Biyernes, Hunyo 22, 2018

APOCRYPHA: ANONG BOOK OF THE BIBLE ANG INSPIRED AT KUNG ALIN ANG HINDE?

Ni-reject ng mga Protestants ang books which are not found in the "Palestinian Canon" of the Old Testament. Ito ‘yung ginagamit sa Palestine in the centuries before Christ. Sa Hebrew nakasulat ito.

May 7 books more naman ang "Alexandrian Canon" na source ng mga Catholics. Ginamit ito ng mga Jewish communities sa Alexandria sa Egypt during the time of Christ, kung saan tinranslate ito sa Greek.


Resulta ng larawan para sa dead sea scroll photo
ANU-ANONG BOOKS ANG DISPUTED?
  1. Tobit
  2. Judith
  3. 1 Maccabees
  4. 2Maccabees
  5. Wisdom of Solomon
  6. Ecclesiasticus (or Sirach)
  7. Baruch


ADDITIONAL: Dagdag pa sa 7 books sa taas, Catholic Bibles also include an additional six chapters (107 verses) in Esther and three chapters (174 verses) in Daniel.  Ang turo tungkol sa purgatory at praying for the dead ay maaring matagpuan sa II Maccabees.


 BASIS NG DISPUTE NG MGA PROTESTANTS
  1. Wala daw authentic Hebrew or Aramaic sources ang mga books mula sa Alexandrian Canon
Dagdag pa nila, since the Jews were “entrusted with the oracles of God” (Rom. 3:2), di ba dapat ang ginagamit ay ang Hebrew Palestinian Canon at hindi ang Greek (LXX) Alexandrian Canon?

SAGOT:

 Totoong ang written Word of God ay ipinagkatiwala sa mga Jews, subalit wala naming explicit title by title na book na ini-reveal. Ito ang dahilan ng disagreement over the canon—especially among Jews. Kinailangan ng 1,000 years bago ma-compile ang mga books ng Old Testament at within that span of time, the canon was not yet close. There was no common canon among the Jews at the time of Christ.    o-o-O-o-o

Resulta ng larawan para sa dead sea scroll photo

Noong 1947 lamang natuklasan ang Dead Sea Scrolls. Ang mga Dead Sea Scrolls ay collection ng 972 documents, including texts from the Hebrew Bible, na natagpuan sa 11 caves in and around the ruins of the ancient settlement of Qumran on the northwest shore of the Dead Sea.


Matindi ang religious and historical significance nito dahil they include the oldest known surviving copies of Biblical and extra-biblical documents, written in Hebrew, Aramaic and Greek, between 150 BCE and 70 CE. At natagpuan ang reference ng disputed books (except Esther) sa mga Dead Sea Scrolls kaya hindi totoong walang authenticity ang mga books from the Greek Alexandrian Canon.
Resulta ng larawan para sa dead sea scroll photo

2.    Dinagdag lang daw ng mga Katoliko ang disputed books sa Council of Trent (1546) upang i-justify ang mga Catholic doctrines ng purgatory, praying for the dead, etc.

Kaugnay na larawanSAGOT: 

Hindi po ito totoo. Noong taong 382 pa lamang sa Council of Rome, nagdecidena ang Simbahan na may 46 Old Testament books and 27 in the New Testament. This decision was ratified by the councils at Hippo (393), Carthage (397, 419), II Nicea (787), Florence (1442), and Trent (1546) kung saan ito naging definitive at infallible (walang error).


3. Hindi man lamang daw nabanggit sa New Testament ang mga disputed books kaya hindi ito inspired.


SAGOT:  

The absence of a quote in the New Testament does not suggest that a book is not inspired. Kasi kung ganito ang basehan, e di, hindi rin pala inspired ang 8 pang books (ex Song of Songs) sa OT na hindi naman disputed dahil never itong nabanggit sa NT.

Though there are no quotes, the New Testament does make numerous allusions to the disputed books. For one strong example, examine Hebrews 11:35: "Women received their dead by resurrection. Some were tortured, refusing to accept release that they might rise again to a better life." Nowhere in the Protestant Old Testament can this story be found. One must look to a Catholic Bible to read the story in 2 Maccabees 7.


4. Ang sinabi sa book of Judith ay si Nebuchadnezzar daw ang king of the Assyrians. Hindi ba’t king of the Babylonians siya? Kung ang book ay may error, hindi ito inspired.

SAGOT: 

In reading the Scriptures, it is imperative that we understand the genre of the work. Is it a historical passage? An apocalyptic one? A parable? A proverb? Knowing this influences how the book should be read. When Jesus says that the mustard seed is the smallest of seeds (Matt.13:32), he is not providing a treatise on botany. After all, there are seeds smaller than the mustard seed. When Jesus spoke in parables, the people understood that he was telling a story, and they did not expect it to conform to historical or scientific precision. 

Another example: sa Leviticus 11: 13-19, sinabing ang paniki daw ay bird. Di ba mammal yun? So may error ba at hindi ito inspired? Tandaan na noong panahong iyon ay wala pang advancement sa science. Hindi nabawasan ang inspiration ng book of Leviticus dahil dito.

The same goes with the book of Judith. "Judith" means "lady Jew," and she personifies the nation of Israel, as "Nebuchadnezzar, king of the Assyrians" personifies the enemies of the nation. The Jews of the time were aware that Nebuchadnezzar was not the king of the Assyrians but that the Babylonians and Assyrians were two of the nation’s worst foes joined into one by the author of Judith for the sake of parable.


5. Sina St. Jerome nga at St.Augustine nagkaroon ng disagreement tungkol sa mga disputed books.
1c
SAGOT:    St. Jerome appears to have rejected most of the disputed books. But he did accept portions and included all seven books in his Latin translation of Scripture, known as the Vulgate. Ultimately, he recognized that the Church alone had the authority to determine the canon.

Since there was disagreement between some Church Fathers, it became obvious that no individual could provide an infallible list of inspired books. The bottom line: "We have no other assurance that the books of Moses, the four Gospels, and the other books are the true word of God," wrote Augustine, "but by the canon of the Catholic Church."

Ang Simbahan ang may authority to discern the canon. Recognized ito ni Sts. Jerome at Augustine.

WALANG BIBLIYA noong unang panahon.  WALA rin noong OPISYAL na LISTAHAN ng mga tinatanggap na aklat. Although mayroong mga kinikilalang mga Kasulatan ang mga Hudyo WALANG KAUTUSAN na ITO LANG ANG DAPAT SUNDIN.

Ang mga Banal na Kasulatan ay hiwa-hiwalay at nasusulat sa mga "scroll" o "kalatas."

Ang halimbawa nito ay nasa Luke 4:16-17 kung saan sinasabi, "Nagpunta siya (si Hesus) sa Nazareth kung saan siya pinalaki at sa araw ng Sabbath ay nagtungo siya sa sinagoga tulad ng kanyang nakaugalian. Tumayo siya para magbasa at iniabot sa kanya ang KALATAS ni propeta ISAIAS."

"PAGULONG niya itong BINUKLAT at natagpuan niya kung saan nasusulat ..."

Hindi lang ang mga Kasulatan ang hiwa-hiwalay noon. HIWA-HIWALAY rin ang mga Hudyo. Ang sentro ng Hudaismo ay ang Israel at ang Herusalem pero mas maraming Hudyo sa ibang lugar tulad sinasabi sa Acts 2:9-11.

Ang mga lugar ng mga Hudyo sa labas ng Israel ay tinawag na DIASPORA na ang ibig sabihin ay PINAGKALATAN dahil dito "ikinalat" ang mga Hudyo.

Dahil ang mga "Diaspora" at maging ang Israel ay matagal na nasakop ng mga Griego sa ilalim ni Alexander the Great ay NATUTO na rin sila ng salitang GRIEGO.
Dumating ang panahon na MAS MARAMI nang Hudyo ang HINDI na MARUNONG ng Hebreo.
Nagkaproblema sila dahil HINDI na MABASA at HINDI na MAINTINDIHAN ng mga Hudyo sa labas ng Israel ang mga Kasulatan na nasa Hebreo.

Para ma-solve ang problemang ito, ISINALIN sa GRIEGO ang mga Kasulatan na nasusulat sa Hebreo.
Ang SALIN na ito ay TINAWAG na "SEPTUAGINT," o "SETENTA" dahil 70 dalubhasa ang nagsalin nito mula sa Hebreo.

Nagkaroon ng DALAWANG VERSION: ang nasusulat sa HEBREO at ang nasusulat sa GRIEGO. Si Hesus at ang mga unang Kristiyano ay mga Hudyo kaya pamilyar sila sa Kasulatan sa Hebreo at sa Griego.
Nang ikalat ng mga Apostol ang Ebanghelyo, karamihan sa mga unang naging "convert" ay ang mga Hudyo sa mga DIASPORA. At dahil GRIEGO ang salita ng mga ito, GRIEGO ang ginamit ng mga Apostol sa pagpapahayag "sa SULAT man o sa SALITA."

’Yan ang dahilan kung bakit HALOS ang KABUOHAN ng mga sulat sa panahon ng Kristiyano ay nakasulat sa GRIEGO. At dahil Griego ang gamit sa pagpapahayag ng Ebanghelyo, ang ginamit na Kasulatan mga unang Kristiyano ay ang SEPTUAGINT.

Ang SEPTUAGINT ang tinutukoy ni Pablo sa 2 Timothy 3:16 na "Ang LAHAT ng KASULATAN ay HININGAHAN ng Diyos at kapakipakinabang sa pagtuturo, pagsansala, pagtutuwid at pagsasanay sa katuwiran."

Sa madaling salita, ang SEPTUAGINT ang KABUOHAN ng Kasulatan na TINANGGAP ng mga unang Kristiyano at naging batayan ng OLD TESTAMENT.
Nang lumaganap ang Kristiyanismo ay nagalit ang mga Hudyo dahil ginagamit ng mga tagasunod ni Hesus ang kanilang mga aklat.

Kaya noong 100 A.D. sa lungsod ng JAMNIA ay nagdeklara ang mga Hudyo ng mga aklat na PARA LANG SA MGA HUDYO.

ITINAKWIL ng mga Hudyo ang SEPTUAGINT dahil ito ang ginagamit ng mga Kristiyano.
Kaya nagkaroon ng dalawang set ng KASULATAN: ang TANAK ng mga Hudyo at ang SEPTUAGINT ng mga Kristiyano.

NAGDAGDAG BA TAYONG KATOLIKO NG AKLAT SA BIBLIYA? DEUTEROCANONICAL BOOKS DINAGDAG BA ITO?
TANONG NG TAGASUBAYBAY: Sir Adonis I have a question po, nung HS po ako sa isang born again christian school po ako pumasok, they only have 66 books sa bible po sabi po ng pastor tayong mga catholics meron tayong 73 books sa bible. bakit po ganun? he even told me na dinagdagan daw po natin ang books sa bible and hindi po ako naniniwala dun, but still nagtatanong pa din po ako why? Thanks po sana sagutin niyo.
SAGOT (PAGBABALANGKAS NG KATOTOHANAN):
2. NOONG NAGKATAWANG TAO ANG PANGINOONG HESUS “SEPTUAGINT” BIBLE ANG GINAMIT NIYA AT BAGO MAGKATAWANG TAO ANG PANGINOONG HESUS AY NABUO NA ITO. ANG SEPTUAGINT (LXX) AY ANG BIBLIYA SA WIKANG KOINE GREEK NA NABUO NG 72 MATATANDANG HUDYO MULA SA 12 LIPI NI ISRAEL AYON SA KAHILINGAN NG EMPERADOR NG EHIPTONG SI PTOLEMY II PHILADELPHUS (NAGHARI 283-246 BCE), UPANG MAILAGAY SA KANYANG ITINATAYONG AKLATAN SA ALEXANDRIA. NAKAPALOOB NA NOON PA SA SEPTUAGINT ANG MGA DEUTEROCANONICAL NA AKLAT. IPINAGTIBAY MULI ITO SA KONSEHO NG HIPPO (393 AD) SA PAMUMUNO NI POPE DAMASUS. IPINAGTIPON SA KONSEHO ANG NGAYONG GINAGAMIT NATING BIBLIYA NA BINUBUO NG 46 AKLAT NG LUMANG TIPAN AT 27 AKLAT PARA SA BAGONG TIPAN NA NAGMULA SA HALOS 300+ NA MANUSKRIPTO. IPINAGTIBAY MULI ITO SA KONSEHO NG TRENT (1546) MATAPOS NILAPASTANGAN NI LUTHER ANG PAGALIS SA 7 AKLAT MULA SA ORIHINAL NA BIBLIYA.
3. HINDI KINIKILALA NG MGA HUDYO ANG DEUTEROCANONICO SAPAGKAT ANG MGA HUDYO AY MAY MASIDHING GALIT KAY KRISTO HESUS NA PANGINOON NATIN. HINDI NILA KINIKILALA ANG PAGKA MESIYAS NI HESUS KAYA NAMAN SINIMULAN NILA NOONG 90 AD ANG PAGBUO NG TANAKHA. ITO ANG BIBLIYA NG HUDYO NA BINUBUO LAMANG NG 39 NA AKLAT NG OLD TESTAMENT (WALANG NEW TESTAMENT ANG HUDYO, PINANINIWALAAN LANG NILA ANG OLD TESTAMENT) HINDI KABILANG ANG DEUTEROCANONICO SA KANILANG PAGSIPI SAPAGKAT NAKAPALOOB SA MGA AKLAT NG DEUTEROCANONICO ANG KATOTOHANAN UKOL KAY HESUS NA SIYANG NAGIISANG MESIYAS. MAY MGA PROPESIYA KASI NA UMUUKOL KAY HESUS AT SA PANANAMPALATAYA NATING MGA KRISTIYANO DOON SA MGA AKLAT NA YUN. HALIMBAWA AY ANG MABABASA SA KARUNUNGAN 2:10-24. SINASALAYSAY ANG MAGIGING PASYON NI HESUS.
ANG GREEK BIBLE NATING MGA KRISTIYANO AY KASAMA NA ANG DEUTEROCANONICAL BOOKS. NANG ISINALIN NI SAINT JEROME NOONG 467 AD ANG GREEK BIBLE NATIN SA LATIN WALA SIYANG INALIS O IDINAGDAG BAGKUS SA KANYANG PAGSASALIN KINOCROSS CHECK PA NGA NIYA HINDI LAMANG MULA SA GRIYEGO KUNDI PATI MULA SA HEBREO AT ARAMAIC UPANG TIYAK AT TAMA ANG PAGSALIN SA LATIN.
ANG BIBLE NG MGA 90’S CHURCH KATULAD NI ELISEO SORIANO, FELIX MANALO, MGA BORN AGAIN PASTORS AY WALA RING DEUTEROCANONICAL. KASI NAKIKIGAMIT LANG SILA SA BERSYON NG BIBLIYANG INALISAN NG 7 AKLAT NI LUTHER. ANG BIBLIYA NI MARTIN LUTHER ANG GAMIT NILA AT SINUSUNOD NILA. SI LUTHER AY WALANG KARAPATAN BASTA MAG ALIS NG AKLAT SA BIBLIYA DAHIL MAINGAT AT MASINSINANG SINALIKSIK ITO NG MGA KALIPUNAN/KONSEHO NA BINUBUO NG SANGGUNIANG MAY HIGIT 200 NA MGA BIBLIKAL NA EKSPERTO, APOSTOLIKONG AMA NG SIMBAHAN, MGA OBISPO, MGA PARI AT MGA TEOLOGO. IBIG BA SABIHIN MAS MAGALING PA SI LUTHER SA MGA TAONG BUMUO NG IBAT IBANG KONSEHONG ITO?
ANG PAGLAPASTANGAN NI MARTIN LUTHER SA BIBLIYA (NATAPOS NIYANG GAWIN NOONG 1534) NA NAGING INSPIRASYON NG W.TYNDALE BIBLE AT KING JAMES BIBLE NA NGAYON AY PATULOY PA RING GINAGAMIT NG MGA BORN AGAIN PASTORS KUNG SAAN BINAWAS ANG BOOKS NA INSPIRED AY KATUPARAN NG NASASAAD SA BIBLIYA.
Revelation 22:19
“At kung mayroong MAG-AALIS ng mga salita mula sa aklat ng pahayag na ito, AALISIN din ng Diyos ang kanyang bahagi sa puno ng buhay at sa banal na lungsod na inilalarawan sa aklat na ito.”
ANG RESULTA NITO SA KANILA AY KULANG KULANG NA DOKTRINA NILA AT NAGBABANGAAN (PURO CONTRADICTION ). KASI NGA AY MALI MALI. KATULAD NG PAGDADASAL SA PATAY. SA BOOK OF MACCABEES, MALINAW NA GAWAING KRISTIANO NA ANG PAGDADASAL SA MGA YUMAO.. AT ANG PURGATORYO.. 2 Maccabees 12:43-46
SINCE KULANG KULANG NA NGA ANG BIBLIYA NILA.. SOLA SCRIPTURA PA SILA KAYA LAGAPAK ANG IMBENTONG ARAL NILA. KAYA MAY PANINIWALA ANG IBANG CHRISTIAN GROUP NA ANG KANILANG DOKTRINA AY KALAPASTANGANAN. ISA NA DITO ANG ARAL NG INC NA HINDI PAGKILALA KAY KRISTO BILANG TUNAY NA DIYOS NA NAGKATAWANG TAO AT IISANG NG AMA.
ANG KATOTOHANANG ITO AY MAHIRAP TANGGAPIN NG MGA PROTESTANTE AT MGA 90’S CHURCH PERO IYAN ANG TOTOO.. MALING MALI
DAGDAG KAALAMAN.
———————–
ANG AKLAT NI SIRACH AT TOBIT AY NASA SEPTUAGINT BIBLE AT NAISULAT NOONG 250 B.C., AT MATATAGPUAN RIN ITONG 2 AKLAT NA ITO SA DEAD SEA SCROLL NA NAISULAT 150 BC (BAGO PA NAGKATAWANG TAO SI KRISTO)
ANG MGA MANUSCRIPT:

Tobit (in Hebrew & in Aramaic): 4Q196-200 (pre-Christian)
Ben Sira / Sirach (in Hebrew) at Qumran (2Q18) at Masada (Mas1h) and in the Cairo Geniza. 
Sirach AY NAISALIN SA GRIYEGO TAONG 120 BCE. (BAGO SI KRISTO)

Linggo, Hunyo 17, 2018

BIBLE ALONE O SOLA SCRIPTURA NG MGA PROSTESTANTESMO.


Resulta ng larawan para sa bible alone photo


What Is Sola Scriptura? ito ay Christ Alone at Bible Alone 100%


KUMOSTA MGA KAPATID KUNG KATOLIKO? Sana may makuha kayong aral sa blog na ito tungkol ito sa Sola Scriptura na kadalasan ginamit ng ating mga kapatid nating mga antikatoliko  marami kasi ang  nagtatanong kung nasusulat ba sa biblia ang 

SOLA SCRIPTURA 
ang biblia lamang ang dapat na maging batayan ng pananampalatayang Kristiyano? Sa tingin niyo ba tama sila.

HINDI.
Walang kang mababasa kahit saang angulo sa biblia tungkol sa aral na ito ng mga hindi katoliko.  Pagbali-baligtarin mo man ang biblia, wala kang mababasa na “ang biblia lamang ang dapat na maging tanging batayan ng pananampalatayang Kristiyano.”  Subukan mong tanungin ang mga hindi katolikong mangangaral ukol diyan at  seguradong paiikut-ikutin kayo sa kanilang mga kasagutan.  
Resulta ng larawan para sa Marten luther photo
Si Martin Luther ang dahilan ng lahat  kung bakit nag-inbento siya ng doktrinang Sola Scriptura o Bible Alone noong Protestant Reformation  Itinuturo niya na ang Bibliya lamang at wala ng iba pa ang tanging tuntunan ng pananampalataya at hindi na kailangan pa ng Simbahan o ang awtoridad nito. Itinuro ni Luther na ang kaligtasan ay hindi makikita sa pamamagitan ng mga mabubuting gawa ngunit matatanggap lamang bilang isang libreng kaloob mula sa biyaya ng diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus.

Ang kanyang teolohiya ay humamon sa kapangyarihan ng papa ng Romano Katoliko sa pamamagitan ng pagtuturo na ang bibliya lamang ang tanging pinagmumulan ng inihayag ng diyos na kaalaman. Kanyang tinutulan ang kaparian ng Katoliko sa pamamagitan ng pagturing sa lahat ng bautisadong Kristiyano bilang banal na kaparian. Ang mga kumikilala sa katuruan ni Luther ay tinatawag na Lutheran


Bible Only ( Sola Scriptura ) daw dapat o Bibliya lang ang batayan ng aral, pero ang mismong aral na iyan ay hindi batay sa Bibliya. Iyan mismo ay unbiblical na labag na ng aral ng Bibliya. 

Para sa maraming hindi Katoliko, basta raw hindi mababasa sa Bibliya ay hindi raw dapat paniwalaan. Ang malaking problema ng mga tagasunod ni Bro. Eli at ng maraming naniniwala na "dapat nasa Bibliya" ang paniniwalaan ay "WALA ITO SA BIBLIYA. HINDI ITO ARAL NG BIBLIYA." 
Ngunit, ano ba ang sinasabi ng bibliya tungkol sa paniniwalang ito? Naayos ba sa bibliya ang aral na "bibliya lamang" o "ang kasulatan lamang" na mas kilala rin sa tawag na "sola scriptura?"
Mga kapatid, pinupuri ko kayo na sa lahat ng mga bagay ay naalala ninyo ako. Sinusunod din ninyo ang mga kaugalian ayon sa pagkakatagubilin ko sa inyo.  —1 Mga Taga-Corinto 11
Ayon dito, mga mga kaugalian na sinusunod ang mga Taga Corinto, kaugalian na tagabulin sa kanila. Ang mga kaugalian na ito ay ang mga "Tradisyon
Tignan natin ang salin nito sa Wikang Ingles:
Now I praise you because you remember me in everything and hold firmly to the traditions, just as I delivered them to you. —I Corinthians 11
Lahat ba ng aral ng Diyos ay nasusulat? Hindi, dahil ang iba at nabibigkas o naipapasa pasa sa pamamagitan ng salitang hindi nasusulat. Ayon ba ito sa bibliya? Opo.
15 Kaya nga, mga kapatid, tumayo kayong matatag at panghawakan ninyong matibay ang mga dating aral na itinuro sa inyo, maging ito man ay sa pamamagitan ng salita o sa pamamagitan ng aming sulat. — 2 Mga Taga-Tesalonica 2:15 (Ang Salita ng Diyos)
Mapapansin na binigyan diin dito ang mga dating aral na nasa hubog na SALITA o KASULATAN.  Ano naman ang sinasabi ni San Pablo:
Narinig mo ang maraming bagay na aking sinabi sa harapan ng maraming saksi. Ipagkatiwala mo ang mga bagay na ito sa mga lalaking mapagkakatiwalaan na makakapagturo rin naman sa iba. — 2 Kay Timoteo 2:2 (Ang Salita ng Diyos)
Mayroon siyang mga bagay na sinasabi, na ayon sa kaniya ay dapat na ipagkatiwala sa mga  ibang makapagtuturo nito sa ibang tao. Pasa pasa diba?  

 Meron akong isang group bilang Bible Study na ginawa ko may mga comment ng isang Born-Again Christian, sinabi niya na wala silang ibang basehan sa kanilang pananampalatayang Cristiano. Ayon daw sa II Timoteo 3:16, ang lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos at mapapakinabangan ng isang tao sa lahat ng bagay tungkol sa pagiging Cristiano, kaya’t ayon sa kaniya tanging ito lang ang batayan ng kaniyang pananampalataya. Ano ang masasabi natin dito? 

Sagot:

Ang talata ay tumutukoy lamang sa mga aklat ng lumang tipan, at kung isali man natin ang mga aklat ng bagong tipan sa pahayag na ito ay hindi pa rin nito pinapatunayan na Biblia lang ang kailangan ng isang mananampalataya.
Unahin natin ang konteksto ng sinasabi ni Apostol San Pablo kay Timoteo tungkol sa kasulatang kaniyang isinusulat:  sa II Timoteo 3:16 ay nakasulat, “at kung paanong mula sa pagkabata ay iyong nalaman ang mga banal na kasulatan na makakapagturo sa iyo tungo sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.”  Ang tinutukoy na mga kasulatan dito ay ang mga mga aklat ng Lumang Kasulatan. Bakit natin nasabi ito? Sapagkat nakasulat na ang mga nasabing kasulatan ay nalaman na ni Timoteo “mula pa sa pagkabata.” At sa panahong isinusulat ni Apostol Pablo ang kaniyang sulat kay Timoteo, masasabi natin na hindi pa natatapos maisulat ang mga aklat ng Bagong Tipan. Kung susundin natin ang kanilang lohika na ayon sa talata ay tanging ang mga Kasulatan (Biblia) lamang ang kailangan, ngunit tama ang ating interpretasyon sa nasabing talata, ibig sabihin ba nito ay tanging ang mga aklat lamang ng Lumang Tipan ang tanging kailangan ng mga Cristiano upang malaman ang lahat ng tungkol sa pagiging Cristiano? Siyempre hindi.  Ngunit ipagpalagay na natin na ang nasabing talata ay nagsasabi tungkol na rin sa kabuuan ng Biblia. Sapagkat wala naman talagang pagtututol ang mga Katoliko tungkol dito: tanggap natin na ang mga Kasulatan (ang kabuuan ng Biblia) ay talagang kinasihan ng Diyos. Ayon na rin sa Dei Verbum, isang dokumento ng Simbahan, ang nasabing talata rin ang ginagamit upang patunayan ang ispirasyon ng buong Biblia: ang Diyos. Ngunit suriin natin ang talata: hindi sinasabi ng talata na “ito ang tanging kailangan. . .” kundi ito’y “mapapakinabangan.” At ito’y pinapatunayan ng salitang Griyego sa mapapakinabangan: ang “ophelimos” (ὠφέλιμος), na ang ibig sabihin ay “makakatulong.” Ibig sabihin, ayon din sa kahulugan ng salitang ginamit, ang mga nasabing kasulatan ay makakatulong sa “pagtuturo, sa pagsaway, pagtutuwid, at sa pagsasanay sa katuwiran” (II Timoteo 3:16).
Resulta ng larawan para sa st timothy photo
Resulta ng larawan para sa St. paul photoAt kung papansinin natin ang kalagayan nina Apostol Pablo at Timoteo noon, maiintindihan natin kung bakit nila ito sinasabi. Noong panahon nila, hindi pa nailimbag ng buo ang Biblia, kaya’t ang tanging kasulatan na taglay ng mga Apostol ay ang Lumang Tipan. Ngunit bagama’t gayon, sinasabi pa rin nila na si Cristo ay  “. . .inilibing; at muling binuhay nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan” (I Corinto 15:4) bagama’t alam natin na hindi tahasang binabanggit ang buhay ni Cristo sa Lumang Tipan, ngunit nakapaloob lamang dito ang mga propesiya tungkol sa daranasin ng Mesiyas. Ang mga naunang Cristiano ay umaasa sa turo ng mga Apostol, na siyang pinanghahawakan nila tungkol sa mabuting balita ni Cristo. Ayon sa II Tesalonica 2:15, hinihimok ni Apostol San Pablo ang mga taga-Tesalonica na “. . .manindigang matibay at inyong panghawakan ang mga tradisyon na sa inyo’y itinuro namin, maging sa pamamagitan ng salita, o ng sulat mula sa amin.” Noong unang tatlong siglo ng Cristianismo, walang kinasaligang kasulatan ang mga Cristiano na tinatawag na “bagong tipan,” kaya’t ang mga turo ng Apostol ang siyang kanilang kinasaligan. Kaya’t hindi maaari na tanging ang Biblia lamang ang dapat gawin na batayan ng isang Cristiano: dapat ito’y ayon na rin sa turo ng mga Apostol. Si Jesus ay  hindi nag-iwan ng isang aklat, kundi siya ay nag-iwan ng kaniyang iglesya at ng mga apostol (Mateo 28:19). At ang “ang haligi at suhay ng katotohanan” (I Timoteo 3:15) ay ang kaniyang buhay na iglesya, na siyang dapat nating pagkatiwalaan sa lahat ng tungkol sa pahayag ng Diyos sa mga tao. 


HINDI LANG PURO SA BIBLIYA  O SOLA SCRIPTURA ANG BATAYAN



Ang katotohanan pong ito, ang makakapagpaliwanag na mali ang salitang, bibliya lang po ang basihan ng kaligtasan at mga aral ng Dios..   Dahil, maitatanong po natin sa sarili, paano ba ang basihan ng kaligtasan at mga aral ng Dios bago nabuo ang unang biliya? OH DIBA!! 

Una, kung mismo ang mga turo nito ay nagmumula sa DIOS at hindi lang sa bibliya..
Ganito po, ang itinuro sa ating ng Panginoong Hesus," Ang tao lang na sumusunod sa kalooban ng Aking Amang nasa langit ang mapabilang sa kanyang kaharian" (Mat.7:21) Ngayon ang tanong po, kaloob ba ng Ama na tayo ay matototo ng lahat ng Kanyang mga turo sa pamamagitan ng mga nakasulat lang sa bibliya?
Ang sagot po ay maliwanag na hindi. Bakit ? Dahil umpisa palang, ginusto na ng Ama na sa Kangyang anak tayo mananampalataya at hindi sa BIBLIYA.  
Hulagway ni Paglilinaw Sa Paniniwalang Katoliko

Dapat pong tandaan na ang unang pagbobuo ng bibliya ay nangyayari lang po noong 382 AD sa utos ni Papa Damasu, itoy tinatawag na "Latina vulgata at unang maramihang imprenta po nito ay nangyayari lang po noong 1450's sa Germany, ng maimbento nila ang unang printing press. 
Ang katotohanan pong ito, ang makakapagpaliwanag na mali ang salitang, bibliya lang po ang basihan ng kaligtasan at mga aral ng Dios..


Dahil, maitatanong po natin sa sarili, paano ba ang basihan ng kaligtasan at mga aral ng Dios bago nabuo ang unang biliya? 
At ano ba ang basihan ng totoong aral ng Dios para sanlibutan bago na-imprenta ng maramihan ang bibliya noong 1450-1454 sa Germany? Sa kabila ng katotohanan na itong GUTENBERG BIBLE na ito ay pawang limbag lang ng Alimanyang lenguahe at hindi pweding maunawaan para sa pangkalahatan?

Ganito po ang tagu-bilin ng Panginoong Hesus sa itinatag niyang IGLESYA, "Humayo kayo sa sanlibutan at gawin niyo sila na mga tagasunod ko. " Bautismuhan niyo sila sa ngalan ng AMA ng ANAK at ng ESPIRITU. Turoan niyo silang sumunod sa mga iniutos ko sa inyo." ( Mat.28:19-20 ) Dito, maliwanag po na ang mga aral ng Panginoong Hesus ay iyong mga itinuturo niya sa IGLESYA, na dapat siya ring ituturo sa sanlibutan o sa mga tao. noong hindi pa naisusulat ang bibliya.

Isa pang patunay, ng tawagin ng Kristo si Pablo upang maging Kangyang apostol 
(1 cor. 1:1 ), ganito naman po ang naging pahayag ni Pablo"ibig Kung malaman niyo
na hindi sa tao nanggagaling ang ebanghelyong ipinangangaral ko. walang taong nagbigay o nagturo nito sa akin. Si Kristo mismo ang naghayag nito sa aking. ( Gal. 1:11-12 ) Sa makatuwid po, hindi mula sa bibliya ang nagiging aral ni Pablo sa kanila, kundi mula kay Kristo mismo..

Dahil, ang sabi po ng Panginoong Hesus ay marami pa sana siyang aral na sasabihin sa kanila, ( apostoles ) pero mahihirapan pa silang unawain ito, ( John 16:12 ) pero
sa pagdating ng pangakong Espiritu Santu, ito na ang siyang taga pagpaliwanag at,magiging gabay sa kanila ng kanilang mga gawing turo at sasabihin. (John 16:13 )

Sa ganito pong kaparaanan, ay malinaw pong sinabi ni Pablo na ang IGLESYA ang siyang saligan at suhay ng katotohanan ( 1 Tim 3:15 ) at hindi ang bibliya.

Dahil marami naman po ang turo na hindi naiisusulat sa bibliya. ( John 21:25 )

Pati na nga ang kaisa-isang sulat ni Kristo na sinulat niya mismo ng sarili Niyang mga daliri ay hindi rin mababasa sa biliya.( John 8:6-8 )

Isipin na lang kung gaano iyon ka importante, dahil si Kristo mismo ang sumulat nito
at minsan lang niyang ginawa ito sa kasaysayan ng Kanyang buhay.

Ngayon, paniniwalaan ba natin ang mga turo na nakasulat sa biliya?

Syempre naman po, dahil iyan ay mga utos rin ng Dios na naisulat na nga..

pero ang sabihing ito lang ang basihan at wala ng iba iyan ay buong katangahan, at ang mismong salita "na ang bilbiya lang ang basihan ng ating kaligtasan" ay hindi rin mismo mababasa sa biliya.

Samadaling salita, ang bibliya po ang naging produkto ng IGLESYA, ito iyong mga aral na naisusulat na ng tao, sa mga nagiging pangangaral nila.

Samantalang ang lahat ng sekta naman ay ang nagiging bunga ng pagbabasa at maling interpretasyon sa biliya.

Kaya po labis-labisan ang pangangatuwiran nila na bibliya lang po ang basihan na kung wala sa bibliya ay hindi dapat paniwalaan... 
Iyan po ay bunga ng pagdudunongdunungan, dahil sa bibliya ay hindi mo mababasa
na kailangang ang karapatan at kaluwalhatian ng Dios ay dito na Niya ipnagkakaloob.

Kaming katoliko, ay hindi kinukulong ang Dios sa apat na kanto ng biliya. at naniniwala kami na kung ano man ang gustong gawin ng Dios itoy Kanyang gagawin, itoy nakasulat man o hindi sa biliya. At dapat tandaan, KATOLIKO  ang hindi naniniwala sa salitang " BIBLE ALONE"...CHRIST ALONE , GLORY OF GOD ALONE, SCRIPTURE  ALONE, FAITH ALONE, AT GRACE ALONE At ang buong katotohanang ito ay tuwiran namang naipapaliwanag namin sa pamamagitan ng biliya mismo.. 

Resulta ng larawan para sa bible alone photo







Lunes, Marso 19, 2018

ANG IKAPU 10% NG KATOLIKO

Anu-ano ang mga hindi na dapat paniwalaan ng mga Katoliko tungkol sa ikapu?
Resulta ng larawan para sa ikapo photoPag-aari ni Lord ang 10% ng iyong kita. 
At lahat na ikasangpung bahagi ng lupain, maging sa binhi ng lupain, o sa bunga ng punong kahoy ay sa Panginoon: magiging banal sa Panginoon. (Levitic0 27:30 TAB)
Resulta ng larawan para sa ikapo photo
Madalas na sinasabi ng mga Born Again Christian na pag-aari ng Diyos ang 10% ng kita ng mga Kristiyano na para bang wala na Siyang pakialam sa 90% na natira. Yun ay ibinase sa Levitico 27:30. Dahil ang mga Kristiyano ay nasa ilalim na ng Bago at Walang Hanggang Tipan, hindi na tayo naiilalim sa mga batas ng lumang tipan. Ang buong pagkatao natin ang pag-aari ng Diyos, 100% lahat ng aspeto. 
Sapagka’t kayo’y binili sa halaga…(1Corinto 6:20 TAB)
Pinagnanakawan natin si Lord kapag hindi tayo nagbibigay ng ikapu.
Nanakawan baga ng tao ang Dios? gayon ma’y ninanakaw ninyo ako. Nguni’t inyong sinasabi, Sa ano ka namin ninakawan? Sa mga ikasangpung bahagi at sa mga handog.  Kayo’y nangagsumpa ng sumpa sapagka’t inyo akong ninakawan, samakatuwid baga’y nitong buong bansa. (Malakias 3:8-9)
Wala itong bearing sa mga Kristiyano dahil ang bansang Israel ang kausap ng Diyos sa nasabing talata. Dapat nating unawain ang talata ayon sa konteksto ng bansang Israel. Nang pumasok ang mga Israelita sa Lupang Pangako, pinaghati-hati ang mga teritoryo sa labing-isang tribo. Walang sariling lupa ang mag Levita kaya hindi sila makakapag-ani. Kaya ang ikasampung bahagi ng ani ng labing isang tribo ay ibibigay sa mga Levita.
Sapagka’t ang ikasangpung bahagi ng tinatangkilik ng mga anak ni Israel na kanilang ihahandog na pinakahandog na itinaas sa Panginoon, ay aking ibinigay sa mga Levita na pinakamana: kaya’t aking sinabi sa kanila, Sa gitna ng mga anak ni Israel ay hindi sila magkakaroon ng mana. (Bilang 18:24)
Kung hindi ibibigay ng mga Israelita ang kanilang ikapu, walang pagkain ang mga Levita. Ang mga Levita ang naglilikod sa Templo, kaya kapag walang makain ang naglilingkod sa Templo para na ring pinagnanakawan ang Diyos na pinaglilingkuran. Dahil wala nang mga Levita sa panahon ng Bagong Tipan, hindi na ito applicable sa mga Kristiyano.
Hindi lang sa ikapu nagnanakaw ang mga Israelita, kundi sa mga handog. Pero hindi na rin ito applicable sa mga Kristiyano dahil hindi na tayo nag-aalay ng mga hayop, kundi inialay na ng Panginoong Jesus ang kanyang sarili bilang handog minsan at magpakailanman
 (tingnan Hebreo 10:10).
God loves a cheerful giver pero sa siyamnapung porsyentong natira ka pa lang magsisimulang maging cheerful giver. 
Resulta ng larawan para sa Born again photoSa chapter 8 hanggang 9 ng 2Corinto, ipinaliwanag ni San Pablo kung paano dapat magbigay ang mga Kristiyano at kung ano ang nagiging epekto ito. Isa sa pinakasikat na talata sa mga nasabing kabanata ay 2 Corinto 9:7, “God loves a cheerful giver”. Kaya lang, sa tuwing ipinapaliwanag ng mga Born Again Christian  ang 2 Corinto 8-9, lagi nilang sinasabi na dapat kapag susweldo ka, ibawas mo muna yung 10% at sa 90% na natitira dun ka pa lang magsisimulang magbigay cheerfully.
Pero, kung babasahing mabuti ang chapter 8 & 9 ng 2 Corinto, wala tayong makikitang sinasabi si San Pablo na dapat ibawas muna ng mga Macedonian yung ikapu bago sila magbigay sa mga taga-Corinto. Hindi natin mababasa sa chapter 8 & 9 yung mga sinasabi ng mga Born Again. Si San Pablo mismo ang nagsasabi na magbigay ng naaayon sa kalooban, ng ayon sa kung ano ang kaya.
Yung interpretasyon na dapat ibawas mo muna yung 10% tapos sa 90% ka pa lang magiging cheerful giver ay isang pagtatangka na ireconcile yung Malachi 3:8-10 sa 2Corinthians 8 & 9. Tinangkang ireconcile kaso pilit.
Ngayon, balikan natin yung tanong. Dapat bang magbigay ng ikapu ang mga Katoliko? Kung oo, paano dapat tingnan ng mga Katoliko ang ikapu? Anu-ano ang mga bagay na dapat paniwalaan ng mga Katoliko tungkol sa ikapu? 
Isa-isahin natin…
Pagtanaw sa Panahon Bago ang Kautusan
Ang idea ng ikapu ay hindi nagsimula sa Mosaic Law. Bago pa magkaroon ng Kautusan ni Moises may pag-iikapu na. At dun natin ibabatay ang pag-iikapu nating mga Kristiyano lalo na tayong mga Katoliko.
At si Melquisedec, na hari sa Salem, ay naglabas ng tinapay at alak; at siya’y saserdote ng Kataastaasang Dios.  At binasbasan niya siya na sinabi, Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios, na may-ari ng langit at ng lupa:  At purihin ang Kataastaasang Dios, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay. At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam. (Genesis 14:18-20 TAB)
Kaugnay na larawanAng Genesis 14:18-20 ay isang anino ng magaganap sa hinaharap, sa Bagong Tipan. Si Jesus ay may saserdote (pari) ayon sa pagkasaserdote (pagkapari) ni Melquisedec (Heb. 5:6,10). Si Melquisedec ay nagbigay ng tinapay at alak, at binasbasan si Abram, si Jesus ay nagbigay ng katawan at dugo at iniligtas mga Kristiyano. Binigyan ni Abram ng ikapu si Melquisedec, ano dapat ang gawin ng mga Kristiyano kung higit pa sa tinapay at alak, at pagbabasbas ang tinanggap natin? 
Walang batas na umiiral noong panahon na iyon para ma-obliga si Abram na magbigay ng ikapu kay Melquisedec. Ibig sabihin kusang loob siyang nagbigay kapalit ng tinapay at alak, at pagbabasbas.

Ang pagbibigay ng ikapu ng mga Kristiyano ay pagbibigay pasasalamat sa ginawa ng Panginoong Jesus para sa ating kaligtasan. Naniniwala tayo bilang mga Katoliko na ang tinapay at alak  

Kaugnay na larawanay nagiging katawan at dugo ng Panginoong Jesus tuwing Banal na Misa pero barya-barya lang ang kaloob natin. Totoo, na hindi mababayaran ng anumang halaga ang katawan at dugo ng Panginoon, pero kung mauunawaan lang natin na higit pa sa tinapay at alak ang tinatanggap natin, na sobrang pagmamahal ng Panginoon sa atin gusto niya tayong makasama sa pamamagitan ng sakramento baka kulangin pa yung 10% na handog bilang pagpapasalamat.
Resulta ng larawan para sa in love  cartoon photoIn Love  
Kaugnay na larawanNaranasan mo na ba ma-in love? Sa isang taong nagmamahal, ang paggastos ay opportunity para maipakita kung gaano mo kamahal ang isang tao, kung gaano siya kahalaga para sa iyo na tipong kahit maubusan ka ng pera sa bulsa basta alam mong napapasaya mo siya ok lang. Alam yan ng mga lalakeng seryosong nanliligaw at ng mga babaeng mahal na mahal ang boyfriend nila.
Si Jesus kaya paano ma-in love? Namatay siya para sa atin. Buhay ang katumbas ng pag-ibig. Hindi pera.

Na inyong nalalamang kayo’y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang; Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga’y ang dugo ni Cristo…(1Pedro 1:18,19 TAB)
Anong kinalaman ng ikapu? Again, sa taong nagmamahal ang paggastos ay opportunity para maipakita kung gaano mo siya kamahal. Sa Lumang Tipan ang tawag sa mga handog ay sacrifice. Sa Bagong Tipan, ang nag-sacrifice ang Panginoong Jesus, so anong sacrifice natin bilang mga nagmamahal sa kanya? 10% ng ating kita.
Isang dahilan kung bakit ayaw natin magbigay ng ikapu e kasi masakit sa budget, umaaray ang ating bulsa. Pero may sacrifice bang hindi masakit?
Syempre, buong buhay natin dapat mahalin ang Diyos, hindi lang 10% ng kita natin. Pero sa finances paano natin siya mamahalin? Ikapu. At kung kaya mo pa, lagpasan mo pa yung10%.
Consecration of 100%
At lahat na ikasangpung bahagi ng lupain, maging sa binhi ng lupain, o sa bunga ng punong kahoy ay sa Panginoon: magiging banal sa Panginoon. (Levitico 27:30 TAB)
Hep! Teka muna, akala ko ba Lumang Tipan na yan at wala nang bearing sa ating mga Kristiyano. Basahin mo ulit yung isinulat ko sa itaas. Wala naman akong sinabing hindi na dapat paniwalaan ang Levitico 27:30. Ang sinabi ko, hindi na tayo nasasakop ng Lumang Tipan, ng Kautusan. Totoo na 100% ng buong pagkatao natin ay pag-aari ng Diyos pero sa nakikita ko pagdating sa ikabubuhay natin when we consecrate 10% we consecrate the remaining 90%.
Pagdating sa finances, 100% ng sweldo natin ay pag-aari niya. Since God is our provider, siya ang nagprovide sa atin ng kita natin therefore 100% kanya iyon. Ang kailangan lang natin ibalik bilang pasasalamat ay 10% and by doing so we are consecrating 100% of our income. Hindi lang naman sa 10% concern ang Diyos, concern din siya kung paano mo bina-budget ang 90% na natitira. We have to glorify God in our budgeting dun sa 90% na natitira.
Whoever sows sparingly will also reap sparingly
Ngayon, i-try naman nating i-reconcile ang Malachi 3:10 at 2Corinthians 9:6-8.
Dalhin ninyo ang buong ikasangpung bahagi sa kamalig, upang magkaroon ng pagkain sa aking bahay, at subukin ninyo ako ngayon sa bagay na ito, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, kung hindi ko bubuksan sa inyo ang mga dungawan sa langit, at ihuhulog ko sa inyo ang isang pagpapala, na walang sapat na silid na kalalagyan. (Malakias 3:10 TAB)
Datapuwa’t sinasabi ko, Ang naghahasik ng bahagya na ay magaani namang bahagya na; at ang naghahasik na sagana ay magaani namang sagana. Magbigay ang bawa’t isa ayon sa ipinasiya ng kaniyang puso: huwag mabigat sa loob, o dahil sa kailangan: sapagka’t iniibig ng Dios ang nagbibigay na masaya. At maaaring gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo; upang kayo, na mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawa’t mabuting gawa. (2Corinto 9:6-8 TAB)
Sa Malachi 3:10, naghahamon ang Diyos. Ibigay daw ang ikapu faithfully, bubuksan niya ang dungawan ng langit at maghuhulog Siya ng pagpapala na walang sapat na silid na kalalagyan. Ibig sabihin, umaapaw. Sa umpisa, duda ka pa tapos dahil naghamon ang Diyos susubukan mo. Syempre, Diyos ang nangako for sure matutupad yan.
Matutuwa ka dahil natutupad ang pangako ng Diyos, masaya ka nang magbibigay ng ikapu. Hindi na duty. At maiisip mo, kung 10% lang ang hinihingi ng Diyos pero kapalit nun ay pagpapala na walang sapat na silid na kalagyan paano pa kaya kung gawin nating 15%, 20%, 30% o 50%? Ang naghahasik ng bahagya ay mag-aani ng bahagya. Kung sa 10% pa lang bumaha na ng pagpapala, paano pa kaya kung higit pa roon ang ibigay natin?
Sinabi ng Panginoong Jesus na huwag mong susubukin ang Panginoong Diyos (Mat. 4:7), sa Malakias 3:10 lang nag-hamon ang Diyos. Minsan lang yun, patulan mo na. 
Masakit talaga sa bulsa ang 10%, pero kapag nagbigay ka ng ikapu, you are acknowledging God as your provider.  Huwag ka mag-alala, siya ang bahala sa iyo.
Currency ang ibang tawag natin sa pera kasi ganun talaga ang pera, may current, may pagdaloy. Parang law of gravity, pag naghagis ka ng anumang bagay paitaas babagsak. Hindi mo dapat hawakan ng mahigpit ang pera, subukan mong pakawalan sa tamang paraan sigurado babalik iyan sa iyo.
Pag nagbigay ka sa Panginoon siguradong ibabalik niya sa iyo siksik, liglig at umaapaw.


BAKIT ANG MGA PARI HINDI MAG-AASAWA CELIBACY

HINDI PAGAASAWA NG KAPARIAN AT MADRE (CELIBACY) *** BATIKOS NG INC AT IBANG SEKTA.. PINAGBABAWALAN DAW NATIN ANG MGA TAO NA MAG ...