Bakit ba linggo ang simba ng katoliko at ibang relihiyon? Yan ba ay naayon sa biblia?
Bakit nakikialam kayo? Kung Sunday kmi eh anu hilig nyo pumuna ng iba ayaw nyo tingnan muna mga sarili nyo
Adonis Tungcab
SA BIBLIA ANG NAKASULAT ANG SABBATH AY ANG IKAPITONG ARAW... AT ANG UNANG ARAW. MAY MGA BIBLIA NA NAGSALIN NG SABADO FOR SABBATH KASI BINASEHAN NILA ANG GREGORIAN CALENDAR NA SANTO PAPA ANG NAGPAGAWA AT NAGPATIBAY KUNG SAAN SUNDAY ANG UNANG ARAW AT SATURDAY ANG IKA PITO. SUBALIT SA BIBLIA WALANG SINASABI NA ANG DAPAT SUNDAN NG BILANG AY ANG GREGORIAN CALENDAR O KUNG ANO PA MANG CALENDARIO. KAYA MALI NA GAMITIN ITONG BATAYAN KUNG ANO ANG UNA AT IKAPITONG ARAW. HINDI TINURO NG DIOS O NG MGA PROPETA O NG PANGINOONG JESUS NA: "ANG IKA PITONG ARAW AY SABADO AYON SA GREGORIAN CALENDAR."ANG IBIG SABIHIN NG SABBATH AY ANG ARAW NG PAMAMAHINGA AT YAN AY HINDI AUTOMATICALLY NA SATURDAY NA KINUHA NG MGA PAGAN SCHOLARS SA NGALAN NI SATURN ISA SA MGA DIOSDIOSAN NILA. KUNG TALAGANG SABADO ANG ARAW NG PAMAMAHINGA TINUTUPAD NATIN ITO. KASI WALANG MGA PASOK SA MGA PAARALAN NATIN PAG SATURDAY, SARADO ANG MGA OPISINA NG CATHOLIC OFFICES AND STORES AND SCHOOLS PAG SATURDAYS. SO, ANONG INAANGAL NILA? PAREHO TAYONG NAMAMAHINGA SABADO MAN O LINGGO. DI BA? KUNG MAY PASOK MAN PAG SABADO HINDI BATAS YON NG IGLESIA CATOLICA KUNDI NG GOVERNMENT O NG PRIVADONG SECTOR.yun po ba ang direktang nasabi doon sa pasyon? Paano po natin irere-concile yun sa atin bilang katoliko?WALA TAYONG DAPAT IRECONCILE DAHIL WALA NAMANG SALUNGAT. NAMAMAHINGA NAMAN ANG MGA CATHOLICS PAG SATURDAY. SUBALIT ANG SABBATH AY HINDI "SEVENTH DAY ONLY". YAN ANG MALI. KASI ANG "FIRST DAY" AY SABBATH DIN: Levitico 23:7 "Sa UNANG ARAW ay magkakaroon ng banal na pagpupulong: anomang gawang paglilingkod ay huwag ninyong gagawin." ANG PAGTIGIL SA TRABAHO AY HINDI LANG SATURDAY KUNDI PATI SUNDAY AY MAAARI RING GAWING ARAW NG PAMAMAHINGA. GAYA NG SABI SA TAAS ANG UNANG ARAW ANG DAY PARA SA "BANAL NA PAGPUPULONG" O "HOLY CONVOCATION" O "SACRED ASSEMBLY". KAYA SA ARAW NA IYAN TAYO NAGKAKATIPON BILANG MGA CATOLICO. Hindi lang first day of the Week, Sabbath din ang First Day of the Month:(Levitico 23:24) Salitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Sa ikapitong buwan, sa UNANG ARAW NG BUWAN, ay magkakaroon kayo ng takdang kapahingahan, na pinakaalaalang may tunog ng mga pakakak banal na pagpupulong nga.KAYA YUNG CLAIM NG SDA NA SATURDAY LANG ANG SABBATH E PALPAK KASI IBA IBANG ARAW PUMAPATAK ANG FIRST DAY NG KADA BUWAN. ITO PA ANG IBANG TALATA NA NAGPAPAHAYAG NA PWEDENG SABBATH ANG FIRST DAY: Levitico 23:35 "Sa UNANG ARAW ay magkakaroon ng banal na pagpupulong; kayo'y huwag gagawa ng anomang gawang paglilingkod." WALANG NAKASULAT SA BIBLIA NA SATURDAY LANG ANG SABBATH. IMBENTO LANG IYAN NI ELLEN GOULD WHITE.
ACTUALLY ANG SUNDAY AY VERY SPECIAL SABBATH KASI ITO ANG IKA FIRST DAY AT IKA EIGTH DAY WHICH IS SACRED TO GOD:Levitico 23:39 "Gayon ma'y sa ikalabing limang araw ng ikapitong buwan, pagka inyong natipon ang bunga ng lupain, ay magdidiwang kayo sa Panginoon ng kapistahang pitong araw: ang UNANG ARAW ay magiging takdang kapahingahan, at ang IKAWALONG ARAW ay magiging takdang kapahingahan."
ANG SABBATH SA BAGONG TIPAN:Ang ating Panginoong Jesucristo ay namamahinga ng Sabbat at nagpupunta sa Sinagoga dahil Judio siya. Gayon din ang mga Apostles... Judio sila.Subalit ang Panginoong Jesus ay kilala sa hindi pagsunod sa Sabbath dahil naglalakad sila ng Sabbath, nagpapagaling, nangangaral at iba pa. Ito ang kinagalit ng mga Pariseo kay Jesus. Subalit ipinaglaban ito ng Panginoon: Juan 5:16-17 "At dahil dito'y pinagusig ng mga Judio si Jesus, sapagka't ginagawa niya ang mga bagay na ito sa araw ng sabbath. Datapuwa't sinagot sila ni Jesus, Hanggang ngayo'y gumagawa ang aking Ama, at ako'y gumagawa." IBIG SABIHIN BAGAMAT ANG CREATION AY NATAPOS NA NG DIOS SUBALIT ANG ACTIVITY OF GOD AND OF THE LORD IN SAVING, HEALING, PURIFYING, SANCTIFYING THE WORLD ARE CONTINUOUS. KAYA NGA ANG MGA ESPECIAL NA GAWAIN TULAD NG SA MGA DOCTOR, PARI, MGA NAGTITINDA NG PAGKAIN AY DAPAT MAGPATULOY KAHIT ARAW NG PAMAMAHINGA. AT ANG PINILI NIYANG ARAW NG TAGUMPAY LABAN SA KASALANAN AT SA KASAMAN - ANG DAY OF RESURRECTION AY SUNDAY - HINDI SATURDAY: Marco 16:1 At nang makaraan ang sabbath, si Maria Magdalena, at si Mariang ina ni Santiago, at si Salome, ay nagsibili ng mga pabango, upang sila'y magsiparoon at siya'y pahiran. At pagkaumagang-umaga nang unang araw ng sanglinggo, ay nagsiparoon sila sa libingan nang sikat na ang araw. Lucas 24:1-2 Datapuwa't nang unang araw ng sanglinggo pagkaumagang-umaga, ay nagsiparoon sila sa libingan, na may dalang mga pabango na kanilang inihanda. At nasumpungan nilang naigulong na ang bato mula sa libingan. KAYA NAMAN ANG MGA CRISTIANO AY NAGTITIPON PARA MAGHATI HATI NG TINAPAY GAYA NG INIUTOS NI JESUS SA LAST SUPPER TUWING SUNDAY AT HINDI SATURDAY: Act 20:7 At nang UNANG ARAW ng sanglinggo, nang kami'y nangagkakapisan upang pagputolputulin ang tinapay, si Pablo ay nangaral sa kanila, na nagaakalang umalis sa kinabukasan; at tumagal ang kaniyang pananalita hanggang sa hatinggabi. ITO RIN ANG ARAW NG PAGTITIPON NG MGA MANANAMPALATAYA: 1 Corinto 16:2 Tuwing UNANG ARAW ng sanglinggo ang bawa't isa sa inyo ay magbukod na magsimpan, ayon sa kaniyang iginiginhawa, upang huwag nang gumawa ng mga ambagan sa pagpariyan ko.
I think that the SDA's does not teach that circumcision is a necessary requirement in order for one to belong to God's people and they are right. But by whose authority did they changed this since this is clearly commanded by God in the Old Testament as a perpetual covenant (Genesis 17:10-14)? It was the Apostles, exercising their God-given authority, gathered together in the Council of Jerusalem who finally decided that circumcision in no longer necessary to belong to God's people (Acts 15). The change of the day of rest (as there remains to be a day of rest for God's people, Hebrews 4:9), for the Bible speaks of another day (Hebrews 4:8), was officially declared by the Catholic Church to be followed by all Christian believers. And Sunday it is for it was on this day that the Lord Jesus rose from the dead (1 Corinthians 15:14, 17) and this was the day that the Holy Spirit descended upon the Apostles on the day of Pentecost (Acts 2). Whereas the Israelites celebrated Saturday as their day of rest in order to commemorate their day of liberation from the bondage of Egypt (Deuteronomy 5:15), Christians celebrate Sunday as the day of rest since this is the day of our liberation from the bondage of sin (1 Corinthians 15:17).
Hindi sinabi ni Yawieh na mangilin kayo ng Sabbath sa araw ng Sabado. Ang sinabi ipangilin ang araw ng pamamahinga.Nang mag simulang lumikha ang Diyos,walang sino mang makakatiyak kung anong araw nagsimula at kung anong araw nagpahinga ang Diyos. Basta ikapito,pero di sinabi na araw ng Sabado ng magpahinga ang Diyos.Maging mga Judio di nila alam kung anong araw talaga ang ikapitong araw nang magpahinga si Yawieh. Ang pinagbasihan ng mga pangalan ng araw ay mga planeta na noong panahon ni moses ay di pa natutuklasan ang mga planeta. Ang pinagbasihan lamang ng pagbilang ng araw ay basi sa kasaysayan ng mga hudyo, sa kanilang paghahari at sa pagkakatapon nila,pagkawatak-watak ,pagkaalipin at sa pagkawala nila sa pagkaalipin sa mga ehipto.Ngunit sa unang testamento na bumase na rin sa nagagawiaan sa pagbilang ng araw, kaya ang Sabbath ay naplaitan,di na lamang para sa mga hudyo kundi pati sa mga hentil, grego o hudyo, pantay-pantay na ang lahat. Kaya nga ang mga Kristiano ay sa araw ng pagkabuhay ni Jesus ang naging pinaka Sabbath. Iyong di naman Hudyo na gumagaya sa Sabbath ng mga hudyo ay mga huwad na hudyo o naghuhudyu-hudyuhan.
If You have question about a particular topic regarding the Catholic Church, such as the Eucharist, or Mary and the saint. Let me know. I will try to answer your question as best i can. Bro. Adonis V. Tungcab CFD Cebu
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
BAKIT ANG MGA PARI HINDI MAG-AASAWA CELIBACY
HINDI PAGAASAWA NG KAPARIAN AT MADRE (CELIBACY) *** BATIKOS NG INC AT IBANG SEKTA.. PINAGBABAWALAN DAW NATIN ANG MGA TAO NA MAG ...
-
TATLONG PERSONA SA IISANG DIYOS A ng Banal na Santatlo ang pangunahin at pinaka- dakilang misteryo ng ating pananampalataya. Sumasamp...
-
Icon of the Annunciation wherein the Angel Gabriel greeted the Virgin Mary, "Hail, Full of Grace" ABA, “GINOONG” MARIA! ...
-
UTOS DAW NG PARI NA SAMBAHIN ANG MGA LARAWAN “ PAGBANGON MO SA BANIG AY AGAD KANG MANIKLUHOD SA HARAP NG ISANG KRUS O ISANG MA...
-
Ang "U" ginawa pang equevalent sa 5. may Roman numiral bang U? Minsan mga Mang-mang talaga. Hindi po VICARIVS...
-
Papa Benedicto IX Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya Benedict IX Nagsimula an...
-
Ano ang naiambag ng Iglesia ni Cristo (Manalo) sa lipunan at sa mundo? Para sa Iglesia ni Cristo na tatag ni Fe...
-
Junior Esteban Tama po ang talata kapatid, tama din po ang turo ni Cristo. ano po ang tinututolan namin diyan? ang pagka...
-
Bigfour Angil Roxas ATTENTION TO ADONIS TUNGCAB BASAHIN MONG MULI ANG MGA TOPIC KO NA POST KO AT SAGUTIN MO ANG MGA YAN AT IPAL...
-
THE ANSWER IS A BIG “NO”! The concept of Karma is essentially different from our Christian Faith which proclaims the JUSTICE of God r...
-
(PHOTO: YOUTUBE/RABBONI CENTRE MINISTRIES) South African Pastor, Lesego Daniel, made his...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento