawa't isa'y sa kaniyang sariling bahay.
19 - Nguni't ikaw ay natapon mula sa iyong libingan na gaya ng kasuklamsuklam na sanga, gaya ng bihisan ng mga patay, na tinaga ng tabak, na bumaba sa mga bato ng hukay: gaya ng bangkay na nayapakan ng paa.
20 - Ikaw ay hindi malalakip sa kanila sa libingan, sapagka't iyong sinira ang iyong lupain, IYONG pinatay ang iyong BAYAN; ang angkan ng mga manggagawa ng kasamaan ay hindi lalagi magpakailan man.
KITANG KITA PO SA KARUGTONG.. NA TUMUTUKOY SA TAO O' HARI AT HINDI SA ANGHEL O' DEMONYO FALL OF KING PO AT HINDI SI SATAN,.
SA KING JAMES VERSION (KJV) NA PABORITO NG MGA PROTESTANTE.. "Lucifer" MISMO ANG PAGKAKA GAMIT SA TALATA .. KAYA SI SATAN AY TINATAWAG NG "Lucifer"
Isaiah 14:12:
"How art thou fallen from heaven, O LUCIFER, son of the morning! how art thou cut down to the ground, which didst weaken the nations!"
KAYA IYAN PO ANG DAHILAN KUNG BAKIT TINATAWAG NA "Lucifer" SI SATAN.. DAHIL ANG INTERPRETATION PO NILA KAY SATAN DAW TUMUTUKOY ANG TALATA.. KAYA YUNG "MORNING STAR" SA LATIN AY "LUCIFER" AY KINONEKTA NA SA DEMONYO PERO ANG LUCIFER PO TALAGA AY WALANG KAUGNAYAN SA PANGALAN NG DEMONYO, ITO PO AY HINDI BIBLICAL NAME NI SATAN.. MALI LANG INTERPRETATION NG MGA PROTESTANTE SA TALATA NI ISAIAH.. KAYA ANG "LUCIFER" AY NAKASANAYAN NG GAMITIN KAY SATAN SPECIALLY MGA PROTESTANT AT KUMALAT SA MGA KRISTIANO. KAYA ANG "LUCIFER" SA MGA MODERN ENGLISH DICTIONARY.. ITO AY TUMUTUKOY NA DIN SA DEMONYO..
 

******BAKIT TINAWAG NA LUCIFER ANG DIYOS SA EASTER VIGIL MASS?***
TULAD NGA NG SINABI KO SA TAAS.. ANG "Lucifer" AY LIGHT BEARER O' "MORNING STAR" NGAYON.. SINO BA ANG ATING LIGHT BEARER ??
NATURAL SI KRISTO NA SIYANG ILAW NG SANLIBUTAN
MISMONG SI KRISTO ANG NAG SABI NA SIYA ANG "ILAW NG SANLIBUTAN" AT SIYA DIN MISMO NAGSABI NA SIYA AY "Morning Star" SA LATIN AY "Lucifer"
ITOY MABABASA NATIN SA REVELATION REVELATION 22:16
"I, JESUS, have sent my angel to give you this testimony for the churches. I am the Root and the Offspring of David, and the bright MORNING STAR."
KITA NIYO NA MISMONG KAY KRISTO NAG MULA NA SIYA AY MANING-NING NA TALA SA UMAGA NA IBIG SABIHIN SA LATIN AY "Lucifer"
SA AKLAT NI PEDRO.. TINUKOY SI KRISTO BILANG "Lucifer" O' "SHINING" SA MADALING SALITA "LIGHT BEARER" ATIN PONG BASAHIN SA LATIN VULGATE
2 PETER 1:19 (Latin Vulgate)
"et habemus firmiorem propheticum sermonem cui bene facitis adtendentes quasi lucernae LUCENTI in caliginoso loco donec dies inlucescat et LUCIFER oriatur in cordibus vestris"
KITA NIYO NA ANG SABI AY "Lucifer" AT "Lucenti" SA INGLES GANITO PO IYAN 2 PETER 1:19
"We also have the prophetic message as something completely reliable, and you will do well to pay attention to it, as to a LIGHT SHINING in a dark place, until the day dawns and the MORNING STAR rises in your hearts."
 

KITA NIYO NA YUNG LUCENTI AT "LUCIFER" MEANING "Morning Star" O' "LIGHT BEARER" MISMONG SI APOSTOL PEDRO AT ANG PANGINOONG HESUS PO NAG SABI NIYAN ..
KAYA NAKAKATAWA PO ANG MGA IBANG SEKTA NA BUMABATIKOS DAHIL BINABANGGIT SA EASTER VIGIL YUNG "Lucifer" KASI PINAPAKITA LANG NILA NA MANG MANG SILA SA LATIN HE HE HE! PEACE!
AT HINDI LANG PO DIYAN SA TALATA.. MAGING SA IBANG TALATA.. GINAMIT PO ANG SALITANG "Lucifer" HINDI PARA ITUKOY SA DEMONYO.. KUNDI PARA ITUKOY SA SALITANG "Light Bearer" O "Morning Star".
JOB 11:17 (Latin Vulgate)
"et quasi meridianus fulgor consurget tibi ad vesperam et cum te consumptum putaveris orieris ut LUCIFER"
JOB 38:32 (Latin Vulgate)
"numquid producis LUCIFERUM in tempore suo et vesperum super filios terrae consurgere facis"
PSALMS 109(110):3 (Latin Vulgate)
"tecum principium in die virtutis tuae in splendoribus sanctorum ex utero ante LUCIFERUM genui te"
COMMENTARY NG MGA DALUBHASA
Gill's Exposition of the Entire Bible:
"....How art thou fallen from heaven,.... This is NOT TO BE UNDERSTOOD OF THE FALL OF SATAN, and the apostate angels, from their first estate, when they were cast down from heaven to hell, though there may be an allusion to it; see Luke 10:18 but the words are a continuation of the speech of the dead to the king of Babylon...."

Sabado, Disyembre 20, 2014

THE POPE INVOKE LUCIFER- Easter Vigil Mass 2012




This post is just BS. Nowhere did Pope Francis declare Lucifer as God. This is the translation of what they were singing:

May the Morning Star which never sets find this flame still burning: Christ, that Morning Star, who came back from the dead, and shed his peaceful light on all mankind, your Son, who lives and reigns for ever and ever.

The word Lucifer is a Latin word and is being carried over from the Latin Vulgate to the King James Version in Isaiah 14:12. This became a Protestant proof text for the fall of Satan.

King James Version: Isaiah 14:12: 12 How art thou fallen from heaven, O Lucifer, son of the morning! how art thou cut down to the ground, which didst weaken the
nations!



SINASABI NILA NA SUMASAMBA DAW SA DEMONYO TAYONG MGA KATOLIKO. ANG VIDEO AY NAGING VIRAL SA MGA IBANG SEKTA,, KATULAD NG MGA INC, ADD, AT MGA BORN AGAIN..
KAYA NAMAN,. KANILANG INEDIT ANG VIDEO AT HINALAUN NG PANLILINLANG NA CAPTION...
LINK NG VIDEO:

KUNG MAPAPANSIN NATIN DIYAN SA VIDEO.. SALITANG "LATIN" ANG GINAGAMIT NA LENGWAHE DIYAN SA EASTER VIGIL MASS.. NGUNIT ANO ANG KATOTOHANAN SA LIKOD NG SALITANG "LUCIFER" ?? ANO IBIG SABIHIN NITO? ORIHINAL NA NAG MULA ANG SALITANG "LUCIFER" SA WIKANG "LATIN" NA ANG IBIG SABIHIN AY "shining One" "Light Bearer" O' "Morning Star" SA TAGALOG... ITO AY MAKINANG, NAGNININGNING. NAGLILIWANAG NA BAGAY O' "Tala sa Umaga".

PAGLILINAW:
ORIGINALLY ANG "Lucifer" AY HINDI PROPER NOUN O' PROPER NAME NG DEMONYO. GINAMIT LANG ANG "Lucifer" PARA IPAHIWATIG SA DEMONYO O' KAY SATAN.. BAKIT IPINAHIWATIG ?? MAMAYA PO MALALAMAN NATIN KUNG BAKIT IPINAHIWATIG KAY SATAN ↓↓
KAYA KAPAG TINANONG MO WHAT IS THE MEANING OF "lucifer" ?? 
SA MGA LATIN SPEAKERS.. PARA SA KANILA ITO AY "shinging" O "Light Bearer"
THE WORD "Lucifer" IT ALSO DENOTES TO PLANET VENUS, DAHIL ANG VENUS AY MAKINANG NA PLANETA AT ITO AY KILALA BILANG "MORNING STAR"...
SA WIKANG HEBREO NAMAN.. ANG SALITANG "LUCIFER" AY הֵילֵל (Helel) SAME MEANING NA ANG IBIG SABIHIN AY "Shining One" .. 
ISANG NAGNININGNING NA BAGAY.. O' "Morning Star" (Tala sa umaga)
GANUN DIN SA GREEK.. ITO AY "HEOSPHOROS" SAME MEANING..
KAYA ANG "LUCIFER" AY TUMUTUKOY SA DIYOS, KAY KRISTO NA MAKAPANGYARIHAN.. DAHIL SIYA AY NAGLILIWANAG AT NAGNININGNING AT KINIKILALA NATIN SIYA BILANG ILAW NG SANLIBUTAN.. NA PINAGMUMULAN NG LIWANAG. PERO SA CHRISTIAN TRADISYON.. ANG LUCIFER AY MALIMIT NATIN PINAPATUNGKULAN KAY SATAN... BAKIT NGA BA ?? 

THE BIG QUESTION IS BAKIT TINAWAG NA LUCIFER SI SATAN ?
NGAYON TATALAKAYIN NA NATIN KUNG BAKIT..

TANONG:
Bakit Nga ba tinatawag si Satan na "Lucifer" ?? at bakit ipinahiwatig kay satan ang salitang "Lucifer"

ITO'Y NAGSIMULA SA MGA PROTESTANTE, O' SA MGA KAMPON NI MARTIN LUTHER.. NG DAHIL SA KANILANG MALING INTERPRETATION DITO SA TALATANG ITO...
ATING BASAHING MAIGI  ISAIAH 14:12-15
12 - Ano't NAHULOG KA mula sa langit, OH TALA SA UMAGA, anak ng umaga! paanong ikaw ay lumagpak sa lupa, ikaw na siyang nagpahina sa mga bansa!
13 - At sinabi mo sa iyong sarili, AKOY SASAMPA SA LANGIT, aking itataas ang aking luklukan sa itaas ng mga bituin ng Dios; at ako'y uupo sa bundok ng kapisanan, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hilagaan:
14 - Ako'y sasampa sa itaas ng mga kaitaasan ng mga alapaap; AKO'Y MAGIGING GAYA NG KATAAS-TAASAN.
15 - Gayon ma'y mabababa ka sa Sheol, sa mga kaduluduluhang bahagi ng hukay."
KUNG MAPAPANSIN NATIN DIYAN SA TALATA.. MAY TINUTUKOY NA ISANG TAO, NA TINATAWAG NA "Tala sa Umaga" NA KUNG SAAN AY GUSTONG MAGING ISANG DAKILA AT HIGIT SA LAHAT ..
.
ANG INTERPRETATION NG MGA PROTESTANTE DITO SA TALATANG ITO.. ANG TINUTUKOY SA TALATA AY ANG FALLEN ANGEL NA SI "SATAN" KASI KUNG MAKIKITA NATIN DIYAN SA TALATA MAY PAGKAKAHAWIG SA FALL OF SATAN.. SINCE SI SATAN AY GUSTONG MAGING KATULAD NG DIYOS..
YUNG WORD KASI NA: "Tala sa Umaga" O "Morning Star" DIYAN SA TALATA.. ANG TRANSLATION NIYAN SA WIKANG LATIN AY "Lucifer" GANITO PO IYAN SA LATIN
ISAIAH 14:12 (Latin Vulgate)
"quomodo cecidisti de caelo LUCIFER qui mane oriebaris corruisti in terram qui vulnerabas gentes"
PERO ANG KATOTOHANAN YUNG "Lucifer" O "Tala sa Umaga" NA TINUTUKOY DIYAN SA TALATA AY HINDI PO SI SATAN ANG TINUTUKOY PO AY ANG ISANG BABLONIAN KING NA PRE-EMINENT NOONG KANYANG PANAHON, NA AYON SA HISTORIAN AY SI KING NEBUCHADNEZZAR II. NA HARI NG BABYLONIA. ITO'Y AYON DIN SA MGA SCHOLAR AT DALUBHASA .. KUNG MAPAPANSIN NATIN SA KARUGTONG.. ITO ANG ATING MABABASA ISAIAH 14:4
"Na iyong gagamitin ang talinghagang ito LABAN SA HARI BABILONIA, at iyong sasabihin, Kung paano ang mamimighati ay naglikat! ang bayang ginto ay naglikat!"
KITANG KITA.. NA SI ISAIAH AY SUMUSULAT LABAN SA HARI NG BABILONIA.. KAYA HINDI PO NIYA PINAPATUNGKULAN SI SATAN,, NAPAKA LAYO PO KUNG BABASAHIN NATIN NG BUO ANG TALATA.. ETO PA PO  ISAIAH 14:18-20
18 - Lahat ng MGA HARI ng mga bansa, silang lahat, nangatutulog sa kaluwalhatian, bawa't isa'y sa kaniyang sariling bahay.
19 - Nguni't ikaw ay natapon mula sa iyong libingan na gaya ng kasuklamsuklam na sanga, gaya ng bihisan ng mga patay, na tinaga ng tabak, na bumaba sa mga bato ng hukay: gaya ng bangkay na nayapakan ng paa.
20 - Ikaw ay hindi malalakip sa kanila sa libingan, sapagka't iyong sinira ang iyong lupain, IYONG PINATAY ang iyong BAYAN; ang angkan ng mga manggagawa ng kasamaan ay hindi lalagi magpakailan man.
KITANG KITA PO SA KARUGTONG.. NA TUMUTUKOY SA TAO O' HARI AT HINDI SA ANGHEL O' DEMONYO FALL OF KING PO AT HINDI SI SATAN,.

SA KING JAMES VERSION (KJV) NA PABORITO NG MGA PROTESTANTE.. "Lucifer" MISMO ANG PAGKAKA GAMIT SA TALATA .. KAYA SI SATAN AY TINATAWAG NG "Lucifer"
Isaiah 14:12:
"How art thou fallen from heaven, O LUCIFER, son of the morning! how art thou cut down to the ground, which didst weaken the nations!"
KAYA IYAN PO ANG DAHILAN KUNG BAKIT TINATAWAG NA "Lucifer" SI SATAN.. DAHIL ANG INTERPRETATION PO NILA KAY SATAN DAW TUMUTUKOY ANG TALATA.. KAYA YUNG "MORNING STAR" SA LATIN AY "LUCIFER" AY KINONEKTA NA SA DEMONYO PERO ANG LUCIFER PO TALAGA AY WALANG KAUGNAYAN SA PANGALAN NG DEMONYO, ITO PO AY HINDI BIBLICAL NAME NI SATAN.. MALI LANG INTERPRETATION NG MGA PROTESTANTE SA TALATA NI ISAIAH.. KAYA ANG "LUCIFER" AY NAKASANAYAN NG GAMITIN KAY SATAN SPECIALLY MGA PROTESTANT AT KUMALAT SA MGA KRISTIANO.
KAYA ANG "LUCIFER" SA MGA MODERN ENGLISH DICTIONARY.. ITO AY TUMUTUKOY NA DIN SA DEMONYO.. BAKIT TINAWAG NA LUCIFER ANG DIYOS SA EASTER VIGIL MASS?***
TULAD NGA NG SINABI KO SA TAAS.. ANG "Lucifer" AY LIGHT BEARER O' "MORNING STAR" NGAYON.. SINO BA ANG ATING LIGHT BEARER ??
NATURAL SI KRISTO NA SIYANG ILAW NG SANLIBUTAN
MISMONG SI KRISTO ANG NAG SABI NA SIYA ANG "ILAW NG SANLIBUTAN" AT SIYA DIN MISMO NAGSABI NA SIYA AY "Morning Star" SA LATIN AY "Lucifer"
ITOY MABABASA NATIN SA REVELATION
REVELATION 22:16
"I, JESUS, have sent my angel to give you this testimony for the churches. I am the Root and the Offspring of David, and the bright MORNING STAR."
KITA NIYO NA MISMONG KAY KRISTO NAG MULA NA SIYA AY MANING-NING NA TALA SA UMAGA NA IBIG SABIHIN SA LATIN AY "Lucifer"
SA AKLAT NI PEDRO.. TINUKOY SI KRISTO BILANG "Lucifer" O' "SHINING" SA MADALING SALITA "LIGHT BEARER" ATIN PONG BASAHIN SA LATIN VULGATE
2 PETER 1:19 (Latin Vulgate)
"et habemus firmiorem propheticum sermonem cui bene facitis adtendentes quasi lucernae LUCENTI in caliginoso loco donec dies inlucescat et LUCIFER oriatur in cordibus vestris"
KITA NIYO NA ANG SABI AY "Lucifer" AT "Lucenti" SA INGLES GANITO PO IYAN
2 PETER 1:19
"We also have the prophetic message as something completely reliable, and you will do well to pay attention to it, as to a LIGHT SHINING in a dark place, until the day dawns and the MORNING STAR rises in your hearts."
KITA NIYO NA YUNG LUCENTI AT "LUCIFER" MEANING "Morning Star" O' "LIGHT BEARER" MISMONG SI APOSTOL PEDRO AT ANG PANGINOONG HESUS PO NAG SABI NIYAN ..
KAYA NAKAKATAWA PO ANG MGA IBANG SEKTA NA BUMABATIKOS DAHIL BINABANGGIT SA EASTER VIGIL YUNG "Lucifer" KASI PINAPAKITA LANG NILA NA MANG MANG SILA SA LATIN HE HE HE! PEACE!
AT HINDI LANG PO DIYAN SA TALATA.. MAGING SA IBANG TALATA.. GINAMIT PO ANG SALITANG "Lucifer" HINDI PARA ITUKOY SA DEMONYO.. KUNDI PARA ITUKOY SA SALITANG "Light Bearer" O "Morning Star".
JOB 11:17 (Latin Vulgate)
"et quasi meridianus fulgor consurget tibi ad vesperam et cum te consumptum putaveris orieris ut LUCIFER"
JOB 38:32 (Latin Vulgate)
"numquid producis LUCIFERUM in tempore suo et vesperum super filios terrae consurgere facis"
PSALMS 109(110):3 (Latin Vulgate)
"tecum principium in die virtutis tuae in splendoribus sanctorum ex utero ante LUCIFERUM genui te"
COMMENTARY NG MGA DALUBHASA
Gill's Exposition of the Entire Bible:
"....How art thou fallen from heaven,.... This is NOT TO BE UNDERSTOOD OF THE FALL OF SATAN, and the apostate angels, from their first estate, when they were cast down from heaven to hell, though there may be an allusion to it; see Luke 10:18 but the words are a continuation of the speech of the dead to the king of Babylon...."

Huwebes, Disyembre 18, 2014

MGA IMAHE NG MGA BANAL








Ang mga estatwa sa loob ng mga simbahang Katoliko ay tulad din ng mga monumentong nakikita natin sa lahat ng bayan. Ilinalarawan nila at ipinaalala sa atin ang kabayanihan, kabanalan, at mabuting pamumuhay ng ilang mga taong naging taga-sunod ni Jesus dito sa lupa at ngayon ay nasa harapan na ng Diyos. Ang alaala ng mga taong ilinalarawan ng mga imaheng ito ay nagsisilbing inspirasyon at huwaran nating mga nandito pa sa lupa at patuloy na nakikibaka.

Kung ikaw ang tatanungin, at kung buong katapatan kang sasagot, masama ba sa palagay mo sa mata ng Diyos ang paggawa ng rebulto ng mga bayani ng ating bansa at paglalagay sa kanila sa mga lugar na nakikita ng halos lahat ng mamamayan? Ikalawang tanong, wala ka bang negatibong mararamdaman kung makikita mong may mga taong walang magawa na sisira ng rebulto ng isang bayani? Ikatlong tanong, wala ka bang mararamdamang kahit ano kung makita mong inaapak-apakan at linalapastangan ang larawan ng iyong ina, ama, mga kapatid, o ibang mahal sa buhay? Malungkot man sabihin, pero ang taong walang mararamdaman sa mga ganitong pangyayari [sa palagay ko] ay hindi maiituring na tao. Kung sasabihin mo naman na hindi maganda ang mararamdaman mo kung masasaksihan mo ang ganitong pangyayari, ito ay magpapatunay na sinasabi ng iyong kalikasang-tao (human nature) na ang paggalang na mayroon ka sa mga larawan ng mga mahal sa buhay, o sa rebulto ng mga bayani, ay hindi isang inutil na pagpapahalaga sa mga bagay na walang buhay, kundi ekstensyon ng malalim na paggalang mo sa mga taong ilinalarawan ng mga ito. Hatulan mo ang usaping ito: Tama ba na magbigay-galang ang isang Filipino sa watawat ng Pilipinas, o walang halaga kung makita man niyang nakakalat ito sa daanan at nababasahan ng mga paa? Ang pagbibigay-galang ba dito ay nangangahulugan ng maling pagpapahalaga sa isang piraso ng tela na kinulayan ng asul, pula, at dilaw; o pagpapakita ito ng paggalang sa bansang sinasagisag nito?

Bitbit sa matapat na isip ang ganitong kamulatan, magagawa mo bang hatulan na ang paggawa ng mga rebulto at paglalagay nito sa simbahan ay masama sa paningin ng Diyos? Hindi kaya ang masama sa paningin ng isang rasonableng Diyos ay ang pagkukunwari, paghatol sa hindi nauunawaan, at ang pagpapawalang-halaga sa mga bagay na may tunay na halaga? Ang pagsasabi ng isang bagay at paniniwala naman sa iba ay pagsisinungaling sa sariling konsensya—ito ang kasalanan. Kung sinasabi mo na masama ang paggawa ng mga rebulto at pagbibigay-galang sa mga ito, pero nagbibigay-galang ka naman sa mga rebulto, sa mga larawan, at sa isang piraso ng tela na tinatawag nating bandila, linalabag mo ang sariling budhi—masama yan sa paningin ng Diyos. Kahit ang mga taong hindi nagbabasa ng Bibliya, maiisip na masama ang paglabag sa sariling paniniwala, pero alang-alang sa pagiging “Bible Christian” ng ilang mga nagbabasa, isasangkalan ko ang sulat ni Pablo sa mga Romano: “Anumang hindi ayon sa pananampalataya ay kasalanan” (R 14:23).

Isinulat ang lahat ng bahagi ng Kasulatan para palayain tayo, hindi para ikulong tayo sa mga kaisipang hindi nakatuntong sa katotohanang pinatutunayan ng lohika at karanasan. Ang tunay na pananampalataya, bagamat mahiwaga, ay nakasalig sa tamang pangangatwiran at pagiging makatotohanan. Halimbawa, may ilang mga Filipinong nangangaral sa pangalan ni Jesus na hindi dapat kumain ng dugo, dahil sa bahagi ng Kautusan na nagsasabing huwag kakainin ang hayop na hindi tinanggalan ng dugo, pero makikita mo naman ang mga taong ito na kumakain ng balot—pagkain na may kasamang dugo.

Balik sa isyu ng pagiging masama ng paggawa ng mga larawan at rebulto, silipin natin ang kasaysayan. Sa aklat ng mga Bilang (21:8), sino ba ang nag-utos kay Moises na gumawa ng isang ahas na tanso? Sa aklat ng Exodus, sino ba ang nag-utos kay Moises na gumawa ng isang arko kung saan ang lahat ng mga Israelita ay dapat magbigay-galang? At sino ang nagsabi na dapat gumawa si Moises ng rebulto ng dalawang kerubin na gawa sa ginto para ilagay sa magkabilang dulo ng arko? Sa pagkakaalala ko, si Yahweh ang nag-utos kay Moises ng lahat ng ito. Sinabi mo na sa Bibliya, “kung ano ang sinasabi ay hindi nababali”; ibig bang sabihin ay binali ng Diyos ang sinasabi sa Bibliya? Nagkasala ba si Yahweh dahil sa pagpapagawa niya ng mga rebulto—ng ahas at ng mga kerubin, at ng iba pang mga katulad nito? Ang Diyos din ang nagsabi na “huwag papatay”; nagkasala ba si Yahweh laban sa Biblia noong isinugo niya sa digmaan ang mga Israelita at sinabing patayin ang lahat ng makakasalubong nila? Nagkasala din ba ang Diyos noong sinabi niyang dapat patayin sa pamamagitan ng pagbato ang mga mahuhuling nagkasala? Ano ang gagawin mo ngayon sa gitna ng mga salungatang ito sa mga sinasabi ng Diyos? Pagbintangan ang Diyos na nagkasala laban sa kautusan tungkol sa paggawa ng mga rebulto at sa pagpatay? O hindi kaya mas tamang kilalanin muna natin ang esenya ng Diyos at ng kanyang kalooban? Si Jesus mismo, sa paningin ng ilan, ay ilang ulit na lumabag sa Sabbath pero tulad ng lagi niyang iminumulat sa lahat, ang kalooban ng Diyos ay nasa espiritu ng Kautusan, wala sa patay na titik nito.

Ikalawang punto, para lang sa kalinawan ng mga bumabasa, walang pangyayaring isinalaysay sa aklat ng Mga Pahayag na lumuhod si Pedro sa isang anghel. Ang totoo, kasama na ng mga anghel si Pedro noong panahong iyon—wala na siya sa lupa dahil patay na ang kanyang katawang-lupa noon. Si Juan ang tinutukoy mong lumuhod at sumamba sa anghel. Hindi talaga tama ang “gesture” na ipinakita niya dahil ang intensyon niya ay sambahin ang anghel. [Pero kung ang tanong ay nagkasala ba si Juan sa ginawa niya, ang sagot ay hindi. Ang pagsamba niya sa anghel ay hindi nangangahulugan ng pagtalikod sa tunay na Diyos o kay Jesus; nagpapakita ito ng hindi pa kumpletong pagkakilala ni Juan sa mga bagay na nagmula sa langit. It was an honest mistake, not an act of apostasy.] Kung ang pag-uusapan naman ay pagsamba, dapat maintindihan ng mga bumabasa na ang pagsamba, tulad ng paggalang, pagmamahal, at iba pang tulad nito ay nagmumula sa intensyon at nakikita sa gawa. Ano ba ang halaga ng magkatulad na gawain at magkaibang intensyon? Halimbawa, kumuha ako ng isang basong tubig at ininom ko ito lahat, masasabi mo ba agad na kaya ko ginawa iyon ay dahil nauuhaw ako at gusto kong maibsan ito? Kung oo ang sagot mo, masyado kang mabilis humatol. Hindi lahat ng umiinom ay nauuhaw. Kung uminom ka ng tubig dahil kasama ng gamot, ibig bang sabihin nito ay nagtatanggal ka ng uhaw? Kung uminom ka dahil may bumara sa lalamunan mo, ibig bang sabihin nito ay nagtatanggal ka rin ng uhaw? Maging sa ibang bagay tulad ng pagkain at pagtulog, hindi pare-pareho ang intensyon. Sa tatlong sukatan ng pagiging tama o mali ng isang aksyon, ang intensyon ang unang panukat. Anumang maling intensyon ay nangangahulugan ng maling gawain; pero kung ang intensyon ay mabuti, dadaan naman ito sa ikalawang panukat: ang paraan ng pagawa (means). Kung nauuhaw ka, ang karaniwan mong magiging intensyon ay ibsan ang iyong uhaw. Paano mo ito gagawin? Kung iinom ka gamit ang isang malinis na lalagyan at padadaanin mo ito sa bibig, tama ang iyong paraan; pero kung bubutasin mo ang iyong tiyan para doon ideretso ang tubig, hindi tama ang gagawin mo kahit na mabuti ang intensyon. Ang ikatlong panukat ay ang inaasahang kalalabasan o resulta. Dapat na mas matimbang ang mabuting resulta kaysa masama. Sa bahaging ito, lahat naman ng may sapat na pag-iisip ay makakapagdesisyon kung mabuti o hindi ang inaasahang kalalabasan ng isang aksyon.

Ang mga panuntunang nabanggit ay aplikable sa lahat ng bagay na may kinalaman sa moralidad at praktikalidad. Sa paggawa ng mga rebulto at pagbibigay-galang sa mga ito, unang-unang dapat suriin ay ang intensyon. Ano ba ang intensyon ni Yahweh nang ipinagawa niya kay Moises ang ahas na tanso? Ano ba ang intensyon niya nang nag-utos siyang gumawa ng arko na may mga bantay na kerubin, na kung tutuusin ay “merong mata hindi nakakita , merong tainga pero di nakarinig”? Ano ba ang intensyon ng Simbahan sa pagkilala sa mga rebulto ng mga banal na tao bilang bahagi ng debosyong Cristiano? Ang sagot sa huling tanong ay nasabi ko na noon at inulit ko ulit sa umpisa nito. Pero bilang pagpapakita ng mas malaking larawan ng totoong sitwasyon, dadagdagan ko ang paliwanag: May mga taong likas na matalino at madaling makaunawa; sa kabaligtaran, may mga taong mahina ang kakayahan sa pag-unawa ng mga ideya, o yung mas kilala natin sa salitang “slow”. Bilang pagkilala sa katotohanang ito ng kalikasan ng ibang tao, gumawa ang mga lider ng sinaunang Cristianismo ng tinatawag nating “Credo”. Ito ay pagsasalahat ng pinakamahahalagang katotohanang hindi dapat makalimutan ng bawat nananalig kay Jesus. Kung ang pagiging Cristiano ay nangangailangan ng talino ng isang Pablo, o ng isang Agustin, o ng isang Tomas, malamang maluwag pa ang isang maliit na bansa para sa bilang ng lahat ng mga Cristiano sa buong mundo. Binuo ang credo para maging mas madali para sa lahat ang pag-unawa sa elementaryang bahagi ng Pananampalataya. Ang katulad na prinsipyo din ang nasa likod ng paggamit ng mga rebulto sa simbahan. May mga taong madaling mawala sa “focus”; ito yung mga taong sinasabing may “short span of attention”. Normal ang ganito sa mga bata, pero marami sa mga matatanda na ay ganito pa rin. Natutulungan ang kahinaan ng kanilang atensyon o pag-unawa kapag may mga bagay na magsisilbing tagalarawan ng kanilang isip tulad ng mga rebulto, larawan, beads, krus, etc. Hindi bagong sibol ang mga taong ito; hindi sila naglabasan noong dumating si Jesus. Libo-libong mga taon pa bago si Jesus, nahahati na talaga ang mga tao sa matatalino, nasa gitna, at mahihina. Kinikilala ni Pablo ang katotohanang ito, kaya sinasabi niya: “Kailangang pagtiisan nating malalakas ang mga mahihina pa sa pananampalataya” (R 14:1). Kahit noong mga unang panahon ng Cristianismo, may mga ebidensya ng mga iniukit na larawan sa pader ng mga katakumba, at bahagi ito ng tunay ng Cristianismo dahil binubuhay nito sa kanilang mga puso ang pag-asa sa kabila ng mga paniniil. Sa pamamagitan ng mga nakikitang bagay, ipinakikilala sa kanila ang mga bagay na hindi nakikita. Ganito mismo ang ginawa ni Jesus. Kilala na ng Israel si Yahweh, pero nagpakilala pa rin ang hindi nakikitang Diyos sa pamamagitan ng nakikitang Diyos—si Jesus.

Ikatlong punto: kung naiiskandalo ang mga Protestante sa ginagawa ng maraming mga “katoliko”, kami mismong nakakakita sa mga gawaing ito ay naaalarma sa mga hindi tamang pagkilos na ipinapakita ng mga nagsasabing sila ay mga Katoliko. Hindi ko alam kung ilan ang eksaktong bilang pero siguradong hindi bababa sa 5% ng mga nakikita ko sa loob ng simbahan na kung ano-anong pinaggagagawa. Pinakanakakatawag ng pansin ay yung mga may hawak na panyo na magpapahid sa mga larawan at pagkatapos ay idadampi sa iba’t-ibang bahagi ng katawan. Pero higit pa dun ay ang mga magulang na pagkatapos ipunas ang kanilang kamay o panyo sa maalikabok na mga larawan sa simbahan ay ipapahid sa mukha ng anak nila. Ang totoo, may mga kagalingang tinanggap ang mga taong nanampalataya kay Jesus at nagpatunay na linoloob ng Diyos na gamitin ang mga materyal na bagay bilang daluyan ng espiritwal na biyaya niya. Ilan sa mga halimbawa ay ang babaeng dinudugo na gumaling noong humawak siya sa damit ni Jesus. Ganun din ang lalaking bulag na pinahiran ng putik na gawa sa lupa at sa laway ni Jesus. Pero ang pangunahing elemento dito ay ang pananampalataya ng mga taong ito sa persona ni Jesus, hindi dahil sa pananampalataya sa damit, sa putik, o sa tubig. Lalong hindi lumapit ang mga taong ito kay Jesus dahil lang nakasanayan na nila, o ni hindi na rin nila alam kung bakit; kundi dahil kilala nila si Jesus at naniniwala sila sa kaya niyang gawin at sa katotohanan ng kanyang mga salita. May dahilang maiskandalo ang mga Protestante sa mga nakikita nila pero higit naming kilalang mga Katoliko kung alin ang turo ng Simbahan at alin ang hindi. Kung paanong ang gawain ng isang Protestante ay hindi lumalarawan sa pinananampalatayanan ng buong Protestantismo, ganun din ang gawain ng isang nagsasabi na siya ay Katoliko ay hindi automatikong lumalarawan sa pinananampalatayanan ng Simbahan. Halimbawa ay ang tinatawag nilang “penitensya” tuwing Mahal na Araw; hindi komo mga katoliko ang gumagawa nito ay masasabi nang kasama ito sa tradisyon o turo ng Simbahan. Ganun din ang mga kung ano-anong gawaing relihiyoso sa mga probinsya na nagdadala sa pangalan ng Katolisismo kahit na ang totoo ay labag sa pananampalatayang Katoliko ang kanilang mga aktibidad. It will take a Catholic heart to really understand the depth of Catholicism.

Ikaapat na punto: ang pagsamba ay iba sa pagbibigay-galang o pagkilala. Tulad ng nasabi ko na, ang pagsamba ay nag-uumpisa sa intensyon. Kung walang intensyong sumamba ang isang tao, kahit pa bigkasin niya ang katagang “Diyos ko” o “Panginoon ko”, hindi ito nangangahulugan ng pagsamba o pagdarasal man. Ang totoo pa nga, ito ay isang uri ng paglapastangan sa pangalan ng Diyos kung ginagamit lang para magpahayag ng pagkagulat, galit, o pagkadismaya. Kung ang lahat ng pagkakataon ng pagluhod o pagyukod ng isang tao ay nangangahulugan ng pagsamba, ibig sabihin ay sinasamba ng lahat ng mamamayan ang kanilang hari; sinasamba din ng mga anak na Israelita ang kanilang mga ama o ina; ibig sabihin din ay pitong beses na sinamba ni Jacob si Esau noong nagkasalubong sila sa daan at pitong beses siyang nagpatirapa palapit sa kanya. Tinawag pa niyang panginoon si Esau, at ganun din ang tawag ng mga babae sa kanilang asawa—monsignor—my lord. Ang lahat ba ng ito ay kasuklam-suklam sa Diyos? Malinaw ang aral ng Simbahan tungkol sa mga rebulto at tungkol sa mga banal na pumanaw na; ang maling intensyon, pagkaunawa, at mga gawain ng ilang mga Katoliko ay hindi larawan ng Simbahan kundi pagpapatunay na karamihan sa mga tao, Katoliko man o Protestante, Judio man o Muslim, ay ginagawa lang sangkalan ang relihiyon pero ang totoo ay sari-sarili nilang katauhan at mga kaisipan ang kanilang diyos.

Dagdagagan pa, Sa Panulat at Edited By: Adonis V. Tungcab

Linggo, Agosto 10, 2014





 ANO ANG IBIG SABIHIN NG PANGINOONG JESUS  NA ANG ESPIRITU AY WALANG 
                                                        LAMAN AT MGA BUTO

May isang Nagtanong sa atin kug Ano daw ang Ibig sabihin ng sina ni Kristo na ang espiritu ay walang laman at mga buto?Patunay ba ito na hindi si Dios si Kristo? Totoo ba na espiritu na tinutukoy ng talata ay ang Dios? Totoo bang na an Dios hindi pwede makita ng mata.Ngayon ating isa-isahing sasagutin:

Una alamin natin Ano ba ang kalagayan ng tunay na Dios. Ito ang sagot ng Banal na Kasulatan; "Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan. (Juan4:24) Ang kalagayan ng Dios ay Espiritu kaya ang nagsisisamba sa Dios kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan dahil ang Dios ay espiritu. Ngayon Kontradiksyon ba ito sa sinabi ng Panginoon Jesu kristo na ang espiritu ay walang laman at buto gaya ng sa kanya na ibig sabihin ng Panginoon na siya ay may laman at mga buto samantala ang espiritu ay walang laman at buto. ito talata na kanilang ginamit. "At sila'y nagsitindig sa oras ding yaon, at nangagbalik sa Jerusalem, at naratnang nangagkakatipon ang labingisa, at ang kanilang mga kasama. Na nangagsasabi, Tunay na nagbangong muli ang Panginoon, at napakita kay Simon, At isinaysay nila ang mga bagay na nangyari sa daan, at kung paanong siya'y nakilala nila nang pagputolputulin ang tinapay. At samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila'y nagsabi, Kapayapaa'y suma inyo. Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang espiritu. At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso? Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin. At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga
kamay at ang kaniyang mga paa. (Luc.24:33-40)

Una hindi ito tumutukoy sa Dios lamang sa dahilan hindi lang Dios ang may kalagayang espiritu kundi maging ang mga Anghel ng Dios ay nasa kalagayang espiritu ri. (Heb.1:7,14) maging mga karumaldumal na espiritu o mga demonyo ito nasa kalagayang espiritu rin. (Mat.12:43-45,Apoc.16:14) At ng panahong sinabi ito ng Panginoon Jesu Kristo ang Panginoon ay nasa kalagayan nasa maluwalhating katawang maka-langit o katawang ukol sa espiritu.(1 Cor.15:40,44) kaya nga Kahit sasilid na sarado ay tumatagos ang panginoon. (Juan 20:19) ito ang katawan ukol sa espiritu may Laman at Buto ito na hindi tulad sa laman at mga buto ng karaniwang tao. ito ay katawan at buto na gaya sa Panginoon. (Fil.3:20-21).ito rin ang katawan na taglay ng mga anghel. (Luc.20:36,Mat.22:30) Tinaglay ito ng Panginoon Jesus ng mabuhay siya mag uli sa mga patay. na pinatay sa laman ngunit binuhay sa espiritu.(1 Ped.3:18) kaya sinabi ng Panginoon na may laman siya at mga buto na tinutukoy niyang laman at mga buto ay hindi karaniwang laman at buto kundi laman at buto na ukol sa espiritu.
Ito ngayon ang napagkamalian ng mga INC 1914 akala nila ay ordinaryong laman at buto ito, pero hindi ito karaniwang laman at buto ito ay laman at mga buto na katawang ukol sa espiritu. At ito ay pwedi makita at pwedi mahipo sapagkat ang kalagayang espiritu ng mga anghel ay kahalintulad nito. At ang isang Anghel na espiritu ay pwedi makita at pwedi mahipo kung naisin nilang magpakita at magpahipo. (Gen.18:1-8,Gen.32:22-30,Hukom 13:3-21,Luc.1:11-13,26-30)
maraming tagpo sa loob ng Banal na kasulatan na ang mga anghel na espiritu ay nagpapakita sa mga tao o mga lingkod ng Dios. Kaya kung pwedi magpakita ang anghel na espiritu pwedi rin magpakita ang Panginoon at ang patunay maraming mga pagkakataon o tagpo na nagpakita ang Dios sa kanyang mga lingkod. (Gen.35:7,9) halimbawa ang Panginoon nagpakita sa Patriarkang si Abraham. " At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, ay napakita ang Panginoon kay Abram , at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan ko, at magpakasakdal ka. At ako'y makikipagtipan sa iyo at ikaw ay aking pararamihing mainam. At nagpatirapa si Abram: at ang Dios ay nakipagusap sa kaniya, na sinasabi, Tungkol sa akin, narito, ang aking tipan ay sumasaiyo, at ikaw ang magiging ama ng maraming bansa. At hindi na tatawagin ang pangalan mong Abram, kundi Abraham ang magiging iyong pangalan; sapagka't ikaw ay ginawa kong ama ng maraming bansa. At ikaw ay aking gagawing totoong palaanakin at papanggagalingin ko sa iyo ang mga bansa; at magbubuhat sa iyo ang mga hari. At aking papagtitibayin ang aking tipan sa iyo at sa iyong binhi pagkamatay mo sa buong kalahian nila, na tipang walang hanggan, na ako'y magiging iyong Dios, at ng iyong binhi, pagkamatay mo. (Genesis 17:1-7) Nagpakita rin ang Panginoong Dios kay Propeta Moses nakita ni Moses ang LIKOD NG DIOS ngunit hindi ang mukha. "At kaniyang sinabi, Hindi mo makikita ang aking mukha: sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay. At sinabi ng Panginoon, Narito, may isang dako sa tabi ko, at ikaw ay tatayo sa ibabaw ng batong iyan: At mangyayari, na samantalang ang aking kaluwalhatian ay dumadaan, na aking ilalagay ka sa isang bitak ng bato, at tatakpan kita ng aking kamay hanggang sa ako'y makaraan: At aking aalisin ang aking kamay, at iyong makikita ang aking likod: datapuwa't ang aking mukha ay hindi makikita (Exo.33:20-23)

Nagpakita ang Panginoon kay Solomon. "Nang gabing yaon ay napakita ang Dios kay Salomon , at nagsabi sa kaniya, Hingin mo kung ano ang ibibigay ko sa iyo. At sinabi ni Salomon sa Dios, Ikaw ay nagpakita ng malaking kagandahang loob kay David na aking ama, at ginawa mo akonghari na kahalili niya. (2 Cro.1:7-8)
Ngayon ito ba ay Kontradiksyon sa sinabi ng Panginoon Jesu Cristo na walang taong may nakakita kailan man sa Dios."Walang taong nakakita kailan man sa Dios; ang bugtong na Anak, na nasa sinapupunan ng Ama ,siya ang nagpakilala sa kanya.(Juan 1:18) Hindi po!!!! Sapagkat ang nakita ni Abraham ,ni propeta Moses at ni Solomon ay Hindi ang Dios Ama sapagkat ang Anyo ng Dios AMA ay hindi pa nakita ng sinomang Tao.(Juan 5:37) kundi ang nakita nila ay ang Panginoong Jesu Kristo ang Anak ng Dios na buhay. (Dan.3:25) na nuon pa man ay espiritong gumagabay na at nagtuturo sa mga Propeta ng Dios ng una.
"Tungkol sa pagkaligtas na ito ay nagsikap at nagsiyasat na maigi ang mga propeta, na nangagsihula tungkol sa biyayang dadating sa inyo: Na sinisiyasat ang kahulugan kung ano at kailang panahon itinuro ng Espiritu ni Cristo na sumasa kanila, nang patotohanan nang una ang mga pagbabata ni Cristo, at ang mga kaluwalhatiang hahalili sa mga ito. (1 Ped.1:10-11) Dito maliwanag kahit sa panahon ng mga mga magulang hanggang sa panahon ng mga propeta ang Panginoong Jesu Kristo ay nagpapakita na at nagtuturo sa mga lingkod ng Dios si Amang Abraham nakita niya ang araw ng Panginoon at natuwa. Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw ; at nakita niya, at natuwa.Sinabi nga sa kaniya ng mga Judio, Wala ka pang limangpung taon, at nakita mo si Abraham ?Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga. (Juan 8:56-58) Si Kristo ang AKO NGA na ang araw ay nakita ni Abraham at siya ay natuwa na ang ARAW ay mula ng magkaroon ng araw. Kayo'y aking mga saksi, sabi ng Panginoon, at aking lingkod naaking pinili: upang inyong maalaman at magsisampalataya kayo sa akin, at inyong matalastas na ako nga; walang Dios na inanyuan na una sa akin, o magkakaroon man pagkatapos ko.Ako, sa makatuwid baga'y ako, ang Panginoon; at liban sa akin ay walang tagapagligtas....." Oo, mula nang magkaroon ng araw ay ako nga; at walang sinomang makapagliligtas sa aking kamay: ako'y gagawa, at sinong pipigil? Ganito ang sabi ng Panginoon, na inyong Manunubos, na Banal ng Israel, "(Isaias 43:10-11,13-14) na dumating ang Panahon na isinugo ito ng Ama sa sanlibutan. (Juan 3:16)upang sa pagkahayag ng Anak ng Dios ay mawasak ang gawa ng diablo.(1Juan 3:8) "... ay sinugo ng Dios ang Espiritu ng kaniyang Anak sa ating mga puso, na sumisigaw, Abba, Ama.(Gal.4:6)

Dito maliwanag bago magkatawang tao ang Anak ng Dios.(Juan 1:1-3,14,Fil.2:6-7,1Tim.3:16) ito ay nasa kalagayang espiritu gaya ng Dios sapagkat ang Dios ay espiritu,gayon din ang Anak.(Juan 4:23-24) Ang patunay pinaghanda siya ng Ama ng Katawan ng pumarito siya sa sanlibutan.at inihanda ang kanyang Daan ng isang Tinig na sumisigaw sa ilang na walang iba kundi si Juan Bautista.(Mat.3:1-3) Kaya't pagpasok niya sa sanglibutan, ay sinasabi, Hain at handog ay hindi mo ibig. Nguni't isang katawan ang sa akin ay inihanda mo;(Heb.10:5) Sapagka't ito yaong sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias, na nagsasabi, Ang tinig ng isang sumisigaw sa ilang, Ihanda ninyo ang daan ng Panginoon, Tuwirin ninyo ang kaniyang mga landas.(Mateo 3:3) At ng maipaghanda ng katawan at inihanda rin ang kanyang Daan para sa kanyang pagkakatawang tao na mabubuo sa sinapupunan ng isang dalaga: "As thou knowest not what is the way of the SPIRIT , nor how the bones do grow in the womb of her that is with child: (Eccle.11:5) Na Ipinanganak ng isang dalaga na ang kanyang pangalan ay tatawagin Immanuel na kung liliwanagin ay sumasa atin ang Dios sapagkat Tunay na Anak ng Dios na buhay ay Sumasa atin. (Juan 1:18,14)o nagkatawag tao ang Bugtong na Anak ng Dios na siya ang sinag ng kaluwalhatian ng Ama ,ang Larawan ng kanyang pagka -Dios.(Hebreo 1:2-3) "Therefore the Lord himself shall give you a sign; Behold, a virgin shall conceive, and bear a son, and shall call his name Immanuel .(Isaiah 7:14) And she shall bring forth a son, and thou shalt call his name JESUS: for he shall save his people from their sins.Now all this was done, that it might be fulfilled which was spoken of the Lord by the prophet, saying,Behold, a virgin shall be with child, and shall bring forth a son, and they shall call his name Emmanuel, which being interpreted is, God with us. (Mateo 1:21-23) Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.(Isaias 9:6)

BAKIT ANG MGA PARI HINDI MAG-AASAWA CELIBACY

HINDI PAGAASAWA NG KAPARIAN AT MADRE (CELIBACY) *** BATIKOS NG INC AT IBANG SEKTA.. PINAGBABAWALAN DAW NATIN ANG MGA TAO NA MAG ...