Sabado, Mayo 04, 2013

PURGATORY

  • Meron po bang malaki at maliit na kasalanan ? kasama kya sa theological study ang purgatory ? para san nman yang purgatory ?
     
  • Adonis Tungcab Kung iyung basahin ang 1 Juan 5:16 sinabi diyan na may kasalanan na hindi mapunta sa pakakamatay na puyde pang ipagdasal. (venial sin) at malinaw na may grabeng pagkakasala na mahuhulog sa pagkamatay (mortal sin) at magdasal siya ayun sa nakasulat na ipagdasal pa.

  • Boyax Agravante ahh. ganun po ba ? paki discuss daw po ang context ng talatang bingay mo? ahm.. so halimbawa pag nagnakaw ang bata ng piso lang anong tawag dun ? dba pagnanakaw parin un maliit man o malaki kasalanan parin..walang pagkakaiba sa maliit at malaking kasalanan..

  • Batang Tupa 1 juan 5:16
    Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay idalangin siya at bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya

    ang PANALANGIN AY NAUUKOL SA BUHAY NA NAGKASALA ayon sa talata.. hindi ito tumutukoy sa NAMATAY O SA KALULUWA NG NAMATAY.. paki suri pong maiigi ang talata,,,

  • Kung nakikita mo ang anumang mga kapatid na lalaki o kapatid na babae gumawa ng kasalanan na hindi humantong sa kamatayan, dapat kang magdasal at ang Diyos ay magbibigay sa kanila ng buhay. Sumangguni ako sa mga na ang kasalanan ay hindi humantong sa kamatayan. May ay isang kasalanan na hahantong sa kamatayan .(1 Juan 5:16) Malinaw na ipagdasal pa. Sa Dios ay hindi parihas kung maliit o malaki dahil hustisya ang Dios. Kay kung parehas lang ang maliit o malaki ang pagkakasala natin sa harap niya.. Aba mabuti pa gagawa ako ng malaking kasalanan dahil patawarin den naman lang.. How about kung sa mga taong walang Dios ay big to disagree na paerho lang.

  • oh bat ka gagawa ng kasalanan ? alam mo naman na hindi ka nais2s sa harapan ng panginoon pareho sila kasalan din...ayon sa aklat ng Roma 6:23 Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang libreng kaloob ng Diyos ay buhay na walang hanggan, sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon ang context ng talatang binigay mo ay nagpapatunay na napagpanagumpyan na ng panginoong dios ang kabayaran sa kaslanan na kamatayan sapagkat cxa ang tupa na inihain sa Cross.
  •  Pareho ba ang parusa ng Dios sa venial sin at sa mortal sin?

  • uulitin ko po mr. CFD pakipaliwanag po ng maayos ang 1 juan 5:16.. YAN PO BA AY TUMUTUKOY SA PATAY O SA BUHAY? Sino ang dapat IPANALANGIN AYON SA TALATA? BUHAY PO BA O PATAY?

    ang purgatoryo daw po kasi ay sangagan ng MGA KALULUWANG NAMATAY NA NASUMPUNGAN SA HINDI KABGATANG KASALANAN.. at AYON PA RIN PO SA AKLAT NINYO.. MAARI PA DAW PONG MAIHANGO SA PURGATORYO ANG MGA KALULUWANG NAMATAY NA.. PAPUNTA SA LANGIT..

    'T. Diyata ano ang purgatoryo?
    ''S. Pagsasangagan (cung baga sa guinto) sa mga caloloua ng cristianong banal na nacapagsisi man at nacapagcumpisal man datapoua't hindi nakapag-auas dito sa lupa ng buong auas sa maƱga casalanan.''
    Catesismo ng Pinapalamnan p. 24

  •  tanong ko lang sayo meron bang venial sin at moral sin sa biliya ? paki defined nga po ng venial at mortal sin at pakisupport ng talata.
    Batang Tupa mr Boyax Agravante pasensya napo.. pero malayo na po sa topic ng tread ang usapin ninyo ni MR. Tungcab pakigawan nyu na lamang po iyan sa taas ng tread salamat po sa pang-unawa...


  • Ok bigyan kita peru hindi lang kay basa kung di unawain ang context (Mat 5:22)" ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman, ang humahamak sa kanyang kapatid ay mananagot sa Sanedrin, at sinumang magsabi sa kanyang kapatid, 'Ulol ka!' ay nanganganib na maparusahan sa apoy ng impiyerno."

  •  Batang tupa ang thread mo related ito sa kaligtasan o purgatoryo

  • stick sa topic please 

  •  purgatoryo po ang topic ng tread.. hindi po URI NG KASALANAN... kaya nga ang tanung ko po sa inyo..

    uulitin ko po mr. CFD pakipaliwanag po ng maayos ang 1 juan 5:16.. YAN PO BA AY TUMUTUKOY SA PATAY O SA BUHAY? Sino ang dapat IPANALANGIN AYON SA TALATA? BUHAY PO BA O PATAY?

    ang purgatoryo daw po kasi ay sangagan ng MGA KALULUWANG NAMATAY NA NASUMPUNGAN SA HINDI KABGATANG KASALANAN.. at AYON PA RIN PO SA AKLAT NINYO.. MAARI PA DAW PONG MAIHANGO SA PURGATORYO ANG MGA KALULUWANG NAMATAY NA.. PAPUNTA SA LANGIT..

    'T. Diyata ano ang purgatoryo?
    ''S. Pagsasangagan (cung baga sa guinto) sa mga caloloua ng cristianong banal na nacapagsisi man at nacapagcumpisal man datapoua't hindi nakapag-auas dito sa lupa ng buong auas sa maƱga casalanan.''
    Catesismo ng Pinapalamnan p. 24

  • De Amezquita, Luis (tagapagsalin)
    Catesismo na Pinagpalamnan. Abridged
    Edition, 1927

  • san po ang veniat at mortal sin dyan ?

  • Ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay mananagot sa hukuman, ang humahamak sa kanyang kapatid ay mananagot sa Sanedrin, (venial sin)hindi pinarehas ang parusa ng Diyos. Mortal sin at sinumang magsabi sa kanyang kapatid, 'Ulol ka!' ay nanganganib na maparusahan sa apoy ng impiyerno." Mortal sin yan and that is a example of justice of God na de niya pinarehas pagparusa brod//

  •  sige exit po muna ako.. kayo po muna mag-usap ni Kua Boyax

  •  Pag hiningi po natin ng tawad ang kasalanan natin sa DIOS ay patatawarin po tayo ayun po sa 1 john 1:9 Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan. 10Kung sinasabi nating tayo'y hindi nangagkasala, ay ating ginagawang sinungaling siya, at ang kaniyang salita ay wala sa atin....

  •  isiah 1:.18 "Halikayo at tayo'y magpaliwanagan," sabi ni Yahweh.
    Gaano man kapula ang inyong mga kasalanan,
    kayo'y aking papuputiin, tulad ng yelo o bulak.

  •  bastat wag nyu lang uubusin ang maximum comment na 150 ha.. magtira kau..

  •  ahh ok Ang ginamit mong talata 1 john 1:9 at Isa 1:18 tama yan dahil ang Dios ay mabuting magpatawad man peru wala na magnegar na may hustisya paren ang Diyos dahil kung iyung babasahin ang Psalm . 7:11 ang Dios ay mabuting taga paghukom. Ibig sabihin hustisya ang ginamit hindi lang kay mabuting taga pagpatawad.

      
    sumipi si mr. Tungcab ng sitas ng talata upang pangatwiranan na dapat ipanalangin ang mga kaluluwang nasa purgatoryo.. FOR CLARIFICATION LANG PO...

    ang ibingay nyang talata ay 1 juan 5:16
    Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay idalangin siya at bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya

    kaya ang katanungan po ay ganito.. YAON PO BANG TINUTUKOY DYAN SA TALATA NA IYAN NA DAPAT IPANALANGIN AY MGA TAONG BUHAY O TAONG NASA PURGATORYO?

    hindi po pwedeng parehas ang sagot sapagkat.. MALINAW PO SA TALATA NA IISA LANG ANG DAPAT IPANALANGIN.. kaya hihintayin ko po ang kasagutan ninyo maraming salamat po
     
     Both: Una sa lahat, ipinapakiusap kong idulog ninyo sa Diyos ang inyong mga kahilingan, panalangin, pagsamo, at pasasalamat para sa lahat ng tao. (1 Timoteo 2:1-2) Totoo yan Batang Tupa. Ibig sabihin bawat isa maka-intercede prayer para sa mga patay o sa buhay yan huwag nating limitihan o ikulong natin ang 1 San Juan 5:16 na yan ba ay tumutokoy lang ba para sa mga patay o sa buhay sa kay si san Pablo nagdalangin paren para sa iba “Idinadalangin namin sa Diyos na sana'y huwag kayong gumawa ng masama,” (2 Corinto 13:7) Wala na si San Pablo diyan ha sumaka na sa langit peru nagtagubilin siya ng pagdalangin ng siya ay namatay na. kung gusto ka basahan kita na ang patay ay ipagdasal letra for letra sa galling mismo sa bibig sa ating Panginoon kay gilimitahan man ninyu ang bibliya. Ok bigyan kita . May mga laban ng Santa iglesia katolika na meron bang mababsa na ipagdasal o idalangin pa natin at saan ba ito mababasa? Dito kasi sa San Juan 11:20-25 na si Lazaru patay na ha. At di na maaring makapagdasal sa sarili niya. Si Maria at marta lumapit kay Hesus at sila ang nanalangin o naghimok, pangatwiran o kayay nagatweran. Sinabi nila “Panginoon kung nandito ka palang sana hindi sana mamatay ang aming kapatid” at ng sa pangatweran ng yan naunawaan na gusto nilang buhay ang kanilang kapatid. Sinabi ni Hesus . Dahil sa inyu na kung maniwala lang kayu na ako ang buhay kahit pa ang mga patay kung maniwala sa akin siyay mabubuhay. Maniwala ba kayu nito? Ang dalawang magkapatid sumagot “naniwala kami Panginoon” Ibig sabihin diyan sila inipit ang kanilang pakay hindi si Lazaru na patay na. At pagkatapos iniharap sa Panginoon ang patay na na si Lazaru ayun pa sa mga dumalo doon na baho na. at sinabi ni Hesus bangon at si lazaru nabuhayng muli. Sinu ang nakapagpabuhay niya ang pagdasal sa dalawang magkapaid niya. So merun palang mabasa natin sa Bagong Tipan merong palang pagdalangin para sa mga patay at tsaka binuhay pa mismo sa Panginoon.
     
    ang sagot nyu ay pareho? tanong ang PATAY BA MAARI PANG MAGKASALA?
     
    Batang Tupa dahil ang wika sa talta ipanalangin ang nagkakasala.. meaning yung nakakagawa ng kasalanan... kaya yung PATAY BA NA NAKAHIMLAY SA LIBNGAN..IYAN BA AY NAGKAKASALA PA? OO O HINDI?
     
    Batang Tupa 1 juan 5:16
    Kung makita ng sinoman na ang kaniyang kapatid ay nagkakasala ng kasalanang hindi ikamamatay, ay idalangin siya at bibigyan siya ng Dios ng buhay, na ukol sa mga nagkakasala nang hindi ikamamatay. May kasalanang ikamamatay: hindi tungkol dito ang sinasabi ko na idalangin niya

    ang wika pa ay IKAMAMAMATAY.. yan ang proof na nauukol sa buhay ang panalangin at hindi sa mga patay... IKAMAMMATAY..O ...MAMAMATAY PALANG..
     
    Batang Tupa Ang patay ay walang anumang nalalaman, HINDI RIN UMAAKYAT ANG KALULUWA SA LANGIT.. SAPAGKAT ITO AY MAIIWAN SA LIBINGAN KASAMA NG KANIYANG KATAWAN! TALIWAS SA TURO NG PURGATORYO,..

    Ecles. 9:5-6 Magandang balita Biblia
    '' Alam ng buhay na siya'y mamamatay NGUNTI ANG PATAY AY WALANG ANUMANG NALALAMAN. Wala silang pag-asa, at nakakalimutan ng lubusan. Nawawala pati kanilang pag-ibig, pagkapoot, pagka-inggit; anupa't wala silang namamalayan sa anumang nangyayari sa daigdig.''

    Awit 44:25
    '' Sapagkat ANG AMING KALULUWA AY NAKASUBSOB SA ALABOK; Ang aming katawan ay nadidikit sa lupa.''
     
    Batang Tupa haka haka nyu lamang po iyan maliwanag ang sinabi ng talata.. ito'y nakapatungkol sa mga taong nagkakasala.. ang patay po ba ay nagkakasala pa? biblia po ang sasagot!

    Ecles. 9:5-6 Magandang balita Biblia
    '' Alam ng buhay na siya'y mamamatay NGUNTI ANG PATAY AY WALANG ANUMANG NALALAMAN. Wala silang pag-asa, at nakakalimutan ng lubusan. Nawawala pati kanilang pag-ibig, pagkapoot, pagka-inggit; anupa't wala silang namamalayan sa anumang nangyayari sa daigdig.''

    wala po tayong mababasa sa sitas na patay ang dapat ipanalangin.. kundi yaong mga taong nagkakasala. May kasalanan hindi nakamamamatay.. kung ang kasalanan palang hindi nakamamamatay ang dapat ipanalangin bakit ipapanalangin pa ang namatay sa kasalanan? 
     ahm para sa akin ang purgatoryo ay haka haka lamang g mga papa spagkat ito ay wal sa biblia at higit sa lahat ito ay hindi aral ng ating panginuong dios ito ay aral ng tao kya hidi dapat paniwalaan. 
      
    Unahin natin ang pagsagot sa sinabi ni Mabait na Tupa ah esti kay Batang Tupa na di palang nagtagal bago pa wala kuno tayung mabasa diyan sa Bibliya na ang mga patay idalangin pa "1 Tes 5:25" Mga kapatid, ipanalangin din ninyo kami." Oh ayan may mababasa na tayu limitihi na naman ninyu ang sinabi ni San Pablo ha na para lang yan sa mga buhay. At tsaka yung tanong niya na ang mga patay puydi pa raw magkakasala. “yung PATAY BA NA NAKAHIMLAY SA LIBINGAN..IYAN BA AY NAGKAKASALA PA? OO o HINDI? Si Mabait na Tupa nalibug sa kanyang sumada siya lang nag-answer2x ..biblia ang sasagot diyan sa Ecles. 9:5-6 na sa akala niya kumampi sa kanya ang talata. '' Alam ng buhay na siya'y mamamatay NGUNTI ANG PATAY AY WALANG ANUMANG NALALAMAN. Wala silang pag-asa, at nakakalimutan ng lubusan. Nawawala pati kanilang pag-ibig, pagkapoot, pagka-inggit; anupa't wala silang namamalayan sa anumang nangyayari sa daigdig.'' Ikaw lang kapatid na Tupa ang nakasagot sa iyung tanung na magkakasa la pa ba ang mga patay Oo o Hindi? Misled kaayo ang iyung tanong, linlang. Kung wala na namalayan bakit kailangan mupang ilinlang na ang mga patay puydi pabang magkakasala? Ikaw lang ang nagsabi na ang mga patay ay wala ng namalayan. Ikaw!! man ang nagsabi na wala ng nalalaman.
     



    At yan namang sinabi niyu na hakahaka lang yan sa mga papa at itoy wala at hindi mababasa sa bibliya. Sinu bang katoliko nagturo na nagsabi na yan ay mababasa peru ang pag-unawa naa. kanang sinabi ninyu na gawagawa lang yan sa tradisyon. Naa man yan sa Bibliya sa 2 Tes. 2:15 “So then, brothers and sisters, stand firm and hold fast to the teachings we passed on to you, whether by word of mouth or by letter. uohmm naa man. Tanggapin ninyu ang aming mga pinag-salitaan mga nasulat at ang amin ding tradisyon. At kung hindi ka tumanggap sa tradisyon. Ano ang sinabi ni Pablo. 2 Tes. 3:6 “if anyone comes to you and does not respect our tradition shanoff from him” Kung merung mga tao na pumonta sa inyu makipaggkapatid natin at di tumanggap ng tradisyon itakwik, tanggihan niyu siya. So merung tradisyon na inutos sa Bibliya . Yung hindi tumanggap niyan ayun pa ni San Pablo itakwil yan kay hindi yan kasali mga sumusunod ni Cristo.

Biyernes, Abril 05, 2013

SI MARIA, ALAM NATIN NA SHE IS VERGIN NANG BUNTISIN NIYA SI JESUS CRIST. TANUNG: BUKOD KAY JESUS, MAY IBA PABA SIYANG ANAK?

SI MARIA, ALAM NATIN NA SHE IS VERGIN NANG BUNTISIN NIYA SI JESUS CRIST. TANUNG: BUKOD KAY JESUS, MAY IBA PABA SIYANG ANAK?

  •  That's what you get when reading The Bible without knowing the TRADITIONS of the authors of the Bible.
  • Mother and Father in Jewish tradition are addressed to parents, Uncle, Auntie, Nephew, Cousin in Jewish Tradition is named BROTHERS AND SISTERS.


    Hindi Daw Birhen Si Maria Ayon sa mga Tumutuligsa sa Pananampalatayang Katoliko

    Ano Ang Mga Ginagamit Nilang Mga Argumento Laban Sa Ating Paniniwala tungkol sa Perpetual virginity of Mary?

    1.) Unang Argumento ng mga Tumutuligsa sa ating mga Katoliko

    [Naniniwala kami na birhen si Maria kahit na ipinanganak niya si Jesus, subalit meron pa pala itong ibang mga anak maliban kay Jesus - "Hindi ba siya ay anak ng isang karpintero? Hindi ba si Maria ang kanyang ina at sina Santiago, Jose, Simon, at Judas ang kanyang mga kapatid?"(Mateo 13:55)]

    Sina Santiago, Jose, Simon at Judas ay hindi mga anak ni Maria.

    Napakaliwanag na itinutoro ng Biblia na ang mga ito ay anak ng ibang babae at hindi ni Maria na Ina ng ating Panginoong Jesus.

    Ang Apostol Santiago (James the Less), Joses and Salome ay kilala bilang mga anak ng isa pang Maria.

    "Naroon din ang ilang babaing nakatanaw mula sa malayo. Kabilang sa kanila si Maria Magdalena, si Salome, at si Maria na ina ng nakababatang si Santiago at ni Jose."(Marcos 15:40)

    Ang Apostol Santiago (James the Great) naman ay kilala bilang kapatid ni Juan at Anak ng isa pang Maria.

    "Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: si Simon na tinatawag ding Pedro, at si Andres na kanyang kapatid, sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo; si Felipe, si Bartolome, si Tomas, si Mateo na maniningil ng buwis, si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo, si Simon na Makabayan, at si Judas Iscariote na nagkanulo kay Jesus."
    (Mateo 10:2-4)

    Sila po ay mga pinsan ng ating Panginoong Jesus.

    Ang SALITANG "BROTHER" PO BA SA BIBLIA KUNG PAG-AARALAN LANG NATING MABUTI AY TUMOTUKOY NA SA BIOLOGICAL BROTHERS?

    Sa isang Bible Dictionary ganito ang ating mababasa, "Brother - Other familial relationships are also described by ah, Abraham and Lot, uncle and nephew, are referred to as brothers."(Mounces Complete Expository Dictionary of Old & New Testament Words, page 86)

    Alam naman po natin na pamangkin o kamag-anak ni Abraham si Lot.

    "Kinausap ni Abram si Lot, "Hindi tayo dapat mag-away, at ang mga tauhan natin, sapagkat magkamag-anak tayo."(Genesis 13:8)

    Pero kung babasahin natin ang Genesis 13:8, sa Biblia na isinalin mula sa Hebreo, dahil ang matandang tipan ay isinalin mula hebreo ay ganito ang ating mababasa.

    Va-yo-Mer Av-ram el-Lot al-na te-hi me-ri-va bei-ni oo-vei-ne-cha oo-vein ro-ai oo-vein ro-e-cha ki-ana- shim achim a-nach-noo

    "And Abram said to Lot, Let there be no strife, I beg you, between me and you, and between my herdsmen and your herdsmen; for we are brothers."(Genesis 13:8, Hebrew-English Bible)

    Malinaw na Tinatawag pa rin na "Brother" ang sinumang tao na pamangkin o kamag-anak kung pag-aaralan nating mabuti ang Biblia.

    Dagdag pa riyan kahit na ang magpinsan ay tinatawag paring "brothers" sa biblia.

    B'nei Me-rari Mach-li oo-Moo-shi b'nei Mach-li El-azar ve-Kish.

    "The sons of Merari: Mahli, and Mushi. The sons of Mahli: Eleazar, and Kish."(1 Chronicle 23:21)

    Va-ya-mot El-azar ve-lo-ha-yoo lo ba-nim ki eem-ba-not va-yi-sa-oom

    "And Eleazar died, and had no sons, but daughters; and their brothers, the sons of Kish, took them."
    (1 Chronicle 23:22)


    2.) Pangalawang Argumento ng mga Tumutuligsa sa ating mga Katoliko

    [Sa Reyalidad sa Buhay, Hindi Pweding Hindi Galawin ng Isang Lalaki ang Isang Babae kung silang dalawa ay mag-asawa, dahil parti na ng buhay mag-asawa ang sex.]

    Malamang gagamitin nila ang talatang ito - 1 Corinto 7:4

    "Sapagkat hindi na ang babae ang may karapatan sa sarili niyang katawan kundi ang kanyang asawa. Gayundin naman, hindi na ang lalaki ang may karapatan sa sarili niyang katawan kundi ang kanyang asawa."(1 Corinto 7:4)

    Kung pag-aaralan nating mabuti ang talata ay ikakasal na sana si Maria kay Jose ngunit bago pa man ito maganap ay may plano na ang Diyos kay Maria, planong mas makakabuti pa sa plano nilang mag-asawa.

    "Ito ang naganap nang ipanganak si Jesu-Cristo. Si Maria na kanyang ina at si Jose ay nakatakda nang magpakasal. Ngunit bago sila makasal, nalaman ni Maria na siya'y nagdadalang-tao sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo."(Mateo 1:18)

    Kaya nga "disturbed" si Maria ng nagpakita ang Anghel sa kaniya dahil hindi niya inaasahan ang Malaking Plano ng Diyos sa kanya.

    "Lumapit ang anghel sa dalaga at binati ito, "Magalak ka! Ikaw ay lubos na kinalulugdan ng Diyos. Sumasaiyo ang Panginoon! Naguluhan si Maria at inisip niyang mabuti kung ano ang kahulugan ng ganoong pangungusap. Sinabi sa kanya ng anghel, “Huwag kang matakot, Maria, sapagkat naging kalugud-lugod ka sa Diyos.Makinig ka! Ikaw ay maglilihi at manganganak ng isang sanggol na lalaki, at siya'y papangalanan mong Jesus."(Lucas 1:28-31)

    Sa English Bible na Isinalin mula sa Greek.

    Ito ang nakasulat sa Lucas 1:29, "And seeing this, SHE WAS DISTURBED at his word, and considered what kind of greeting this might be."(Luke 1:29, The Interlinear Bible, Greek-English)

    Ang ginamit na salita sa Greek ay diatarassó

    Original Word: Ī“Ī¹Ī±Ļ„Ī±ĻĪ¬ĻƒĻƒĻ‰
    Part of Speech: Verb
    Transliteration: diatarassó
    Phonetic Spelling: (dee-at-ar-as'-so)
    Short Definition: I trouble greatly, agitate
    Definition: I trouble greatly, agitate.

    Bakit "Disturbed" si Maria?

    Dahil ito ang sinabi ng Anghel sa kanya, "Hail, one having received grace! The LORD is with you. You are blessed among women!"(Luke 1:28, The Interlinear Bible, Greek-English)

    Hindi inaasahan ni Maria na may malaking plano ang Diyos sa kanya.

    Ang Diyos nga talaga Ang tanging Nakakaalam ng Mabubuting Plano para sa lahat ng tao.

    "Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa."(Jeremias 29:11)

    Kaya't nagagalak siya sa Diyos.

    "At sinabi ni Maria, Ang puso ko'y nagpupuri sa Panginoon, at ang aking espiritu'y nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas, sapagkat nilingap niya akong kanyang abang alipin! Mula ngayon, ang lahat ng tao'y tatawagin akong mapalad;dahil sa mga dakilang bagay na ginawa sa akin ng Makapangyarihan. Siya'y banal! (Lucas 1:46-49)

    Sa Luke 1:28, tinawag si Maria ng Anghel na "You are blessed among women!"

    Pati si Elisabet na napuspos ng Espiritu Santo ay tinawag din si Maria na "Blessed".

    "And she cried out with a loud voice and said, Blessed are you among women, and blessed is the fruit of your womb."(Luke 1:42, The Interlinear Bible, Greek-English)

    The word for blessed in Greek, “eulogemene,” carries with it the meaning that this is something that has taken place in the past, continues to be so in the present, and will continue to be so in the future.

    Kaya hindi dudungisan ni Maria ang Magandang Plano ng Diyos para sa kanya.

    Plano na ng Diyos na sa si Maria ang gagamitin ng Diyos AMA para maisa maisakatuparan na magkatawang tao si Cristo.

    Ito ang nakasulat sa English Bible na Isinalin mula sa Greek.

    "For this reason, coming into the world. He says, "Sacrifice and offering You did not desire, but you PREPARED A BODY FOR ME."(Hebrews 10:5, The Interlinear Bible, Greek-English)

    Si Cristo ay Espiritu, Pero sinong tao ang gagamitin upang mabuo ang Plano ng Diyos AMA?

    Nakaplano na talaga ang lahat ng ito bago pa nagkatawang tao si Cristo. Kaya nga natupad ang hula sa Isaiah 7:14 .

    Pinili na talaga ng Diyos si Maria katulad ng pagpili ng Diyos kay Propeta Jeremias.

    "Bago ka pa ipinaglihi at ipanganak ay pinili na kita upang maging propeta para sa lahat ng bansa."(Jeremias 1:5)

    BAKIT PINAKASALAN NI JOSE SI MARIA?

    Dapat natin tignan kung bakit pinakasalan ni Jose Si Maria, nang nagdadalang tao na si Maria sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Espiritu Santo.

    "Nang magising si Jose, sinunod nga niya ang utos ng anghel ng Panginoon at pinakasalan niya si Maria."(Mateo 1:24)

    Sinunod ni Jose ang utos ng Anghel na siya ring Utos ng Diyos.

    At dahil ayaw ni Jose na malagay sa Malaking kahihiyan si Maria dahil dito.

    Dapat nating maunawaan ang isa mga Kautosan.

    Ve-chi-ye-fa-te eesh be-too-la ashe lo-o-ra-sa ve-sha-chav ee-ma ma-hor yim-ha-re-na lo le-ee-sha.

    "And if a man seduces a virgin who is not betrothed, and lies with her, he shall pay the bride's dowry, and make her his wife."(Exodus 22:16, Hebrew-English Bible)"

    Hindi mauunawaan ng Maraming tao na ang dinadala ni Maria ay sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Espiritu Santo.

    DAHIL BA PINAKASALAN NI JOSE SI MARIA AY IMPOSIBLE NA WALANG SEX NA NANGYARI SA KANILANG PAGSASAMA?

    Sa mga madudumi ang utak ay imposible, pero para sa Diyos ay walang imposible - Luke 1:37

    Kung Pag-aaralan nating mabuti ang buhay nitong si Maria at Si Jose ay ito ang ating malalaman.

    Ano Ba Si Jose?

    "Subalit dahil isang taong matuwid si Jose"(Mateo 1:19)

    Si Jose ay isang "matuwid" o "just" na tao.

    Sa greek ang ginamit ay "dikaios"

    Original Word: Γίκαιος, ία, ιον
    Part of Speech: Adjective
    Transliteration: dikaios
    Phonetic Spelling: (dik'-ah-yos)
    Short Definition: just, righteous, impartial
    Definition: just; especially, just in the eyes of God; righteous; the elect (a Jewish idea).

    Ang isa sa mga kahulogan ng "dikaios" ay "the elect" kung ating mababasa.

    At meron tayong mababasa sa Biblia na, "That the purpose of GOD according to election might stand, not of works, but of the One Calling."(Roma 9:11)

    Lahat ng pinili ng Diyos ay kanyang mga Anak, at ito ay pinapatnubayan ng Banal na Espiritu.

    "Ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos."(ROma 8:14)

    Tanong: Kaya bang magpigil ni Jose ng kanyang sarili para hindi sipingan si Maria?

    Sagot:Kung ang ibang lalaki ay hindi kayang magpigil ng kanilang mga sarili, katulad ng mga pastor na umaatake sa pananampalatayang katoliko ay huwag nilang itulad si Jose sa kanila, dahil ang taong pinapatnubayan ng Banal na Espiritu ay may kakayahang pumigil ng kanyang sarili o Meron siyang "Self Control".

    "Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at PAGPIPIGIL SA SARILI."(Galacia 5:22-23)

    Si Jose ay isa sa mga Lalaking merong kakayahang pumigil ng kanyang sarili para respetuhin ang Virginity ng isang babae.

    At isa ito sa mga kakayahan ng isang lalaki na sinasabi ni San Pablo.

    "But he who stands firm in heart, not having necessity, but has authority as to his own will, and has judged this in his heart, to keep his virginity; he does well."
    (1 Corinthians 7:37, The Interlinear Bible, Greek-English)

    Tanong: Kaya bang magpigil ni Maria ng kanyang sarili bilang isang babae?

    Sagot: Kung ang ibang babae ay hindi kayang pigilin ang kanilang sarili sa pangangailangan ng kanilang mga katawan ay huwag nilang itulad si Maria sa kanila.

    At dahil pinapatnubayan ng Espiritu Santo si Maria ay may kakayahan siyang magpigil ng kanyang sarili.

    "Sumagot ang anghel, "Sasaiyo ang Espiritu Santo at mapapasailalim ka sa kapangyarihan ng Kataas-taasang Diyos. Dahil dito, ang isisilang mo'y banal at tatawaging Anak ng Diyos."(Lucas 1:35)

    Ngayon hindi naman ako nagtataka kung bakit ang mga taong patuloy na tumutuligsa sa Pananampalatayang Katoliko ay inaakala nila na walang mag-asawang kayang magpigil ng pangangailangan ng laman at akala nila si Jose at si Maria ay kagaya nilang hindi makapagpigil ng kanilang mga sarili dahil sa isang bagay na wala sa kanila na meron ang Simbahang Katoliko.

    Akala nila kasi ay hindi na kailangan ng Confirmation o tinatawag nating The Sacrament of Confirmation. Para sa kanila tama na ang Bautismo.

    Subalit hindi ka makakatanggap ng Espiritu Santo kung hindi ka tatanggap ng The Sacrament of Confirmation.

    Ito po ang patotoo.

    "Nang mabalitaan ng mga apostol sa Jerusalem na tinanggap ng mga Samaritano ang salita ng Diyos, isinugo nila roon sina Pedro at Juan. Pagdating doon, ipinanalangin ng dalawang apostol ang mga Samaritano upang sila'y tumanggap din ng Espiritu Santo,sapagkat hindi pa ito bumababa sa kaninuman sa kanila. Sila'y nabautismuhan pa lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus. Ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang kamay sa mga Samaritano at tumanggap ang mga ito ng Espiritu Santo."
    (Gawa 8:14-17)

    Ngayon paano makakapagpigil ang tao sa kanyang sarili kung hindi siya pinapatnubayan ng Espiritu Santo? At Paano siya papatnubayan ng Espiritu Santo kung hindi pa niya ito natatanggap? At Paano siya makakatanggap nito dahil hindi siya tumanggap ng The Sacrament of Confirmation?



    3.) Panghuling Argumento ng mga Tumutuligsa sa ating mga Katoliko

    [Imposible naman na hindi sinipingan ni Jose si Maria dahil ito ang sinasabi ng Biblia,"Ngunit hindi niya sinipingan si Maria hanggang magsilang ito ng isang anak na lalaki. At Jesus nga ang ipinangalan ni Jose sa sanggol."(Mateo 1:25). Hindi sinipingan ni Jose si Maria hanggang maisilang si Jesus, ibig sabihin ay may hangganan. Nangangahulogan na matapos maipanganak ni Maria si Jesus ay may malaking posibilidad na sinipingan ni Jose si Maria.]

    Ang ginamit sa greek ay "heOs" o "till" sa english na katumbas ng salitang "hanggang"

    Kung titignan natin ito sa isang Greek Lexicon ay ganito ang ating makikita.

    The NAS New Testament Greek Lexicon
    Strong's Number: 2193
    Original Word: eoß
    Word Origin:of uncertain affinity
    Phonetic Spelling: heh'-oce
    Parts of Speech: Conjuction
    Definition: till, until

    NAS Word Usage - Total: 119
    down 2, even 5, far 5, how 7, long 1, long* 7, no more 1, point 2, right 1, until 83, while 5
    http://www.biblestudytools.com/lexicons/greek/nas/heos.html

    Ayon sa isang Greek Lexicon, Isa sa mga kahulogan ng salitang "heOs" ay "NO MORE" o sa tagalog "Wala na".

    Kung i-aanalyze natin ito ay walang nangyaring sexual sa pagsasama ni Jose at ni Maria.

    Ang salitang "till" ay ginamit din sa Awit 110:1

    "The Lord said to my Lord, Sit at my right hand
    till I make your foes your footstool." (Psalms 110:1)

    Kung gagamitan natin ng konting logic ang talatang ito dahil sinasabi ng iba na ang salitang "till" sa BIBLIA ay may hangganan o may pagbabago ng sitwasyon, lalabas na may hangganan pala ang Pag-upo ng Panginoong Jesus sa Kanan ng AMA?


    *************************
    ITO NGAYON ANG TANONG SA MGA PATULOY NA TUMUTULIGSA SA PANINIWALA NG MGA KATOLIKO NA SI MARIA AY MAY IBA PANG MGA ANAK MALIBAN KAY JESUS.

    Tanong:

    Noong pumunta si Jesus nang siya ay labindalawang taong gulang na, kasama ng Kanyang mga Magulang sa Jerusalem sa Pista ng Paskwa ay nasaan ang kanyang mga kapatid na sinasabi ninyong mga ibang anak ni Maria?

    "And His parents ent into Jerusalem year by year of the Feast of the Passover. And when He was twelve years old, they going up to Jerusalem according to the custom of the Feast."(Luke 2:41-42, The Interlinear Bible, Greek-English)

    Huwag ninyong sabihin na iniwanan ni Jose at Maria sa ibang mga tao o sa ibang bahay dahil maliit pa ang mga ito?

    Kung may iba pang mga anak si Maria maliban kay Jesus hindi pweding iiwanan niya ang mga ito sa ibang tao katulad ng ginagawa ng ibang ina sa kanilang mga anak. Sana kasama nila ang mga ito noong pumunta sila sa Jerusalem sa Pista ng Paskwa.

    Si Maria ay Mabuting ina kaya nga siya ang napili ng Diyos AMA na maging Ina ni Jesus dahil hindi siya pabaya.

    Ngayon kung may mga anak pang iba si maria saan niya iniwan ang mga ito noong pumunta sila ni Jesus sa Jerusalem noong Pista ng Paskwa?

    Kapag sinabi ninyo na iniwan niya lang ito sa kanyang mga kamag-anak o ibang tao ay lumalabas na hindi kinalinga ni Maria ang mga ito.

    Hindi ito ginagawa ng isang matapat na lingkod ng Diyos na katulad ni Maria.

    "Ang sinumang hindi kumakalinga sa kanyang mga kamag-anak, lalo na sa mga kabilang sa kanyang pamilya, ay tumatalikod sa pananampalataya, at mas masama pa kaysa sa isang di mananampalataya."
    (1 Timoteo 5:8)

    Kung Ang Anghel nga ay tumawag kay Maria na “Blessed” at Si Elisabet na napuspos ng Espiritu Santo, bakit itong mga tumutuligsa sa Katoliko ay walang respeto kay Maria.

Huwebes, Marso 28, 2013

ANO BA ANG IMPORTANSIYA NG HAPUNAN NG PANGINOON/KRISTIANONG KOMUNYON?


Ano ba ang importansiya ng Hapunan ng Panginoon/Kristiyanong Komunyon?




Tanong: "Ano ba ang importansiya ng Hapunan ng Panginoon/Kristiyanong Komunyon?"

Sagot: 
Ang pag-aaral sa Hapunan ng Panginoon ay isang kakaibang karanasan dahil sa lalim ng ibig sabihin nito. Ito’y sa selebrasyon ng Passover sa huling gabi bago ang Kanyang kamatayan noong isinagawa ni Hesus ang mahalagang hapunan na ginagawa at inaalala pa rin natin hanggang sa kasalukuyan, ito rin ang pinakamataas na ekspresyon ng ating Kristiyanong pagsamba. Ito ay ang pag-alala sa kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoon, at sa kanyang pagbabalik sa kaluwalhatian.

Ang Passover ay ang pinaka-sagradong piyesta sa taon ng mga Hudyo. Inaalala nito ang pinakahuling salot sa Ehipto na kung saan namatay ang lahat ng mga anak na panganay ng mga taga roon at hindi naman nasaktan ang mga Israelita dahil sa dugo ng kordero na ipinahid sa kanilang mga pinto. Pagkatapos ay inihaw ang naturang kordero at kinain kasama ang tinapay na walang pampa-alsa. Ang utos ng Diyos ay sa buong henerasyon at sa mga darating pa ang naturang pista ay dapat alalahanin. Ang naturang kuwento ay nakatala sa aklat ng Exodo 12.

Sa panahon ng selebrasyon, umawit si Hesus at ang Kanyang mga disipulo ng isa o mas marami pang Hallel Psalms (Awit 111 – 118). Kumuha si Hesus ng tinapay, nagpasalamat sa Diyos. Habang hinahati Niya ito at ibinigay sa Kanyang mga disipulo, sinabi Niya, “Kumuha kayo at Kumain; ito ay ang Aking katawan na ibinigay para sa inyo.” Sa ganoong paraan kinuha ni Hesus ang saro, at pagkatapos Niyang uminom ibinigay Niya ito sa Kanyang mga disipulo, at sila’y uminom. Sinabi ni Hesus, “Ang sarong ito ay ang bagong kasunduan sa Aking dugo; gawin ninyo sa tuwing umiinom kayo nito bilang pag-alala sa Akin.” Tinapos niya ang naturang selebrasyon sa pamamagitan ng pag-awit ng isang Himno at pumunta sila sa bundok ng Olibo. Sa naturang bundok ipinagkanulo ni Judas si Hesus, kagaya na ng inaasahan. Nang sumunod na araw ipinako na sa Krus si Hesus.

Ang mga tala tungkol sa Hapunan ng Panginoon ay matatagpuan sa mga Ebanghelyo ng Mateo 26: 26-29, Marcos 14:17-25, Lucas 22:7-22, at Juan 13:21-30. Sumulat si Apostol Pablo tungkol sa Hapunan ng Panginoon sa pamamagitan ng Banal na Pahayag sa aklat ng 1 Corinto 11:23-29. (ito ay dahil si Pablo ay wala doon sa kuwarto noong mangyari ito.) inilakip ni Pablo ang pahayag na hindi matatagpuan sa mga Ebanghelyo: “Kaya't ang sinumang kumain ng tinapay, o uminom sa saro ng Panginoon, na di nararapat, ay magkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon. Datapuwa't siyasatin ng tao ang kaniyang sarili, at saka kumain ng tinapay, at uminom sa saro. Sapagka't ang kumakain at umiinom, ay kumakain at umiinom ng hatol sa kaniyang sarili, kung hindi niya kinikilala ang katawan ng Panginoon.” (11:27-29). Maaring itanong natin ano ba ang ibig sabihin ng pakikibahagi sa pagkain ng tinapay at pag-inom sa saro ng Panginoon sa hindi karapat-dapat na paraan. Maaring ang ibig sabihin nito ay ang pagbalewala sa tunay na dahilan ng tinapay at ng saro ng Panginoon, ay makalimutan ang napakalaking kabayaran na binayaran ng ating Panginoon para sa ating kaligtasan. O hindi kaya maaring ang ibig sabihin nito ay hayaang maging patay ang seremonya o di kaya isang pormal na ritwal, o makikibahagi sa seremonya ng may mga kasalanang hindi pa inihingi ng tawad sa Diyos. Bilang pagsunod sa tagubilin ni Pablo, kinakailangang suriin ng bawat isa ang kanilang mga sarili bago makibahagi sa pagkain ng tinapay at pag-inom sa saro bilang pakikinig sa babala ni Pablo.

Ang isa pang pahayag na sinabi ni Pablo na hindi kasali sa mga Ebanghelyo ay ang “Sapagka't sa tuwing kanin ninyo ang tinapay na ito, at inuman ninyo ang saro, ay inihahayag ninyo ang pagkamatay ng Panginoon hanggang sa dumating siya.” (11:26). Ito ay naglalagay ng hangganan sa seremonya-hanggang sa pagbabalik ng ating Panginoon. Mula sa ganitong mga maiksing tala nalaman natin kung papaano ginamit ni Hesus ang dalawa sa pinakamahinang elemento bilang mga simbolo ng Kanyang katawan at dugo, at pinasimulan ito bilang monumento ng Kanyang kamatayan. Hindi ito monumento na inukit mula sa marmol o tanso, sa halip mula sa tinapay at inuming ubas.

Idineklara ni Hesus na ang tinapay ay nagrerepresenta ng Kanyang katawan na iaalay at paparusahan-wala mang nabasag o naputol na mga buto, subalit ang Kanyang katawan ay halos hindi na makilala dahil sa sobrang pahirap at parusa na natanggap (Awit 22:12-17, Isaias 53:4-7). Ang inuming ubas ay nagrerepresenta ng Kanyang dugo, nagpapahiwatig ng kahindik-hindik na kamatayan nakatakda Niyang maranasan. Siya, ang perpektong Anak ng Diyos, ang naging kasagutan sa mga hindi mabilang na mga propesiya mula sa Lumang Tipan tungkol sa Tagapagtubos ng mga kasalanan (Genesis 3:15, Awit 22, Isaias 53, etc.) Noong sinabi Niyang “Gawin niyo ito bilang pag-alala sa Akin,” ay nagpapahiwatig lamang na isa itong seremonya na dapat ipagpatuloy hanggang sa darating pang mga panahon. Nagpapakita rin ito na ang Passover na nangangailangan ng kamatayan ng isang tupa at umaaasa sa pagdating ng Kordero ng Diyos na siyang mag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan ay sa ngayon ay lipas na. ang bagong kasunduan ay nangyari na noong si Kristo ang Kordero (1 Corinto 5:7), ay isinakripisyo (Hebreo 8: 8-13). Ang sistemang sakripsyal ay hindi na kinakailangan (Hebreo 9: 25-28).

Biyernes, Pebrero 08, 2013

POPE BENEDICT IX

Papa Benedicto IX

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Benedict IX
Nagsimula ang pagka-PapaOctober 1032 (first term)
Nagtapos ang pagka-PapaJuly 1048 (third term)
HinalinhanJohn XIX
Sylvester III
Clement II
KahaliliSylvester III
Gregory VI
Damasus II
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanTheophylactus of Tusculum
Kapanganakanc. 1012
Rome, Papal States, Holy Roman Empire
Kamatayanc. December 1055/January 1056 (age 43)
Grottaferrata, Papal States,Holy Roman Empire
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Benedict
Mga estilo ni
Pope Benedict IX
Emblem of the Papacy SE.svg
Estilo ng pagtukoyHis Holiness
Estilong pasalitaYour Holiness
Estilong pangrelihiyonHoly Father
Estilo kapag patay nanone
Si Papa Benedicto IX (c. 1012 – c. 1056) na ipinanganak sa Roma bilangTheophylactus of Tusculum ang papa ng Simbahang Katoliko Romano sa tatlong mga okasyon sa pagitan ng 1032 at 1048.[1] Siya ang isa sa pinakabatang mga papa ng Simbahang Katoliko Romano at ang tanging naging papa sa higit sa isang okasyon at ang tanging papa na kailanman ay nagbenta ng kapapahan. Siya ang anak ni Alberic III naKonde ng Tusculum at pamangkin ni Papa Benedicto VIII at Papa Juan XIX. Kinamit ng kanyang ama ang upuan ng papa para sa kanya na ipinagkaloob sa kanya noong Oktubre 1032. Ayon sa ilang mga sanggunian, si Benedicto IX ay mga 18 o 20 taong gulang nang gawing papa bagaman ang ilang mga sanggunian ay nag-aangkin na siya ay 11 o 12 taong gulang nang gawing papa.[2] Siya ay iniulat na namuhay ng labis na imoral na buhay at may kaunting mga kwalipikasyon para sa kapapahan maliban sa mga koneksiyon sa kanyang makapangyarihan sa lipunang pamilya. Siy aay inilarawan in Pietro Damiani na "nagpipista sa imoralidad". Ang historyan na si Ferdinand Gregorovius ay naglarawan sa kanyang "isang demonyo mula sa imperyno sa pagbabalat kayo ng isang pari...na lumuklok sa upuan ni Pedro at nilapastangan ang mga sagradong misteryo ng relihiyo sa pamamagitan ng kanyang mga walang galang na mga kurso." Siya ay tinawag ng enskiklopedyang katoliko na "isang kahihiyan sa Upuan ni Pedro". Siya ang unang papa na sinasabing pangunahing homoseksuwal[3] at sinasabing nagsagawa ng mga orgiya sapalasyong Laterano. Siya rin ay inakusahan ng Obispong Benno ng Piacenza ng "maraming mga karima-rimarim na mga pangangalunya at mga pagpatay".[4] Tinukoy niPapa Victor III sa kanyang aklat tungkol kay Benedict IX ang "kanyang mgapanggagahasa, pagpatay at ibang mga hindi masasalitang mga gawa. Ang kanyang buhay bilang isang papa ay labis na karima-rimarin, napakasama na ako ay nanginginig na maisip ito."[5]
Siya ay sa maikling panahong pinatalsik sa Roma noong 1036 ngunit bumalik sa tulong niConrad II, Banal na Emperador Romano. Noong Setyembre 1044, ang oposisyon ay pumwersa sa kanyagn patalsikin sa siyudad at inihalal si Juan na obispo ng Sabina bilangPapa Sylvester III. Ang mga pwersa ni Benedicto IX ay bumalik noong Abril 1045 at pinatalsik ang kanyang katunggali na gayunpaman ay nag-angkin sa kapapahan sa maraming mga taon. Noong Mayo 1045, si Benedicto IX ay nagbitiw sa opisina ng kapapahan upang ipursigi ang pagpapakasal, pagbebenta ng opisina ng papa sa kanyang ninong na si Juan Gratian na nagpangalan sa kanyang sariling Papa Gregoryo VI. Sa sandaling pagkatapos nito ay nagsisi si Benedicto IX sa kanyang pagbibitiw sa pagkapapa at bumalik sa Roma at kinuha ang siyudad na nanatili sa trono ng papa hanggang Hulyo 1046 bagaman si Gregoryo VI ay patuloy na kinilala bilang tunay na papa. Sa panahong ito, muling inihayag rni ni Papa Sylvester III ang kanyang pag-aangkin sa trono ng papa. Ang haring Aleman na si Henry III, Banal na Emperador Romano ay namagitan at sa Konseho ng Sutrinoong Disyembre 1046, sina Benedicto IX at Sylvester III ay idineklarang pinatalsik sa trono ng papa samantalang si Gregoryo VI ay hinikayat na magbitiw na kanyang ginawa. Ang Obispong Aleman na si Suidger ay kinoronahang Papa Clemente II. Gayunpaman, si Benedicto IX ay hindi dumalo sa konsehong ito at hindi tinanggap ang pagpapatalsik sa kanya sa pagkapapa. Nang mamatay si Clemente II noong Oktubre 1047, sinunggaban ni Benedicto IX ang Palasyong Laterano noong Nobyembre ngunit pinatalsik ng mga hukbong Aleman noong Hulyo 1048. Upang punan ang kawalan ng kapangyarihan, si Obispo Poppo ng Brixen ay inihalal bilang Papa Damaso II at pangkalahatang kinilala bilang gayon. Tumanggi si Benedicto IX na humarap sa mga kaso ng simonya o pagbebenta ng pagkapapa noogn 1048 at itiniwalag. Ang kalaunang kapalaran ni Benedicto IX ay hindi alam ngunit maaring iniangat ni Papa Leo IX ang pagbabawal sa kanya. Si Benedicto IX ay inilibg sa Abbey ngGrottaferrata c. 1056. Si Benedicto IX ay karaniwang kinikilala bilang mayroong tatlong mga termino bilang papa:

Abangan ang kasagutan sa Paglilinaw sa Paniniwalang Katoliko blogspot.com

BAKIT ANG MGA PARI HINDI MAG-AASAWA CELIBACY

HINDI PAGAASAWA NG KAPARIAN AT MADRE (CELIBACY) *** BATIKOS NG INC AT IBANG SEKTA.. PINAGBABAWALAN DAW NATIN ANG MGA TAO NA MAG ...