Pagtotol:
“Ang higit pang kamanghamangha ay ang kaisipan na ang ilan sa mga dakilang kapistahan ng ating Ina, ay sadyang walang katiyakan ang pinagmulan. Isang halimbawa ay yaong ika-21 ng Nobyembre, ang Paghahandog ng Ating Ina sa Templo. Ngayon ang pag-akyat sa langit ng Ating Ina ay isang bagay na wala sa Ebanghelyo, ni hindi ito nababanggit man lamang sa aklat ng mga Gawa ng mga Apostol na walang sinasabi man lamang tungkol kay Maria pagkatapos ng Pentecostes.” [Henri Daniel Rops, The Book of Mary (New York: Hawthorn Books, Inc. 1960), p. 936.]“Ipinahahayag ng Papa sa harap ng 500,000 sa Roma ang dogma ukol sa Pag-akyat (ni Maria) sa langit…Sa isang maliwanag at tumataginting na tinig na hatid ng mga ‘loudspeaker,’ sinabi ni Papa Pio (XII) sa Latin na banal nang naihayag na si Maria ay nagtungo sa langit na katawan at kaluluwa… Sa harap ng 35 Kardinal at 500 Obispo, binasa ni Papa Pio (XII) noong martes (Oktubre 31, 1950) ang kaniyang tanging panalangin tungkol sa Dogma sa Pag-akyat sa Langit. Nagkakaisang sinag-ayunan ito ng matataas na kagawad ng Iglesia (Katolika)…”
Sino lamang ang “nagpaakyat” kay Birhen Maria sa langit? Si Papa Pio XII lamang. Ano ang karapatan ni Papa Pio XII na magpaakyat na tao sa langit? Sino ang nagbigay sa kaniya ng karapatang ito? Ni siya ay hindi nakakasigurong makaakyat sa langit, makapagpaakyat pa kaya siya ng iba? Kaya ang aral na si Birhen Maria ay umakyat sa langit ay sinsay sa katotohanan. Ito’y hindi aral ng Diyos kundi aral lamang ang tao. At kung ang aral ng tao ang pagbabatayan sa pagsamba sa Diyos, ito’y walang kabuluhan (Mat. 15:9). Dapat itong itakwil sapagka’t naiiba sa aral ng mga apostol (Gal. 1:8-9).
Sagot:
Ang mga anak na babae ng hari ay nangasa gitna ng iyong mga marangal na babae: sa iyong kanan ay nakatayo ang reyna na may ginto.. (Psalm 45 6-9 )SA IYUNG KANAN NAKATAYU ANG REYNA NA MAY GINTO. Ang ginto ay ang 12 star siya ito si Mahal na Berhin Maria na binulaklakan ng 12 star na mga ginto na nakatayu na ang kanyang damit katulad sa liwanag sa araw kinuranahan sa labing dalawang bitoin na simblolo sa 12 ka apostolis at nagsimblolo sa 12 ka trebu sa Israel.
Yan meron tayung nabasa..Mahirap kung samahan lang namin ang inyung mga allegation na wala pang naka
saka sa langit binasa naman namin at ibingay ang Efeso 4:8
Nang umakyat nga siya sa langit nagdala pa nga siya ng mga bihag, mga kaluluwa kanyang pinasaka ang Ina pa kaya niya ipilit niyung nanatili pa sa hukay.. Anong klasi kang pagkaanak ng nanalo ka ng lottery iniwan mo nalang at pinabayaan ang iyung Ina.. Di yan turo ni Hesus na iiwan lang ang kanyang Ina..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento