Miyerkules, Pebrero 04, 2015

THE INFALIBILITY OF THE POPE


   
Naaayon ba sa Bibliya ang doktrina ng Simbahang Katoliko na hindi nagkakamali ang Papa?

Tanong: "Naaayon ba sa Bibliya ang doktrina ng Simbahang Katoliko na hindi nagkakamali ang Papa?"

Sagot: Itinuturo ng Simbahang Katoliko na hindi nagkakamali ang Papa kung magtuturo siya mula sa kanyang posisyon ng kapangyarihan sa isang partikular na isyu o doktrina (ex-cathedra). Marami ang mali ang pangunawa na ang “hindi pagkakamali ng Papa” ay nangangahulugan na lahat ng sinasabi ng Papa ay tama at walang mali. Hindi ito ang ibig sabihin ng Simbahang Katoliko tungkol sa “hindi pagkakamali ng Papa.” Ayon sa Simbahang Katoliko, ang hindi pagkakamali ng Papa ay sa tuwing magsasalita siya ng ex cathedra, isang bahagi ng Magisterium ng Simbahang Katoliko o ang “awtoridad ng pagtuturo sa Simbahang Katoliko” na ibinigay ng Diyos sa “Inang Simbahan” upang gabayan Siya upang hindi magkamali. Ang “awtoridad ng pagtuturo sa Simbahang Katoliko ay kinakatawan ng kakayahan ng Papa na magturo ng walang pagkakamali, ang hindi nagkakamaling pagtuturo ng mga konseho ng Simbahang Katoliko na nagpupulong sa ilalim ng pangunguna ng Papa at ng pangkaraniwang Magisterium ng mga Obispo. Ang ordinaryong Magisterium na ito ay kinabibilangan ng mga Obispo sa iba’t ibang lugar na nagtuturo ng isang partikular na doktrina. Halimbawa ang katuruan na ipinaglihi si Maria ng walang kasalanan) at kung ang katuruang ito ay tinanggap ng buong iglesya sa pangkalahatan, ito ay isang indikasyon na ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa mga Obispo at ang katuruang iyon ay mula sa Diyos. Sa huli, kikilalanin yon ng Papa at ipoproklama ang katuruang iyon na iyon ay mula sa Diyos at dapat na tanggapin ng lahat na Romano Katoliko.





Walang komento:

BAKIT ANG MGA PARI HINDI MAG-AASAWA CELIBACY

HINDI PAGAASAWA NG KAPARIAN AT MADRE (CELIBACY) *** BATIKOS NG INC AT IBANG SEKTA.. PINAGBABAWALAN DAW NATIN ANG MGA TAO NA MAG ...