I
big to disagree na walang relihiyon ang makaligtas yan ang mga
pangatweran lagi sa mga outside catholic na hindi relihiyon ang
makaligtas, hindi relihiyon ang makaligtas peru dito kayu sa amin mas
safe kayu at ligtas mas conservative ang sa amin kay sa kanila segurado
ang kaligtasan. nandito sa amin ang 8 peso pamsahe papuntang langit.
Tiingnan niyu nga ang mga kasing taong yan na palagi NA NATING MARINIG.. na
walang relihiyon makaligtas, peru dito kayu sa amin aanib mas safe
kayu. Hindi kuno makaligtas ang relihiyon at walang relihiyon
makaligtas. Si Hesukristo nagtayu man man siya ng relihiyon ibig mo bang
sabihin na hindi makaligtas ang kanyang relihiyon? Mga BRO the
purpose of this POST is to appreaciate and reminders to any LESTENIRS para makabasa sila na hindi pala puyde maaring magtayu
ng maraming iglesia dahil lang sa bibliya.. ginawa ito upang maiwasan
na ang pagdami ng pagtatayu ng mga CONGRAGATION dahil lang sa
bibliya..kasi alam na namin mga prensipyo niyu basta bibliya ay puydi ng
magtayu.. so lalao lang hindi natin natulongan si Cristo na sana kayu
magkakaisa.. kung hindi namin gagawin sa catholic ito sinu ang gagawa.
Giinawa niyu ba trinabaho niyu ba? Magpasalamat kayu merung katoliko
ang nagpapagil sa mga ganyan kay kung wala sa tingin ko sa mga darating
na mga panahon baka ang mga anak niyu dito magtayu den ng kanyang
iglesia at yan na ang dahilan na lalong malala na hindi na tayu
nagkakaisa. Sa dami ng denomenation ngayon nagkakaisa ba tayu?
Hindi
talaga kalooban sa Diyos ang pagkabahagi-bahagi. Si Jesus nagsalita
nito, "Ut sint consummati in unom,"para sila maging lubos sa pagkakaisa
(Juan 17:23)
Only
catholic knows how to handle on that regard.. ang katoliko lamang ang
nabigyan ng susi na tunay na kaalaman.. hindi ang ibang mga church na
kinakaaniban ninyu ang may kayang kakayahan para pigilan ang mga
ito..Wala silang power dito para controlin ang mga ganyang klasing
gawain. Bagkos Ang kakayahan lamang ninyung magawa ay ang pangatake ng
Simbahan.
If You have question about a particular topic regarding the Catholic Church, such as the Eucharist, or Mary and the saint. Let me know. I will try to answer your question as best i can. Bro. Adonis V. Tungcab CFD Cebu
Huwebes, Oktubre 17, 2013
Miyerkules, Hulyo 31, 2013
THE AGORA, PATAS AND RATIONAL FILIPINO
Yung mga sources nyan galing nanaman sa mga kapwa niay autista,ganyan ang tipikal na atheista irerewrite ang history lahat na pati science,insulto sa mundo ayng mga yan eh, tatawagin nilang delusional yung mga religious na tao eh yung mundong ginagalawan mo pati malamang yung mga taong nagpapasweldo sayo na pinapakain mo sa anak mo ay galing sa mga religious na tao,mga kaibigan mo mga boss mo na religiousna tao tapos tatawagin mong deluded? bobo pala nanay mo eh,ayusin mo buhay mo
Pano naging imbensyon ng mga romano yan eh nasa historical accounts nga yan kina tacytus na professional historian at majority ng mga historian merong agreement na nag exist si jesus christ na founder ng christianismo tapos sasabihin mo imbensyon? bobo pala nanay mo e,kung susumahin mo mas madami pang historical accounts kay jesus kumpara kay ceasar, kung sasabihin mong imbensyon si jesus parang sinabi mo na imbensyon din si ceasar,binabago mo yung history tarantado
kailangan niyong maging militante sa mga bobong autista este atheista na yan eh ang tagal ko na sa internet,at sa experience ko sagad sa kabastusan yung pinaggawa ng mga yan laban sa religion,mga feeling matatalino na pa english english lang akala mo kung ano na ang totoo copy paste lang sa mga foreign website yung mga post nila pati yung style ng pakikipag argument nila.
Yang historical aspect na yan, from tacytus,Suetonius,pliny etc na kilalang mga secular historian or sila mismo hindi naniniwala na anak si jesus ng diyos pero they dont deny na nag exist as a historical figure si jesus,yung basehan lang naman ng mga bobogn atheista na yan ay yung zeitgeist movie na matagal nang nadebunked at dinedebunk parin ngayon ng mga professional historian at egyptologist.
Lunes, Hulyo 15, 2013
PANGUMPISAL
“BAKIT KAYO NANGUNGUMPISAL SA PARI E NAGKAKASALA DIN NAMAN SILA?”
Yan ang sinasabi ko sa mga Katoliko noon.
Hindi ko maintindihan noon kung bakit kailangan pang lumapit sa isang tao na nagkakasala din tulad natin para humingi ng tawad sa Diyos. Kung pwede namang lumapit ng direkta sa Diyos bakit lalapit pa sa tao?
Kaya lang noong protestante pa ako, nagpapagamot ako sa doktor kahit na ang paniniwala ko na ang Diyos ang Great and Divine Physician.
Ang tanong tuloy, “BAKIT AKO MAGPAPAGAMOT SA DOKTOR E NAGKAKASAKIT DIN NAMAN SILA?”
Bakit hindi lumapit sa Great Physician, pwede namang direktang lumapit sa Kanya?
Sabi sa Biblia, “Igalang mo ang manggagamot nang marapat sa kanyang katungkulan,
sapagkat ang Panginoon din ang nagtakda ng tungkuling iyan. Ang karunungan ng manggagamot ay mula sa Kataas-taasang Diyos…”(Ecclesiastico 38:1-2)
Ang TUNGKULIN ng panggagamot ay mula sa Diyos, pati na ang KARUNUNGANG kinakailangan para magampanan ito.
Ang mga doktor ang manggagamot ng pisikal na katawan, ang mga pari naman ang sa kaluluwa.
Ang gawain ng panggagamot ay pakikiisa sa gawain ng Panginoong Hesus(tignan Macos 2:1-12, kung paano niya ginamot ang kaluluwa [MUNA] at katawan ng paralitiko)
Hindi naman mahirap isipin na kung ang doktor ay para sa pisikal na katawan, ang mga pari naman ay para sa kaluluwa.
Tinitignan ko ang Simbahan bilang Pagamutan ng Panginoon. Kaya nga hindi nakakapagtaka na maraming makasalanan dun kahit pari o obispo kasi pagamutan yung ng may sakit na ketong…
Ketong ng Kasalanan.
Kung manggamot man ang mga doktor mula sa Diyos ang kagalingan, kung magpatawad man ang mga pari mula pa rin sa Diyos ang kapatawaran at ibinibigay ito ng mga pari “Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo”, at HINDI SA SARILI NILANG KAKAYAHAN AT KAPANGYARIHAN.
Bakit masarap mangumpisal sa pari? KASI SA PAMAMAGITAN NG BOSES NG PARI, MARIRINIG MO ANG DIYOS NA PINATATAWAD KA NA NIYA.
Hindi naman itinuturo ng Simbahan na ‘wag mangumpisal ng direkta sa Diyos. Pero wala rin namang sinabi sa Biblia na sa Diyos LANG mangumpisal. Ang sabi, “…ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa’t isa, upang kayo’y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid.” (Santiago 5:16)
Ang kagalingan ng may-sakit ay hindi nakasalalay sa kalusugan ng manggagamot, at ang kapatawaran ng kasalanan ay hindi nakasalalay sa kung makasalanan ba ang pari o hindi.
ANG KAGALINGAN AT KAPATAWARAN AY NAKASALALAY SA BIYAYA NG DIYOS, MAY PROBLEMA MAN ANG MANGGAGAMOT O WALA.
Ganito tayo kamahal ng Diyos. Binigyan niya tayo ng Pagamutan (Simbahan) at mga doktor (pari) para pagalingin ang ating kaluluwa sa kapangyarihan ng biyayang tinamo ng Panginoong Hesus para sa atin.
Tara! Pagamot tayo…
SAGOT: Ang ginagawa ng mga unang Kristiyano, ay ikinukumpisal nila ang kanilang mga kasalanan hindi lang sa Diyos, kundi ikinukumpisal din nila ito sa kanilang kapwa Kristiyano. Nasusulat:
"Marami rin naman sa mga nagsisampalataya na ang nagsidating, na ipinahahayag at isinasaysay ang kanilang mga gawain. At hindi kakaunti sa mga nagsisigamit ng mga kabihasnang magica ay nagsipagtipon ng kanilang mga aklat, at pinagsusunog sa paningin ng lahat; at kanilang binilang ang halaga niyaon, at nasumpungang may limampung libong putol na pilak." (Gawa 19:18-19)
"Kaya nga, ipagtapat ninyo sa inyong mga kapatid ang inyong mga kasalanan at ipanalangin ninyo ang isa't isa, upang kayo'y gumaling. Malaki ang nagagawa ng panalangin ng taong matuwid." (Santiago 5:16)
Ang pari, na pinatungan ng kamay ng obispo, na pinatungan ng kamay ng isa pang obispo pabalik sa mga apostoles (apostolic succession), ay binigyan ng katungkulan na magpatawad ng kasalanan. Ang katungkulang ito ay galing kay Kristo:
"Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, Kapayapaan ang sumainyo: kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo. At nang masabi niya ito, sila'y hiningahan niya, at sa kanila'y sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo: Sinomang inyong patawarin ng mga kasalanan, ay ipinatatawad sa kanila; sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad." (Juan 20:21-23)
Sa totoo lang, sa isang Katoliko, ang paglapit niya sa pari upang mangumpisal ay unang-una, paglapit sa Diyos dahil ang Iglesiya ang awtoridad ng Diyos sa mga bagay espiritwal:
"At sinasabi ko sa iyo, ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya at ang pintuan ng daigdig ng mga patay ay hindi magtatagumpay laban sa kanya. Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit. Ang ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang ipahintulot mo sa lupa ay ipahihintulot din sa langit." (Mateo 16:18-19)
At ang nangungumpisal na Katoliko ay laging sa Diyos nagdarasal at hindi sa pari. Matatandaan na noong nagkasala si David kay Bathsheba, si Nathan ang kinasangkapan ng Diyos upang aminin ni David ang kanyang kasalanan:
"Sinabi ni David kay Natan, "Nagkasala ako kay Yahweh."
Sumagot si Natan, "Pinapatawad ka na ni Yahweh at hindi ka mamamatay." (2 Samuel 12:13)
Kaya mahalaga ang magkaroon ng taong tagapamagitan sa pagkukumpisal sa kasalanan, taong binigyan niya ng katungkulan nito. At ito ang katungkulan ng mga kaparian ng Iglesiya.
Ang pangungumpisal diretso sa Diyos na walang senyales ng pagpapatawad, ay hindi makakatututo sa tao na magbago, dahil sa madali ang pagkumpisal at madali din ng palagay na napatawad ka na.

Sabado, Hunyo 08, 2013
VICARIVS FILII DEI.
- Ang "U" ginawa pang equevalent sa 5. may Roman numiral bang U? Minsan mga Mang-mang talaga.
Hindi
po VICARIVS FILII DEI and titulo ng Santo Papa kundi VICARIUS
CHRISTI.Wala po sa 264 na mga nanungkulang Papa sa Iglesia Katolika
Romana ang gumamit o nagsuot ng "tiara" na may nakasulat na mga salitang
VICARIVS FILII DEI.Ang aklat ng Apocalipsis ay isinulat ng
ebanghelistang si San Juan sa wikang Griego at hindi sa wikang Latin.Ang
titulong VICARIUS CHRISTI ay mga salitang Latin kaya ang katumbas na
bilang nito sa Latin ay walang kaugnayan sa Apocalipsis.Sa aklat ni Bro. Nonoy Lopez,ARALING PAMBIBLIA Para Sa Mga Dinedebateng KATOLIKO,p 218: Para kay San Juan ang anti-Cristo ay ang kinatawan ni Satanas na nakikita sa imperyo o mga bansang lumalaban sa paghahari ng Diyos.Ang tinutukoy rito na nasa likod ng bilang na 666 ay ang halimaw na Emperador Nero Cesar sapagkat kapag isinulat sa wikang Hebreo ang kanyang pangalan na nasa anyong Griyego ang kabuuang bilang ay 666.Ang bilang ng halimaw ay mas mabuting ipaliwanag bilang " code " ng Nero Cesar.Batay sa pag-aaral Gematria,ang kabuuang bilang ng mga letra ay 666 (616 sa ibang manuskripto)-NERON CAESAR = sa Hebreo ay NRWN QSR: N(50) + R(200) + W(6) +(N(50) + Q(100) + S(60) + R(200) = 666.
Lunes, Hunyo 03, 2013
PAGLUHOD
Ang Pagluhod ba sa Isang Imahen 0 Larawan ay ang Marapat na Pagsamba sa Diyos? Basahin nating maigi ang mga ataki sa mga kapatid nating hindi katoliko.
![]() |
| Ang Pagsamba sa larawan na isinasagawa ng relihiyong Hinduismo |
Pangkaraniwan na nating napupuna ang paggamit ng mga larawan o mga imahen ng mga relihiyong hindi Cristiano sa kanilang mga pagsamba, gaya halimbawa ng Hinduismo atBudismo. At ang isang Cristiano na nakababasa ng Biblia ay batid na ang gawaing pagsamba sa mga rebulto at mga larawan ay isang napakasamang gawain sa harapan ng Diyos dahil maliwanag itong mababasa sa Biblia:
Exodo 20:3-5 “Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko. Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;”
Subalit ang nakapagtataka, kapag ang nasabing talata ay ating binasa sa isang Katoliko at aming sinabi sa kanila na sila man ay nagsasagawa ng ganitong gawain, ang agad nilang sinasabi ay ganito:
“Hindi naman namin sinasamba ang mga imahen o rebulto na nasa aming mga simbahan, ang mga iyon ay amin lamang iginagalang. Ang turo sa amin ng mga Pari ay ang Diyos ang aming dapat na sambahin. May mga larawan kami sa aming mga simbahan ng mga Santo at Apostoles hindi upang sambahin kundi sila ay amin lamang ginugunita sa pamamagitan ng mga larawang iyon.”
![]() |
| Ang mga larawan at mga imahen, na niluluhuran at pinaglilingkuran sa Iglesia Katolika |
At dahil ganito ang kanilang nasa isipan, kung kaya madalas ay nagdaramdam sila at nagagalit sila sa mga ministro at maging sa mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo kapag sila ay napupuna. May nagsasabing bakit daw hindi na lang ang ituro ng mga ministro namin ay ang aming sariling aral, matuto raw kaming gumalang sa pinaniniwalaan ng iba.
Subalit ang sinusunod namin ay ang sinasabi ng Biblia. Dapat bang isawalang-kibo ng isang tao kung may nakikita siyang maling ginagawa ng kaniyang kapuwa na ikapapahamak niya? Wala ba siyang gagawin kung alam niya naman ang tama at hindi niya ipagmamalasakit ang kaniyang kapuwa? Ganito ang sabi ng Biblia:
Judas 1:23 “At ang iba'y inyong iligtas, na agawin ninyo sa apoy; at ang iba'y inyong kahabagan na may takot; na inyong kapootan pati ng damit na nadungisan ng laman.”
Ang isang tao na nasa katotohanan ay may pananagutan na dapat gawin, kailangan niyang iligtas ang kaniyang kapuwa at agawin sa apoy, ang apoy na tinutukoy ay ang kaparusahang walang hanggan na ito ay ang dagatdagatang apoy na siyang ikalawang kamatayan:
Apocalypsis 20:14 “At ang kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagatdagatang apoy. Ito ang ikalawang kamatayan, sa makatuwid ay ang dagatdagatang apoy.”
Dahil ang gawang pagluhod at pagsamba sa isang larawan ay isang gawaing magdadala sa tao sa kapahamakang walang hanggan:
Apocalypsis 21:8 “Nguni't sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.”
Ang tinatawag na “diosdiosan” ay yung mga larawan na sinasamba na tulad sa Diyos, kaya tinawag na “diosdiosan” ay sapagkat hindi ito tunay na Diyos. Tulad ng salitang “kotse-kotsehan” hindi tunay na kotse, “bahay-bahayan” hindi tunay na bahay. Maliwanag na sinabi sa atin ng Biblia na ang mga gumagawa ng pagsamba, pagluhod, at paglilingkod sa mga larawan, imahen, o mga rebulto ay isang gawaing kasuklamsuklam sa paningin ng Diyos at ito ay kanilang ikapapahamak sa dagatdagatang apoy na kilala sa tawag naimpierno.
Subalit, sinasabi nga ng mga Katoliko na hindi sila sumasamba sa larawan, ang kanilang ginagagawa bagamat nakaharap sa isang rebulto o imahen ay patungkol daw sa Diyos. Kaya hindi daw maaari na mapahamak sila, dahil ang paparusahan daw sa Biblia ay iyong mga sumasamba sa mga larawan, at hindi naman daw ganun ang kanilang ginagawa kaya huwag daw silang paratangan ng hindi nila gawain.
Totoo nga kaya ang kanilang pangangatwirang ito? Hindi nga kaya talaga sila sumasamba sa mga larawan o imahen, at mga rebulto? Atin tunghayan ang pag-amin ng kanilang mga Pari.
Ang Pag-amin ng Simbahang Katoliko
Ang mga awtoridad Katoliko, mga Pari, ay karaniwan ng gumagawa at naglalathala ng mga Aklat na siyang ginagamit nila sa kanilang pagtuturo. Marahil ay ikagugulat ng isang Katoliko na nagsasabi na siya’y hindi sumasamba sa larawan kung kaniyang makikita at mababasa na ang kanilang mga aklat mismo na sinulat ng kanilang mga Pari ay umaaamin na sila nga ay sumasamba sa larawan.
Narito ang katibayan, sa isang aklat Katoliko na may pamagat na “Siya ang Inyong Pakinggan: Ang Aral na Katoliko, na sinulat ng isang pari na si Enrique Demond, ay ganito ang ating mababasa:
“Kung ating sinasamba ang larawan ni Kristong napapako sa Krus, dinadasal natin: ‘Sinasamba kita at pinupuri, Panginoon kong JesuCristo,…” [Siya ang Inyong Pakinggan: Ang Aral na Katoliko, sinulat ni Padre Enrique Demond, inilathala ng Catholic Trade School, may imprimatur ni Jose Bustamante, pahina 12 ]
Kitang-kita sa aklat na ito ang pag-amin ng Pari na ang mga Katoliko’y sumasamba sa larawan, sa pagsasabing sinasamba nila ang larawan ni Cristo. Pero kahit na sabihin pa nila na ang sinasamba nila ay ang larawan ni Cristo, ay wala naman po tayong mababasa kailan man sa mga pahina ng Biblia na ipinag-utos na sambahin ang larawan ni Cristo, kaya maliwanag kung gayon na talagang sumasamba sila sa larawan.
Hindi lamang iyon, narito pa ang isa, Isang munting aklat Katoliko na may pamagat na“Catesismo” na tinagalog ng Pari na si Luis de Amezquita , ganito naman ang ating mababasa:
“ Pagbangon mo sa banig ay agad kang manikluhod sa harap ng isang Krus o isang mahal na larawan. Kung maninikluhod ka sa tapat ng Altar magwika ka ng ganito: Sinasamba kita,” [Catesismo, ni Padre Luis de Amezquita, pahina 79 at 82].
Dito naman sa aklat na ito ay maliwanag na inuutusan ang isang Katoliko na agad na manikluhod o lumuhod pagkagising sa harap ng isang Krus o isang mahal na larawan, at pagkatapos ay sasabihin sa harapan nito ang mga katagang: “Sinasamba Kita”. Hindi ba iyan maliwanag na pag-uutos sa isang Katoliko na lumuhod at sumamba sa isang Larawan?
Kaya nga sabihin man nila na hindi sila sumasamba kung ang nakikita naman natin ay ang kanilang ginagawa: sila ay lulumuluhod at nananalangin sa harapan ng mga larawan ng mga tinatawag nilang mga Santo, hindi ba iyon ang nagpapatunay na sila ay sumasamba dito? Dahil sa Biblia ang katumbas ng gawang pagyukod o pagluhod ay pagsamba, basahin natin:
Awit 95:6 “Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod; tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.”
At maliwanag namang sinabi ng Diyos na ang pagyukod o pagluhod sa mga ito ang kaniyang ipinagbabawal hindi po ba? Balikan po natin ang sinasabi ng Diyos sa aklat ng Exodo:
Exodo 20:3-5 “Huwag kang magkakaroon ng ibang mga dios sa harap ko. Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka't akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;”
Kaya ang mismong pagluhod na ginagawa ng mga tao sa mga larawang ito, ay ang mismong ipinagbabawal ng Panginoong Diyos. Aminin man nila o hindi, ang ginagawa nilang ito ay maliwanag na pagsamba at pagluhod sa mga larawan na kasuklam-suklam sa Panginoong Diyos. Binanggit din ng Diyos na hindi natin dapat paglingkuran ang mga larawang ito. Hindi ba’t nakikita nating kanilang pinapasan, binibihisan, sinasabitan ng mga bulaklak, ipinagpuprusisyon, pinapahiran ng panyo, ipinagpipiyesta at kung anu-ano pa na ito’y maliwanag na pagsisilbi o paglilingkod sa larawan na hindi rin po dapat na gawin.
Kumuha pa tayo ng dagdag na katibiyan ng kanilang pag-amin sa gawaing ito, sa isa pang aklat Katoliko:
“13. Ang pagsamba ba sa mga santo ay ukol lamang sa kanilang katauhan?
Hindi, sumasaklaw din ito sa kanilang mga relikya at mga larawan.”
“14. Ano ang tinatawag nating mga relikya?
Tinatawag nating mga Relikya:
1. Ang mga labi ng katawan ng isang santo na pinapaging-binal o inihanda sa pagiging banal ng Iglesia [Katolika];”
2. Ang mga bagay na naging pag-aari ng mga santo, o yaong napadaiti sa kanilang mga katawan: tulad ng kanilang kasuotan, mga ataol, at iba pa
“15. Dapat ba nating sambahin ang mga banal na larawan?
Dapat tayong magkaroon lalo na sa ating mga simbahan, ang mga larawan ng ating Panginoong, tulad ng sa pinagpalang Birhen at mga santo, at dapat natin silang bigyan ng kaukulang paggalang at pagsamba”. [Salin sa Filipino mula sa Cathecism of Christian Doctrine, inilathala ng De La Salle College, pahina 95]
Maliwanag na ipinakita sa atin ng aklat Katolikong ito na ang sinasamba nila sa isang kinikilala nilang santo ay ang kaniyang katauhan, larawan, at relikya. Hindi po ba ang mga santo ay mga tao lamang? Sinasabi po ng aklat na ito na ang mga larawan ng mga santo ay dapat nating sambahin. Dapat po ba tayong lumuhod sa harapan ng mga tinatawag na santo o iyong mga taong banal?
Si Apostol Pedro ay kinikilalang santo sa Iglesia Katolika na tinatawag nilang San Pedro na nakikita rin natin na kanilang niluluhuran. Pumapayag ba si Apostol Pedro na siya ay luhuran? Basahin natin?
Mga Gawa 10:25-26 “At nangyari, na pagpasok ni Pedro, ay sinalubong siya ni Cornelio, at nagpatirapa sa kaniyang paanan, at siya'y sinamba. Datapuwa't itinindig siya ni Pedro, na sinasabi, Magtindig ka; ako man ay tao rin.”
Kita ninyo nang magpatirapa o lumuhod si Cornelio sa harap ni Apostol Pedro ay hindi siya pumayag sa ginawa niyang ito? Kung mismo noon ay hindi pumapayag ang mga Apostol na sila yukuran at sambahin, sa palagay po ba natin ay papayag sila na sambahin at luhuran ang kanilang mga larawan?
Sana po imbes na ipagdamdam ninyo ang aming paglalahad na ito ay inyong ituring na isang pagmamalasakit sa inyo, dahil hindi po talaga pumapayag ang Panginoong Diyos sa ganitong gawain. Kami po ay nagsasabi ng katotohanang ito batay sa mga salita ng Diyos na nakasulat sa Biblia na sana po’y siyang ating tanggapin, paniwalaan, at higit po sa lahat ay ating sundin.
Hindi Maigagawa ng Larawan ang Diyos
Marami ang nag-aakala na ang Diyos ay may larawan, na ito nga ay ang nakikita nating isang anyo ng isang magandang lalake na may mahabang buhok at may balbas. Subalit sa katotohanan, ang Diyos po ba ay may anyo? Atin pong basahin ang paghahayag ng Diyos mismo:
Deuteronomio 4:15 “Ingatan nga ninyong mabuti ang inyong sarili; sapagka't wala kayong nakitang anomang anyo nang araw na magsalita ang Panginoon sa inyo sa Horeb mula sa gitna ng apoy:”
Maliwanag ang pahayag ng Diyos na siya ay walang anomang anyo. Bakit? Ano ba ang kalagayan ng Diyos?
Juan 4:24 “Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.”
Maliwanag ang sagot ng Panginoong Jesus, ang Diyos ay Espiritu, ano ba ang isang espiritu?
Lucas 24:39 “Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.”
Ang isang Espiritu ay walang laman at mga buto, samakatuwid ang Diyos ay walang laman at mga buto kaya wala siyang anomang anyo. Eh maigagawa ba siya ng larawan?
Isaias 46:5 “Kanino ninyo ako itutulad, at ipaparis, at iwawangis ako, upang kami ay magkagaya?”
Maliwanag ang pahayag ng Diyos, wala siyang kagaya, kawangis o kamukha, kaya imposible na maigawa ng tao ang Diyos ng larawan, dahil hindi nakikita ang Panginoong Diyos:
1 Timote 1:17 “Ngayon sa Haring walang hanggan, walang kamatayan, di nakikita, sa iisang Dios, ay ang kapurihan at kaluwalhatian magpakailan kailan man. Siya nawa.”
Kaya po kung may magsasabi sa atin na ang isang larawan ay iyon ay mukha ng Diyos, tiyak na tiyak na natin na hindi totoo ang kaniyang sinasabi, dahil hindi kailanman maaaring maigawa ng larawan ang Diyos. At kailanman ay hindi niya ibibigay ang kaniyang kaluwalhatian at kapurihan sa mga larawang inanyuan lamang ng tao:
Isaias 42:8 “Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.”
Ang Marapat na Pagsamba
Paano ba natin magagawa ang marapat na pagsamba sa Diyos? Atin na pong nalaman na hindi sa pamamagitan ng paggamit ng mga larawan. Atin pong tunghayan ang pahayag ng Panginoong Jesus:
Juan 4:23 “Datapuwa't dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka't hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.”
Sabi ng Panginoong Jesus ang mga tunay na mananamba sa Diyos ay sinasamba siya saEspiritu at Katotohanan, ito ang marapat na paraan na pagsamba sa Diyos na dapat nating gawin dahil ito ang hinahanp ng Diyos na maging mananamba sa kaniya.
Paano ang pagsamba sa Ama sa espiritu?
Mateo 6:9 “Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka,Sambahin nawa ang pangalan mo.”
Ang pagsamba sa Ama sa Espiritu ay ang pagsamba sa kaniyang pangalan at hindi sa kaniyang larawan? Maliwanag po iyan. Paano ba ang pagsamba sa pangalan ng Diyos, isusulat ba natin ang kaniyang pangalan sa isang papel pagkatapos ay ididikit sa pader at ating luluhuran? Ganun po ba? Hindi po ganun, narito po ang sagot:
Hebreo 13:15 “Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan.”
Kapag ating pinupuri at binibigkas o sinasabi ang pangalang ipinantatawag natin sa kaniya, ito ang pagsamba sa kaniya sa espiritu. Ano ang pangalang iyon?
Juan 20:17 “Sinabi sa kaniya ni Jesus, Huwag mo akong hipuin; sapagka't hindi pa ako nakakaakyat sa Ama, nguni't pumaroon ka sa aking mga kapatid, at sabihin mo sa kanila, Aakyat ako sa aking Ama at inyong Ama, at aking Dios at inyong Dios.”
“Ama” ang ating dapat itawag sa nagiisa at tunay na Diyos, na Diyos din ng Panginoong Jesus.
Paano naman ang pagsamba sa Ama sa katotohanan?
Mateo 6:10 “Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.”
Ang pagsamba sa kaniya sa katotohanan ay ang pagsunod na dapat nating gawin sa kaniyang mga kalooban o mga kautusan, dahil ito ang buong katungkulan ng tao.
Ecclesiastes 12:13 “Ito ang wakas ng bagay; lahat ay narinig: ikaw ay matakot sa Dios, at sundin mo ang kaniyang mga utos; sapagka't ito ang buong katungkulan ng tao.”
NARITO ANG MGA KASAGUTAN:
Tayo na't lumapit, sa kanya'y sumamba at magbigay-galang, lumuhod sa harap ni Yahweh na siyang sa ati'y may lalang.(Awit (95:6)
Tayo na't lumapit, sa kanya'y sumamba at magbigay-galang, lumuhod sa harap ni Yahweh na siyang sa ati'y may lalang.(Awit (95:6)
Sabado, Mayo 04, 2013
PURGATORY
- Adonis Tungcab Kung iyung basahin ang 1 Juan 5:16 sinabi diyan na may kasalanan na hindi mapunta sa pakakamatay na puyde pang ipagdasal. (venial sin) at malinaw na may grabeng pagkakasala na mahuhulog sa pagkamatay (mortal sin) at magdasal siya ayun sa nakasulat na ipagdasal pa.
- Boyax Agravante ahh. ganun po ba ? paki discuss daw po ang context ng talatang bingay mo? ahm.. so halimbawa pag nagnakaw ang bata ng piso lang anong tawag dun ? dba pagnanakaw parin un maliit man o malaki kasalanan parin..walang pagkakaiba sa maliit at malaking kasalanan..
- Batang Tupa 1 juan 5:16
Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay idalangin siya at bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya
ang PANALANGIN AY NAUUKOL SA BUHAY NA NAGKASALA ayon sa talata.. hindi ito tumutukoy sa NAMATAY O SA KALULUWA NG NAMATAY.. paki suri pong maiigi ang talata,,, - Kung nakikita mo ang anumang mga kapatid na lalaki o kapatid na babae gumawa ng kasalanan na hindi humantong sa kamatayan, dapat kang magdasal at ang Diyos ay magbibigay sa kanila ng buhay. Sumangguni ako sa mga na ang kasalanan ay hindi humantong sa kamatayan. May ay isang kasalanan na hahantong sa kamatayan .(1 Juan 5:16) Malinaw na ipagdasal pa. Sa Dios ay hindi parihas kung maliit o malaki dahil hustisya ang Dios. Kay kung parehas lang ang maliit o malaki ang pagkakasala natin sa harap niya.. Aba mabuti pa gagawa ako ng malaking kasalanan dahil patawarin den naman lang.. How about kung sa mga taong walang Dios ay big to disagree na paerho lang.
- oh bat ka gagawa ng kasalanan ? alam mo naman na hindi ka nais2s sa harapan ng panginoon pareho sila kasalan din...ayon sa aklat ng Roma 6:23 Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon ang context ng talatang binigay mo ay nagpapatunay na napagpanagumpyan na ng panginoong dios ang kabayaran sa kaslanan na kamatayan sapagkat cxa ang tupa na inihain sa Cross.
- uulitin ko po mr. CFD pakipaliwanag po ng maayos ang 1 juan 5:16.. YAN PO BA AY TUMUTUKOY SA PATAY O SA BUHAY? Sino ang dapat IPANALANGIN AYON SA TALATA? BUHAY PO BA O PATAY?
ang purgatoryo daw po kasi ay sangagan ng MGA KALULUWANG NAMATAY NA NASUMPUNGAN SA HINDI KABGATANG KASALANAN.. at AYON PA RIN PO SA AKLAT NINYO.. MAARI PA DAW PONG MAIHANGO SA PURGATORYO ANG MGA KALULUWANG NAMATAY NA.. PAPUNTA SA LANGIT..
'T. Diyata ano ang purgatoryo?
''S. Pagsasangagan (cung baga sa guinto) sa mga caloloua ng cristianong banal na nacapagsisi man at nacapagcumpisal man datapoua't hindi nakapag-auas dito sa lupa ng buong auas sa mañga casalanan.''
Catesismo ng Pinapalamnan p. 24 - tanong ko lang sayo meron bang venial sin at moral sin sa biliya ? paki defined nga po ng venial at mortal sin at pakisupport ng talata.
Batang Tupa mr Boyax Agravante pasensya napo.. pero malayo na po sa topic ng tread ang usapin ninyo ni MR. Tungcab pakigawan nyu na lamang po iyan sa taas ng tread salamat po sa pang-unawa... - Ok bigyan kita peru hindi lang kay basa kung di unawain ang context (Mat 5:22)" ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman, ang humahamak sa kanyang kapatid ay mananagot sa Sanedrin, at sinumang magsabi sa kanyang kapatid, 'Ulol ka!' ay nanganganib na maparusahan sa apoy ng impiyerno."
- purgatoryo po ang topic ng tread.. hindi po URI NG KASALANAN... kaya nga ang tanung ko po sa inyo..
uulitin ko po mr. CFD pakipaliwanag po ng maayos ang 1 juan 5:16.. YAN PO BA AY TUMUTUKOY SA PATAY O SA BUHAY? Sino ang dapat IPANALANGIN AYON SA TALATA? BUHAY PO BA O PATAY?
ang purgatoryo daw po kasi ay sangagan ng MGA KALULUWANG NAMATAY NA NASUMPUNGAN SA HINDI KABGATANG KASALANAN.. at AYON PA RIN PO SA AKLAT NINYO.. MAARI PA DAW PONG MAIHANGO SA PURGATORYO ANG MGA KALULUWANG NAMATAY NA.. PAPUNTA SA LANGIT..
'T. Diyata ano ang purgatoryo?
''S. Pagsasangagan (cung baga sa guinto) sa mga caloloua ng cristianong banal na nacapagsisi man at nacapagcumpisal man datapoua't hindi nakapag-auas dito sa lupa ng buong auas sa mañga casalanan.''
Catesismo ng Pinapalamnan p. 24 - Ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman, ang humahamak sa kanyang kapatid ay mananagot sa Sanedrin, (venial sin)hindi pinarehas ang parusa ng Diyos. Mortal sin at sinumang magsabi sa kanyang kapatid, 'Ulol ka!' ay nanganganib na maparusahan sa apoy ng impiyerno." Mortal sin yan and that is a example of justice of God na de niya pinarehas pagparusa brod//
- Pag hiningi po natin ng tawad ang kasalanan natin sa DIOS ay patatawarin po tayo ayun po sa 1 john 1:9 Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan. 10Kung sinasabi nating tayo'y hindi nangagkasala, ay ating ginagawang sinungaling siya, at ang kaniyang salita ay wala sa atin....
- isiah 1:.18 "Halikayo at tayo'y magpaliwanagan," sabi ni Yahweh.
Gaano man kapula ang inyong mga kasalanan,
kayo'y aking papuputiin, tulad ng yelo o bulak. - ahh ok Ang ginamit mong talata 1 john 1:9 at Isa 1:18 tama yan dahil ang Dios ay mabuting magpatawad man peru wala na magnegar na may hustisya paren ang Diyos dahil kung iyung babasahin ang Psalm . 7:11 ang Dios ay mabuting taga paghukom. Ibig sabihin hustisya ang ginamit hindi lang kay mabuting taga pagpatawad.
sumipi si mr. Tungcab ng sitas ng talata upang pangatwiranan na dapat ipanalangin ang mga kaluluwang nasa purgatoryo.. FOR CLARIFICATION LANG PO...
ang ibingay nyang talata ay 1 juan 5:16
Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay idalangin siya at bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya
kaya ang katanungan po ay ganito.. YAON PO BANG TINUTUKOY DYAN SA TALATA NA IYAN NA DAPAT IPANALANGIN AY MGA TAONG BUHAY O TAONG NASA PURGATORYO?
hindi po pwedeng parehas ang sagot sapagkat.. MALINAW PO SA TALATA NA IISA LANG ANG DAPAT IPANALANGIN.. kaya hihintayin ko po ang kasagutan ninyo maraming salamat poBoth: Una sa lahat, ipinapakiusap kong idulog ninyo sa Diyos ang inyong mga kahilingan, panalangin, pagsamo, at pasasalamat para sa lahat ng tao. (1 Timoteo 2:1-2) Totoo yan Batang Tupa. Ibig sabihin bawat isa maka-intercede prayer para sa mga patay o sa buhay yan huwag nating limitihan o ikulong natin ang 1 San Juan 5:16 na yan ba ay tumutokoy lang ba para sa mga patay o sa buhay sa kay si san Pablo nagdalangin paren para sa iba “Idinadalangin namin sa Diyos na sana'y huwag kayong gumawa ng masama,” (2 Corinto 13:7) Wala na si San Pablo diyan ha sumaka na sa langit peru nagtagubilin siya ng pagdalangin ng siya ay namatay na. kung gusto ka basahan kita na ang patay ay ipagdasal letra for letra sa galling mismo sa bibig sa ating Panginoon kay gilimitahan man ninyu ang bibliya. Ok bigyan kita . May mga laban ng Santa iglesia katolika na meron bang mababsa na ipagdasal o idalangin pa natin at saan ba ito mababasa? Dito kasi sa San Juan 11:20-25 na si Lazaru patay na ha. At di na maaring makapagdasal sa sarili niya. Si Maria at marta lumapit kay Hesus at sila ang nanalangin o naghimok, pangatwiran o kayay nagatweran. Sinabi nila “Panginoon kung nandito ka palang sana hindi sana mamatay ang aming kapatid” at ng sa pangatweran ng yan naunawaan na gusto nilang buhay ang kanilang kapatid. Sinabi ni Hesus . Dahil sa inyu na kung maniwala lang kayu na ako ang buhay kahit pa ang mga patay kung maniwala sa akin siyay mabubuhay. Maniwala ba kayu nito? Ang dalawang magkapatid sumagot “naniwala kami Panginoon” Ibig sabihin diyan sila inipit ang kanilang pakay hindi si Lazaru na patay na. At pagkatapos iniharap sa Panginoon ang patay na na si Lazaru ayun pa sa mga dumalo doon na baho na. at sinabi ni Hesus bangon at si lazaru nabuhayng muli. Sinu ang nakapagpabuhay niya ang pagdasal sa dalawang magkapaid niya. So merun palang mabasa natin sa Bagong Tipan merong palang pagdalangin para sa mga patay at tsaka binuhay pa mismo sa Panginoon.
ang sagot nyu ay pareho? tanong ang PATAY BA MAARI PANG MAGKASALA?
Batang Tupa dahil ang wika sa talta ipanalangin ang nagkakasala.. meaning yung nakakagawa ng kasalanan... kaya yung PATAY BA NA NAKAHIMLAY SA LIBNGAN..IYAN BA AY NAGKAKASALA PA? OO O HINDI?

Batang Tupa 1 juan 5:16
Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay idalangin siya at bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya
ang wika pa ay IKAMAMAMATAY.. yan ang proof na nauukol sa buhay ang panalangin at hindi sa mga patay... IKAMAMMATAY..O ...MAMAMATAY PALANG..
Batang Tupa Ang patay ay walang anumang nalalaman, HINDI RIN UMAAKYAT ANG KALULUWA SA LANGIT.. SAPAGKAT ITO AY MAIIWAN SA LIBINGAN KASAMA NG KANIYANG KATAWAN! TALIWAS SA TURO NG PURGATORYO,..
Ecles. 9:5-6 Magandang balita Biblia
'' Alam ng buhay na siya'y mamamatay NGUNTI ANG PATAY AY WALANG ANUMANG NALALAMAN. Wala silang pag-asa, at nakakalimutan ng lubusan. Nawawala pati kanilang pag-ibig, pagkapoot, pagka-inggit; anupa't wala silang namamalayan sa anumang nangyayari sa daigdig.''
Awit 44:25
'' Sapagkat ANG AMING KALULUWA AY NAKASUBSOB SA ALABOK; Ang aming katawan ay nadidikit sa lupa.''
Batang Tupa haka haka nyu lamang po iyan maliwanag ang sinabi ng talata.. ito'y nakapatungkol sa mga taong nagkakasala.. ang patay po ba ay nagkakasala pa? biblia po ang sasagot!
Ecles. 9:5-6 Magandang balita Biblia
'' Alam ng buhay na siya'y mamamatay NGUNTI ANG PATAY AY WALANG ANUMANG NALALAMAN. Wala silang pag-asa, at nakakalimutan ng lubusan. Nawawala pati kanilang pag-ibig, pagkapoot, pagka-inggit; anupa't wala silang namamalayan sa anumang nangyayari sa daigdig.''
wala po tayong mababasa sa sitas na patay ang dapat ipanalangin.. kundi yaong mga taong nagkakasala. May kasalanan hindi nakamamamatay.. kung ang kasalanan palang hindi nakamamamatay ang dapat ipanalangin bakit ipapanalangin pa ang namatay sa kasalanan?ahm para sa akin ang purgatoryo ay haka haka lamang g mga papa spagkat ito ay wal sa biblia at higit sa lahat ito ay hindi aral ng ating panginuong dios ito ay aral ng tao kya hidi dapat paniwalaan.Unahin natin ang pagsagot sa sinabi ni Mabait na Tupa ah esti kay Batang Tupa na di palang nagtagal bago pa wala kuno tayung mabasa diyan sa Bibliya na ang mga patay idalangin pa "1 Tes 5:25" Mga kapatid, ipanalangin din ninyo kami." Oh ayan may mababasa na tayu limitihi na naman ninyu ang sinabi ni San Pablo ha na para lang yan sa mga buhay. At tsaka yung tanong niya na ang mga patay puydi pa raw magkakasala. “yung PATAY BA NA NAKAHIMLAY SA LIBINGAN..IYAN BA AY NAGKAKASALA PA? OO o HINDI? Si Mabait na Tupa nalibug sa kanyang sumada siya lang nag-answer2x ..biblia ang sasagot diyan sa Ecles. 9:5-6 na sa akala niya kumampi sa kanya ang talata. '' Alam ng buhay na siya'y mamamatay NGUNTI ANG PATAY AY WALANG ANUMANG NALALAMAN. Wala silang pag-asa, at nakakalimutan ng lubusan. Nawawala pati kanilang pag-ibig, pagkapoot, pagka-inggit; anupa't wala silang namamalayan sa anumang nangyayari sa daigdig.'' Ikaw lang kapatid na Tupa ang nakasagot sa iyung tanung na magkakasa la pa ba ang mga patay Oo o Hindi? Misled kaayo ang iyung tanong, linlang. Kung wala na namalayan bakit kailangan mupang ilinlang na ang mga patay puydi pabang magkakasala? Ikaw lang ang nagsabi na ang mga patay ay wala ng namalayan. Ikaw!! man ang nagsabi na wala ng nalalaman.
At yan namang sinabi niyu na hakahaka lang yan sa mga papa at itoy wala at hindi mababasa sa bibliya. Sinu bang katoliko nagturo na nagsabi na yan ay mababasa peru ang pag-unawa naa. kanang sinabi ninyu na gawagawa lang yan sa tradisyon. Naa man yan sa Bibliya sa 2 Tes. 2:15 “So then, brothers and sisters, stand firm and hold fast to the teachings we passed on to you, whether by word of mouth or by letter. uohmm naa man. Tanggapin ninyu ang aming mga pinag-salitaan mga nasulat at ang amin ding tradisyon. At kung hindi ka tumanggap sa tradisyon. Ano ang sinabi ni Pablo. 2 Tes. 3:6 “if anyone comes to you and does not respect our tradition shanoff from him” Kung merung mga tao na pumonta sa inyu makipaggkapatid natin at di tumanggap ng tradisyon itakwik, tanggihan niyu siya. So merung tradisyon na inutos sa Bibliya . Yung hindi tumanggap niyan ayun pa ni San Pablo itakwil yan kay hindi yan kasali mga sumusunod ni Cristo.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
BAKIT ANG MGA PARI HINDI MAG-AASAWA CELIBACY
HINDI PAGAASAWA NG KAPARIAN AT MADRE (CELIBACY) *** BATIKOS NG INC AT IBANG SEKTA.. PINAGBABAWALAN DAW NATIN ANG MGA TAO NA MAG ...
-
Icon of the Annunciation wherein the Angel Gabriel greeted the Virgin Mary, "Hail, Full of Grace" ABA, “GINOONG” MARIA! ...
-
UTOS DAW NG PARI NA SAMBAHIN ANG MGA LARAWAN “ PAGBANGON MO SA BANIG AY AGAD KANG MANIKLUHOD SA HARAP NG ISANG KRUS O ISANG MA...
-
TATLONG PERSONA SA IISANG DIYOS A ng Banal na Santatlo ang pangunahin at pinaka- dakilang misteryo ng ating pananampalataya. Sumasamp...
-
"The Christianity of history is not Protestantism. If ever there were a safe truth it is this, and Protestantism has ever felt it so...
-
“ANO ANG KAUGNAYAN NG BANAL NA HAPUNAN SA PANAHON NATIN NGAYON?” Ang tinutukoy sa tanong ay ang 'Last Supper' o 'Hul...
-
Ang "U" ginawa pang equevalent sa 5. may Roman numiral bang U? Minsan mga Mang-mang talaga. Hindi po VICARIVS...
-
Ano ang naiambag ng Iglesia ni Cristo (Manalo) sa lipunan at sa mundo? Para sa Iglesia ni Cristo na tatag ni Fe...
-
HINDI PAGAASAWA NG KAPARIAN AT MADRE (CELIBACY) *** BATIKOS NG INC AT IBANG SEKTA.. PINAGBABAWALAN DAW NATIN ANG MGA TAO NA MAG ...
-
Junior Esteban Tama po ang talata kapatid, tama din po ang turo ni Cristo. ano po ang tinututolan namin diyan? ang pagka...
-
Papa Benedicto IX Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Benedict IX Nagsimula an...