What Is Sola Scriptura? ito ay Christ Alone at Bible Alone 100%
KUMOSTA MGA KAPATID KUNG KATOLIKO? Sana may makuha kayong aral sa blog na ito tungkol ito sa Sola Scriptura na kadalasan ginamit ng ating mga kapatid nating mga antikatoliko marami kasi ang nagtatanong kung nasusulat ba sa biblia ang
SOLA SCRIPTURA o ang biblia lamang ang dapat na maging batayan ng pananampalatayang Kristiyano? Sa tingin niyo ba tama sila.
HINDI.
Walang kang mababasa kahit saang angulo sa biblia tungkol sa aral na ito ng mga hindi katoliko. Pagbali-baligtarin mo man ang biblia, wala kang mababasa na “ang biblia lamang ang dapat na maging tanging batayan ng pananampalatayang Kristiyano.” Subukan mong tanungin ang mga hindi katolikong mangangaral ukol diyan at seguradong paiikut-ikutin kayo sa kanilang mga kasagutan.
Si Martin Luther ang dahilan ng lahat kung bakit nag-inbento siya ng doktrinang Sola Scriptura o Bible Alone noong Protestant Reformation Itinuturo niya na ang Bibliya lamang at wala ng iba pa ang tanging tuntunan ng pananampalataya at hindi na kailangan pa ng Simbahan o ang awtoridad nito. Itinuro ni Luther na ang kaligtasan ay hindi makikita sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa ngunit matatanggap lamang bilang isang libreng kaloob mula sa biyaya ng diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus.
Ang kanyang teolohiya ay humamon sa kapangyarihan ng papa ng Romano Katoliko sa pamamagitan ng pagtuturo na ang bibliya lamang ang tanging pinagmumulan ng inihayag ng diyos na kaalaman. Kanyang tinutulan ang kaparian ng Katoliko sa pamamagitan ng pagturing sa lahat ng bautisadong Kristiyano bilang banal na kaparian. Ang mga kumikilala sa katuruan ni Luther ay tinatawag na Lutheran.
Bible Only ( Sola Scriptura ) daw dapat o Bibliya lang ang batayan ng aral, pero ang mismong aral na iyan ay hindi batay sa Bibliya. Iyan mismo ay unbiblical na labag na ng aral ng Bibliya.
Para sa maraming hindi Katoliko, basta raw hindi mababasa sa Bibliya ay hindi raw dapat paniwalaan. Ang malaking problema ng mga tagasunod ni Bro. Eli at ng maraming naniniwala na "dapat nasa Bibliya" ang paniniwalaan ay "WALA ITO SA BIBLIYA. HINDI ITO ARAL NG BIBLIYA."
Ngunit, ano ba ang sinasabi ng bibliya tungkol sa paniniwalang ito? Naayos ba sa bibliya ang aral na "bibliya lamang" o "ang kasulatan lamang" na mas kilala rin sa tawag na "sola scriptura?"
Mga kapatid, pinupuri ko kayo na sa lahat ng mga bagay ay naalala ninyo ako. Sinusunod din ninyo ang mga kaugalian ayon sa pagkakatagubilin ko sa inyo. —1 Mga Taga-Corinto 11
Ayon dito, mga mga kaugalian na sinusunod ang mga Taga Corinto, kaugalian na tagabulin sa kanila. Ang mga kaugalian na ito ay ang mga "Tradisyon"
Tignan natin ang salin nito sa Wikang Ingles:
Now I praise you because you remember me in everything and hold firmly to the traditions, just as I delivered them to you. —I Corinthians 11
Lahat ba ng aral ng Diyos ay nasusulat? Hindi, dahil ang iba at nabibigkas o naipapasa pasa sa pamamagitan ng salitang hindi nasusulat. Ayon ba ito sa bibliya? Opo.
15 Kaya nga, mga kapatid, tumayo kayong matatag at panghawakan ninyong matibay ang mga dating aral na itinuro sa inyo, maging ito man ay sa pamamagitan ng salita o sa pamamagitan ng aming sulat. — 2 Mga Taga-Tesalonica 2:15 (Ang Salita ng Diyos)
Mapapansin na binigyan diin dito ang mga dating aral na nasa hubog na SALITA o KASULATAN. Ano naman ang sinasabi ni San Pablo:
Narinig mo ang maraming bagay na aking sinabi sa harapan ng maraming saksi. Ipagkatiwala mo ang mga bagay na ito sa mga lalaking mapagkakatiwalaan na makakapagturo rin naman sa iba. — 2 Kay Timoteo 2:2 (Ang Salita ng Diyos)
Mayroon siyang mga bagay na sinasabi, na ayon sa kaniya ay dapat na ipagkatiwala sa mga ibang makapagtuturo nito sa ibang tao. Pasa pasa diba?
Meron akong isang group bilang Bible Study na ginawa ko may mga comment ng isang Born-Again Christian, sinabi niya na wala silang ibang basehan sa kanilang pananampalatayang Cristiano. Ayon daw sa II Timoteo 3:16, ang lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan ng isang tao sa lahat ng bagay tungkol sa pagiging Cristiano, kaya’t ayon sa kaniya tanging ito lang ang batayan ng kaniyang pananampalataya. Ano ang masasabi natin dito?
Sagot:
Ang talata ay tumutukoy lamang sa mga aklat ng lumang tipan, at kung isali man natin ang mga aklat ng bagong tipan sa pahayag na ito ay hindi pa rin nito pinapatunayan na Biblia lang ang kailangan ng isang mananampalataya.
Unahin natin ang konteksto ng sinasabi ni Apostol San Pablo kay Timoteo tungkol sa kasulatang kaniyang isinusulat: sa II Timoteo 3:16 ay nakasulat, “at kung paanong mula sa pagkabata ay iyong nalaman ang mga banal na kasulatan na makakapagturo sa iyo tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.” Ang tinutukoy na mga kasulatan dito ay ang mga mga aklat ng Lumang Kasulatan. Bakit natin nasabi ito? Sapagkat nakasulat na ang mga nasabing kasulatan ay nalaman na ni Timoteo “mula pa sa pagkabata.” At sa panahong isinusulat ni Apostol Pablo ang kaniyang sulat kay Timoteo, masasabi natin na hindi pa natatapos maisulat ang mga aklat ng Bagong Tipan. Kung susundin natin ang kanilang lohika na ayon sa talata ay tanging ang mga Kasulatan (Biblia) lamang ang kailangan, ngunit tama ang ating interpretasyon sa nasabing talata, ibig sabihin ba nito ay tanging ang mga aklat lamang ng Lumang Tipan ang tanging kailangan ng mga Cristiano upang malaman ang lahat ng tungkol sa pagiging Cristiano? Siyempre hindi. Ngunit ipagpalagay na natin na ang nasabing talata ay nagsasabi tungkol na rin sa kabuuan ng Biblia. Sapagkat wala naman talagang pagtututol ang mga Katoliko tungkol dito: tanggap natin na ang mga Kasulatan (ang kabuuan ng Biblia) ay talagang kinasihan ng Diyos. Ayon na rin sa Dei Verbum, isang dokumento ng Simbahan, ang nasabing talata rin ang ginagamit upang patunayan ang ispirasyon ng buong Biblia: ang Diyos. Ngunit suriin natin ang talata: hindi sinasabi ng talata na “ito ang tanging kailangan. . .” kundi ito’y “mapapakinabangan.” At ito’y pinapatunayan ng salitang Griyego sa mapapakinabangan: ang “ophelimos” (ὠφέλιμος), na ang ibig sabihin ay “makakatulong.” Ibig sabihin, ayon din sa kahulugan ng salitang ginamit, ang mga nasabing kasulatan ay makakatulong sa “pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa katuwiran” (II Timoteo 3:16).
At kung papansinin natin ang kalagayan nina Apostol Pablo at Timoteo noon, maiintindihan natin kung bakit nila ito sinasabi. Noong panahon nila, hindi pa nailimbag ng buo ang Biblia, kaya’t ang tanging kasulatan na taglay ng mga Apostol ay ang Lumang Tipan. Ngunit bagama’t gayon, sinasabi pa rin nila na si Cristo ay “. . .inilibing; at muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan” (I Corinto 15:4), bagama’t alam natin na hindi tahasang binabanggit ang buhay ni Cristo sa Lumang Tipan, ngunit nakapaloob lamang dito ang mga propesiya tungkol sa daranasin ng Mesiyas. Ang mga naunang Cristiano ay umaasa sa turo ng mga Apostol, na siyang pinanghahawakan nila tungkol sa mabuting balita ni Cristo. Ayon sa II Tesalonica 2:15, hinihimok ni Apostol San Pablo ang mga taga-Tesalonica na “. . .manindigang matibay at inyong panghawakan ang mga tradisyon na sa inyo’y itinuro namin, maging sa pamamagitan ng salita, o ng sulat mula sa amin.” Noong unang tatlong siglo ng Cristianismo, walang kinasaligang kasulatan ang mga Cristiano na tinatawag na “bagong tipan,” kaya’t ang mga turo ng Apostol ang siyang kanilang kinasaligan. Kaya’t hindi maaari na tanging ang Biblia lamang ang dapat gawin na batayan ng isang Cristiano: dapat ito’y ayon na rin sa turo ng mga Apostol. Si Jesus ay hindi nag-iwan ng isang aklat, kundi siya ay nag-iwan ng kaniyang iglesya at ng mga apostol (Mateo 28:19). At ang “ang haligi at suhay ng katotohanan” (I Timoteo 3:15) ay ang kaniyang buhay na iglesya, na siyang dapat nating pagkatiwalaan sa lahat ng tungkol sa pahayag ng Diyos sa mga tao.
HINDI LANG PURO SA BIBLIYA O SOLA SCRIPTURA ANG BATAYAN
Ang katotohanan pong ito, ang makakapagpaliwanag na mali ang salitang, bibliya lang po ang basihan ng kaligtasan at mga aral ng Dios.. Dahil, maitatanong po natin sa sarili, paano ba ang basihan ng kaligtasan at mga aral ng Dios bago nabuo ang unang biliya? OH DIBA!!
Una, kung mismo ang mga turo nito ay nagmumula sa DIOS at hindi lang sa bibliya..
Ganito po, ang itinuro sa ating ng Panginoong Hesus," Ang tao lang na sumusunod sa kalooban ng Aking Amang nasa langit ang mapabilang sa kanyang kaharian" (Mat.7:21) Ngayon ang tanong po, kaloob ba ng Ama na tayo ay matototo ng lahat ng Kanyang mga turo sa pamamagitan ng mga nakasulat lang sa bibliya?
Ang sagot po ay maliwanag na hindi. Bakit ? Dahil umpisa palang, ginusto na ng Ama na sa Kangyang anak tayo mananampalataya at hindi sa BIBLIYA.
Ganito po, ang itinuro sa ating ng Panginoong Hesus," Ang tao lang na sumusunod sa kalooban ng Aking Amang nasa langit ang mapabilang sa kanyang kaharian" (Mat.7:21) Ngayon ang tanong po, kaloob ba ng Ama na tayo ay matototo ng lahat ng Kanyang mga turo sa pamamagitan ng mga nakasulat lang sa bibliya?
Ang sagot po ay maliwanag na hindi. Bakit ? Dahil umpisa palang, ginusto na ng Ama na sa Kangyang anak tayo mananampalataya at hindi sa BIBLIYA.
Dapat pong tandaan na ang unang pagbobuo ng bibliya ay nangyayari lang po noong 382 AD sa utos ni Papa Damasu, itoy tinatawag na "Latina vulgata" at unang maramihang imprenta po nito ay nangyayari lang po noong 1450's sa Germany, ng maimbento nila ang unang printing press.
Ang katotohanan pong ito, ang makakapagpaliwanag na mali ang salitang, bibliya lang po ang basihan ng kaligtasan at mga aral ng Dios..
Dahil, maitatanong po natin sa sarili, paano ba ang basihan ng kaligtasan at mga aral ng Dios bago nabuo ang unang biliya? At ano ba ang basihan ng totoong aral ng Dios para sanlibutan bago na-imprenta ng maramihan ang bibliya noong 1450-1454 sa Germany? Sa kabila ng katotohanan na itong GUTENBERG BIBLE na ito ay pawang limbag lang ng Alimanyang lenguahe at hindi pweding maunawaan para sa pangkalahatan?
Ganito po ang tagu-bilin ng Panginoong Hesus sa itinatag niyang IGLESYA, "Humayo kayo sa sanlibutan at gawin niyo sila na mga tagasunod ko. " Bautismuhan niyo sila sa ngalan ng AMA ng ANAK at ng ESPIRITU. Turoan niyo silang sumunod sa mga iniutos ko sa inyo." ( Mat.28:19-20 ) Dito, maliwanag po na ang mga aral ng Panginoong Hesus ay iyong mga itinuturo niya sa IGLESYA, na dapat siya ring ituturo sa sanlibutan o sa mga tao. noong hindi pa naisusulat ang bibliya.
Isa pang patunay, ng tawagin ng Kristo si Pablo upang maging Kangyang apostol
(1 cor. 1:1 ), ganito naman po ang naging pahayag ni Pablo"ibig Kung malaman niyo
na hindi sa tao nanggagaling ang ebanghelyong ipinangangaral ko. walang taong nagbigay o nagturo nito sa akin. Si Kristo mismo ang naghayag nito sa aking. ( Gal. 1:11-12 ) Sa makatuwid po, hindi mula sa bibliya ang nagiging aral ni Pablo sa kanila, kundi mula kay Kristo mismo..
Dahil, ang sabi po ng Panginoong Hesus ay marami pa sana siyang aral na sasabihin sa kanila, ( apostoles ) pero mahihirapan pa silang unawain ito, ( John 16:12 ) pero
sa pagdating ng pangakong Espiritu Santu, ito na ang siyang taga pagpaliwanag at,magiging gabay sa kanila ng kanilang mga gawing turo at sasabihin. (John 16:13 )
Sa ganito pong kaparaanan, ay malinaw pong sinabi ni Pablo na ang IGLESYA ang siyang saligan at suhay ng katotohanan ( 1 Tim 3:15 ) at hindi ang bibliya.
Dahil marami naman po ang turo na hindi naiisusulat sa bibliya. ( John 21:25 )
Pati na nga ang kaisa-isang sulat ni Kristo na sinulat niya mismo ng sarili Niyang mga daliri ay hindi rin mababasa sa biliya.( John 8:6-8 )
Isipin na lang kung gaano iyon ka importante, dahil si Kristo mismo ang sumulat nito
at minsan lang niyang ginawa ito sa kasaysayan ng Kanyang buhay.
Ngayon, paniniwalaan ba natin ang mga turo na nakasulat sa biliya?
Syempre naman po, dahil iyan ay mga utos rin ng Dios na naisulat na nga..
pero ang sabihing ito lang ang basihan at wala ng iba iyan ay buong katangahan, at ang mismong salita "na ang bilbiya lang ang basihan ng ating kaligtasan" ay hindi rin mismo mababasa sa biliya.
Samadaling salita, ang bibliya po ang naging produkto ng IGLESYA, ito iyong mga aral na naisusulat na ng tao, sa mga nagiging pangangaral nila.
Samantalang ang lahat ng sekta naman ay ang nagiging bunga ng pagbabasa at maling interpretasyon sa biliya.
Kaya po labis-labisan ang pangangatuwiran nila na bibliya lang po ang basihan na kung wala sa bibliya ay hindi dapat paniwalaan... Iyan po ay bunga ng pagdudunongdunungan, dahil sa bibliya ay hindi mo mababasa
na kailangang ang karapatan at kaluwalhatian ng Dios ay dito na Niya ipnagkakaloob.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento