Huwebes, Agosto 16, 2018

ANG JESUS SA QUR'AN AY DIYOS


ANG JESUS SA QUR'AN AY DIYOS





Paano nga ba ipinakilala ng Qur'an si Jesus?

Ang sabi ng mga Muslim si Jesus ay tao at hindi diyos pero kung tatanungin natin kung saan nakasulat sa Qur'an na tinawag si Jesus na tao o sinabi ni Jesus na "siya ay tao" wala naman maipakita ang mga muslim na susuporta sa ganitong paniniwala.Ngayon paano nga ba ipinakilala ng Qur'an si Jesus.

Ang Una natin tanong may kasama ba o "katambal" si Allah sa pagiging tagapaglikha?

Ito ang ating mababasa sa loob ng Qur'an.

"O sangkatauhan, nilikha NAMIN kayo lalaki at babae, at nagtalaga sa inyo ng mga lahi at mga tribo, upang makilala ninyo ang isa't isa..." (Qur'an 49:13)

Dito maliwanag na may ka-Namin si Allah sa paglikha at itong ka-Namin ni Allah ay isa rin tagapaglikha at makikita natin ito ay "katambal" o katuwang ni Allah sa paglikha.

Ito pa ang patunay :

"At Tiyak na nilikha NAMIN ang tao mula sa luwad mula sa isang binagong itim na putik.(Quran 15:26)

Ngayon ito bang kasama o katambal ni Allah na ka-namin niya sa paglikha ito ba ay mga manlilikha rin.

Opo!

"Pagkatapos ay ginawa NAMIN ang Nuftah  sa isang kimpal, at ginawa NAMIN ang kimpal sa isang tambok ng laman, at ginawa NAMIN [mula] tambok ng laman , ang mga buto, at binalutan  NAMIN  ang mga buto ng  laman; at pagkatapus ay AMINGnilikha siya bilang bagong nilikha. Kaya pinagpala ang Allah, ang pinakamahusay sa MGA TAGAPAGLIKHA.(Qur'an 23:14)

Hindi lang pala iisa ang tagapaglikha bukod kay Allah ay may mga tagapaglikha rin na KA-NAMIN ni Allah na sa mga tagapaglikha na ito siya ang pinakamahusay sa mga tagapaglikha kaya may katambal o katuwang si Allah sa paglikha.

Ngayon sino itong pinapakilala ng Qur'an na katambal ni Allah sa paglikha.

Ito ang ating mababasa:

Sinabi ni Jesus :

"Sa katunayan ay naparito ako sa iyo na may isang tanda mula sa iyong Panginoon na ako ay LILIKHA para sa iyo mula sa luwad na katulad ng anyo ng isang ibon, at pagkatapos ay huminga ako roon at ito ay nagiging isang ibon sa pamamagitan ng pagsang-ayon ng Allah.(Qur'an 3:49)

Kaya dito maliwanag na si Jesus ay tagapaglikha at siya ay lumilikha na may pagsang-ayon mula kay Allah at bukod sa tagapaglikha siya ay tagapagbigay buhay na mula sa luwad na inanyong ibon ay binigyan niya ito ng buhay at naging buhay na ibon kaya si Kristo ay tagapagbigay ng buhay "Life Giver" na itong dalawang katangian na ginawa ni Kristo ay ang tunay na Diyos lang makakagawa.

At itong paglikha ni Jesus ng Ibon mula sa luwad na kanyang inanyuan at hiningahan para magkaroon ng buhay ganito rin ang pamamaraan ni Allah ng nilikha niya ang tao mula sa alabok ng lupa na kanyang inanyuan at ito kanya rin hiningahan at ang tao ay naging buhay.

"Pagkatapos ay sinabi ng Allah sa mga anghel: "Tunay, na lilikhain ko ang tao mula sa luwad, kaya kapag inanyo ko siya at hiningahan ko siya  ,ang kanyang kaluluwang nilikha ay sa akin,at  pagkatapos ikaw ay magpapatirapa ka sa kanya." (Qur'an 38: 71-72)

Dito makikita natin na si Jesus ay katulad ni Allah kung lumikha at pariho nilang binigyan ng buhay ang kanilang nilikha.sumasang ayon ba ang iskular ng Islam na si Jesus ay lumikha.

History of Tabari (Vol.7,page127) "says that Christ created birds out of clay when He was a child.

Ngayon ang Tanong natin sino si Jesus sa pananaw ng Qur'an.?

Si Jesus sa pananaw ng Qur'an ay isang SALITA AT isang ESPIRITU na mula kay Allah.

"Si Kristo Jesus na anak ni Maria ay isang mensahero ng Allah, at ang Kanyang SALITA, na Kaniyang ibinigay kay Maria, at isang ESPIRITU na mula sa Kanya:.."(Qur'an 4:171)

Kaya hindi tao ang pagpapakilala ng Qur'an kay Jesus kundi "ESPIRITU" at ang Diyos ay espiritu.

"Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya'y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.(Juan 4:24)

Si Jesus ang espiritung nagbibigay buhay. (1 Corinto 15:45) at bukod sa siya ay espiritu siya rin ay "SALITA" at ang "SALITA" ay Diyos at walang may ginawa kung wala siya.

"Nang pasimula siya ang SALITA, at ang SALITA ay sumasa Dios, at ang SALITA ay Dios. Ito rin nang pasimula'y sumasa Dios. Ang lahat ng mga bagay ay ginawa sa pamamagitan niya; at alin man sa lahat ng ginawa ay hindi ginawa kung wala siya. Nasa kaniya ang buhay; at ang buhay ay siyang ilaw ng mga tao.(Juan 1:1-4)

At itong SALITA na Diyos ay nagkatawang-tao?

"At nagkatawang-tao ang SALITA, at tumahan sa gitna natin (at nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatian gaya ng sa bugtong ng Ama), na puspos ng biyaya at katotohanan.(Juan 1:14)

At ipinaglihi ng isang dalaga (Mateo 1:22-23) at ipinanganak ng anak na babae ng tao.

"Sapagka't sa atin ay ipinanganak ang isang bata, sa atin ay ibinigay ang isang anak na lalake; at ang pamamahala ay maaatang sa kaniyang balikat: at ang kaniyang pangalan ay tatawaging Kamanghamangha, Tagapayo, Makapangyarihang Dios, Walang hanggang Ama, Pangulo ng Kapayapaan.(Isaias 9:6)

Kaya sa Qur'an ipinakikilala si Jesus na tagapaglikha at Panginoon na nagbibigay ng buhay! Kaya si Jesus ay tunay na Diyos!

Siya ang tinutukoy ng ayat ng Qur'an na "Diyos" ng mga Kristiyano na iisa sa "Diyos" ng mga muslim?

"And do not argue with the People of the Scripture (Jews and Christians) except in a way that is best, except for those who commit injustice among them, and say, "We (Muslim) believe in that which has been revealed to us and revealed to you. And our God and your God is one; and we are Muslims [in submission] to Him."(Qur'an 29:46)

Kung si Jesus ay ang "Diyos" ng mga Kristiyano siya ang Diyos na dapat kilalanin at sambahin ng mga muslim sapagkat sinabi ng Qur'an "Ang Diyos ng mga Muslim at ang Diyos ng mga Kristiyano ay iisang Diyos!

At sa mga Kristiyano si Jesus na Anak ni Maria sa laman ay kinikilala ng mga Kristiyano na ito ay Diyos ang Anak ng Diyos Ama.(1 Juan 5:20) at ito ay nasa Qur'an na ang pagkilala ng mga Kristiyano sa Panginoong Jesus ay "Diyos"

" Those (Christians) who say that Jesus, the son of Mary, is God,..."(Qur'an 5:72)

At sa malawak na pag unawa sa talata ng Sura 29:46 ay ito ang ating mababasa:

"At huwag makipagtalo sa Mga Angkan ng Kasulatan (mga Hudyo at mga Kristiyano) maliban sa isang paraan na pinakamainam, maliban sa mga gumagawa ng kawalan ng katarungan sa kanila, at sabihin, "Kami (mga Muslim) ay naniniwala sa na ipinahayag sa amin at ipinahayag sa iyo (sa makatuwid ang Tawrah at ang evangelio) at ang aming Diyos at ang iyong Diyos (sa makatuwid ang Diyos na kinikilala ng mga Hudyo at ang Diyos na kinikilala ng mga Kristiyano na ito ay ang Ama, si Jesu Cristo na Anak at ang Banal na Espiritu) ay iisa; at kami ay mga Muslim sa Kanya. "(Surah 29:46)

Ito ang Dakilang Diyos na hinihintay ng mga Kristiyano!

"Na hintayin yaong mapalad na pagasa at ang pagpapakita ng kaluwalhatian ng ating dakilang Dios at Tagapagligtas na si Jesucristo; (Tito 2:13)

Sinasamba ba si Jesus?



Quran 3:45 (Muhammad Assad) "Lo! The angels said: "O Mary! Behold, God sends thee the glad tiding, through a word from Him, [of a son] who shall become known as the Christ Jesus, son of Mary, of great honour (worship) in this world and in the life to come, ..."

Itinuturo ng Qur'an na si JESUS ay binigyan ng mataas na pagpaparangal (Great Honour) sa sanlibutang ito at sa darating. At ito Dakilang pagpaparangal na ito ay isang anyo ng pagsamba.

Purihin si Jesus, Purihin ang Ama at Purihin ang Santong Espiritu!

Walang komento:

BAKIT ANG MGA PARI HINDI MAG-AASAWA CELIBACY

HINDI PAGAASAWA NG KAPARIAN AT MADRE (CELIBACY) *** BATIKOS NG INC AT IBANG SEKTA.. PINAGBABAWALAN DAW NATIN ANG MGA TAO NA MAG ...