SI MARIA, ALAM NATIN NA SHE IS VERGIN NANG BUNTISIN NIYA SI JESUS CRIST. TANUNG: BUKOD KAY JESUS, MAY IBA PABA SIYANG ANAK?
- Mother and Father in Jewish tradition are addressed to parents, Uncle, Auntie, Nephew, Cousin in Jewish Tradition is named BROTHERS AND SISTERS.
Hindi Daw Birhen Si Maria Ayon sa mga Tumutuligsa sa Pananampalatayang Katoliko
Ano Ang Mga Ginagamit Nilang Mga Argumento Laban Sa Ating Paniniwala tungkol sa Perpetual virginity of Mary?
1.) Unang Argumento ng mga Tumutuligsa sa ating mga Katoliko
[Naniniwala kami na birhen si Maria kahit na ipinanganak niya si Jesus, subalit meron pa pala itong ibang mga anak maliban kay Jesus - "Hindi ba siya ay anak ng isang karpintero? Hindi ba si Maria ang kanyang ina at sina Santiago, Jose, Simon, at Judas ang kanyang mga kapatid?"(Mateo 13:55)]
Sina Santiago, Jose, Simon at Judas ay hindi mga anak ni Maria.
Napakaliwanag na itinutoro ng Biblia na ang mga ito ay anak ng ibang babae at hindi ni Maria na Ina ng ating Panginoong Jesus.
Ang Apostol Santiago (James the Less), Joses and Salome ay kilala bilang mga anak ng isa pang Maria.
"Naroon din ang ilang babaing nakatanaw mula sa malayo. Kabilang sa kanila si Maria Magdalena, si Salome, at si Maria na ina ng nakababatang si Santiago at ni Jose."(Marcos 15:40)
Ang Apostol Santiago (James the Great) naman ay kilala bilang kapatid ni Juan at Anak ng isa pang Maria.
"Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: si Simon na tinatawag ding Pedro, at si Andres na kanyang kapatid, sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo; si Felipe, si Bartolome, si Tomas, si Mateo na maniningil ng buwis, si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo, si Simon na Makabayan, at si Judas Iscariote na nagkanulo kay Jesus."
(Mateo 10:2-4)
Sila po ay mga pinsan ng ating Panginoong Jesus.
Ang SALITANG "BROTHER" PO BA SA BIBLIA KUNG PAG-AARALAN LANG NATING MABUTI AY TUMOTUKOY NA SA BIOLOGICAL BROTHERS?
Sa isang Bible Dictionary ganito ang ating mababasa, "Brother - Other familial relationships are also described by ah, Abraham and Lot, uncle and nephew, are referred to as brothers."(Mounces Complete Expository Dictionary of Old & New Testament Words, page 86)
Alam naman po natin na pamangkin o kamag-anak ni Abraham si Lot.
"Kinausap ni Abram si Lot, "Hindi tayo dapat mag-away, at ang mga tauhan natin, sapagkat magkamag-anak tayo."(Genesis 13:8)
Pero kung babasahin natin ang Genesis 13:8, sa Biblia na isinalin mula sa Hebreo, dahil ang matandang tipan ay isinalin mula hebreo ay ganito ang ating mababasa.
Va-yo-Mer Av-ram el-Lot al-na te-hi me-ri-va bei-ni oo-vei-ne-cha oo-vein ro-ai oo-vein ro-e-cha ki-ana- shim achim a-nach-noo
"And Abram said to Lot, Let there be no strife, I beg you, between me and you, and between my herdsmen and your herdsmen; for we are brothers."(Genesis 13:8, Hebrew-English Bible)
Malinaw na Tinatawag pa rin na "Brother" ang sinumang tao na pamangkin o kamag-anak kung pag-aaralan nating mabuti ang Biblia.
Dagdag pa riyan kahit na ang magpinsan ay tinatawag paring "brothers" sa biblia.
B'nei Me-rari Mach-li oo-Moo-shi b'nei Mach-li El-azar ve-Kish.
"The sons of Merari: Mahli, and Mushi. The sons of Mahli: Eleazar, and Kish."(1 Chronicle 23:21)
Va-ya-mot El-azar ve-lo-ha-yoo lo ba-nim ki eem-ba-not va-yi-sa-oom
"And Eleazar died, and had no sons, but daughters; and their brothers, the sons of Kish, took them."
(1 Chronicle 23:22)
2.) Pangalawang Argumento ng mga Tumutuligsa sa ating mga Katoliko
[Sa Reyalidad sa Buhay, Hindi Pweding Hindi Galawin ng Isang Lalaki ang Isang Babae kung silang dalawa ay mag-asawa, dahil parti na ng buhay mag-asawa ang sex.]
Malamang gagamitin nila ang talatang ito - 1 Corinto 7:4
"Sapagkat hindi na ang babae ang may karapatan sa sarili niyang katawan kundi ang kanyang asawa. Gayundin naman, hindi na ang lalaki ang may karapatan sa sarili niyang katawan kundi ang kanyang asawa."(1 Corinto 7:4)
Kung pag-aaralan nating mabuti ang talata ay ikakasal na sana si Maria kay Jose ngunit bago pa man ito maganap ay may plano na ang Diyos kay Maria, planong mas makakabuti pa sa plano nilang mag-asawa.
"Ito ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila makasal, nalaman ni Maria na siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo."(Mateo 1:18)
Kaya nga "disturbed" si Maria ng nagpakita ang Anghel sa kaniya dahil hindi niya inaasahan ang Malaking Plano ng Diyos sa kanya.
"Lumapit ang anghel sa dalaga at binati ito, "Magalak ka! Ikaw ay lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon! Naguluhan si Maria at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan ng ganoong pangungusap. Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos.Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at siya'y papangalanan mong Jesus."(Lucas 1:28-31)
Sa English Bible na Isinalin mula sa Greek.
Ito ang nakasulat sa Lucas 1:29, "And seeing this, SHE WAS DISTURBED at his word, and considered what kind of greeting this might be."(Luke 1:29, The Interlinear Bible, Greek-English)
Ang ginamit na salita sa Greek ay diatarassó
Original Word: διαταράσσω
Part of Speech: Verb
Transliteration: diatarassó
Phonetic Spelling: (dee-at-ar-as'-so)
Short Definition: I trouble greatly, agitate
Definition: I trouble greatly, agitate.
Bakit "Disturbed" si Maria?
Dahil ito ang sinabi ng Anghel sa kanya, "Hail, one having received grace! The LORD is with you. You are blessed among women!"(Luke 1:28, The Interlinear Bible, Greek-English)
Hindi inaasahan ni Maria na may malaking plano ang Diyos sa kanya.
Ang Diyos nga talaga Ang tanging Nakakaalam ng Mabubuting Plano para sa lahat ng tao.
"Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa."(Jeremias 29:11)
Kaya't nagagalak siya sa Diyos.
"At sinabi ni Maria, Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, at ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas, sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin! Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong mapalad;dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan. Siya'y banal! (Lucas 1:46-49)
Sa Luke 1:28, tinawag si Maria ng Anghel na "You are blessed among women!"
Pati si Elisabet na napuspos ng Espiritu Santo ay tinawag din si Maria na "Blessed".
"And she cried out with a loud voice and said, Blessed are you among women, and blessed is the fruit of your womb."(Luke 1:42, The Interlinear Bible, Greek-English)
The word for blessed in Greek, “eulogemene,” carries with it the meaning that this is something that has taken place in the past, continues to be so in the present, and will continue to be so in the future.
Kaya hindi dudungisan ni Maria ang Magandang Plano ng Diyos para sa kanya.
Plano na ng Diyos na sa si Maria ang gagamitin ng Diyos AMA para maisa maisakatuparan na magkatawang tao si Cristo.
Ito ang nakasulat sa English Bible na Isinalin mula sa Greek.
"For this reason, coming into the world. He says, "Sacrifice and offering You did not desire, but you PREPARED A BODY FOR ME."(Hebrews 10:5, The Interlinear Bible, Greek-English)
Si Cristo ay Espiritu, Pero sinong tao ang gagamitin upang mabuo ang Plano ng Diyos AMA?
Nakaplano na talaga ang lahat ng ito bago pa nagkatawang tao si Cristo. Kaya nga natupad ang hula sa Isaiah 7:14 .
Pinili na talaga ng Diyos si Maria katulad ng pagpili ng Diyos kay Propeta Jeremias.
"Bago ka pa ipinaglihi at ipanganak ay pinili na kita upang maging propeta para sa lahat ng bansa."(Jeremias 1:5)
BAKIT PINAKASALAN NI JOSE SI MARIA?
Dapat natin tignan kung bakit pinakasalan ni Jose Si Maria, nang nagdadalang tao na si Maria sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Espiritu Santo.
"Nang magising si Jose, sinunod nga niya ang utos ng anghel ng Panginoon at pinakasalan niya si Maria."(Mateo 1:24)
Sinunod ni Jose ang utos ng Anghel na siya ring Utos ng Diyos.
At dahil ayaw ni Jose na malagay sa Malaking kahihiyan si Maria dahil dito.
Dapat nating maunawaan ang isa mga Kautosan.
Ve-chi-ye-fa-te eesh be-too-la ashe lo-o-ra-sa ve-sha-chav ee-ma ma-hor yim-ha-re-na lo le-ee-sha.
"And if a man seduces a virgin who is not betrothed, and lies with her, he shall pay the bride's dowry, and make her his wife."(Exodus 22:16, Hebrew-English Bible)"
Hindi mauunawaan ng Maraming tao na ang dinadala ni Maria ay sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Espiritu Santo.
DAHIL BA PINAKASALAN NI JOSE SI MARIA AY IMPOSIBLE NA WALANG SEX NA NANGYARI SA KANILANG PAGSASAMA?
Sa mga madudumi ang utak ay imposible, pero para sa Diyos ay walang imposible - Luke 1:37
Kung Pag-aaralan nating mabuti ang buhay nitong si Maria at Si Jose ay ito ang ating malalaman.
Ano Ba Si Jose?
"Subalit dahil isang taong matuwid si Jose"(Mateo 1:19)
Si Jose ay isang "matuwid" o "just" na tao.
Sa greek ang ginamit ay "dikaios"
Original Word: δίκαιος, ία, ιον
Part of Speech: Adjective
Transliteration: dikaios
Phonetic Spelling: (dik'-ah-yos)
Short Definition: just, righteous, impartial
Definition: just; especially, just in the eyes of God; righteous; the elect (a Jewish idea).
Ang isa sa mga kahulogan ng "dikaios" ay "the elect" kung ating mababasa.
At meron tayong mababasa sa Biblia na, "That the purpose of GOD according to election might stand, not of works, but of the One Calling."(Roma 9:11)
Lahat ng pinili ng Diyos ay kanyang mga Anak, at ito ay pinapatnubayan ng Banal na Espiritu.
"Ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos."(ROma 8:14)
Tanong: Kaya bang magpigil ni Jose ng kanyang sarili para hindi sipingan si Maria?
Sagot:Kung ang ibang lalaki ay hindi kayang magpigil ng kanilang mga sarili, katulad ng mga pastor na umaatake sa pananampalatayang katoliko ay huwag nilang itulad si Jose sa kanila, dahil ang taong pinapatnubayan ng Banal na Espiritu ay may kakayahang pumigil ng kanyang sarili o Meron siyang "Self Control".
"Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at PAGPIPIGIL SA SARILI."(Galacia 5:22-23)
Si Jose ay isa sa mga Lalaking merong kakayahang pumigil ng kanyang sarili para respetuhin ang Virginity ng isang babae.
At isa ito sa mga kakayahan ng isang lalaki na sinasabi ni San Pablo.
"But he who stands firm in heart, not having necessity, but has authority as to his own will, and has judged this in his heart, to keep his virginity; he does well."
(1 Corinthians 7:37, The Interlinear Bible, Greek-English)
Tanong: Kaya bang magpigil ni Maria ng kanyang sarili bilang isang babae?
Sagot: Kung ang ibang babae ay hindi kayang pigilin ang kanilang sarili sa pangangailangan ng kanilang mga katawan ay huwag nilang itulad si Maria sa kanila.
At dahil pinapatnubayan ng Espiritu Santo si Maria ay may kakayahan siyang magpigil ng kanyang sarili.
"Sumagot ang anghel, "Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo'y banal at tatawaging Anak ng Diyos."(Lucas 1:35)
Ngayon hindi naman ako nagtataka kung bakit ang mga taong patuloy na tumutuligsa sa Pananampalatayang Katoliko ay inaakala nila na walang mag-asawang kayang magpigil ng pangangailangan ng laman at akala nila si Jose at si Maria ay kagaya nilang hindi makapagpigil ng kanilang mga sarili dahil sa isang bagay na wala sa kanila na meron ang Simbahang Katoliko.
Akala nila kasi ay hindi na kailangan ng Confirmation o tinatawag nating The Sacrament of Confirmation. Para sa kanila tama na ang Bautismo.
Subalit hindi ka makakatanggap ng Espiritu Santo kung hindi ka tatanggap ng The Sacrament of Confirmation.
Ito po ang patotoo.
"Nang mabalitaan ng mga apostol sa Jerusalem na tinanggap ng mga Samaritano ang salita ng Diyos, isinugo nila roon sina Pedro at Juan. Pagdating doon, ipinanalangin ng dalawang apostol ang mga Samaritano upang sila'y tumanggap din ng Espiritu Santo,sapagkat hindi pa ito bumababa sa kaninuman sa kanila. Sila'y nabautismuhan pa lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus. Ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang kamay sa mga Samaritano at tumanggap ang mga ito ng Espiritu Santo."
(Gawa 8:14-17)
Ngayon paano makakapagpigil ang tao sa kanyang sarili kung hindi siya pinapatnubayan ng Espiritu Santo? At Paano siya papatnubayan ng Espiritu Santo kung hindi pa niya ito natatanggap? At Paano siya makakatanggap nito dahil hindi siya tumanggap ng The Sacrament of Confirmation?
3.) Panghuling Argumento ng mga Tumutuligsa sa ating mga Katoliko
[Imposible naman na hindi sinipingan ni Jose si Maria dahil ito ang sinasabi ng Biblia,"Ngunit hindi niya sinipingan si Maria hanggang magsilang ito ng isang anak na lalaki. At Jesus nga ang ipinangalan ni Jose sa sanggol."(Mateo 1:25). Hindi sinipingan ni Jose si Maria hanggang maisilang si Jesus, ibig sabihin ay may hangganan. Nangangahulogan na matapos maipanganak ni Maria si Jesus ay may malaking posibilidad na sinipingan ni Jose si Maria.]
Ang ginamit sa greek ay "heOs" o "till" sa english na katumbas ng salitang "hanggang"
Kung titignan natin ito sa isang Greek Lexicon ay ganito ang ating makikita.
The NAS New Testament Greek Lexicon
Strong's Number: 2193
Original Word: eoß
Word Origin:of uncertain affinity
Phonetic Spelling: heh'-oce
Parts of Speech: Conjuction
Definition: till, until
NAS Word Usage - Total: 119
down 2, even 5, far 5, how 7, long 1, long* 7, no more 1, point 2, right 1, until 83, while 5
http://www.biblestudytools.com/ lexicons/greek/nas/heos.html
Ayon sa isang Greek Lexicon, Isa sa mga kahulogan ng salitang "heOs" ay "NO MORE" o sa tagalog "Wala na".
Kung i-aanalyze natin ito ay walang nangyaring sexual sa pagsasama ni Jose at ni Maria.
Ang salitang "till" ay ginamit din sa Awit 110:1
"The Lord said to my Lord, Sit at my right hand
till I make your foes your footstool." (Psalms 110:1)
Kung gagamitan natin ng konting logic ang talatang ito dahil sinasabi ng iba na ang salitang "till" sa BIBLIA ay may hangganan o may pagbabago ng sitwasyon, lalabas na may hangganan pala ang Pag-upo ng Panginoong Jesus sa Kanan ng AMA?
*************************
ITO NGAYON ANG TANONG SA MGA PATULOY NA TUMUTULIGSA SA PANINIWALA NG MGA KATOLIKO NA SI MARIA AY MAY IBA PANG MGA ANAK MALIBAN KAY JESUS.
Tanong:
Noong pumunta si Jesus nang siya ay labindalawang taong gulang na, kasama ng Kanyang mga Magulang sa Jerusalem sa Pista ng Paskwa ay nasaan ang kanyang mga kapatid na sinasabi ninyong mga ibang anak ni Maria?
"And His parents ent into Jerusalem year by year of the Feast of the Passover. And when He was twelve years old, they going up to Jerusalem according to the custom of the Feast."(Luke 2:41-42, The Interlinear Bible, Greek-English)
Huwag ninyong sabihin na iniwanan ni Jose at Maria sa ibang mga tao o sa ibang bahay dahil maliit pa ang mga ito?
Kung may iba pang mga anak si Maria maliban kay Jesus hindi pweding iiwanan niya ang mga ito sa ibang tao katulad ng ginagawa ng ibang ina sa kanilang mga anak. Sana kasama nila ang mga ito noong pumunta sila sa Jerusalem sa Pista ng Paskwa.
Si Maria ay Mabuting ina kaya nga siya ang napili ng Diyos AMA na maging Ina ni Jesus dahil hindi siya pabaya.
Ngayon kung may mga anak pang iba si maria saan niya iniwan ang mga ito noong pumunta sila ni Jesus sa Jerusalem noong Pista ng Paskwa?
Kapag sinabi ninyo na iniwan niya lang ito sa kanyang mga kamag-anak o ibang tao ay lumalabas na hindi kinalinga ni Maria ang mga ito.
Hindi ito ginagawa ng isang matapat na lingkod ng Diyos na katulad ni Maria.
"Ang sinumang hindi kumakalinga sa kanyang mga kamag-anak, lalo na sa mga kabilang sa kanyang pamilya, ay tumatalikod sa pananampalataya, at mas masama pa kaysa sa isang di mananampalataya."
(1 Timoteo 5:8)
Kung Ang Anghel nga ay tumawag kay Maria na “Blessed” at Si Elisabet na napuspos ng Espiritu Santo, bakit itong mga tumutuligsa sa Katoliko ay walang respeto kay Maria.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento