Huwebes, Marso 28, 2013

ANO BA ANG IMPORTANSIYA NG HAPUNAN NG PANGINOON/KRISTIANONG KOMUNYON?


Ano ba ang importansiya ng Hapunan ng Panginoon/Kristiyanong Komunyon?




Tanong: "Ano ba ang importansiya ng Hapunan ng Panginoon/Kristiyanong Komunyon?"

Sagot: 
Ang pag-aaral sa Hapunan ng Panginoon ay isang kakaibang karanasan dahil sa lalim ng ibig sabihin nito. Ito’y sa selebrasyon ng Passover sa huling gabi bago ang Kanyang kamatayan noong isinagawa ni Hesus ang mahalagang hapunan na ginagawa at inaalala pa rin natin hanggang sa kasalukuyan, ito rin ang pinakamataas na ekspresyon ng ating Kristiyanong pagsamba. Ito ay ang pag-alala sa kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoon, at sa kanyang pagbabalik sa kaluwalhatian.

Ang Passover ay ang pinaka-sagradong piyesta sa taon ng mga Hudyo. Inaalala nito ang pinakahuling salot sa Ehipto na kung saan namatay ang lahat ng mga anak na panganay ng mga taga roon at hindi naman nasaktan ang mga Israelita dahil sa dugo ng kordero na ipinahid sa kanilang mga pinto. Pagkatapos ay inihaw ang naturang kordero at kinain kasama ang tinapay na walang pampa-alsa. Ang utos ng Diyos ay sa buong henerasyon at sa mga darating pa ang naturang pista ay dapat alalahanin. Ang naturang kuwento ay nakatala sa aklat ng Exodo 12.

Sa panahon ng selebrasyon, umawit si Hesus at ang Kanyang mga disipulo ng isa o mas marami pang Hallel Psalms (Awit 111 – 118). Kumuha si Hesus ng tinapay, nagpasalamat sa Diyos. Habang hinahati Niya ito at ibinigay sa Kanyang mga disipulo, sinabi Niya, “Kumuha kayo at Kumain; ito ay ang Aking katawan na ibinigay para sa inyo.” Sa ganoong paraan kinuha ni Hesus ang saro, at pagkatapos Niyang uminom ibinigay Niya ito sa Kanyang mga disipulo, at sila’y uminom. Sinabi ni Hesus, “Ang sarong ito ay ang bagong kasunduan sa Aking dugo; gawin ninyo sa tuwing umiinom kayo nito bilang pag-alala sa Akin.” Tinapos niya ang naturang selebrasyon sa pamamagitan ng pag-awit ng isang Himno at pumunta sila sa bundok ng Olibo. Sa naturang bundok ipinagkanulo ni Judas si Hesus, kagaya na ng inaasahan. Nang sumunod na araw ipinako na sa Krus si Hesus.

Ang mga tala tungkol sa Hapunan ng Panginoon ay matatagpuan sa mga Ebanghelyo ng Mateo 26: 26-29, Marcos 14:17-25, Lucas 22:7-22, at Juan 13:21-30. Sumulat si Apostol Pablo tungkol sa Hapunan ng Panginoon sa pamamagitan ng Banal na Pahayag sa aklat ng 1 Corinto 11:23-29. (ito ay dahil si Pablo ay wala doon sa kuwarto noong mangyari ito.) inilakip ni Pablo ang pahayag na hindi matatagpuan sa mga Ebanghelyo: “Kaya't ang sinumang kumain ng tinapay, o uminom sa saro ng Panginoon, na di nararapat, ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon. Datapuwa't siyasatin ng tao ang kaniyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro. Sapagka't ang kumakain at umiinom, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili, kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon.” (11:27-29). Maaring itanong natin ano ba ang ibig sabihin ng pakikibahagi sa pagkain ng tinapay at pag-inom sa saro ng Panginoon sa hindi karapat-dapat na paraan. Maaring ang ibig sabihin nito ay ang pagbalewala sa tunay na dahilan ng tinapay at ng saro ng Panginoon, ay makalimutan ang napakalaking kabayaran na binayaran ng ating Panginoon para sa ating kaligtasan. O hindi kaya maaring ang ibig sabihin nito ay hayaang maging patay ang seremonya o di kaya isang pormal na ritwal, o makikibahagi sa seremonya ng may mga kasalanang hindi pa inihingi ng tawad sa Diyos. Bilang pagsunod sa tagubilin ni Pablo, kinakailangang suriin ng bawat isa ang kanilang mga sarili bago makibahagi sa pagkain ng tinapay at pag-inom sa saro bilang pakikinig sa babala ni Pablo.

Ang isa pang pahayag na sinabi ni Pablo na hindi kasali sa mga Ebanghelyo ay ang “Sapagka't sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya.” (11:26). Ito ay naglalagay ng hangganan sa seremonya-hanggang sa pagbabalik ng ating Panginoon. Mula sa ganitong mga maiksing tala nalaman natin kung papaano ginamit ni Hesus ang dalawa sa pinakamahinang elemento bilang mga simbolo ng Kanyang katawan at dugo, at pinasimulan ito bilang monumento ng Kanyang kamatayan. Hindi ito monumento na inukit mula sa marmol o tanso, sa halip mula sa tinapay at inuming ubas.

Idineklara ni Hesus na ang tinapay ay nagrerepresenta ng Kanyang katawan na iaalay at paparusahan-wala mang nabasag o naputol na mga buto, subalit ang Kanyang katawan ay halos hindi na makilala dahil sa sobrang pahirap at parusa na natanggap (Awit 22:12-17, Isaias 53:4-7). Ang inuming ubas ay nagrerepresenta ng Kanyang dugo, nagpapahiwatig ng kahindik-hindik na kamatayan nakatakda Niyang maranasan. Siya, ang perpektong Anak ng Diyos, ang naging kasagutan sa mga hindi mabilang na mga propesiya mula sa Lumang Tipan tungkol sa Tagapagtubos ng mga kasalanan (Genesis 3:15, Awit 22, Isaias 53, etc.) Noong sinabi Niyang “Gawin niyo ito bilang pag-alala sa Akin,” ay nagpapahiwatig lamang na isa itong seremonya na dapat ipagpatuloy hanggang sa darating pang mga panahon. Nagpapakita rin ito na ang Passover na nangangailangan ng kamatayan ng isang tupa at umaaasa sa pagdating ng Kordero ng Diyos na siyang mag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan ay sa ngayon ay lipas na. ang bagong kasunduan ay nangyari na noong si Kristo ang Kordero (1 Corinto 5:7), ay isinakripisyo (Hebreo 8: 8-13). Ang sistemang sakripsyal ay hindi na kinakailangan (Hebreo 9: 25-28).

Walang komento:

BAKIT ANG MGA PARI HINDI MAG-AASAWA CELIBACY

HINDI PAGAASAWA NG KAPARIAN AT MADRE (CELIBACY) *** BATIKOS NG INC AT IBANG SEKTA.. PINAGBABAWALAN DAW NATIN ANG MGA TAO NA MAG ...